เข้าสู่ระบบ
Chapter 1
MIKAELA’S POV “Nandito na po ang lahat ng kailangan ninyong pirmahan, Ma’am,” sabi sa aking ng abogado, habang nilalapag sa harapan ko ang mga dokumentong kailangan para sa divorce namin ni Oliver. Ang lalaking akala ko makakasama ko habang buhay. Pumikit ako para pakalmahin ang sarili ko. Nasa law office kami at inaasikaso ang lahat ng papeles para sa pagdidiborsiyo. Sa kabilang dulo ng upuan, nakaupo si Oliver. Busy sa kanyang cellphone at hindi siya tumitingin sa akin. “Ang bahay, ang iba pang mga ari-arian at ang laman po ng mga account niyo, ililipat po sa pangalan ni…” Hindi ko na pinakinggan pa ang sasabihin niya. Tinaas ko ang aking mga kamay bilang hudyat na wag na siya magsalita. Kinuha ko ang ballpen na nasa tabi ng mga papeles. Mabigat ang mga kamay ko habang sinusulat ang pangalan ko at pirma sa divorce paper. Hindi parin ako makapaniwala na sa loob ng dalawang taon, ganoon na lang niya kung itapon ang mga ala-ala ng pinagsamahan namin. Ang dahilan niya—para akong yelo sa lamig, boring sa kama. “Mika,” mahina niyang tawag sa akin, sa wakas nag-angat na din siya ng tingin. “Tapos ka na bang pumirma? Huwag mo na sana gawing mas mahirap pa’to.” Muntik na akong matawa sa sinabi niya. Nanginginig ang mga daliri ko habang hawak ang bolpen. “Ako pa pala ang nagpapahirap sa sitwasyon natin. Talaga ba, Oliver? Alam mo kung bakit ako nahihirapan diba? Ang lahat ng pinaghirapan natin, wala ka man lang itinira para sa akin.” Nakasalubong ang mga kilay niya sa inis. “Ayan ka na naman, puro ka na lang pag-dra-drama.” Umismid ako, napatayo ako sa kinauupuan ko. “Ano ba talaga meron ang kabit mo na wala ako, Oliver? Sabihin mo nga! Ikaw ang nagloko, pero nasa panig mo ang batas!” “Pagod na ako makinig sa’yo, Mikaela.” sabi niya, mababa at paos na para bang tinatamad ng makita ako. Tumayo siya, sandaling nagtagpo ang mga mata namin. “Hindi na natin maibabalik ang nakaraan. Mas mabuti ng tapusin na agad natin ang lahat.” Tumango ako, tama siya. There’s no turning back. Ang dalawang taon na akala ko puno pagmamahalan, ay hanggang dito na lang. Binalik ko ang tingin sa mga papel. Binuklat ko ang pinakahuling papel, at pumirma. Matapos kong isara ang bolpen, kinuha ko ang bag ko at tumalikod. Sa labas ng opisina ng abogado namin, naghihintay ang isang magandang babae, makinis ang kanyang mga balat. Isang nang-uuyam na ngiti ang nakapaskil sa kanyang mga labi. Hindi siya nagsasalita pero sapat na ang nakataas niyang kilay para kutyain ako. Ang maamo nitong mukha kapag kaharap si Oliver, ngayon parang isang demonyita sa harapan ko. Nilagpasan ko siya, hinila ko ang maleta ko palabas ng building. Habang naghihintay sa grab na binook ko, napatingin ako sa isang kabataan may hawak ng isang libro, nakasulat doon ang pen name ko, ‘Amara Vale’ na may pamagat na ‘The Reluctant Mistress’ isa iyon sa mga sikat na ginawa ko, few months ago. Doon ko binuhos ang lahat ng hinanakit ko ng malaman kong may kabit si Oliver. Nag-vibrate ang cellphone ko sa bulsa kaya kinuha ko. Si Lola, tumatawag. “Apo?” mahina niyang tawag sa akin. “Nasaan ka na? Nagluluto ako ng paborito mong sinigang. Mag-ingat ka sa biyahe.” Huminga ako ng malalim, ayokong marinig niya ang lungkot sa mga boses ko. “Opo, Lola.” Tumingin ako sa paparating na kotse, pumarada ito sa harapan ko. Nagtanong ang driver kung ano ang pangalan ko. Nang makumpirma ako ang nag-book. Pumasok na ako sa loob. Habang kausap parin si Lola. Habang nasa biyahe, napahinto ako sa pagsasalita ng makita ang isang malaking truck na gume-gewang-gewang at pasal-pok sa kotseng sinasakyan ko. Isang nakakasilaw na puting liwanag ang nakikita ko, halos ipikit ko ang aking mga mata. Naririnig ko pa ang tawag ni Lola sa pangalan ko sa kabilang linya. “Mikaela! Apo! Ano nangyayari?” Hindi ko na nagawang sumagot, nahulog na sa sahig ang hawak kong cellphone. Pagkatapos, wala na akong makita kung hindi puro dilim. Tuluyan na akong kinain ng kadiliman. — “Ma’am, gising ka na po ba?” tanong sa akin ng isang babaeng naka-uniporme. Napahawak ako sa ulo ko at tumingin sa paligid. Mayroon isang chandelier sa gitna ng kwarto. Napabangon ako ng mapagtantong wala ako sa ospital. Nasa isang malaking kwarto ako, sa dulo ng kama mayroon isang walk-in closet. Teka! Nasaan ako? Hindi kaya, nanaginip ako? O di kaya ganito ang itsura kapag nasa after life ka na? “Ma’am Camilla?” Iwinagayway niya ang kanyang kamay sa harapan ko. Camilla? “Kanina ka pa po hinihintay ni sir sa labas. Di ba po may dinner date kayo ngayong gabi?” Saglit akong natigilan, “S-sinong Sir?” Nagtaka ang katulong na nasa harapan ko, pero tipid siyang ngumiti sa akin. “Si sir Kael po ma’am, Kael Sinclair. Ang kasalukuyang boyfriend niyo po.” “What?!” Parang may kung anong bumatok sa ulo ko ng marinig ang pangalan ‘Kael Sinclair’, hindi ko pwedeng basta na lang makalimutan ang pangalan na ‘yon. Dahil kapangalan niya ang male lead sa nobela kong ‘The reluctant mistress’. “Teka nga,” mahina kong bulong. “Ano nga ulit ang pangalan ko?” “Huh?” lalong nagtaka ang katulong sa inaasta ko. Pero kahit naguguluhan siya, sinagot pa rin niya ako. “Camilla po, Camilla Sterling.” Hindi ako makapaniwala, panaginip lang ba talaga ito? Ako si Camilla Sterling, ang kabit sa sinusulat kong libro! Ang babaeng sisira sa buhay mag-asawa nila Kael Sinclair at Selestina Miller, Jusko! Nagmamadali akong tumayo at lumapit sa malaking salamin na nasa harapan ko. Hinawakan ko ang mukha ko, napakakinis ng aking balat, mayroon akong kulay ombre na mahabang buhok na wavy sa dulo. Bagay na bagay sa maliit kong mukha. Ito ang, nilagay kong pagsasalarawan sa kabit na si Camilla sa ‘The reluctant mistress’. Dahan-dahan akong napangiti, nasa loob ako ng aklat na sinulat ko kung saan ang kontrabida ay ako mismo. Iniisip ko noon, ano nga ba ang pakiramdam ng isang kabit, na sa kabila ng may asawa na pinipilit pa rin ang sarili. Hindi ko alam kung paano ako napadpad sa librong ako mismo ang sumulat. Kung nananaginip lang ako o nasa after life ‘man ako, bakit hindi ko subukan maging mang-aagaw? Hindi naman siguro ako paparusahan agad ni Lord. “Ma’am, okay lang po ba kayo?” nag-aalala na tanong ng katulong. Humarap ako sa kanya ng naka-ngiti. “Sabihin mo kay Kael, bababa na ako.” Tumango ang katulong at iniwan na akong mag-isa sa kwarto. Matapos kong magayos, bumaba na ako. Habang nasa hagdan ako, pababa. Naghihintay ang isang lalaking nakatalikod, nakasuot ng itim na suit, may hawak siyang bouquet ng pulang mga rosas. Matangkad, mayroong matangos na ilong, isang perpektong lalaki sa aking paningin. Pag-harap niya, gustong manghina ng mga tuhod ko. Dahil ang perpektong lalaking nasa harapan ko ay kahawig ng dati kong asawa na nasa realidad na si Oliver. Pero alam kong hindi siya. Siya si Kael Sinclair, ang kathang isip na nilikha ko mula sa aking ex. “Camilla,” malambing niyang bati sa akin. Pagkababa ko, sasagot sana ako pero lumapit siya sa akin, inabot ang bouquet, at hinapit ang baywang ko para siilan ako ng halik sa labi. Noong una, nagulat ako sa bilis ng ginawa niya. Pero agad ko din, tinugon ang sabik na sabik na halik niya. Pinulupot ko ang aking mga kamay sa batok niya. Aaminin ko, sobra kong namiss ang ganitong set-up namin noon ni Oliver. “I miss you, Hon.” nakangiti paring sabi ni Kael, pagbitaw niya sa labi ko. Palihim akong napalunok, ngumiti lang ako sa kanya. Ayon sa orihinal kong isinulat, ngayong gabi malalaman ni Selestina ang tungkol sa relasyon nila ni Kael sa restawran. Tama lang pala ang suot kong pulang damit, isang nakakaakit na bestida na kahit sinong lalaki mapapatingin sa akin. “Let’s go?” inilahad niya sa akin ang kanyang kamay. Nakangiti kong inabot at sabay kaming lumabas ng mansion para pumunta sa napili namin lugar para mag-dinner date. Pagdating namin sa restawran kung saan ni-reserve ni Kael ang buong floor sa pinakamataas na building. Mula sa taas, natatanaw ang magandang kalangitan na kahit madilim, makikita ang mga bituing nagkikislapan. Habang ang mga staff, waiter ay nakahilera sa gilid naghihintay ng utos mula sa amin. May isang lamesa na mayroong kandila sa gitna, mga masasarap na pagkain at isang bouquet. Hinila ni Kael ang silya na para sa akin. Tumingin ako sa kanya, kamukhang-kamukha niya talaga si Oliver, siguro kung hindi lang sa maliit na nunal sa may gilid ng sintido niya, iisipin kong kasama ko parin ang lalaking minahal ko ng halos dalawang taon. Habang kumakain kami, nararamdaman ko kung gaano siya kalambing sa akin. So this is how it feels to be a mistress. Ganito din ba ang nararamdaman ng kabit ni Oliver sa tuwing nagkikita sila? Isang natatanging special na pakiramdam na hindi ko nararamdaman sa piling niya. Tumingin ako sa labas ng restawran, ang maliwanag na kapaligiran ng city. Nakaramdam ako ng kaginhawaan, Pero habang kausap si Kael, alam kong ilang oras na lang darating na si Selestina. Palihim akong napangiti, isang nakakakilabot na ngiti.Chapter 5MIKAELA’S POV“Who are you?” tanong ko, mariin ang aking boses. “Paano mo nalaman ang tungkol sa relasyon namin ni Kael?” Bumuntong-hininga ang nasa kabilang linya. “Huwag sa cellphone. Tomorrow, morning. Let’s meet hija, sa cafe liwayway, sa may dulo ng Calle Rosario. Huwag ka na magsama ng kahit na sino, maski driver mo.” “Bakit naman kita susundin?” naiinis kong sabi.“Dahil lahat ng nakapaligid sayo, binabayaran ni Kael Sinclair!” Nagulat ako, kailan pa nagkaroon ng kakayahan si Kael na maging amo sa mga tauhan ng pamilya namin? “If you want to know everything. Just do as I say.” bago pa ako makasagot sa kanya, pinatayan na niya ako ng tawag. Binulsa ko ang hawak kong cellphone. Lumapit ako sa may bintana, hindi ako makapaniwala sa mga nangyayari. Kahapon bago ako natulog, tumutugma ang lahat ng eksena sa nobelang isinulat ko, pero bakit parang ngayon, nagiiba at hindi na ako ang kumokontrol? Bumalik ako sa lamesa at inayos ang pagkasara ng lahat ng drawer. Matapo
Chapter 4MIKAELA’S POVHindi ako nakatulog sa biyahe pauwi, kahit nakasandal ang ulo ko sa balikat ni kael sa loob ng kotse. Nakapikit lang ako, habang iniisip ang mga susunod na eksena dapat sa nobelang isinulat ko. Sa chapter 5, dapat magtatampo ako dahil hindi pa nagfa-file ng divorce si Kael. tapos sa chapter 7, doon pa lang magsisimula ang tunay na gulo sa mga buhay namin. Pero bakit parang nagmamadali ang lahat? Bakit mabilis ang plot ng kwento at hindi sumusunod sa orihinal?“Hon, we’re here.”Idinilat ko ang aking mga mata. Nasa harap na kami ng mansion. Nakatingin ako sa malaking gate na kulay itim, makikita mula sa labas ang malaking fountain na nasa gitna ng garden. Sa libro, maliit lang ang pagpapakilala ko sa bahay ni Camilla, pero ngayon habang pinagmamasdan ko ito, mas malaki pa ang bahay na ito kesa sa tinitirhan ko sa totoo kong mundo. “Ihahatid na kita sa loob,” sabi ni Kael sa akin na akmang papasok sa loob kasabay ko. “Huwag na, Hon.” ngumiti ako at hinawakan an
Chapter 3MIKAELA’S POVMatapos ang nangyari sa Vip room sa restawran, nagyaya ng umalis si Kael. Hindi na ako nagtanong pa kung saan kami pupunta dahil alam ko na ang susunod na mangyayari bilang writer ng kwentong ito. Gagampanan ko muna ang pagiging kabit ni Kael, kahit alam kong masasaktan si Selestina. Susulitin ko muna na mahal niya pa ako, may parte ng pagkatao ko ang nakukunsensya dahil alam kong mali ito. Pero mas nangingibabaw ang pagnanais ko na maranasan muli ang mahalin. Pumasok kami sa isang sikat at mamahaling hotel. Habang nasa elevator, hindi inaalis ni Kael ang kamay sa baywang ko habang nilalaro ang dulo ng tela ng bestida ko. Bumibilis ang tibok ng puso ko, hindi na ako inosente sa ganitong eksena. Alam kong matapos ibigay ni Kael ang mamahaling singsing, katawan ko naman ang gusto niyang kapalit.Nang bumukas ang pinto ng penthouse, mula sa mahinang ilaw ng mga kandilang nakakalat, nakikita ko ang mga nakakalat na talulot ng rosas sa sahig, maging sa kama. Mayro
Chapter 2MIKAELA’S POVHindi ako nagmamadali sa pagsubo ng kinakain ko. Kinuha ko ang wine glass na nasa harapan ko at tinikman ang laman nitong alak. Habang hinahayaan ko si Kael na nagkukuwento tungkol sa kung anu-anong tungkol sa negosyo. Pero sa loob-loob ko, wala akong balak pakinggan siya. Dahil bawat salitang sasabihin niya alam ko na dahil ‘yon mismo ang sinulat ko.Nasa kalagitnaan kami ng pagkain ng dessert ng magsalita siya.“Camilla.”Nag-angat ako ng tingin, seryoso ang mukha niya habang nakatingin sa akin. Lumapit siya sa akin at lumuhod sa harapan ko. Mula sa bulsa niya nilabas niya ang isang maliit na itim na kahon. Binuksan niya, sa ilalim ng mga chandelier, kumislap sa harapan ko ang isang singsing na mayroong diyamante. Hinawakan niya ang kamay ko, gusto ng isuot sa daliri ko ang singsing.“Hon, I know this isn't the right time yet, but this is my promise ring, pinapangako ko na hindi tayo habang-buhay magtatago—”Alam ko na ang kasunod na tagpong ito, sumilip ang
Chapter 1MIKAELA’S POV“Nandito na po ang lahat ng kailangan ninyong pirmahan, Ma’am,” sabi sa aking ng abogado, habang nilalapag sa harapan ko ang mga dokumentong kailangan para sa divorce namin ni Oliver. Ang lalaking akala ko makakasama ko habang buhay. Pumikit ako para pakalmahin ang sarili ko. Nasa law office kami at inaasikaso ang lahat ng papeles para sa pagdidiborsiyo. Sa kabilang dulo ng upuan, nakaupo si Oliver. Busy sa kanyang cellphone at hindi siya tumitingin sa akin. “Ang bahay, ang iba pang mga ari-arian at ang laman po ng mga account niyo, ililipat po sa pangalan ni…”Hindi ko na pinakinggan pa ang sasabihin niya. Tinaas ko ang aking mga kamay bilang hudyat na wag na siya magsalita. Kinuha ko ang ballpen na nasa tabi ng mga papeles. Mabigat ang mga kamay ko habang sinusulat ang pangalan ko at pirma sa divorce paper. Hindi parin ako makapaniwala na sa loob ng dalawang taon, ganoon na lang niya kung itapon ang mga ala-ala ng pinagsamahan namin. Ang dahilan niya—para







