เข้าสู่ระบบChapter 4
MIKAELA’S POV Hindi ako nakatulog sa biyahe pauwi, kahit nakasandal ang ulo ko sa balikat ni kael sa loob ng kotse. Nakapikit lang ako, habang iniisip ang mga susunod na eksena dapat sa nobelang isinulat ko. Sa chapter 5, dapat magtatampo ako dahil hindi pa nagfa-file ng divorce si Kael. tapos sa chapter 7, doon pa lang magsisimula ang tunay na gulo sa mga buhay namin. Pero bakit parang nagmamadali ang lahat? Bakit mabilis ang plot ng kwento at hindi sumusunod sa orihinal? “Hon, we’re here.” Idinilat ko ang aking mga mata. Nasa harap na kami ng mansion. Nakatingin ako sa malaking gate na kulay itim, makikita mula sa labas ang malaking fountain na nasa gitna ng garden. Sa libro, maliit lang ang pagpapakilala ko sa bahay ni Camilla, pero ngayon habang pinagmamasdan ko ito, mas malaki pa ang bahay na ito kesa sa tinitirhan ko sa totoo kong mundo. “Ihahatid na kita sa loob,” sabi ni Kael sa akin na akmang papasok sa loob kasabay ko. “Huwag na, Hon.” ngumiti ako at hinawakan ang kwelyo ng polo niya. Inayos ko, kahit hindi naman nagusot. “Baka may makakita sayo, mapag-tsismisan pa tayo. Saka, hindi pa tapos ang divorce mo, ‘diba?” Saglit siyang natigilan, may kung anong emosyon ang dumaan sa mga mata niya na hindi ko mabasa, at hindi ’yon kasama sa sinulat ko. “Tama ka, Hon,” nakangiti niyang sabi. Hinalikan niya ako sa noo, “Mauna na ako, tatawagan na lang kita mamaya. Kumain ka muna, bago magpahinga. Saka nga pala, Hon. Pag-isipan mo ang alok ko sayo, tungkol sa Sterling Group, ha.” Plastic akong ngumiti sa kanya. “Pag-iisipan ko, Hon. Ingat ka sa biyahe,” Hinintay kong makalayo ang kotse niya bago ako pumasok. Pagkawala ng sasakyan niya napa-irap ako, nawala ang ngiti sa mga labi ko. Sterling Group, Tsk! Ayoko sana pag-isipan siya ng masama, pero dalawang beses niyang binanggit ang tungkol sa kumpanya ni Papa. Alam ko kung ano ang ibig niyang sabihin. Mayroon siyang malalim na interes, at wala dapat iyon sa nobelang ito. “Ma’am Camilla!” Sinalubong ako ng katulong ko. Makikita sa suot niya ng uniporme ang maliit na pangalan na ‘Lita’. Mukha na siyang nasa sinkwenta, nag-aalala ang kanyang mukha habang nakatingin sa akin. “Ma’am, hindi po kayo umuwi kagabi. Tumawag po si Sir Armando, hindi ko po alam ang sasabihin.” “Okay lang, Manang.” Napatingin ako sa paligid. Nagataka kung sinong Armando ang tinutukoy niya. “Nasaan nga pala si Papa?” Kumunot ang noo ni Manang. “Ma’am, nasa zurich po si sir Armando. Nakalimutan niyo po ba? Hindi ba nag-usap pa kayo nakaraan, sabi niya katapusan pa ang balik niya.” Zurich, sa Switzerland? Ah, oo nga pala, naalala ko na, nasa ibang bansa nga pala ang papa ng orihinal na si Camilla. Pero sa pagkakaalam ko, wala akong ibinigay na pangalan para sa tatay niya. Napakamot ako sa batok ko. “Ah, oo nga pala. Nakalimutan ko lang, Manang.” “Siya nga po pala, Ma’am. Bumisita po pala kanina si Mr. Villarreal, ‘yong isa po sa mga board member ng kumpanya niyo. Pero saglit lang siya ng malaman niyang wala kayo.” Saglit akong napahinto sa paglalakad, muli kong tiningnan si Manang. Kunot ang noo ko. “Sino nga ulit?” “Si Mr. Villareal po, Ma’am. Nag-iwan siya ng calling card.” Inabot niya sa akin ang isang maliit na puting card, Tiningnan ko iyon, sa likod ng company calling card nakasulat ang ilang word na parang mensahe para sa akin. Huwag mong sasabihin kay Mr. Sinclair na gusto kitang makausap. May malamig na hangin na dumapo sa batok ko. Habang binabasa ang sulat na nasa likod ng papel. “Manang, Alam ba ni Kael na pumunta si Mr. Villareal?” mahina kong tanong. “Hindi po ma’am.” nag-aalangan siya tumingin sa akin na para bang may gustong sabihin. “Sa totoo lang po ma’am. May napapansin po ako kay Sir Kael. Sabi kasi niya nakaraan may kukunin lang siyang gamit sa study room ni Sir Armando, medyo matagal po siya doon.” “Ganoon po ba Manang,” pinilit kong gawin kalmado ang boses ko. Pero mayroon gumugulo sa isipan ko. Sa original na plot ng kwento, hindi pumasok si Kael sa study room. Ano nangyayari? Ipinagpatuloy ko ang paglalakad papunta sa study room. Pagdating ko, pinihit ko ang doorknob. Madilim ang paligid, pero hindi amoy antigo. Mayroon malaking lamesa sa gitna, lumapit ako. Saka ako tumingala, nakita ko sa taas ng fireplace ang isang family photo. Sa larawan, nakatayo ako sa likod ng upuan habang nakahawak sa balikat ng isang matandang lalaki, mababakas sa kanyang mukha ang pagiging matipuno at matikas noong kabataan niya. Iniisip ko kung ito ba si Armando Sterling, ang character na hindi ko naman nilikha sa nobelang sinulat ko. Lumapit ako ng malapit, ngayon lubusan kong nakikita ang mukha ng matandang lalaki. Nagtataka ako kung bakit kahawig niya si Lolo sa mundo kung saan ako galing. Dala ng curiosity, pumunta ako sa drawer. Sa pangatlong drawer, may nakita akong folder. Isang itim at makapal na walang nakalagay na label. Binuklat ko ‘yon. Ito ang papeles ng Sterling Group, nakalista lahat ng mga ari-arian, pangalan ng shareholder at mga titulo ng lupa. Sa ibaba, makikita ang marka ng mga lapis sa gilid. “Hmm… Ano ginagawa mo, Kael sa loob ng study room ni papa?” bulong ko sa sarili, bilang isang author, alam kong meron ibang agenda si Kael. Pero hindi eh, meron talagang mali. Isang buong gabi ko ginawa ang the reluctant mistress. At ang nangyayari ngayon ay wala talaga sa plot ng kwento. Pati nga ang pagpasok ni Mr. Villarreal sa eksena, wala nga dapat. Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa, dinial ko ang numero ni Mr. Villareal. Ilang segundo lang sumagot na sa siya sa akin. “Hello?” mahina ang boses ng matandang lalaki. “Mr. Villareal, I’m Camilla Sterling. May kailangan ka daw sa akin?” “Camilla Sterling?” narinig ko ang mabigat niyang paghinga. “Consider this a warning about Kael Sinclair, and about you being his mistress.” Tumaas ang kilay ko ng marinig ang sinabi niya, teka sino ba ang matandang ito? Paano niya nalaman na kabit ako ni Kael, gayong iilan lang nakakaalam ng tungkol sa bagay na ‘yon? Naguguluhan na talaga ako sa sitwasyon ko ngayon. Parang may sariling isip ang mga karakter sa nobelang ako dapat ang nasusunod.Chapter 5MIKAELA’S POV“Who are you?” tanong ko, mariin ang aking boses. “Paano mo nalaman ang tungkol sa relasyon namin ni Kael?” Bumuntong-hininga ang nasa kabilang linya. “Huwag sa cellphone. Tomorrow, morning. Let’s meet hija, sa cafe liwayway, sa may dulo ng Calle Rosario. Huwag ka na magsama ng kahit na sino, maski driver mo.” “Bakit naman kita susundin?” naiinis kong sabi.“Dahil lahat ng nakapaligid sayo, binabayaran ni Kael Sinclair!” Nagulat ako, kailan pa nagkaroon ng kakayahan si Kael na maging amo sa mga tauhan ng pamilya namin? “If you want to know everything. Just do as I say.” bago pa ako makasagot sa kanya, pinatayan na niya ako ng tawag. Binulsa ko ang hawak kong cellphone. Lumapit ako sa may bintana, hindi ako makapaniwala sa mga nangyayari. Kahapon bago ako natulog, tumutugma ang lahat ng eksena sa nobelang isinulat ko, pero bakit parang ngayon, nagiiba at hindi na ako ang kumokontrol? Bumalik ako sa lamesa at inayos ang pagkasara ng lahat ng drawer. Matapo
Chapter 4MIKAELA’S POVHindi ako nakatulog sa biyahe pauwi, kahit nakasandal ang ulo ko sa balikat ni kael sa loob ng kotse. Nakapikit lang ako, habang iniisip ang mga susunod na eksena dapat sa nobelang isinulat ko. Sa chapter 5, dapat magtatampo ako dahil hindi pa nagfa-file ng divorce si Kael. tapos sa chapter 7, doon pa lang magsisimula ang tunay na gulo sa mga buhay namin. Pero bakit parang nagmamadali ang lahat? Bakit mabilis ang plot ng kwento at hindi sumusunod sa orihinal?“Hon, we’re here.”Idinilat ko ang aking mga mata. Nasa harap na kami ng mansion. Nakatingin ako sa malaking gate na kulay itim, makikita mula sa labas ang malaking fountain na nasa gitna ng garden. Sa libro, maliit lang ang pagpapakilala ko sa bahay ni Camilla, pero ngayon habang pinagmamasdan ko ito, mas malaki pa ang bahay na ito kesa sa tinitirhan ko sa totoo kong mundo. “Ihahatid na kita sa loob,” sabi ni Kael sa akin na akmang papasok sa loob kasabay ko. “Huwag na, Hon.” ngumiti ako at hinawakan an
Chapter 3MIKAELA’S POVMatapos ang nangyari sa Vip room sa restawran, nagyaya ng umalis si Kael. Hindi na ako nagtanong pa kung saan kami pupunta dahil alam ko na ang susunod na mangyayari bilang writer ng kwentong ito. Gagampanan ko muna ang pagiging kabit ni Kael, kahit alam kong masasaktan si Selestina. Susulitin ko muna na mahal niya pa ako, may parte ng pagkatao ko ang nakukunsensya dahil alam kong mali ito. Pero mas nangingibabaw ang pagnanais ko na maranasan muli ang mahalin. Pumasok kami sa isang sikat at mamahaling hotel. Habang nasa elevator, hindi inaalis ni Kael ang kamay sa baywang ko habang nilalaro ang dulo ng tela ng bestida ko. Bumibilis ang tibok ng puso ko, hindi na ako inosente sa ganitong eksena. Alam kong matapos ibigay ni Kael ang mamahaling singsing, katawan ko naman ang gusto niyang kapalit.Nang bumukas ang pinto ng penthouse, mula sa mahinang ilaw ng mga kandilang nakakalat, nakikita ko ang mga nakakalat na talulot ng rosas sa sahig, maging sa kama. Mayro
Chapter 2MIKAELA’S POVHindi ako nagmamadali sa pagsubo ng kinakain ko. Kinuha ko ang wine glass na nasa harapan ko at tinikman ang laman nitong alak. Habang hinahayaan ko si Kael na nagkukuwento tungkol sa kung anu-anong tungkol sa negosyo. Pero sa loob-loob ko, wala akong balak pakinggan siya. Dahil bawat salitang sasabihin niya alam ko na dahil ‘yon mismo ang sinulat ko.Nasa kalagitnaan kami ng pagkain ng dessert ng magsalita siya.“Camilla.”Nag-angat ako ng tingin, seryoso ang mukha niya habang nakatingin sa akin. Lumapit siya sa akin at lumuhod sa harapan ko. Mula sa bulsa niya nilabas niya ang isang maliit na itim na kahon. Binuksan niya, sa ilalim ng mga chandelier, kumislap sa harapan ko ang isang singsing na mayroong diyamante. Hinawakan niya ang kamay ko, gusto ng isuot sa daliri ko ang singsing.“Hon, I know this isn't the right time yet, but this is my promise ring, pinapangako ko na hindi tayo habang-buhay magtatago—”Alam ko na ang kasunod na tagpong ito, sumilip ang
Chapter 1MIKAELA’S POV“Nandito na po ang lahat ng kailangan ninyong pirmahan, Ma’am,” sabi sa aking ng abogado, habang nilalapag sa harapan ko ang mga dokumentong kailangan para sa divorce namin ni Oliver. Ang lalaking akala ko makakasama ko habang buhay. Pumikit ako para pakalmahin ang sarili ko. Nasa law office kami at inaasikaso ang lahat ng papeles para sa pagdidiborsiyo. Sa kabilang dulo ng upuan, nakaupo si Oliver. Busy sa kanyang cellphone at hindi siya tumitingin sa akin. “Ang bahay, ang iba pang mga ari-arian at ang laman po ng mga account niyo, ililipat po sa pangalan ni…”Hindi ko na pinakinggan pa ang sasabihin niya. Tinaas ko ang aking mga kamay bilang hudyat na wag na siya magsalita. Kinuha ko ang ballpen na nasa tabi ng mga papeles. Mabigat ang mga kamay ko habang sinusulat ang pangalan ko at pirma sa divorce paper. Hindi parin ako makapaniwala na sa loob ng dalawang taon, ganoon na lang niya kung itapon ang mga ala-ala ng pinagsamahan namin. Ang dahilan niya—para







