เข้าสู่ระบบChapter 5
MIKAELA’S POV “Who are you?” tanong ko, mariin ang aking boses. “Paano mo nalaman ang tungkol sa relasyon namin ni Kael?” Bumuntong-hininga ang nasa kabilang linya. “Huwag sa cellphone. Tomorrow, morning. Let’s meet hija, sa cafe liwayway, sa may dulo ng Calle Rosario. Huwag ka na magsama ng kahit na sino, maski driver mo.” “Bakit naman kita susundin?” naiinis kong sabi. “Dahil lahat ng nakapaligid sayo, binabayaran ni Kael Sinclair!” Nagulat ako, kailan pa nagkaroon ng kakayahan si Kael na maging amo sa mga tauhan ng pamilya namin? “If you want to know everything. Just do as I say.” bago pa ako makasagot sa kanya, pinatayan na niya ako ng tawag. Binulsa ko ang hawak kong cellphone. Lumapit ako sa may bintana, hindi ako makapaniwala sa mga nangyayari. Kahapon bago ako natulog, tumutugma ang lahat ng eksena sa nobelang isinulat ko, pero bakit parang ngayon, nagiiba at hindi na ako ang kumokontrol? Bumalik ako sa lamesa at inayos ang pagkasara ng lahat ng drawer. Matapos umakyat na ako sa taas kung saan ang kwarto ko bilang si Camilla. Matutulog na sana ako ng tumawag si Kael. “Kumain ka na ba, Hon?” “Oo.” humiga ako sa kama. Itinaas ko ang kamay sa harap ng ilaw, dahil nasisilaw ako. “Hon, kailan matatapos ang kasal niyo ni Selestina?” Sandali siyang hindi umimik. Parang pinag-isipan muna niya ang sasabihin sa akin. “Malapit na, Hon. Inaayos na ng mga abogado ko ang lahat ng mga papeles. Bakit, nagdududa ka ba na hindi ko magagawang i-divorce si Selestina?” “Hmm… hindi naman.” mabilis kong sagot, saka pinilit kong magkunwaring nagtatampo. “Nami-miss na kasi kita agad, ayoko nang maghintay lagi kung kailan tayo pwedeng magkita. Gusto kong lagi kita nakakasama.” Muling naging malambing ang tinig ni Kael, “Konting tiis na lang, Hon. Basta lagi mong tatandaan kung gaano kita kamahal. Huwag mo ding kalimutang pag-isipan, ‘yong alok ko sayo tungkol sa kailangan mo ng katuwang sa negosyo. Nandito lang ako, para sa kinabukasan natin.” Para sa kinabukasan, My ass! Napangiwi ako dahil sa sinabi niya. Kung si Camilla parin siguro ako, eh baka naging sunod-sunuran ako sa cheater na ito. “Okay, Hon. Inaantok na talaga ako, pinagod mo kasi ako kagabi. Good night,” Hindi siya kumontra sa sinabi ko. Tumawa si Kael at nagpaalam na din. Pagbaba ng tawag, muli akong napatitig sa kisame. May kakaiba talaga kay Kael, may gusto talaga siyang makuha sa Sterling Group. Kinabukasan, umalis ako ng mansion ng magisa lang. Hindi ako nagpaalam sa mga katulong. Nakasuot ako ng simpleng puting blouse, skinny jeans na blue at itinali ko ang mahaba kong buhok. Nagpara lang ako ng dumaan taxi sa harapan ko. Habang nasa byahe ako, naiinis akong isipin na pumasok ako sa nobelang may kaparehas na male lead at female lead, isama pa ang kontrabidang mistress, pero hindi ko alam ang susunod na eksena. Alam ko, pero nag-iiba ang bawat eksena. Pumasok ako sa Cafe shop kung saan kami magkikita ni Mr. Villarreal, maliit lang ang shop at konti lang din ang mga tao. Sa pinakadulo ng lamesa, nakaupo ang isang matandang lalaki na nka-gray na suit, sa kanang kamay niya, hawak ang isang tungkod. Kung tatanungin ako kung ilan na ito, nakasisiguro akong kaidad lang ito ng ama ako. “Mr. Villarreal," tawag ko ng makalapit ako sa kanya. Tumingin siya sa akin, tinuro niya ang katapat na upuan. “ Maupo ka, hija.” Habang pinagmamasdan ko siya ng malapitan, nakakaramdam ako sa kanya ng kapanatagan ng loob. Dahil siguro isa siya sa share holder din ng kumpanya. “Alam mo ba kung nasaan ang papa mo?” Kumunot ang noo ko, malamang nasa ibang bansa. Pero hindi ko ‘yon sinagot. “Nasa Zurich po siya,” “Mabuti naman at alam mo,” pagod siyang ngumiti sa akin. “Ako ang nag-ayos ng ticket niya para makaalis siya agad. Kailangan muna niyang lumayo habang may inaayos ako.” Nagsalubong ang mga kilay ko, “Ano ang ibig mong sabihin?” Nilabas niya mula sa bulsa ang isang maliit na envelope. Nilapag sa lamesa, kinuha ko ‘yon saka binuksan. Mga litrato ng paparazzi ni Kael. Mga kuha kung saan iba-iba ang kausap niya na mga hindi ko kilala, pero ang lahat ng pag-uusap nila laging sa labas ng building ng Sterling Group. “Mula ng magkaroon kayo ng lihim na relasyon ni Kael, palihim din niyang binabantayan ang tungkol sa Sterling group. Kinukuha niya ang loob ng miyembro ng board. I don't if coincidence lang ba talaga ang pagkakakilala niyo, or planado niya. And sad to say, almost half of the board is nasa side na niya.” Nanatili akong nakikinig sa kanya habang tinitingnan ang mga picture na hawak ko. “Hija, hindi ko alam kung ano ang mga plano niya, pero hindi ka ba nagtataka? Nalaman ko na inaasikaso na niya ang divorce nila ng asawa niya. O inaasikaso ba talaga? Magiging pranka ako sayo hija, hanggat maaga pa. Kael Sinclair didn't love you, he was just using you. Alam niya ang kasunduan niyo mag-ama. Kapag naikasal ka bago matapos ang taon na ito, as his sole heir, mapupunta lahat sayo ang kayamanan niya.” Nilapag ko ang picture sa lamesa. May kung anong planong nabubuo sa isipan ko. Hindi ako papayag na maging kasangkapan ni Kael. Ako dapat ang maging kontrabida sa nobelang ito, at hindi ang lalaking ‘yon. “Kakampi ba kita o kaaway, Mr. Villarreal?” sinalubong ko ang mga mata niyang matiim na nakatitig sa akin. Tumawa siya ng mapait. “Isipin mo na ang gusto mong isipin, Hija. Pero matagal na akong kaibigan ng Papa mo. Magkasama naming binuo ang kumpanyang ito, pinaghirapan namin ng papa mo kung saan ito ngayon. Kaya hindi ako papayag na sa isang bastardo lang mapupunta ang Sterling Group.” Tama siya, anak sa labas si Kael ng mga Sinclair. Isinulat ko ang background niya bilang anak ng isang katulong na nagkaroon ng relasyon sa kanyang amo. Ginawa kong mababang klase ang pinagmulan ng pagkatao niya para tanggapin siya ni Selestina. Pero hindi ko akalain na sa pagkakataon na ito, gagamitin na naman ‘yon ni Kael sa akin. Pero bakit ang Sterling Group ang pinupuntirya niya? “May dapat kang malaman, Camilla. Kailangan mo mag-ingat sa sarili mong mansion. Dahil mayroon nagsasabi kay Kael sa mga galaw mo.” Naiinis ako, bakit parang ako ang kawawang bida sa nobelang ito? Hindi ako papayag! Ako dapat ang Villain dito. Kaya ngumisi ako sa harap ni Mr. Villarreal. “I have a plan,” Nakasalubong ang mga puting kilay niya habang nakatingin sa akin. “Anong plano mo? Parehas ba tayo ng iniisip, Hija?” Kumurba ang isang pilyong ngiti sa aking mga labi. “Magpapatuloy ako sa pagpapanggap na mahal na mahal ko siya, samantala habang pinapaikot ko si Kael. Ikaw naman ang gagawa ng mga pekeng papeles para mailipat sa pangalan ko ang lahat ng share ng kumpanya. Habang gumagawa tayo ng isang patibong laban sa kanya. Agree ka ba doon?” Mula ng magkita kami kanina, ngayon ko lang siya nakitang ngumiti ng sincere, na para bang nakahinga siya ng maluwag na ang spoiled brat na anak ng kaibigan niya ay nasa katinuan pa naman. “Siyempre, Agree ako.” “So, it’s a deal.” nilahad ko ang aking kamay sa harapan niya para makipag-hand shake. “Deal!” Tinitigan ko ang mukha ng matandang lalaki na nasa harapan ko. Simula ng magising ako sa nobelang ito, wala ako iniisip na magiging kakampi. Pero ngayon meron na. At kaibigan pa ng Papa ko. Maya-maya lang nag-vibrate ang cellphone ko. Binitawan ko ang kamay ni Mr. Villarreal at tiningnan kung sino ang tumatawag. Si Kael, nag-iwan siya ng message. Hon, where are you? Tumawag ako sa mansion niyo, sabi ni Manang umalis ka raw? Saan ka ba susunduin kita. I have a surprise for you! Nagkatingin kami ni Mr. Villarreal. “Si Kael ba iyan?” Tumango ako, ano kayang sorpresa ang sinasabi nito ni Kael? Matutuwa ba ako o isa itong patibong niya? Ngumiti ako, pero kahit anong sorpresa pa ‘yon, hindi ako sa Camilla na basta na lang hahayaan siyang manalo sa larong gusto niya. Dahil sisiguruduhin kong, si Kael ang luluhod sa harapan ko at magmamakaawa.Chapter 5MIKAELA’S POV“Who are you?” tanong ko, mariin ang aking boses. “Paano mo nalaman ang tungkol sa relasyon namin ni Kael?” Bumuntong-hininga ang nasa kabilang linya. “Huwag sa cellphone. Tomorrow, morning. Let’s meet hija, sa cafe liwayway, sa may dulo ng Calle Rosario. Huwag ka na magsama ng kahit na sino, maski driver mo.” “Bakit naman kita susundin?” naiinis kong sabi.“Dahil lahat ng nakapaligid sayo, binabayaran ni Kael Sinclair!” Nagulat ako, kailan pa nagkaroon ng kakayahan si Kael na maging amo sa mga tauhan ng pamilya namin? “If you want to know everything. Just do as I say.” bago pa ako makasagot sa kanya, pinatayan na niya ako ng tawag. Binulsa ko ang hawak kong cellphone. Lumapit ako sa may bintana, hindi ako makapaniwala sa mga nangyayari. Kahapon bago ako natulog, tumutugma ang lahat ng eksena sa nobelang isinulat ko, pero bakit parang ngayon, nagiiba at hindi na ako ang kumokontrol? Bumalik ako sa lamesa at inayos ang pagkasara ng lahat ng drawer. Matapo
Chapter 4MIKAELA’S POVHindi ako nakatulog sa biyahe pauwi, kahit nakasandal ang ulo ko sa balikat ni kael sa loob ng kotse. Nakapikit lang ako, habang iniisip ang mga susunod na eksena dapat sa nobelang isinulat ko. Sa chapter 5, dapat magtatampo ako dahil hindi pa nagfa-file ng divorce si Kael. tapos sa chapter 7, doon pa lang magsisimula ang tunay na gulo sa mga buhay namin. Pero bakit parang nagmamadali ang lahat? Bakit mabilis ang plot ng kwento at hindi sumusunod sa orihinal?“Hon, we’re here.”Idinilat ko ang aking mga mata. Nasa harap na kami ng mansion. Nakatingin ako sa malaking gate na kulay itim, makikita mula sa labas ang malaking fountain na nasa gitna ng garden. Sa libro, maliit lang ang pagpapakilala ko sa bahay ni Camilla, pero ngayon habang pinagmamasdan ko ito, mas malaki pa ang bahay na ito kesa sa tinitirhan ko sa totoo kong mundo. “Ihahatid na kita sa loob,” sabi ni Kael sa akin na akmang papasok sa loob kasabay ko. “Huwag na, Hon.” ngumiti ako at hinawakan an
Chapter 3MIKAELA’S POVMatapos ang nangyari sa Vip room sa restawran, nagyaya ng umalis si Kael. Hindi na ako nagtanong pa kung saan kami pupunta dahil alam ko na ang susunod na mangyayari bilang writer ng kwentong ito. Gagampanan ko muna ang pagiging kabit ni Kael, kahit alam kong masasaktan si Selestina. Susulitin ko muna na mahal niya pa ako, may parte ng pagkatao ko ang nakukunsensya dahil alam kong mali ito. Pero mas nangingibabaw ang pagnanais ko na maranasan muli ang mahalin. Pumasok kami sa isang sikat at mamahaling hotel. Habang nasa elevator, hindi inaalis ni Kael ang kamay sa baywang ko habang nilalaro ang dulo ng tela ng bestida ko. Bumibilis ang tibok ng puso ko, hindi na ako inosente sa ganitong eksena. Alam kong matapos ibigay ni Kael ang mamahaling singsing, katawan ko naman ang gusto niyang kapalit.Nang bumukas ang pinto ng penthouse, mula sa mahinang ilaw ng mga kandilang nakakalat, nakikita ko ang mga nakakalat na talulot ng rosas sa sahig, maging sa kama. Mayro
Chapter 2MIKAELA’S POVHindi ako nagmamadali sa pagsubo ng kinakain ko. Kinuha ko ang wine glass na nasa harapan ko at tinikman ang laman nitong alak. Habang hinahayaan ko si Kael na nagkukuwento tungkol sa kung anu-anong tungkol sa negosyo. Pero sa loob-loob ko, wala akong balak pakinggan siya. Dahil bawat salitang sasabihin niya alam ko na dahil ‘yon mismo ang sinulat ko.Nasa kalagitnaan kami ng pagkain ng dessert ng magsalita siya.“Camilla.”Nag-angat ako ng tingin, seryoso ang mukha niya habang nakatingin sa akin. Lumapit siya sa akin at lumuhod sa harapan ko. Mula sa bulsa niya nilabas niya ang isang maliit na itim na kahon. Binuksan niya, sa ilalim ng mga chandelier, kumislap sa harapan ko ang isang singsing na mayroong diyamante. Hinawakan niya ang kamay ko, gusto ng isuot sa daliri ko ang singsing.“Hon, I know this isn't the right time yet, but this is my promise ring, pinapangako ko na hindi tayo habang-buhay magtatago—”Alam ko na ang kasunod na tagpong ito, sumilip ang
Chapter 1MIKAELA’S POV“Nandito na po ang lahat ng kailangan ninyong pirmahan, Ma’am,” sabi sa aking ng abogado, habang nilalapag sa harapan ko ang mga dokumentong kailangan para sa divorce namin ni Oliver. Ang lalaking akala ko makakasama ko habang buhay. Pumikit ako para pakalmahin ang sarili ko. Nasa law office kami at inaasikaso ang lahat ng papeles para sa pagdidiborsiyo. Sa kabilang dulo ng upuan, nakaupo si Oliver. Busy sa kanyang cellphone at hindi siya tumitingin sa akin. “Ang bahay, ang iba pang mga ari-arian at ang laman po ng mga account niyo, ililipat po sa pangalan ni…”Hindi ko na pinakinggan pa ang sasabihin niya. Tinaas ko ang aking mga kamay bilang hudyat na wag na siya magsalita. Kinuha ko ang ballpen na nasa tabi ng mga papeles. Mabigat ang mga kamay ko habang sinusulat ang pangalan ko at pirma sa divorce paper. Hindi parin ako makapaniwala na sa loob ng dalawang taon, ganoon na lang niya kung itapon ang mga ala-ala ng pinagsamahan namin. Ang dahilan niya—para







