เข้าสู่ระบบChapter 4
ALEXANDRA'S POV
Habang papunta ako sa opisina ng gobernador, hindi ako humihinga. Nasa ika-limang palapag ito ng kapitolyo kaya gumamit ako ng elevator. May nakita akong dalawang babae na nasa tabi ng pintuan. Ngumiti sila sa akin.
“Ms. Rossi, magandang araw po. Pwede na po kayo pumasok sa loob.” sabi ng isa.
Tumango ako sa kanya. Bago ako pumasok narinig ko pa ang bulungan ng dalawa.
“Hala, bakit andito si Ms. Rossi? Hindi ba siya iyon sikat na founder ng KCF?”
“Oo, nga eh. Ano kaya relasyon niya kay Gov? Sana makakuha din ako ng prima niya, idol ko siya eh.”
Bumuntong-hininga ako, mamaya na ako magpapa-autograph sa kanila, tapusin ko lang problema ko sa amo nila.
Pagpasok ko, nakaupo si Killian sa sofa na mayroon center table. Simple lang opisina niya. Hindi ganoon sa bahay niya na puro mamahalin ang lahat. Lumapit ako sa tapat niya.
“You’re too early, Darling.”
Hindi na ako nag-paligoy-ligoy pa. “Alisin mo ang cease and desist order, ngayon na din!”
“Maupo ka muna.” nakangiti niyang sabi sa akin.
“Alam mong hindi ako nandito para makipag kwentuhan sayo.”
“Alexandra, maupo ka.” mariin niyang sabi na mayroon talim ang mga mata habang nakatingin sa akin. Hindi siya sumisigaw, sapat na ang mahina niya boses para mapasunod ako sa pag-upo.
Natatarantang umupo ako sa katapat niyan upuan. Habang ang mga kamay ko nakakuyom sa kandungan ko. Inilatag ni Marcus ang folder sa lamesa, ang folder na nakita ko sa mansion ng mga Cross. Pagkatapos lumabas din ang lalaki.
“Basahin mo,”
Tumalima ako, binuksan ko ang folder. Tatlong pahina kang ang meron sa loob. Tulad ng inaasahan ko isa itong kontrata sa pagitan namin ni Killian. Magkakaroon ng malaking pondo ng foundation, proteksyon at anim na buwan din na haharap ako sa publiko kasama si Killian. Kailangan din sa mansion ng mga Cross sila titra. Ano ito hostage?
“May mga kondisyon ako,” sabi ko, matapos kong basahin ang nasa dokumento.
Sumandal siya sa kinauupuan niya, bahagya siyang ngumiti. “Say it, siguraduhin mong magugustuhan ko.”
“Una, hindi ka pwedeng makialam sa foundation. Hindi ikaw ang magde-desisyon kung sino ang gusto namin tulungan. Pangalawa, hindi dapat madamay si Patricia sa paglabas-labas sa publiko, gusto ko maging tahimik ang buhay niya. At pangatlo, hindi purkit nakasulat sa kasunduan na babae mo ko, sa papel lang iyon! Hindi mo ako pwedeng hawakan ng walang pahintulot ko.”
Saglit siyang hindi umimik, nakatingin lang siya sa akin na para bang pinag-isipan niya ang mga sinasabi ko. Kaya nagpatuloy ako sa pagsasalita.
“Public appearance lang naman ang kailangan ko hindi ba? At hindi ako kayang bilhin ng kontratang ito.”
“Ang una mong kondisyon, pagbibigyan kita. Hindi ako mangingialam sa mga plano mo sa foundation, unless hindi madadamay ang pangalan ko. Ang pangalawa, pag-iisipan ko. At ang pangatlo—”
Tumayo siya, umupo siya sa lamesang babasagin malapit lang sa akin. “—hindi ko matutupad. You are not just my woman in contract, Alexandra.”
“Edi walang deal!” tumayo ako, kung hindi siya papayag, hahanap ako ng ibang paraan.
“Sa tingin mo ba wala akong ibang paraan, para matalo ka? Marami akong kilalang reporters na pwede makasira lalo ng image mo. May mga kalaban ka din sa pulitika na matutuwa na malaman kung paano mo ginagamit ang kapangyarihan mo bilang mataas na opisyal para gipitin ang isang foundation ng mga single mom.”
Tinapatan ko ang tingin niya. Pero nakaramdam ako ng matinding kaba ng makita ko ang reaksyon niya. Nawala ang kanyang ngiti sa mga labi. Ang kanyang mga mata na kanilang ang may amusement ngayon ay nagdidilim at malamig.
“Sinong kalaban tinutukoy mo, Alexandra?” mahina niyang tanong.
Napapansin ko, sa tuwing humihina ang boses niya. Doon ako nagsisimula makaramdam ng kaba at kilabot. Palihim akong napalunok, kanina ng nasa biyahe palang ako may tumatawag sa akin ‘Unknown number’ na naman. Hindi ko nga lang alam kung sino. Pero may message lang na ‘I can help you, just help me to destroy Killian Cross.’
Pero hindi ko pwedeng sabihin iyon kay Killian. “Wala ka ng paki-alam pa doon, kung sino man ang kausap ko.”
“Last warning, Alexandra. Sino ang kausap mo?”
Napalunok ako, namumula ang mukha ni Killian. Parang tinitimpi niya ang galit o inis sa mukha niya.
“Killian, wala ka na nga sabi—”
Naudlot ang sasabihin ko ng mabilis siyang nakatayo. Hinawakan niya ang batok ko, bago ako makagalaw at makapag-protesta. Marahas niya kong hinila papalapit sa katawan niya at siniil ng halik sa labi. Madiin, puno ng galit at mapagparusa.
Isang paraan ng halik na halos malasahan ko na ang sarili kong dugo. Hindi ito halik ng isang pag-ibig. Halik ito ng isang hudas. Nagpupumiglas ako, pero mas lalo lang niya nilapit ang katawan ko sa katawan niya. Hinapit niya ako sa baywang. Parang saglit tumigil ang oras sa pagitan namin.
Hanggang sa unti-unting bumalik sa akin isipan ang lahat. Ang mahigpit na hawak ng lalaki sa pulso ko, ang bigat niya sa ibabaw ng katawan ko. Pati ang mga hikbi ng pagmamakaawa ko na hindi niya naririnig. Mga gabing ilang taon ko ng pilit kinakalimutan.
Hindi! Hindi ko na kaya pang maulit!
Sa pagbabalik ng ulirat ko, kinagat ko ang labi niya at marahas siyang tinulak. Nang makawala ako mula sa kanya, kusang nag-angat ang kamay ko at malakas siyang sinampal. Sa sobrang lakas, napaupo ako ulit sa sofa.
Masama niya akong tinitigan habang hawak ang psingi niya namumula. Hinihingal na dinuro ko siya, nanginginig ang mga labi ko at naramdaman ko ang pagtulo ng luha sa mga mata ko.
“H-huwag mo akong hahawakan! Ang sabi ko sayo, huwag na huwag mo kong hahawakan!” basag ang boses na sabi ko.
Hindi gumagalaw si Killian sa pwesto niya habang nakatingin sa akin, ang mga mata niya ng masama ang tingin, napalitan ng walang emosyon. Nakita niya ang luha sa gilid ng mga mata ko.
Kinuha ko ang bag ko, pinunasan ang luha sa pisngi at nagmamadaling lumabas. Hindi ko dala ang gamot ko, paniguradong mag-bre-bre-breakdown ako nito. At ayokong makita iyon ni Killian.
KILLIAN'S POV
Naiwan akong nanatiling nakatayo sa loob ng opisina ko, habang hawak ang psingi kong nasampal. Pumasok si Marcus.
“Sir… ayos lang po ba kayo?”
“Pasundan mo siya, Marcus. Make sure makakauwi siya ng maayos.” hinimas ko ang pisngi ko. Marami ng sumapal sa kin pero kakaiba si Alexandra. Tumalima agad ang asistant niya, tinawagan nito ang isa sa mga secret agent ko para bantayan ang babae.
Hindi ko na kontrol ang sarili ko kanina ng malaman kong may iba siyang kausap, lalo na at kalaban ko pa sa pulitika. Hindi ko maintindihan ang sarili ko bigla na lang nagdilim ang paningin ko. Pero ang hindi ko maintindihan ang kakaibang reaksyon niya ng marahas ko siya halikan. Para siyang nandidiri sa akin, na para akong isang rapist.
“Marcus.” mahina kong tawag sa kanya.
Mabilis lumapit si Marcus, binigyan niya ako ng ice packs.
“Alamin mo kung sino ang kumakausap kay Alexandra, lahat. Mga pangalan, numero at kung nagkikita sila.”
“Sir, hindi po ba—”
“Do what I say! At siya nga pala, alamin mo din ang nakaraan ni Alexandra.”
“Yes, sir.”
Paglabas ng pintuan ni Marcus, tumingin ako sa bintana. Pinanood ko ang mga sasakyang tumatakbo habang nakalagay sa mukha ko ang ice packs.
Ano nga ba ang nakaraan mo, Alexandra?
Chapter 4ALEXANDRA'S POV Habang papunta ako sa opisina ng gobernador, hindi ako humihinga. Nasa ika-limang palapag ito ng kapitolyo kaya gumamit ako ng elevator. May nakita akong dalawang babae na nasa tabi ng pintuan. Ngumiti sila sa akin. “Ms. Rossi, magandang araw po. Pwede na po kayo pumasok sa loob.” sabi ng isa. Tumango ako sa kanya. Bago ako pumasok narinig ko pa ang bulungan ng dalawa. “Hala, bakit andito si Ms. Rossi? Hindi ba siya iyon sikat na founder ng KCF?”“Oo, nga eh. Ano kaya relasyon niya kay Gov? Sana makakuha din ako ng prima niya, idol ko siya eh.” Bumuntong-hininga ako, mamaya na ako magpapa-autograph sa kanila, tapusin ko lang problema ko sa amo nila. Pagpasok ko, nakaupo si Killian sa sofa na mayroon center table. Simple lang opisina niya. Hindi ganoon sa bahay niya na puro mamahalin ang lahat. Lumapit ako sa tapat niya.“You’re too early, Darling.”Hindi na ako nag-paligoy-ligoy pa. “Alisin mo ang cease and desist order, ngayon na din!”“Maupo ka muna.”
Chapter 3ALEXANDRA'S POV“Patricia, anak. Tara na, uuwi na tayo.” sabi ko habang nakaluhod sa harap niya, kasalNag-pout siya, hawak pa rin niya sa kamay ang isang tinidor, hindi pa siya tapos kumain ng cake. “Uuwi na tayo, Mami? Ngayon na po? Hindi pa po kasi ako nakakapaglaro sa may pool.”“Yes, nak. Ngayon na mismo.”“Pero bakit po ang bilis, mami? Mabait naman po sa atin si Tito. Ayaw mo po ba kay Tito?” Ito ang problema ko kay Patricia, ang dami niyang tanong na normal lang sa edad niya. Napatingin ako sa may balkonahe. Nandoon nakatayo si Killian, nakasandal sa railing, nakapamulsa at nakatingin sa amin magina. “Hindi ko siya kilala, anak. At hindi ba ang sabi ko sayo, don't talk to stranger?”“Pero kilala niya tayo, alam nga niya pangalan ko at maging saiyo. Kaya paano siya magiging stranger?” naguguluhan tanong niya. Huminga ako ng malalim. Sabay kagat sa labi ko. Paano ko ba sasabihin sa batang ito na ang ‘tito’ tinutukoy niya ay may tinatagong sungay? Hindi rin siya titi
Chapter 2ALEXANDRA'S POV Hindi ko alam kung paano ako nakarating agad sa mansion ng mga Cross. Buong biyahe sinubukan kong tawagan muli ang ginamit na number ni Killian, pero hindi siya sumasagot. Pagbukas ng gate sa harapan ko, sinalubong akong ng dalawang lalaking naka-barong. Inamin ng dalawa na sila ang sumundo kay Patricia. Gustong-gusto kong sugurin ang isa sa kanila, pero naisip ko din na baka kapag ginawa ko ang bagay na iyon, mas lalo kong hindi makuha ang anak ko. "Ms. Rossi, kanina ka pa po hinihintay ni Gov," magalang na sabi ng isa, na para bang hindi sila nangidnap ng bata. Sinundan ko sila sa loob ng bahay na mas mukhang palasyo ang itsura. Mataas ang kisame, malinis ang sahig na parang ikaw na lang ang mahihiyang umapak. Sa gitna mula sa entrance, nakikita ko ang isang malaking chandelier, na para bang mas mahal pa ang ginastos sa bahay na ito kesa sa kailangan ng foundation ko. Ito ba ang buhay ng isang taong nagsasabing para siya sa mahihirap? Natutulog sa isan
CHAPTER 1ALEXANDRA’S POVPinagmamasdan ko ang mukha ng lalaking nasa harapan ko. Matangos ang kanyang ilong, chinito at mestiso ang kulay ng balat. Para siyang isang Greek God na nababasa ko sa mga libro. Masasabi kong gwapo nga siya, pero hindi paghanga ang nararamdaman ko sa lalaking ito, kundi pagkainis. Nakaupo ako habang katapat si killian Cross, ang kasalukuyang Gobernador ng Santa Clara. Nandito kami ngayon sa isang VIP room sa isang sikat na restaurant ng bayan para pag-usapan ang ino-offer niya na lalo kong ikinagagalit. Habang seryoso siyang nakatingin sa aking nakikita ko ang amusement sa mga mata niya. Namumula ang mukha ko sa pagtitimpi nna hindi siya batuhin ng platong nasa harapan ko. Sino ba kasing matinong politiko ang magsasabi ng ‘Be my woman, Ms. Rossi.’? Hanggang ngayon nasa utak ko pa rin ang mga salitang iyon! Ang kapal din talaga ng mukha niya. Akala siguro ng lalaking ito, kagaya ako ng ibang mga babaeng nagkakandarapa sa kanya. Nakita ko nga ang gulat sa m







