เข้าสู่ระบบChapter 3
ALEXANDRA'S POV
“Patricia, anak. Tara na, uuwi na tayo.” sabi ko habang nakaluhod sa harap niya, kasal
Nag-pout siya, hawak pa rin niya sa kamay ang isang tinidor, hindi pa siya tapos kumain ng cake. “Uuwi na tayo, Mami? Ngayon na po? Hindi pa po kasi ako nakakapaglaro sa may pool.”
“Yes, nak. Ngayon na mismo.”
“Pero bakit po ang bilis, mami? Mabait naman po sa atin si Tito. Ayaw mo po ba kay Tito?”
Ito ang problema ko kay Patricia, ang dami niyang tanong na normal lang sa edad niya. Napatingin ako sa may balkonahe. Nandoon nakatayo si Killian, nakasandal sa railing, nakapamulsa at nakatingin sa amin magina.
“Hindi ko siya kilala, anak. At hindi ba ang sabi ko sayo, don't talk to stranger?”
“Pero kilala niya tayo, alam nga niya pangalan ko at maging saiyo. Kaya paano siya magiging stranger?” naguguluhan tanong niya.
Huminga ako ng malalim. Sabay kagat sa labi ko. Paano ko ba sasabihin sa batang ito na ang ‘tito’ tinutukoy niya ay may tinatagong sungay? Hindi rin siya titigil sa pagtatanong kaya binuhat ko na lang siya. Patuloy parin siya sa pagtatanong. Tango na lang ako ng tango.
Habang papalabas kami sa mansion, walang humarang sa amin. Pinagbuksan kami ng gate ng dalawang lalaking naka-barong at isa pa sa kanila, yumuko. May dumaan din agad na taxi, isa sa mga nakakatakot na bagay ang katahimikan ng alagad ni satanas na nasa balkonahe.
KILLIAN'S POV
Patuloy ko lang pinapanood si Alexandra pasakay sa taxi na inutos kong mag-abang sa gilid. Isa siya sa mga secret agent ko na magbabantay sa mag-ina. Nilabas ko mula sa buksa ang aking kamay na nakakuyom kanina pa. Pinipilit kong wag pansinin ang kakaibang epekto niya sa akin.
“Sir,” lumitaw mula sa likod ko si Marcus, ang assistant ko. “"Sigurado po ba kayong hindi na natin siya pipigilan?"
"Hindi." Pumasok ako sa loob, "Pero, alam kong babalik siya."
"Paano po kayo nakasisiguro?" kunot ang noo ni Marcus, habang sumusunod sa akin.
Ngumisi ako, naalala ko ang titig ni Alexandra kanina. Siya ang tipo ng babaeng hindi ipapakita ang kahit na anong takot, pero nakikita ko ang panginginig ng mga kamay niya. Ang saglit na takot, galit na dumadaan sa mga mata niya lahat iyon, napansin ko.
“Dahil alam ko kung paano ko siya mapapasunod.” At wala sa vocabulary ko ang susuko na hindi siya napapaamo.
You will be mine, Alexandra!
ALEXANDRA'S POV
Habang nasa biyahe kami, tumahimik na si Patricia. Sumandal siya sa balikat ko at maya-maya lang nakatulog na siya. Hinawakan ko ang pusuhan kong may mga bakat ng kamay ni Killian. Bigla na lang lumabas sa isip ko ang gabi kung saan, hinawakan din ng rapist ko ang pusluhan ko na ito. Nanginginig ang aking mga kamay. May kung anong luha ang pumatak sa gilid ng mga mata ko.
“Ma’am, okay ka lang po ba?” tanong ng driver na naka-face-mask at sumbrero. Nakita siguro ng driver ang takot sa mukha ko kaya umubo siya. “Pasensya ka na ma’am, may sakit kasi ako, baka mahawa kayo.”
Tumango ako, “Ayos lang po ako.”
Pinikit ko ang mga mata ko. Pinipilit kong kalimutan ang nakaraan ko kung saan nabuo si Patricia. Ang lalaking dahilan kung bakit ko binuo ang KCF.
Pagdating namin sa bahay, nagtataka ako sa driver bakit hindi siya nagpapabayad? Kasi bumaba muna ako para ihatid sa bahay si Patricia dahil nakatulog na siya. Pagbalik ko nawala na ang taxi, iniisip ko na lang baka nakalimutan niya hindi pa ako nagbabayad.
"Diyos ko, Alexandra. Pasensya na. Akala ko talaga ikaw ang nag-utos. Kung alam ko lang—"
"Hindi mo kasalanan, Ma." putol ko sa sasabihin niya.
"Anong sinabi sayo ng gobernador? Ano daw ba ang gusto niya sayo?"
Tiningnan ko si Patricia na mahimbing na natutulog.
"Mamaya na po, Ma."
Tumango naman si Mama, nagpaalam ito na maghahain ng hapunan. Binuksan ko ang bag ko para kunin ang cellphone. Doon ko napansin ang isang papel na nakatiklop. Kinuha ko ito at nagulat ng makita ang signature ni Killian sa ibaba. Naalala ko ang assistant niyang si Marcus na bahagyang lumapit sa akin kanina, mukhang siya naglagay ng papel sa bag ko.
Hindi ko sana gustong basahin iyon, gusto ko din punitin o di kaya itapon sa basurahan. Pero parang may nag-udyok sa akin kaya binuksan ko.
Alexandra Rossi,
This is not a favor. This is a warning. You have no other choice, Darling. But don't forget the people who depend on you.
—Killian Cross
Nagpupuyos sa galit na pinunit-punit ko ang papel. Ang baliw na lalaking iyon, hindi niya talaga ako titigilan.
—-
Kinabukasan, maaga akong dumating sa maliit kong opisina sa KCF. Malapit ito sa gilid ng mga palengke, isang paupahan. Sa may gilid ng lamesa kong luma na may mga kahon na galing sa iba’t ibang lugar at may nakasulat na ‘donation’.
Uupo na sana ako sa upuan ko ng makita ko si Ate Narsi, ang isa sa mga member namin. Humahangos na lumapit sa akin, umiiyak ang mukha.
“Alex,” hinawakan niya ang kamay ko. “May mga dumating na taga-munisipyo, may mga dala sila papel.”
“Ano po nasaan na sila?” sino naman mga taga city hall ang pupunta ng ganito kaaga?
“Wala na sila pero may pinaskil sila sa labas ng gate natin.”
Mabilis akong lumabas ng opisina at pumunta sa may gate para tingnan ang papel. Hinablot ko saka binasa.
CEASE AND DESIST ORDER
Ang operasyon ng Kalinga Community Foundation ay pansamantalang mapapatigil dahil sa kakulangan ng pag-sumite ng mga kinakailangan permit. Ang ano mang transaksyon na kanilang gagawin ay kailangan muna dumaan sa munisipyo.
Napatingin ako sa pinakababa ng papel, may pirma ito mula sa city hall, pero hindi pangalan ni Killian. Pero kahit wala ang pangalan niya sa papel alam kong siya ang nag-utos.
“Alex, ano na mangyayari sa atin?” nanginginig ang boses ni ate Narsi. “Paano ang mga bata, ang mga sanggol? Kapag huminto pansamantala ang operasyon ng KCF, baka hindi sapat ang pondo natin.”
Tinapik ko ang balikat niya, huminga ako ng malalim. “ Don't worry, Ate. Gagawan ko ito ng paraan.”
Hindi talaga titigil ang baliw na Gobernador na iyon hanggat hindi ako nagigipit. Hindi siya nanakit, pero palihim siya gumagamit ng dahas. Ginagamit niya ang pagiging mataas na opisyal niya para mang-agrabyado.
Nanginginig ang kamay ko ng kunin ang cellphone ko para kontakin si Killian. Saglit lang ang nangyari pag-ring at may sumagot na.
“Hi, Alexandra. Maaga ka yata napatawag.” Kalmado ang boses niya na para bang inaasahan ang pagtawag ko.
Napakagat ako sa labi ko, sinusubukan kong pigilan ang inis na nararamdaman ko sa lalaking ito.
“Nasaan ka?” tanong ko.
“Sa opisina ko. Namimiss mo na ba ako kaagad kaya gusto mong pumunta dito?” nahihimigan ko ng pagkapilyo sa tinig niya.
“Damn you! You Jerk!” gigil na bulong ko habang naglalakad papunta sa kalsada para magantay ng sasakyan. “Hintayin mo ko diyan!”
“See you, My darling.” Narinig ako pa ang mahina niya halakhak, bago sya tuluyang nawala sa kabilang linya.
KILLIAN'S POV
Ibinaba ko ang hawak na cellphone at sumandal ako sa upuan. Nasa harapan ko si Marcus. May pag-aalinlangan sa kanyang mukha.
“Sir, hindi po kaya sobra naman ang cease and desist order?” napa-kamot sa batok ang assistant ko, nag-aalinlangan parin ito magsalita sa akin kahit matagal na sya pagseserbisyo sa akin.
“Madali ko lang matatawag iyon, Marcus.”
Nilaro-laro ko ang ballpen sa mga kamay ko. Alam kong ilang minuto lang darating na dito ang babae. Tingnan ko nga kung hanggang saan tatagal ang pride niya.
Chapter 4ALEXANDRA'S POV Habang papunta ako sa opisina ng gobernador, hindi ako humihinga. Nasa ika-limang palapag ito ng kapitolyo kaya gumamit ako ng elevator. May nakita akong dalawang babae na nasa tabi ng pintuan. Ngumiti sila sa akin. “Ms. Rossi, magandang araw po. Pwede na po kayo pumasok sa loob.” sabi ng isa. Tumango ako sa kanya. Bago ako pumasok narinig ko pa ang bulungan ng dalawa. “Hala, bakit andito si Ms. Rossi? Hindi ba siya iyon sikat na founder ng KCF?”“Oo, nga eh. Ano kaya relasyon niya kay Gov? Sana makakuha din ako ng prima niya, idol ko siya eh.” Bumuntong-hininga ako, mamaya na ako magpapa-autograph sa kanila, tapusin ko lang problema ko sa amo nila. Pagpasok ko, nakaupo si Killian sa sofa na mayroon center table. Simple lang opisina niya. Hindi ganoon sa bahay niya na puro mamahalin ang lahat. Lumapit ako sa tapat niya.“You’re too early, Darling.”Hindi na ako nag-paligoy-ligoy pa. “Alisin mo ang cease and desist order, ngayon na din!”“Maupo ka muna.”
Chapter 3ALEXANDRA'S POV“Patricia, anak. Tara na, uuwi na tayo.” sabi ko habang nakaluhod sa harap niya, kasalNag-pout siya, hawak pa rin niya sa kamay ang isang tinidor, hindi pa siya tapos kumain ng cake. “Uuwi na tayo, Mami? Ngayon na po? Hindi pa po kasi ako nakakapaglaro sa may pool.”“Yes, nak. Ngayon na mismo.”“Pero bakit po ang bilis, mami? Mabait naman po sa atin si Tito. Ayaw mo po ba kay Tito?” Ito ang problema ko kay Patricia, ang dami niyang tanong na normal lang sa edad niya. Napatingin ako sa may balkonahe. Nandoon nakatayo si Killian, nakasandal sa railing, nakapamulsa at nakatingin sa amin magina. “Hindi ko siya kilala, anak. At hindi ba ang sabi ko sayo, don't talk to stranger?”“Pero kilala niya tayo, alam nga niya pangalan ko at maging saiyo. Kaya paano siya magiging stranger?” naguguluhan tanong niya. Huminga ako ng malalim. Sabay kagat sa labi ko. Paano ko ba sasabihin sa batang ito na ang ‘tito’ tinutukoy niya ay may tinatagong sungay? Hindi rin siya titi
Chapter 2ALEXANDRA'S POV Hindi ko alam kung paano ako nakarating agad sa mansion ng mga Cross. Buong biyahe sinubukan kong tawagan muli ang ginamit na number ni Killian, pero hindi siya sumasagot. Pagbukas ng gate sa harapan ko, sinalubong akong ng dalawang lalaking naka-barong. Inamin ng dalawa na sila ang sumundo kay Patricia. Gustong-gusto kong sugurin ang isa sa kanila, pero naisip ko din na baka kapag ginawa ko ang bagay na iyon, mas lalo kong hindi makuha ang anak ko. "Ms. Rossi, kanina ka pa po hinihintay ni Gov," magalang na sabi ng isa, na para bang hindi sila nangidnap ng bata. Sinundan ko sila sa loob ng bahay na mas mukhang palasyo ang itsura. Mataas ang kisame, malinis ang sahig na parang ikaw na lang ang mahihiyang umapak. Sa gitna mula sa entrance, nakikita ko ang isang malaking chandelier, na para bang mas mahal pa ang ginastos sa bahay na ito kesa sa kailangan ng foundation ko. Ito ba ang buhay ng isang taong nagsasabing para siya sa mahihirap? Natutulog sa isan
CHAPTER 1ALEXANDRA’S POVPinagmamasdan ko ang mukha ng lalaking nasa harapan ko. Matangos ang kanyang ilong, chinito at mestiso ang kulay ng balat. Para siyang isang Greek God na nababasa ko sa mga libro. Masasabi kong gwapo nga siya, pero hindi paghanga ang nararamdaman ko sa lalaking ito, kundi pagkainis. Nakaupo ako habang katapat si killian Cross, ang kasalukuyang Gobernador ng Santa Clara. Nandito kami ngayon sa isang VIP room sa isang sikat na restaurant ng bayan para pag-usapan ang ino-offer niya na lalo kong ikinagagalit. Habang seryoso siyang nakatingin sa aking nakikita ko ang amusement sa mga mata niya. Namumula ang mukha ko sa pagtitimpi nna hindi siya batuhin ng platong nasa harapan ko. Sino ba kasing matinong politiko ang magsasabi ng ‘Be my woman, Ms. Rossi.’? Hanggang ngayon nasa utak ko pa rin ang mga salitang iyon! Ang kapal din talaga ng mukha niya. Akala siguro ng lalaking ito, kagaya ako ng ibang mga babaeng nagkakandarapa sa kanya. Nakita ko nga ang gulat sa m







