เข้าสู่ระบบChapter 2
MIKAELA’S POV Hindi ako nagmamadali sa pagsubo ng kinakain ko. Kinuha ko ang wine glass na nasa harapan ko at tinikman ang laman nitong alak. Habang hinahayaan ko si Kael na nagkukuwento tungkol sa kung anu-anong tungkol sa negosyo. Pero sa loob-loob ko, wala akong balak pakinggan siya. Dahil bawat salitang sasabihin niya alam ko na dahil ‘yon mismo ang sinulat ko. Nasa kalagitnaan kami ng pagkain ng dessert ng magsalita siya. “Camilla.” Nag-angat ako ng tingin, seryoso ang mukha niya habang nakatingin sa akin. Lumapit siya sa akin at lumuhod sa harapan ko. Mula sa bulsa niya nilabas niya ang isang maliit na itim na kahon. Binuksan niya, sa ilalim ng mga chandelier, kumislap sa harapan ko ang isang singsing na mayroong diyamante. Hinawakan niya ang kamay ko, gusto ng isuot sa daliri ko ang singsing. “Hon, I know this isn't the right time yet, but this is my promise ring, pinapangako ko na hindi tayo habang-buhay magtatago—” Alam ko na ang kasunod na tagpong ito, sumilip ang ngiti sa mga labi ko. Bumukas ng malakas ang pintuan ng private room ng restawran. Ang lahat ng tao sa loob ay natigilan sa pagpasok ng isang babaeng magulo ang damit at buhok. Namumula ang mga mata sa kakaiyak, kalat-kalat ang itim na mascara sa kanyang pisngi. Dalawang security guard ang nakahawak sa braso niya para pigilan siyang makapasok. Si Selestina Miller, ang legal na asawa ni Kael. “Bitiwan niyo ko!” sumisigaw na sabi niya. “Asawa ako ng lalaking nasa VIP room na ito!” “Ma’am, hindi po kayo puwedeng basta na lang pumasok sa—” “Kael!” sigaw niya habang pumipiglas. “Kael Sinclair! Nasaan ka! Harapin mo ko!” Ganitong-ganito ang eksena sa isip ko habang sinusulat ko ang kwento nila sa The reluctant mistress. Para akong nanonood ng pelikula, na para bang ako ang director at nagpapatakbo sa buong storya. Pero may parte sa puso ko ang nasasaktan habang pinagmamasdan ang mukha niya miserable sa mga oras na ito. Pamilyar na pakiramdam na pinilit kong iwaksi, dahil sa ngayon ako ang sumisira ng relasyon. Lumapit ako kay Kael, nagkunwari akong nag-aalala sa harapan niya. Ikinawit ko ang braso ko sa kanya. Isinandal ang ulo sa balikat niya. Habang nakatingin kay Selestina na nasa harapan na namin, diretso akong tumingin sa kanyang mga mata at ngumisi na alam kong nakikita niya. “Kael,” “Selestina,” malamig na tawag ni Kael sa asawa. Binitawan muna niya ang kamay ko at ipinasok ang itim na kahon sa bulsa. “Anong ginagawa mo dito? Huwag ka mag-eskandalo dito, nakakahiya!” “Huwag mag-eskandalo?” basag ang boses na sabi niya, habang gumigilid ang mga luha sa kanyang mata. “Ako pa talaga ang nagdudulot ng eskandalo? Kael! Pitong taon akong nagtiis sayo! Minahal kita ng sobra-sobra, halos hindi ko na makilala ang sarili ko. Tapos ngayon, makikita kita rito, kasama ang babae mo!” Tumingin siya sa akin, nanginginig ang kanyang mga labi sa galit. “Ikaw! Hindi ka ba nahihiya? May asawa na ‘yang nilalandi mo! Siguro naman alam mo ‘yon, pero tinuloy mo parin! Hindi ka ba tinatablan ng konsensya! Haliparot ka!” Hindi ako sumagot, nagkunwari akong walang alam sa sinasabi niya. Pero dahil sa sobrang galit na nararamdaman ni Selestina, nakawala siya sa pagkakahawak ng security guard at lumapit sa akin. Bago po ako makapag-react, naramdaman ko na ang kamay niya sa buhok ko at hinila. Naramdaman ko ang pag-angat ng anit ko sa sakit. “Walanghiya kang kerida ka! Makati kang babae!” Napasigaw ako sa sakit, hala! Nararamdaman ko ang sakit, ibig sabihin hindi ito panaginip lang. Pero sa halip na lumaban, ipinikit ko ang mga mata ko at hinayaang tumulo ang mga luha kong kusang lumabas. Nanginginig ang mga balikat kong napakapit kay Kael. “K-kael… ang sakit…” garalgal na bulong ko sa kanya. “Hindi ko naman ginusto ito…” “Selestina, ano ba? Bitiwan mo siya!” Malakas na tinulak ni Kael si Selestina. Tumama ang likod niya sa gilid ng lamesa, kasabay ng pagkalaglag ng mga kutsara. Napahawak siya sa kanyang tiyan habang ang mga mata nakatingin kay Kael, hindi makapaniwala na magagawa siyang saktan. Niyakap ako ni Kael, galit na galit na nakatingin sa asawa. “Anong ginagawa mo Selestina? Nasisiraan ka na ba ng bait?” tumingin siya sa akin. “Camilla, are you all right?” Umiling ako, nagpapaawa sa harapan niya. Nagkunwari akong pinipigilan ang hikbing gustong lumabas sa bibig ko. Sa gilid ng mata ko, nakikita ko ang itsura ni Selestina. Namumutla ang ang mukha niya, sandaling bumigat ang pakiramdam ko. Hindi dahil naawa ako sa kanya, kundi naalala ko ang gabing nasa naranasan ko ang posisyon niya ngayon. “Guard!” sumigaw si Kael at hinanap ang mga security guard. “Ilabas niyo siya ngayon din, kung ayaw niyo lahat kayo sesante na bukas!” Mabilis na sumunod ang dalawang security guard, hinawakan nila si Selestina sa mga braso at hinila palabas. “Kael, Huwag! Makinig ka sa akin, asawa mo parin ako! Huwag mo itong gawin sa akin, dahil lang sa babae na iyan!” “Ilabas niyo na siya!” Hindi man lang tiningnan ni Kael si Selestina. Kinaladkad nila palabas ang legal na asawa ni Kael. Habang ako, hinawakan niya at inayos ang buhok kong nagulo. Pagsara ng pintuan, niyakap niya ako at huminga ng malalim. “I’m sorry, Camilla. Hindi ko alam na pupunta siya rito. Kung alam ko lang sana, hindi ka niya masasaktan.” Isinubsob ko ang mukha ko sa dibdib niya. Nagkukunwaring umiiyak, pinipigilan ang sarili kong mapangiti sa sitwasyon. Para akong nababaliw, hindi ko maintindihan kung paano ako natutong umarte na para bang totoong-totoo. “Pangako ko sayo, tatapusin ko na ang lahat sa amin ni Selestina,” bulong niya pa sa tenga ko. “Within a week. Mag-fifile na ako ng divorce. I'll talk to my lawyers tomorrow, and I'll make sure everything is settled as soon as possible, Ikaw lang ang pipiliin ko, Camilla.” Hinawakan niya ang mga balikat ko at iniharap sa kanya. Pinunasan ang mga kunwaring luha ko at lumuhod. Muli niyang nilabas ang itim na kahon. Isinuot sa palasingsingan ko ang diyamante na para bang sinukat para sa akin. Tiningnan ko ang diyamanteng kumikislap sa daliri ko, sa unang pagkakataon mula ng magising ako mula sa mamahaling kuwarto kanina, nakaramdam ako ng lubos na kasiyahan. Ganito pala ang pakiramdam ng isang kabit na nakukuha ang lahat ng gusto. Yumakap ako sa kanya, mahigpit ko siyang niyakap. Sa likod niya may isang malaking salamin. Pinagmamasdan ko ang sarili ko, namumula ang mga labi, medyo magulo ang buhok. Pero sa aking mga mata, makikita ang isang kaligayahan. Kahit sandaling panahon, gusto ko munang maranasan ang pagmamahal na binigay ni Oliver sa kabit niya, sa pamamagitan ni Kael. Sige lang Kael, iparamdam mo sa akin ang mahalin ako, na hindi ko naranasan sa piling ni Oliver. Mahalin mo ko ng buong-buo, hanggang sa hindi mo na kayang mawala pa ako sa buhay mo, saka kita iiwan. Gusto kong maranasan niya ang sakit na naramdaman ko nang iwan ako ng sarili kong asawa. Kahit alam kong nasa loob lang ako ng nobelang isinulat ko, pinapangako kong hindi siya magiging masaya dahil nagawa niyang ipagpalit ang asawa sa isang kabit.Chapter 5MIKAELA’S POV“Who are you?” tanong ko, mariin ang aking boses. “Paano mo nalaman ang tungkol sa relasyon namin ni Kael?” Bumuntong-hininga ang nasa kabilang linya. “Huwag sa cellphone. Tomorrow, morning. Let’s meet hija, sa cafe liwayway, sa may dulo ng Calle Rosario. Huwag ka na magsama ng kahit na sino, maski driver mo.” “Bakit naman kita susundin?” naiinis kong sabi.“Dahil lahat ng nakapaligid sayo, binabayaran ni Kael Sinclair!” Nagulat ako, kailan pa nagkaroon ng kakayahan si Kael na maging amo sa mga tauhan ng pamilya namin? “If you want to know everything. Just do as I say.” bago pa ako makasagot sa kanya, pinatayan na niya ako ng tawag. Binulsa ko ang hawak kong cellphone. Lumapit ako sa may bintana, hindi ako makapaniwala sa mga nangyayari. Kahapon bago ako natulog, tumutugma ang lahat ng eksena sa nobelang isinulat ko, pero bakit parang ngayon, nagiiba at hindi na ako ang kumokontrol? Bumalik ako sa lamesa at inayos ang pagkasara ng lahat ng drawer. Matapo
Chapter 4MIKAELA’S POVHindi ako nakatulog sa biyahe pauwi, kahit nakasandal ang ulo ko sa balikat ni kael sa loob ng kotse. Nakapikit lang ako, habang iniisip ang mga susunod na eksena dapat sa nobelang isinulat ko. Sa chapter 5, dapat magtatampo ako dahil hindi pa nagfa-file ng divorce si Kael. tapos sa chapter 7, doon pa lang magsisimula ang tunay na gulo sa mga buhay namin. Pero bakit parang nagmamadali ang lahat? Bakit mabilis ang plot ng kwento at hindi sumusunod sa orihinal?“Hon, we’re here.”Idinilat ko ang aking mga mata. Nasa harap na kami ng mansion. Nakatingin ako sa malaking gate na kulay itim, makikita mula sa labas ang malaking fountain na nasa gitna ng garden. Sa libro, maliit lang ang pagpapakilala ko sa bahay ni Camilla, pero ngayon habang pinagmamasdan ko ito, mas malaki pa ang bahay na ito kesa sa tinitirhan ko sa totoo kong mundo. “Ihahatid na kita sa loob,” sabi ni Kael sa akin na akmang papasok sa loob kasabay ko. “Huwag na, Hon.” ngumiti ako at hinawakan an
Chapter 3MIKAELA’S POVMatapos ang nangyari sa Vip room sa restawran, nagyaya ng umalis si Kael. Hindi na ako nagtanong pa kung saan kami pupunta dahil alam ko na ang susunod na mangyayari bilang writer ng kwentong ito. Gagampanan ko muna ang pagiging kabit ni Kael, kahit alam kong masasaktan si Selestina. Susulitin ko muna na mahal niya pa ako, may parte ng pagkatao ko ang nakukunsensya dahil alam kong mali ito. Pero mas nangingibabaw ang pagnanais ko na maranasan muli ang mahalin. Pumasok kami sa isang sikat at mamahaling hotel. Habang nasa elevator, hindi inaalis ni Kael ang kamay sa baywang ko habang nilalaro ang dulo ng tela ng bestida ko. Bumibilis ang tibok ng puso ko, hindi na ako inosente sa ganitong eksena. Alam kong matapos ibigay ni Kael ang mamahaling singsing, katawan ko naman ang gusto niyang kapalit.Nang bumukas ang pinto ng penthouse, mula sa mahinang ilaw ng mga kandilang nakakalat, nakikita ko ang mga nakakalat na talulot ng rosas sa sahig, maging sa kama. Mayro
Chapter 2MIKAELA’S POVHindi ako nagmamadali sa pagsubo ng kinakain ko. Kinuha ko ang wine glass na nasa harapan ko at tinikman ang laman nitong alak. Habang hinahayaan ko si Kael na nagkukuwento tungkol sa kung anu-anong tungkol sa negosyo. Pero sa loob-loob ko, wala akong balak pakinggan siya. Dahil bawat salitang sasabihin niya alam ko na dahil ‘yon mismo ang sinulat ko.Nasa kalagitnaan kami ng pagkain ng dessert ng magsalita siya.“Camilla.”Nag-angat ako ng tingin, seryoso ang mukha niya habang nakatingin sa akin. Lumapit siya sa akin at lumuhod sa harapan ko. Mula sa bulsa niya nilabas niya ang isang maliit na itim na kahon. Binuksan niya, sa ilalim ng mga chandelier, kumislap sa harapan ko ang isang singsing na mayroong diyamante. Hinawakan niya ang kamay ko, gusto ng isuot sa daliri ko ang singsing.“Hon, I know this isn't the right time yet, but this is my promise ring, pinapangako ko na hindi tayo habang-buhay magtatago—”Alam ko na ang kasunod na tagpong ito, sumilip ang
Chapter 1MIKAELA’S POV“Nandito na po ang lahat ng kailangan ninyong pirmahan, Ma’am,” sabi sa aking ng abogado, habang nilalapag sa harapan ko ang mga dokumentong kailangan para sa divorce namin ni Oliver. Ang lalaking akala ko makakasama ko habang buhay. Pumikit ako para pakalmahin ang sarili ko. Nasa law office kami at inaasikaso ang lahat ng papeles para sa pagdidiborsiyo. Sa kabilang dulo ng upuan, nakaupo si Oliver. Busy sa kanyang cellphone at hindi siya tumitingin sa akin. “Ang bahay, ang iba pang mga ari-arian at ang laman po ng mga account niyo, ililipat po sa pangalan ni…”Hindi ko na pinakinggan pa ang sasabihin niya. Tinaas ko ang aking mga kamay bilang hudyat na wag na siya magsalita. Kinuha ko ang ballpen na nasa tabi ng mga papeles. Mabigat ang mga kamay ko habang sinusulat ang pangalan ko at pirma sa divorce paper. Hindi parin ako makapaniwala na sa loob ng dalawang taon, ganoon na lang niya kung itapon ang mga ala-ala ng pinagsamahan namin. Ang dahilan niya—para







