เข้าสู่ระบบ
CHAPTER 1
ALEXANDRA’S POV Pinagmamasdan ko ang mukha ng lalaking nasa harapan ko. Matangos ang kanyang ilong, chinito at mestiso ang kulay ng balat. Para siyang isang Greek God na nababasa ko sa mga libro. Masasabi kong gwapo nga siya, pero hindi paghanga ang nararamdaman ko sa lalaking ito, kundi pagkainis. Nakaupo ako habang katapat si killian Cross, ang kasalukuyang Gobernador ng Santa Clara. Nandito kami ngayon sa isang VIP room sa isang sikat na restaurant ng bayan para pag-usapan ang ino-offer niya na lalo kong ikinagagalit. Habang seryoso siyang nakatingin sa aking nakikita ko ang amusement sa mga mata niya. Namumula ang mukha ko sa pagtitimpi nna hindi siya batuhin ng platong nasa harapan ko. Sino ba kasing matinong politiko ang magsasabi ng ‘Be my woman, Ms. Rossi.’? Hanggang ngayon nasa utak ko pa rin ang mga salitang iyon! Ang kapal din talaga ng mukha niya. Akala siguro ng lalaking ito, kagaya ako ng ibang mga babaeng nagkakandarapa sa kanya. Nakita ko nga ang gulat sa mukha niya ng mag ‘NO’ ako, ngek-ngek niya no! Akala ko pa naman kaya niya ako gustong makausap dahil sa foundation. "Sa tingin mo ba, basta na lang akong papayag na 'no' ang sagot mo, Ms. Rossi?" Diretso ang mata niya nakatingin sa akin, hindi ko mabasa kung ano ang nasa isip niya. Kung staff ko siguro ang nandito at kausap siya, siguradong kakabahan na. Pero sa dami-dami ng nakilala kong politiko, bakit ako matatakot sa isa pang buwaya? Tinaasan ko siya ng kilay at sinalubong ng titig ang mga matang matiim na nakatingin sa akin. "I'm sorry to disappoint you, Mr. Cross. I know what you want! Hindi ko alam kung nag-jojoke ka lang ba sa sinasabi mo, pero kahit ano pa iyon, hindi pa rin ako papayag na gamitin mo, o ng kahit sino sa inyo, ang foundation na pinaghirapan ko nang mahigit isang taon. I will still say 'no' to your damn offer, Mr. Governor!" Hindi ko na hinintay na sumagot pa siya, tumayo ako para tumalikod. Wala akong panahon makipag-usap sa mga kagaya niya na sarili lang ang iniisip. "Hindi ako tumatanggap ng pagkatalo, Ms. Rossi. At sinisiguro ko sa iyo, whether you like it or not, you will obey me," madiin niyang sabi. Napabalik ang tingin ko sa kanya, Nakapaskil sa mga labi niya ang isang nakakatakot na ngisi. Bahagya akong kinilabutan, pero hindi ko ipinahalata. "At sisiguraduhin kong hindi mangyayari iyon," matapang kong sagot sa kanya. Lalong lumawak ang ngiti niya. "Trust me, Darling. Wanna bet?" Nakasalubong ang mga kilay ko, habang nakikipag-tagisan parin ako ng tingin sa kanya. May kaunting takot na gumapang sa katawan ko, sino ba naman kasi ang hindi matatakot? Kaharap ko ang isa sa pinaka-kinatatakutan at pinakamakapangyarihang tao sa buong lalawigan, may balita pa nga na isa itong sekretong mafia boss. Pero hindi ako dapat matakot sa kanya. "No need!" masungit kong sabi, saka siya tuluyang tinalikuran. Naiinis akong lumabas ng restaurant. Paglabas ko, agad akong pumara ng taxi para makauwi na. Habang nasa byahe ako, nakakuyom pa rin ang mga kamao ko sa kandungan, dahil sa halo-halong emosyon. Ipinapangako ko sa sarili ko, ito na ang huling beses na makikita at makakausap ko ang lalaking iyon. Isa siya sa mga dapat kong iwasan, at hindi na dapat mag-krus pa ang mga landas namin. —- Pagkarating ko sa bahay, nagtaka ako kung bakit walang batang sumalubong sa akin. Madalas kasi, bago ko pa mababa ang bag ko, may yakap na akong natatanggap at may nagtatanong na kung ano ang pasalubong ko, pero walang bata sa harapan ko. Hinubad ko ang tsinelas ko at lumapit kay Mama, na nakaupo sa sala habang may hawak na remote. Kunot ang noo niya nang makita ako. "Oh, bakit nandito ka?" tanong ni Mama. Tumaas ang kilay ko. "Ano bang klaseng tanong iyan, Ma? Pinapalayas mo na ba ako?" Tumingin ako sa paligid. Saan na naman kaya nagtatago ang batang iyon? "Where's Patricia, Ma?" "Teka nga, Alexandra. Akala ko ba nasa mansion ka ng mga Cross? Hindi ba kayo magkasama ni Patricia?" puno ng pagtataka ang mukha ni Mama, siya lang ako nakaramdam ng pag-aalala. Natigilan pa ako nang mabanggit niya ang apelyido ng gobernador na iyon. "Ma, wait! What are you talking about? Ano naman ang gagawin ko sa mansion—" "May sumundo kay Patricia kanina rito, itim na sasakyan, dalawang lalaking naka-barong," mabilis na paliwanag ni Mama, at nagsisimula nang mag-alala ang mukha niya. "Sabi nila, ipinapasundo ka raw ni Gov para sa meeting, at isinasama mo pa nga raw si Patricia. Pinakita pa nila ang ID nila, kaya tiwala ako. Akala ko, para sa foundation mo—" Naputol ang sasabihin ni Mama nang mag-ring ang cellphone ko. Pareho kaming napatingin sa bag ko kung saan nakalagay ang cellphone ko. Parang may tambol sa dibdib ko ng pagkakuha ko at makita ang ‘UNKNOWN NUMBER.’ Nanlalamig ang mga kamay ko, at hindi ko alam kung bakit, pero parang kilala ko na kung sino ang tumatawag. Lalo pa nga bumilis ang tibok ng puso ko pagkasagot ko ng tawag at marinig ang baritono niyang boses mula sa kabilang linya, ang lalaking ayaw ko nang makita at marinig pa ang boses. "H-hello?" "Hi, Alexandra." Nahihimigan ko ang amusement sa boses niya. "You! Paano mo nalaman ang number ko? Ah… Whatever, just don't call me again, you asshole!" Akmang ibababa ko na ang tawag nang muli siyang magsalita. "Oh, by the way… mayroon pala akong hindi nasabi sa iyo kanina." Inirapan ko siya, kahit alam kong hindi niya ako nakikita. "Hindi ka pa ba tapos sa gusto mong sabihin? Alam mo, Mr. Killian Cross, wala na akong panahon sa mga kaek-ekan mo, kaya please—" "Nasa akin ang anak mo." Kalmado ang boses niya, parang nag-aanunsyo lang ng schedule. Pagkatapos ay narinig ko ang pag-buntong-hininga niya. "Damn, Why are you so noisy." Parang may kung anong pumigil sa paghinga ko. Nanginginig na hindi ko inaasahan. "What? Anong ginawa mo sa anak ko? Nasaan siya—" "Shut up!" naiirita nang sabi ni Killian. "Come to my mansion if you want to see her." "Hello! Cross!" sigaw ko nang babaan niya ako ng tawag. Nanginginig ang kamay kong may hawak sa cellphone. Ang baliw na iyon! Hindi talaga ako titigilan hangga't hindi nakukuha ang gusto niya. Dinamay pa niya ang isang inosenteng bata. "Alexandra, anak, ano'ng nangyayari?" tanong ni Mama, hawak ang braso ko. Tinapik ko ang kamay ni mama ng marahan. "I need to go ma," Hindi ko na hinintay ang sagot niya. Isa lang ang umiikot sa isip ko habang kinuha ko muli ang bag na binitawan ko kanina at tumakbo palabas ng p***o. Damn you, Killian Cross!Chapter 4ALEXANDRA'S POV Habang papunta ako sa opisina ng gobernador, hindi ako humihinga. Nasa ika-limang palapag ito ng kapitolyo kaya gumamit ako ng elevator. May nakita akong dalawang babae na nasa tabi ng pintuan. Ngumiti sila sa akin. “Ms. Rossi, magandang araw po. Pwede na po kayo pumasok sa loob.” sabi ng isa. Tumango ako sa kanya. Bago ako pumasok narinig ko pa ang bulungan ng dalawa. “Hala, bakit andito si Ms. Rossi? Hindi ba siya iyon sikat na founder ng KCF?”“Oo, nga eh. Ano kaya relasyon niya kay Gov? Sana makakuha din ako ng prima niya, idol ko siya eh.” Bumuntong-hininga ako, mamaya na ako magpapa-autograph sa kanila, tapusin ko lang problema ko sa amo nila. Pagpasok ko, nakaupo si Killian sa sofa na mayroon center table. Simple lang opisina niya. Hindi ganoon sa bahay niya na puro mamahalin ang lahat. Lumapit ako sa tapat niya.“You’re too early, Darling.”Hindi na ako nag-paligoy-ligoy pa. “Alisin mo ang cease and desist order, ngayon na din!”“Maupo ka muna.”
Chapter 3ALEXANDRA'S POV“Patricia, anak. Tara na, uuwi na tayo.” sabi ko habang nakaluhod sa harap niya, kasalNag-pout siya, hawak pa rin niya sa kamay ang isang tinidor, hindi pa siya tapos kumain ng cake. “Uuwi na tayo, Mami? Ngayon na po? Hindi pa po kasi ako nakakapaglaro sa may pool.”“Yes, nak. Ngayon na mismo.”“Pero bakit po ang bilis, mami? Mabait naman po sa atin si Tito. Ayaw mo po ba kay Tito?” Ito ang problema ko kay Patricia, ang dami niyang tanong na normal lang sa edad niya. Napatingin ako sa may balkonahe. Nandoon nakatayo si Killian, nakasandal sa railing, nakapamulsa at nakatingin sa amin magina. “Hindi ko siya kilala, anak. At hindi ba ang sabi ko sayo, don't talk to stranger?”“Pero kilala niya tayo, alam nga niya pangalan ko at maging saiyo. Kaya paano siya magiging stranger?” naguguluhan tanong niya. Huminga ako ng malalim. Sabay kagat sa labi ko. Paano ko ba sasabihin sa batang ito na ang ‘tito’ tinutukoy niya ay may tinatagong sungay? Hindi rin siya titi
Chapter 2ALEXANDRA'S POV Hindi ko alam kung paano ako nakarating agad sa mansion ng mga Cross. Buong biyahe sinubukan kong tawagan muli ang ginamit na number ni Killian, pero hindi siya sumasagot. Pagbukas ng gate sa harapan ko, sinalubong akong ng dalawang lalaking naka-barong. Inamin ng dalawa na sila ang sumundo kay Patricia. Gustong-gusto kong sugurin ang isa sa kanila, pero naisip ko din na baka kapag ginawa ko ang bagay na iyon, mas lalo kong hindi makuha ang anak ko. "Ms. Rossi, kanina ka pa po hinihintay ni Gov," magalang na sabi ng isa, na para bang hindi sila nangidnap ng bata. Sinundan ko sila sa loob ng bahay na mas mukhang palasyo ang itsura. Mataas ang kisame, malinis ang sahig na parang ikaw na lang ang mahihiyang umapak. Sa gitna mula sa entrance, nakikita ko ang isang malaking chandelier, na para bang mas mahal pa ang ginastos sa bahay na ito kesa sa kailangan ng foundation ko. Ito ba ang buhay ng isang taong nagsasabing para siya sa mahihirap? Natutulog sa isan
CHAPTER 1ALEXANDRA’S POVPinagmamasdan ko ang mukha ng lalaking nasa harapan ko. Matangos ang kanyang ilong, chinito at mestiso ang kulay ng balat. Para siyang isang Greek God na nababasa ko sa mga libro. Masasabi kong gwapo nga siya, pero hindi paghanga ang nararamdaman ko sa lalaking ito, kundi pagkainis. Nakaupo ako habang katapat si killian Cross, ang kasalukuyang Gobernador ng Santa Clara. Nandito kami ngayon sa isang VIP room sa isang sikat na restaurant ng bayan para pag-usapan ang ino-offer niya na lalo kong ikinagagalit. Habang seryoso siyang nakatingin sa aking nakikita ko ang amusement sa mga mata niya. Namumula ang mukha ko sa pagtitimpi nna hindi siya batuhin ng platong nasa harapan ko. Sino ba kasing matinong politiko ang magsasabi ng ‘Be my woman, Ms. Rossi.’? Hanggang ngayon nasa utak ko pa rin ang mga salitang iyon! Ang kapal din talaga ng mukha niya. Akala siguro ng lalaking ito, kagaya ako ng ibang mga babaeng nagkakandarapa sa kanya. Nakita ko nga ang gulat sa m







