แชร์

Chapter 2

ผู้เขียน: Author Vee
last update วันที่เผยแพร่: 2026-11-22 19:10:22

Chapter 2

ALEXANDRA'S POV 

Hindi ko alam kung paano ako nakarating agad sa mansion ng mga Cross. Buong biyahe sinubukan kong tawagan muli ang ginamit na number ni Killian, pero hindi siya sumasagot. 

Pagbukas ng gate sa harapan ko, sinalubong akong ng dalawang lalaking naka-barong. Inamin ng dalawa na sila ang sumundo kay Patricia. Gustong-gusto kong sugurin ang isa sa kanila, pero naisip ko din na baka kapag ginawa ko ang bagay na iyon, mas lalo kong hindi makuha ang anak ko. 

"Ms. Rossi, kanina ka pa po hinihintay ni Gov," magalang na sabi ng isa, na para bang hindi sila nangidnap ng bata. 

Sinundan ko sila sa loob ng bahay na mas mukhang palasyo ang itsura. Mataas ang kisame, malinis ang sahig na parang ikaw na lang ang mahihiyang umapak. Sa gitna mula sa entrance, nakikita ko ang isang malaking chandelier, na para bang mas mahal pa ang ginastos sa bahay na ito kesa sa kailangan ng foundation ko. 

Ito ba ang buhay ng isang taong nagsasabing para siya sa mahihirap? Natutulog sa isang marangyang bahay na kahit saan ako lumingon, parang ginto ang halaga. Nakaramdam ako ng inis. Kaya siguro nawalan ng tiwala sa kanya ang mga taumbayan, isa din kasi siya kurap.

Pero nawala ang lahat ng inis ko ng marinig ko ang tawa ni Patricia. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko. Mabilis ako naglalakad na para na akong tumatakbo para makarating sa hardin kung saan naglalaro ang anak ko. Nakaupo siya sa isang carpet, may hawak na malaking piraso ng cake at may icing sa pisngi. Nasa tabi niya ang isang matandang babae, nakapaskil sa kanyang labi ang isang tunay na ngiti habang nakikipaglaro kay Patricia. 

“Patricia!” malakas kong tawag sa kanya.

Lumingon sa akin gawi ang dalawa, “Mami!” tumayo siya at patakbong yumakap sa akin. “Mami, ang laki ng bahay ni Tito! May fountain pa sila, malaking swimming pool. Tapos isang asong puti na mabait.” 

Niyakap ko siya ng mahigpit. Naamoy ko sa kanya ang amoy ng cake, shampoo na mukhang mamahalin. Tinangal ko ang pagkakayakap sa kanya at tinitigan ko siya. Mula ulo, hanggang paa. 

Thank God, safe ang anak ko!

"Okay ka lang ba, anak? Wala bang nanakit sa iyo?"

"Hmm… “ inosente niya kong tiningnan. Pero agad din siya ngumiti ng malapad. “Wala naman po. Sabi lang ni Tito, hintayin ko raw kayo dito, tapos binigyan niya ako ng cake. Ang sarap nga nito Mami. Pwede po bang dito na lang tayo tumira tapos dito na lang din ako mag-birthday?"

Hindi ko alam kung maiiyak ako o sisigaw para lang ilabas ko ang frustration nararamdaman ko. Ang ginawa ko na lang, hinaplos ko na lang ang buhok niya at tumingin sa matandang babae. "Pwede po bang, pakisamahan muna po siya sa labas, mga saglit lang po." 

Tumango ang matandang babae, saka nito inakay si Patricia palabas. Mga ilang segundo lang simula ng umalis sila sa harapan ko, lumingon ako sa lalaking nakasandal sa hamba ng pintuan, nakapamulsa at parang nanonood sa pagkikita namin magina. Nakatupi ang manggas ng puting polo niya hanggang siko. 

“Ang bilis mo, ah.” nakangiti niyang sabi sa akin. “Nakarating ka agad dito sa loob lang ng kalahating oras. Amazing…”

Galit na galit na lumapit ako sa kanya at pinaghahampas ang dibdib niya. Pero parang wala lang sa kanya ang ginagawa ko. 

“Ang kapal talaga ng mukha mo, hayop ka!” nanginginig kong sabi sa kanya. “Pwede kitang kasuhan ng kidnapping! Alam mo ba kung ilang batas ang nilabag mo? Kaya kita ipakulong!”

Hinuli niya ang mga kamay kong patuloy parin siya hinahampas. At marahas niya akong pinasok sa loob ng silid-aklatan. Sinandal ako sa likod ng pintuan, habang ang mga kamay ko mahigpit niya hawak at nilagay sa tuktok ng uluhan ko. Napatingala ako sa kanya, puno ng pagkasuklam ang mukha ko habang nakatingin sa kanya. Hindi siya nagalit sa ginawa ko, para pa nga siya natutuwa sa naging reaksyon ko. Ang masama pa roon, naamoy ko ang mabango niyang hininga, pati ang mamahaling pabango niya na nag-iiwan ng kakaibang kiliti sa ilong ko.

“Kidnapping?” sarkastiko siyang ngumiti sa akin. Humahampas sa mukha ko ang hininga niya. “Pinasundo ko lang ang anak mo, Ms. Rossi. Pinasabi ko sa mga tauhan ko na ikaw ang nag-utos. Walang pumilit sa mama mo na maniwala sa kanila, at higit sa lahat hindi sila nagbanta para makuha ang anak mo, ask your mother, darling!” 

“Alam mong hindi ko iyon sinabi!” hindi ko pinapansin ang init na hatid ng mga kamay niya

“Alam ko,” sabi niya sa kalmadong boses. “Pero isang bagay iyon na hindi mo kayang patunayan sa harap ng korte, mapapahiya at matatalo ka lang sa akin.”

“Fck you!” nagpumiglas ako sa hawak niya sa pulso ko. Nauunawaan ko na ang gusto niyang laro. Hindi niya sinigawan ang anak ko, maski ang saktan ang bata hindi niya ginawa. Pinapatunayan lang ng lalaking ito na kaya niya kunin ang lahat ng gusto niya ng hindi gumagamit ng dahas. 

“Ano ba talaga ang gusto mo?!” naiinis kong sabi sa kanya. 

Tumaas ang isang kilay niya, bumaba ng kaunti ang mukha niya para maduling ako at mas lalo akong nakaramdam ng kakaibang tension. 

“You know what I want, Ms. Rossi. Be my woman.” 

“Baliw ka na!” mahina kong sigaw sa mukha niya. Sa sitwasyon namin pwede na niya ako halikan. “Alam mo din dapat ang sagot ko, hindi ako isang bagay at hindi ako p****k para basta mo na lang iooffer na maging babae mo!”

“Alam na alam ko, Ms. Rossi.” binitawan niya ang kamay ko, naglalakad siya papunta sa isang lamesang mayroon computer. “Kaya hindi kita pipilitin. Pero papipiliin kita.” 

May kinuha siya sa drawer at ibinagsak sa center table ang isang folder. Lumapit ako sa center table pero hindi ko kinuha. Pero nakikita ng mga mata ang mga nakasulat doon. ‘Contract’.

“Anim na buwan na lang bago magsimula ang kampanya,” patuloy niya ng hindi ako nagsasalita. “Nawala ang tiwala sa akin ng mga tao sa mga nakaraang taon.”

Deserve! Bulong ko sa isip ko.

“Pero ikaw, ang public figure mo. Pinagkakatiwalaan ka ng mga taong ayaw maniwala sa akin. At pati na rin ang foundation itinatag mo. A perfect combination to use.”

‘Kalinga Community Foundation’ aka KCF ay ginawa ko para sa mga kagaya kong single mom na hindi kayang buhayin ang kanilang mga anak. Mga iniwan, ginahasa na kagaya ng naranasan ko. Isa akong biktima ng rape case, na nabuntis at hindi pinanagutan dahil ayoko. Kapag naaalala ko ang nangyari na iyon sa akin, kinasusuklaman ko ang gumawa niyon sa akin. At parehong- pareho sa nararamdaman ko sa lalaking nasa harapan ko ngayon. 

“Nakakasuklam ka! Gusto mo lang ako gamitin.”

“Tama ka,” walang pag-aatubili na sabi niya. “Don't worry, Darling. Kapag tinanggap mo ang offer ko, kaya kong ibigay lahat ng kailangan mong pondo, mga project at higit sa lahat proteksyon para sa foundation mo. Pero ang kapalit, haharap ka sa publiko bilang babae ko.” 

Tinawanan ko siya, “A fake relationship? Tuturuan mo pa ko magsinungaling sa harap ng taumbayan? Ano ito, teleserye?”

Tinaasan niya ako ng kilay. “Sinabi ko bang fake relationship?” 

Kumakabog ang dibdib ko, hindi ko alam kung dahil ba iyon sa takot o sa paraan ng pagkakasabi niya? 

“Kahit ano pa ang sabihin mo, hindi ako papayag!” mariin kong sabi. “Sa tingin mo ba, ipagpapalit ko ang pangalan ko, ang foundation para lang sa kampanya mo?”

Lumapit siya sa likod ko at pinaupo sa sofa na katapat ng lamesa. Saka bumulong sa tenga ko. “Hindi mo kailangan pumayag, Ms. Rossi. Naiisip ko nga ngayon, mukhang gustong-gusto ni Patricia dito, ano kaya kung dito muna kayo tumira? Para na din sa seguridad niyo.” 

Pinaalis ko ang kamay niya sa balikat ko at masama ko siyang tiningnan.

“Anong seguridad pinagsasabi mo?!” 

Ngumiti lang siya sa akin, siguro kung wala kami sa ganitong sitwasyon sa klase ng ngiti niya, kikiligin ako. Pero hindi eh, ang kaharap ko ang isa sa taong kinaiinisan ko na ngayon. Balak nitong ikulong ako sa mala-palasyo nitong bahay, walang pinagkaiba sa  isang hawla na hindi ka makakapag-desisyon. 

“No! Aalis na kami!” 

Itinuro niya ang pintuan. “Sige, malaya kayong umalis ngayon din.” 

Nagulat ako, ganun lang kadali? Akala ko haharangan niya ako. Pero nagbago din ang iniisip ko ng makita ko ang kakaibang kislap sa mga mata niya. Ang taong ito, muling bumalik ang kaba sa dibdib ko, alam kong hindi siya basta-basta. Hindi ko talaga mabasa ang mga plano niya. 

“Pero, Ms. Rossi, tanungin mo muna ang anak mo kung gusto na ba niyang umuwi?” nakangisi na siya sa harapan ko habang nakapamulsa. 

Saglit akong natigilan. Mula sa labas ng silid-aklatan, maririnig ang boses ni Patricia. Masayang masaya na tumatakbo sa sala. 

Jusko! Ano ba ang plano ng taong ito?

อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป

บทล่าสุด

  • The Governor Obsession   Chapter 4

    Chapter 4ALEXANDRA'S POV Habang papunta ako sa opisina ng gobernador, hindi ako humihinga. Nasa ika-limang palapag ito ng kapitolyo kaya gumamit ako ng elevator. May nakita akong dalawang babae na nasa tabi ng pintuan. Ngumiti sila sa akin. “Ms. Rossi, magandang araw po. Pwede na po kayo pumasok sa loob.” sabi ng isa. Tumango ako sa kanya. Bago ako pumasok narinig ko pa ang bulungan ng dalawa. “Hala, bakit andito si Ms. Rossi? Hindi ba siya iyon sikat na founder ng KCF?”“Oo, nga eh. Ano kaya relasyon niya kay Gov? Sana makakuha din ako ng prima niya, idol ko siya eh.” Bumuntong-hininga ako, mamaya na ako magpapa-autograph sa kanila, tapusin ko lang problema ko sa amo nila. Pagpasok ko, nakaupo si Killian sa sofa na mayroon center table. Simple lang opisina niya. Hindi ganoon sa bahay niya na puro mamahalin ang lahat. Lumapit ako sa tapat niya.“You’re too early, Darling.”Hindi na ako nag-paligoy-ligoy pa. “Alisin mo ang cease and desist order, ngayon na din!”“Maupo ka muna.”

  • The Governor Obsession   Chapter 3

    Chapter 3ALEXANDRA'S POV“Patricia, anak. Tara na, uuwi na tayo.” sabi ko habang nakaluhod sa harap niya, kasalNag-pout siya, hawak pa rin niya sa kamay ang isang tinidor, hindi pa siya tapos kumain ng cake. “Uuwi na tayo, Mami? Ngayon na po? Hindi pa po kasi ako nakakapaglaro sa may pool.”“Yes, nak. Ngayon na mismo.”“Pero bakit po ang bilis, mami? Mabait naman po sa atin si Tito. Ayaw mo po ba kay Tito?” Ito ang problema ko kay Patricia, ang dami niyang tanong na normal lang sa edad niya. Napatingin ako sa may balkonahe. Nandoon nakatayo si Killian, nakasandal sa railing, nakapamulsa at nakatingin sa amin magina. “Hindi ko siya kilala, anak. At hindi ba ang sabi ko sayo, don't talk to stranger?”“Pero kilala niya tayo, alam nga niya pangalan ko at maging saiyo. Kaya paano siya magiging stranger?” naguguluhan tanong niya. Huminga ako ng malalim. Sabay kagat sa labi ko. Paano ko ba sasabihin sa batang ito na ang ‘tito’ tinutukoy niya ay may tinatagong sungay? Hindi rin siya titi

  • The Governor Obsession   Chapter 2

    Chapter 2ALEXANDRA'S POV Hindi ko alam kung paano ako nakarating agad sa mansion ng mga Cross. Buong biyahe sinubukan kong tawagan muli ang ginamit na number ni Killian, pero hindi siya sumasagot. Pagbukas ng gate sa harapan ko, sinalubong akong ng dalawang lalaking naka-barong. Inamin ng dalawa na sila ang sumundo kay Patricia. Gustong-gusto kong sugurin ang isa sa kanila, pero naisip ko din na baka kapag ginawa ko ang bagay na iyon, mas lalo kong hindi makuha ang anak ko. "Ms. Rossi, kanina ka pa po hinihintay ni Gov," magalang na sabi ng isa, na para bang hindi sila nangidnap ng bata. Sinundan ko sila sa loob ng bahay na mas mukhang palasyo ang itsura. Mataas ang kisame, malinis ang sahig na parang ikaw na lang ang mahihiyang umapak. Sa gitna mula sa entrance, nakikita ko ang isang malaking chandelier, na para bang mas mahal pa ang ginastos sa bahay na ito kesa sa kailangan ng foundation ko. Ito ba ang buhay ng isang taong nagsasabing para siya sa mahihirap? Natutulog sa isan

  • The Governor Obsession   Chapter 1

    CHAPTER 1ALEXANDRA’S POVPinagmamasdan ko ang mukha ng lalaking nasa harapan ko. Matangos ang kanyang ilong, chinito at mestiso ang kulay ng balat. Para siyang isang Greek God na nababasa ko sa mga libro. Masasabi kong gwapo nga siya, pero hindi paghanga ang nararamdaman ko sa lalaking ito, kundi pagkainis. Nakaupo ako habang katapat si killian Cross, ang kasalukuyang Gobernador ng Santa Clara. Nandito kami ngayon sa isang VIP room sa isang sikat na restaurant ng bayan para pag-usapan ang ino-offer niya na lalo kong ikinagagalit. Habang seryoso siyang nakatingin sa aking nakikita ko ang amusement sa mga mata niya. Namumula ang mukha ko sa pagtitimpi nna hindi siya batuhin ng platong nasa harapan ko. Sino ba kasing matinong politiko ang magsasabi ng ‘Be my woman, Ms. Rossi.’? Hanggang ngayon nasa utak ko pa rin ang mga salitang iyon! Ang kapal din talaga ng mukha niya. Akala siguro ng lalaking ito, kagaya ako ng ibang mga babaeng nagkakandarapa sa kanya. Nakita ko nga ang gulat sa m

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status