Teilen

3

last update Veröffentlichungsdatum: 22.10.2026 12:56:51

JADE ALEGRE

MABILIS NA LUMIPAS ANG MGA ARAW, isang buwan na rin ang lumipas simula nang mag-away kami ng malala ng asawa kong si Jackson. Ramdam ko ang panlalamig naming dalawa sa isa't isa.

Palagi akong umiiyak. Ngunit wala naman akong magawa. Hindi ko rin makausap si Jackson dahil kapag umuuwi ako, nagkukulong na agad ako sa kuwarto. Habang ang asawa ko naman, naging madaling araw na ang uwi. Alas dos hanggang alas tres ng madaling araw.

“Erica…” tawag ko sa kanya.

Dali-dali siyang lumapit sa akin.

“Bakit po, ma'am?” tanong niya.

Malungkot akong tumingin sa kanya. Mapapansin pa ngang namumula ang mga mata ko. Ibig sabihin lang, kagagaling ko lang sa pag-iyak.

“Pasensya ka na kung naaabala namin ang oras ng pagtulog mo. Imbes na tulog ka na sana ng madaling araw, kailangan mo pang magising para pagbuksan ang asawa ko,” malungkot kong sabi.

Ngumiti si Erica. “Ayos lang po, ang ginagawa ko naman, umiidlip na ako sa sala. Diyan sa sofa. Malaki naman ang sofa parang kama rin. Tapos kapag nagising ako para pagbuksan si sir, mabilis lang din naman po akong nakatutulog. Hindi rin naman ako nagigising ng sobrang aga. 8am naman po ang gusing ko.”

Tumingala ako upang pigilang umagos ang nagbabadya kong luha.

“Ramdam ko ang panlalamig sa akin ng asawa ko. Wala pa naman siyang babae pero may pader na sa pagitan naming dalawa. Parang naghahanda na siyang iwan ako. Ayokong mangyari iyon. Mahal na mahal ko si Jackson. Mahal na mahal ko ang asawa ko,” basag ang tinig kong sabi.

Napalunok ng laway si Erica. Hindi niya alam kung yayakapin niya ba o tatapikin sa balikat ang amo niyang babae dahil nahihiya siya.

“Huwag kang maingay, ha? Nagpa-test ako. Palagi naman akong nagpapa-test. Sinabi ng doctor na wala na talagang chance na magkaanak ako. Sobra akong nasaktan. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag iniwan na ako ni Jackson. Hindi ko pa sinasabi ang tungkol dito.”

Doon na bumuhos ang luha ko. Nanlaki naman ang mga mata ni Erica at labis siyang nahabag sa akin. Ramdam niya ang bigat na dala-dala ko.

Naglakas-loob na lamang si Erica na yakapin ako. Hinayaan niya akong umiyak sa kanyang balikat. Ilang minuto rin kaming nasa ganoong posisyon bago ako kumalma.

“Salamat, Erica sa pag-comfort sa akin. Sige na, magpahinga ka muna o umidlip. Magpapahinga na ako sa kuwarto. Matulog ka muna habang wala pa ang asawa ko,” sabi ko bago pilit na ngumiti.

“Sige po, ma'am salamat po. Magpahinga na po kayo at ako na po ang bahala dito,” sagot niya bago ako nginitian.

ISANG LINGGO PA ang lumipas, lalo kaming nagiging malayo sa isa't isa ng asawa kong si Jackson. May mga araw na hindi siya umuuwi sa bahay na iyon. At palagi akong umiiyak.

Hanggang sa isang araw, nag-usap kami nang masinsinan ni Jackson. Wala si Erica sa bahay na iyon dahil day-off niya. Kasama niya ang pinsan niya sa pagkain sa labas.

“May babae ka na ba? Doon ka ba umuuwi sa kanya kapag hindi ka dito umuuwi?” mapait kong sambit sa asawa ko.

Tumingin sa akin si Jackson. Walang mababakas na emosyon sa mukha ng lalaki.

“Hindi ko alam kung maniniwala ka pero wala pa. Doon ako nakikitulog sa bunso kong kapatid. Sa apartment niya. At aaminin ko, unti-unti ng nawawala ang pagmamahal ko sa iyo. Wala na akong pakialam kahit magalit ka pa sa akin. Kahit ano pa ang masasakit na salitang sasabihin mo sa akin, ayos lang. Sorry pero pakiramdam ko kasi ilang taon ang nasayang kong kasama ka pero hindi man lang tayo makabuo ng totoong pamilya. Para sa akin kasi ang totoong buong pamilya ay iyong may anak. Hindi iyong tayong mag-asawa lang,” mahinahong sabi ni Jackson bago lumunok ng laway.

Umagos ang luha sa mga mata ko habang nakatitig nang diretso sa mga mata ni Jackson. Pagkatapos, humugot ako ng malalim na paghinga.

“May naisip akong paraan para magkaroon ka pa rin ng sariling anak. Iyong talagang galing sa iyo,” wika ko bago muling umagos ang luha sa mga mata ko.

Nagsalubong ang makapal na kilay ni Jackson.

“At a-ano naman ang na-naisip mong pa-paraan?” nauutal na tanong niya sa akin.

Ilang segundo munang katahimikan ang namagitan sa aming dalawa bago ako nagsalita.

“Si Erica. Maganda si Erica. Makinis, maputi, sexy at mayroong magandang ugali. Kakausapin ko siya. Aalukin ko siya ng limang milyon kapalit ng magiging anak mo… nang magiging anak natin. Hindi naman masama ang naisip kong paraan, ‘di ba? Ayokong maghiwalay tayo, Jackson. Mahal na mahal kita, honey,” humagulgol ako matapos kong sabihin iyon.

Hindi kaagad nakapagsalita si Jackson dahil sa labis na pagkabigla. Hindi niya inasahan ang sinabi ko. Totoo naman ang sinabi ko. Maganda si Erica. Hindi nga mahahalatang galing siya sa mahirap na pamilya. Kutis porselana.

“Si-Sigurado ka ba sa de-desiyon mong iyan?” paniniguro ni Jackson.

Mabagal akong tumango habang lumuluha.

“Oo… ilang beses ko itong pinag-isipan. Kaysa naman mawala ka sa akin. Kaysa naman matapos na lang ang ilang taon nating pagsasama, mas gugustuhin ko pang magsakripisyo para ibigay ko ang gusto mo. Ganoon kita kamahal, Jackson.”

Napaluha na lang si Jackson. Niyakap niya ako nang mahigpit. Gumanti rin ako ng yakap sa kanya. Kapwa kami lumuluha habang magkayakap.

Lies dieses Buch weiterhin kostenlos
Code scannen, um die App herunterzuladen

Aktuellstes Kapitel

  • 5 Million Surrogate Maid   5

    ERICAKINABUKASAN, HABANG ABALA AKO SA PAGLULUTO NG HAPUNAN, hindi pa rin maalis sa isip ko ang alok sa akin ni Ma'am Jade. Limang milyon. Sa buong buhay ko, hindi ko pa nahahawakan ang ganoon kalaking halaga ng pera. Kahit pagsama-samahin ko pa ang lahat ng sahod na kikitain ko sa loob ng ilang taon, malabong makaipon ako ng ganoon kalaki.Pero hindi naman biro ang hinihingi sa akin ng amo ko. Hindi ko alam kung paano ko haharapin ang sitwasyong iyon kung sakaling pumayag ako. Ang mas nakakaloka pa, si Sir Jackson na amo ko ang bubuntis sa akin!Napabuntong-hininga ako habang hinahalo ang niluluto kong ulam. Kung puwede lang sanang kunin ang limang milyon nang hindi kailangang gawin ang hinihingi ni Ma'am Jade, baka kanina pa ako pumayag. Kaso, hindi ganoon kadali ang lahat.Nang biglang tumunog ang cellphone ko, agad kong pinatay ang kalan bago sinagot ang tawag. Si Mama Rosa ang tumatawag sa akin.“Hello, Ma? Bakit po?” bungad ko habang hawak ang cellphone sa isang kamay at inaayos

  • 5 Million Surrogate Maid   4

    ERICASUMUNOD NA ARAW, hindi ko inasahan na isang nakabibiglang sorpresa pala ang naghihintay sa akin pagkabalik ko sa bahay ng mga amo ko. Bigla akong kinabahan nang i-message ako ng amo kong babae noong gabi bago ako bumalik sa bahay na iyon.Mabagal akong humakbang paakyat ng hagdan. Nang matapat ako sa kuwarto ng mag-asawa, humugot ako ng malalim na paghinga bago kumatok. Wala roon ang amo kong lalaki. Si Jade lamang ang naroon.“Pumasok ka dito, Erica,” mahinahong sabi ni Jade sa akin.Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko sa mga oras na iyon. Tila ba pinagtatambol ang puso ko sa labis na kaba.“Maupo ka, Erica,” sabi ni Jade bago itinuro ang kama.Naupo ako sa gilid ng kama, kaharap ang amo kong babae. Magkatitigan kaming dalawa ng ilang segundo bago nagsalita si Jade.“Erica, nagpapasalamat ako sa pagiging tapat mo sa amin ng asawa ko. Wala ka pang isang taon sa amin pero ang gaan-gaan na ng loob ko sa iyo. At pakiramdam ko, kilalang-kilala na kita. Erica, alam kong maiisip

  • 5 Million Surrogate Maid   3

    JADE ALEGREMABILIS NA LUMIPAS ANG MGA ARAW, isang buwan na rin ang lumipas simula nang mag-away kami ng malala ng asawa kong si Jackson. Ramdam ko ang panlalamig naming dalawa sa isa't isa.Palagi akong umiiyak. Ngunit wala naman akong magawa. Hindi ko rin makausap si Jackson dahil kapag umuuwi ako, nagkukulong na agad ako sa kuwarto. Habang ang asawa ko naman, naging madaling araw na ang uwi. Alas dos hanggang alas tres ng madaling araw.“Erica…” tawag ko sa kanya.Dali-dali siyang lumapit sa akin.“Bakit po, ma'am?” tanong niya.Malungkot akong tumingin sa kanya. Mapapansin pa ngang namumula ang mga mata ko. Ibig sabihin lang, kagagaling ko lang sa pag-iyak.“Pasensya ka na kung naaabala namin ang oras ng pagtulog mo. Imbes na tulog ka na sana ng madaling araw, kailangan mo pang magising para pagbuksan ang asawa ko,” malungkot kong sabi.Ngumiti si Erica. “Ayos lang po, ang ginagawa ko naman, umiidlip na ako sa sala. Diyan sa sofa. Malaki naman ang sofa parang kama rin. Tapos kapag

  • 5 Million Surrogate Maid   2

    ERICA ISANG LINGGO ANG LUMIPAS, naging magaan ang lahat sa akin. Sa isip ko, isa ako sa mga pinakamasuwerteng kasambahay sa mundo, lalo pa't mabait ang mga amo ko. Wala akong masabi sa mag-asawa. Madalas nga lang akong mag-isa sa bahay. Kapag ganoon, nakikipag-usap ako sa pinsan kong si Eli sa pamamagitan ng video call. Kinukuwento ko sa kanya ang mga nagaganap sa akin sa bahay na iyon."Ang guwapo ng amo mong lalaki, 'no? Buti hindi ka nagkaka-crush sa kanya," pilyang sabi ni Eli.Nangasim ang mukha ko."Hello, bakit naman ako magkakagusto sa kanya? Hindi naman porke guwapo siya at matipuno ang katawan, dapat magkagusto na ako. Dapat ang landi natin, nilulugar. Ayokong mapalayas ako rito. Sila na yata ang pinakamabait na nakilala ko. Dati kasi, naging yaya na ako. Ang sama ng ugali ng mag-asawa kaya hindi ako nagtagal. Ang spoiled pa ng anak nila," kuwento ko."Sabagay, tama ka naman sa sinabi mo. Ilugar nga ang kalandian nating taglay. Pero 'di ba ang sabi mo, hindi pa sila nagkaka

  • 5 Million Surrogate Maid   1

    ERICA VILLAGOMEZMatapos magprito ng dalawang pirasong itlog, naupo na ako. Sa wakas, makakakain na rin ako. Alas otso na ng gabi at ngayon pa lang ako kakain. Noong isang araw pa ako nakarating sa Manila para makahanap ng trabaho. Kahit anong trabaho. Ulila na akong lubos at nasa edad bente dos. Naisip kong umalis na sa bahay ng tiyahin ko dahil masama ang ugali nito. Ngayon, nakikitira ako sa apartment ng pinsan ko."Pasensya ka na, insan. Itlog lang ang ulam natin araw-araw. Iyan lang kasi ang pinakamurang ulam. Nasanay na lang din ako na iyan ang ulam ko palagi. Minsan lang makakain ng karne," wika ng pinsan kong si Eli."Ano ka ba? Ayos na ayos lang! Ang sarap kaya ng itlog! The best ulam ito in the world! At saka dapat nga ako ang mahiya sa iyo dahil nakikitira lang ako rito. Sampid lang ba. Kaya hindi mo ako dapat intindihin," tugon ko sa pinsan ko."Hay, buhay. Pagod na akong maging mahirap. Kailan kaya tayo yayaman, 'no? Ang sarap siguro na palaging masarap ang ulam. Naggo-gr

Weitere Kapitel
Entdecke und lies gute Romane kostenlos
Kostenloser Zugriff auf zahlreiche Romane in der GoodNovel-App. Lade deine Lieblingsbücher herunter und lies jederzeit und überall.
Bücher in der App kostenlos lesen
CODE SCANNEN, UM IN DER APP ZU LESEN
DMCA.com Protection Status