ANMELDENERICA
ISANG LINGGO ANG LUMIPAS, naging magaan ang lahat sa akin. Sa isip ko, isa ako sa mga pinakamasuwerteng kasambahay sa mundo, lalo pa't mabait ang mga amo ko. Wala akong masabi sa mag-asawa. Madalas nga lang akong mag-isa sa bahay. Kapag ganoon, nakikipag-usap ako sa pinsan kong si Eli sa pamamagitan ng video call. Kinukuwento ko sa kanya ang mga nagaganap sa akin sa bahay na iyon. "Ang guwapo ng amo mong lalaki, 'no? Buti hindi ka nagkaka-crush sa kanya," pilyang sabi ni Eli. Nangasim ang mukha ko. "Hello, bakit naman ako magkakagusto sa kanya? Hindi naman porke guwapo siya at matipuno ang katawan, dapat magkagusto na ako. Dapat ang landi natin, nilulugar. Ayokong mapalayas ako rito. Sila na yata ang pinakamabait na nakilala ko. Dati kasi, naging yaya na ako. Ang sama ng ugali ng mag-asawa kaya hindi ako nagtagal. Ang spoiled pa ng anak nila," kuwento ko. "Sabagay, tama ka naman sa sinabi mo. Ilugar nga ang kalandian nating taglay. Pero 'di ba ang sabi mo, hindi pa sila nagkakaanak? Ilang taon na ba silang nagsasama?" tanong ng pinsan ko. "Sampung taon na yata? Hindi ko matandaan iyong sinabi ni Ma'am Jade, basta matagal na. At thirty-five years old na si Ma'am Jade. Mahihirapan na siyang manganak sa ganoong edad, 'di ba? Ang hirap pala kapag busy masyado, 'no? Walang time gumawa ng bata. Kapag mahirap, takte, ginagawang libangan ang paggawa ng bata," natatawa kong saad. Natawa na rin ang pinsan ko. "Tumpak! Walang magawa, eh. Hindi busy kaya ayun, dumadami ang anak. Basta ako, kapag nasa stage na ako na gusto ko nang mag-asawa, dalawa hanggang tatlo lang ang gusto ko. Ayokong magpadami. Bukod sa stress, kawawa ang bata. Hindi ko maibibigay ang gusto nila o kailangan nila kapag magpapadami ako ng anak," saad ni Eli sabay nguso. Sinang-ayunan ko naman ang sinabi ng pinsan ko. "Korek ka diyan. Mahirap talaga kapag maraming anak. Iyan din ang isa sa mga dahilan kung bakit maraming mahihirap na pamilya, eh," wika ko. Matapos naming mag-usap ng pinsan ko, nagwalis-walis ako sa buong bahay. Kahit wala namang masyadong kalat, nagwalis pa rin ako dahil wala akong magawa. Pagkatapos, bumalik ako sa kuwarto ko habang hinihintay na umuwi ang amo kong babae. Nag-message pa ako para alamin kung magluluto ba ako, pero hindi na naman. Ang pinakamahirap na gawain ko sa bahay na iyon, na sa totoo lang ay hindi naman talaga ganoon kahirap para sa akin, ay ang maglaba ng mga damit nila. Sumunod ang pagplantsa. Maselan sa damit ang mag-asawa. Dapat, wala talagang mantsa. Kaya bago ko pa ilagay sa automatic washing machine ang mga damit nila, kinukusot ko muna isa-isa para matiyak na walang dumi. Hindi naman kasi talaga natatanggal ng washing machine ang lahat ng dumi sa damit. May maiiwan at maiiwan pa rin. Maya-maya, tumunog na ang doorbell. Mabilis akong tumakbo patungo sa malaking gate para buksan iyon. Alas nuwebe pa lang ng gabi pero nakauwi na ang amo kong lalaki. Madalas kasi ay alas diyes hanggang alas dose na ng madaling araw umuuwi si Jackson. "Magandang gabi po, sir," bati ko sa amo kong lalaki. "Wala pa si Ma'am Jade mo?" tanong niya sa akin. "Wala pa po, sir. Nauna po kayong umuwi sa kanya. Message ko na lang po siya. Sasabihin ko na nandito na po kayo," magalang kong sagot. Pumasok na sa loob ng bahay si Jackson habang ako naman ay mabilis na nagtipa ng mensahe para i-message ang amo kong babae. Pagkatapos, pumasok na rin ako sa loob. Inilagay ko sa lagayan ng sapatos ang sapatos ni Jackson. Pagkatapos, naupo na ako sa sala habang hinihintay si Ma'am Jade. Isang oras ang lumipas bago nakauwi ang amo kong babae. Kinuha ko ang mga dala niyang pagkain at saka isinalansan ang mga iyon. Pati na rin ang iba pa niyang dalang gamit ay inayos ko. Naisipan kong magwalis sa second floor kung saan naroon ang kuwarto ng mga amo ko. Ang kuwarto ko kasi ay nasa ibaba. "Jade naman! Sawa na ako sa buhay nating ganito! Ang dami nga nating pera, halos nasa atin na ang lahat ng materyal na bagay sa mundo, pero ano ang silbi ng mga ito kung hindi tayo magkakaroon ng anak? Sino ang makikinabang sa mga pinaghirapan natin? Sino ang magmamana ng mga maiiwan natin? Wala, 'di ba? Kasi wala tayong anak! Sampung taon na tayong kasal. Fifteen years na tayong nagsasama. Ano na, Jade? Napapagod na akong maghintay. Ayokong mamatay na lang nang hindi man lang nagkakaroon ng sariling anak! Ayokong mag-ampon!" rinig kong sigaw ng amo kong lalaki. Nanlaki ang mga mata ko. Wala sana akong balak na pakinggan ang hindi pagkakaunawaan ng mga amo ko, pero hindi ko mapigilan ang sarili ko. Hindi ko namalayang napalapit na pala ako sa kuwarto nila. "Ginagawa ko naman ang lahat, Jackson. Lahat-lahat. Kung anu-ano na nga ang kinakain ko. Kung anu-ano na rin ang mga ritwal na ginagawa ko. Sinusubukan ko naman ang lahat para makabuo tayo, pero wala talaga. Hindi lang naman ikaw ang nahihirapan sa ating dalawa. Ako rin, hirap na hirap na! Sabik na sabik na rin akong magsilang! Sabik na sabik na rin akong magbuntis! Araw-araw akong nagdarasal na sana, isang araw, magising akong buntis na ako!" umiiyak na sabi ng amo kong babae. "Hindi ko na alam ang gagawin, Jade. Oo, mahal kita. Wala akong naging ibang babae simula nang magsama tayong dalawa, pero kung ganito lang din naman, kung hindi mo ako kayang bigyan ng anak, kailangan kong hiwalayan ka. Kailangan kong iwan ka. Ayoko na ng ganito. Ayokong tayong dalawa lang. Gusto ko ng anak. Kahit isang anak lang, Jade. Kahit isa lang," sabi ni Jackson bago humikbi. Nap lunok ako ng laway. Napagtanto kong wala talagang perpekto sa mundo. Kahit mayaman at nasa kanila na ang halos lahat ng bagay na pinapangarap ng maraming tao, may problema pa rin silang hindi kayang solusyunan ng pera. Mabilis ngunit maingat akong bumaba ng hagdan. Itinabi ko ang walis at dustpan bago nagtungo sa kuwarto ko. Bago ako matulog, nagdasal ako na sana ay magkaroon na ng anak ang mga amo ko.ERICAKINABUKASAN, HABANG ABALA AKO SA PAGLULUTO NG HAPUNAN, hindi pa rin maalis sa isip ko ang alok sa akin ni Ma'am Jade. Limang milyon. Sa buong buhay ko, hindi ko pa nahahawakan ang ganoon kalaking halaga ng pera. Kahit pagsama-samahin ko pa ang lahat ng sahod na kikitain ko sa loob ng ilang taon, malabong makaipon ako ng ganoon kalaki.Pero hindi naman biro ang hinihingi sa akin ng amo ko. Hindi ko alam kung paano ko haharapin ang sitwasyong iyon kung sakaling pumayag ako. Ang mas nakakaloka pa, si Sir Jackson na amo ko ang bubuntis sa akin!Napabuntong-hininga ako habang hinahalo ang niluluto kong ulam. Kung puwede lang sanang kunin ang limang milyon nang hindi kailangang gawin ang hinihingi ni Ma'am Jade, baka kanina pa ako pumayag. Kaso, hindi ganoon kadali ang lahat.Nang biglang tumunog ang cellphone ko, agad kong pinatay ang kalan bago sinagot ang tawag. Si Mama Rosa ang tumatawag sa akin.“Hello, Ma? Bakit po?” bungad ko habang hawak ang cellphone sa isang kamay at inaayos
ERICASUMUNOD NA ARAW, hindi ko inasahan na isang nakabibiglang sorpresa pala ang naghihintay sa akin pagkabalik ko sa bahay ng mga amo ko. Bigla akong kinabahan nang i-message ako ng amo kong babae noong gabi bago ako bumalik sa bahay na iyon.Mabagal akong humakbang paakyat ng hagdan. Nang matapat ako sa kuwarto ng mag-asawa, humugot ako ng malalim na paghinga bago kumatok. Wala roon ang amo kong lalaki. Si Jade lamang ang naroon.“Pumasok ka dito, Erica,” mahinahong sabi ni Jade sa akin.Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko sa mga oras na iyon. Tila ba pinagtatambol ang puso ko sa labis na kaba.“Maupo ka, Erica,” sabi ni Jade bago itinuro ang kama.Naupo ako sa gilid ng kama, kaharap ang amo kong babae. Magkatitigan kaming dalawa ng ilang segundo bago nagsalita si Jade.“Erica, nagpapasalamat ako sa pagiging tapat mo sa amin ng asawa ko. Wala ka pang isang taon sa amin pero ang gaan-gaan na ng loob ko sa iyo. At pakiramdam ko, kilalang-kilala na kita. Erica, alam kong maiisip
JADE ALEGREMABILIS NA LUMIPAS ANG MGA ARAW, isang buwan na rin ang lumipas simula nang mag-away kami ng malala ng asawa kong si Jackson. Ramdam ko ang panlalamig naming dalawa sa isa't isa.Palagi akong umiiyak. Ngunit wala naman akong magawa. Hindi ko rin makausap si Jackson dahil kapag umuuwi ako, nagkukulong na agad ako sa kuwarto. Habang ang asawa ko naman, naging madaling araw na ang uwi. Alas dos hanggang alas tres ng madaling araw.“Erica…” tawag ko sa kanya.Dali-dali siyang lumapit sa akin.“Bakit po, ma'am?” tanong niya.Malungkot akong tumingin sa kanya. Mapapansin pa ngang namumula ang mga mata ko. Ibig sabihin lang, kagagaling ko lang sa pag-iyak.“Pasensya ka na kung naaabala namin ang oras ng pagtulog mo. Imbes na tulog ka na sana ng madaling araw, kailangan mo pang magising para pagbuksan ang asawa ko,” malungkot kong sabi.Ngumiti si Erica. “Ayos lang po, ang ginagawa ko naman, umiidlip na ako sa sala. Diyan sa sofa. Malaki naman ang sofa parang kama rin. Tapos kapag
ERICA ISANG LINGGO ANG LUMIPAS, naging magaan ang lahat sa akin. Sa isip ko, isa ako sa mga pinakamasuwerteng kasambahay sa mundo, lalo pa't mabait ang mga amo ko. Wala akong masabi sa mag-asawa. Madalas nga lang akong mag-isa sa bahay. Kapag ganoon, nakikipag-usap ako sa pinsan kong si Eli sa pamamagitan ng video call. Kinukuwento ko sa kanya ang mga nagaganap sa akin sa bahay na iyon."Ang guwapo ng amo mong lalaki, 'no? Buti hindi ka nagkaka-crush sa kanya," pilyang sabi ni Eli.Nangasim ang mukha ko."Hello, bakit naman ako magkakagusto sa kanya? Hindi naman porke guwapo siya at matipuno ang katawan, dapat magkagusto na ako. Dapat ang landi natin, nilulugar. Ayokong mapalayas ako rito. Sila na yata ang pinakamabait na nakilala ko. Dati kasi, naging yaya na ako. Ang sama ng ugali ng mag-asawa kaya hindi ako nagtagal. Ang spoiled pa ng anak nila," kuwento ko."Sabagay, tama ka naman sa sinabi mo. Ilugar nga ang kalandian nating taglay. Pero 'di ba ang sabi mo, hindi pa sila nagkaka
ERICA VILLAGOMEZMatapos magprito ng dalawang pirasong itlog, naupo na ako. Sa wakas, makakakain na rin ako. Alas otso na ng gabi at ngayon pa lang ako kakain. Noong isang araw pa ako nakarating sa Manila para makahanap ng trabaho. Kahit anong trabaho. Ulila na akong lubos at nasa edad bente dos. Naisip kong umalis na sa bahay ng tiyahin ko dahil masama ang ugali nito. Ngayon, nakikitira ako sa apartment ng pinsan ko."Pasensya ka na, insan. Itlog lang ang ulam natin araw-araw. Iyan lang kasi ang pinakamurang ulam. Nasanay na lang din ako na iyan ang ulam ko palagi. Minsan lang makakain ng karne," wika ng pinsan kong si Eli."Ano ka ba? Ayos na ayos lang! Ang sarap kaya ng itlog! The best ulam ito in the world! At saka dapat nga ako ang mahiya sa iyo dahil nakikitira lang ako rito. Sampid lang ba. Kaya hindi mo ako dapat intindihin," tugon ko sa pinsan ko."Hay, buhay. Pagod na akong maging mahirap. Kailan kaya tayo yayaman, 'no? Ang sarap siguro na palaging masarap ang ulam. Naggo-gr







