ANMELDENERICA
SUMUNOD NA ARAW, hindi ko inasahan na isang nakabibiglang sorpresa pala ang naghihintay sa akin pagkabalik ko sa bahay ng mga amo ko. Bigla akong kinabahan nang i-message ako ng amo kong babae noong gabi bago ako bumalik sa bahay na iyon. Mabagal akong humakbang paakyat ng hagdan. Nang matapat ako sa kuwarto ng mag-asawa, humugot ako ng malalim na paghinga bago kumatok. Wala roon ang amo kong lalaki. Si Jade lamang ang naroon. “Pumasok ka dito, Erica,” mahinahong sabi ni Jade sa akin. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko sa mga oras na iyon. Tila ba pinagtatambol ang puso ko sa labis na kaba. “Maupo ka, Erica,” sabi ni Jade bago itinuro ang kama. Naupo ako sa gilid ng kama, kaharap ang amo kong babae. Magkatitigan kaming dalawa ng ilang segundo bago nagsalita si Jade. “Erica, nagpapasalamat ako sa pagiging tapat mo sa amin ng asawa ko. Wala ka pang isang taon sa amin pero ang gaan-gaan na ng loob ko sa iyo. At pakiramdam ko, kilalang-kilala na kita. Erica, alam kong maiisip mong isang kahibangan ang sasabihin ko sa iyo ngayon pero gusto ko lang na malaman mong ito lang ang naiisip kong paraan para hindi ako iwanan ng asawa ko,” napapaos ang tinig na sabi ni Jade. Lalong binalot ng matinding kaba ang buong pagkatao ko. Parang mauubusan na nga ako ng hangin sa katawan. “A-Ano po ba ang sa-sasabihin ninyo?” nauutal kong sabi. Hinawakan ni Jade ang kamay ko at bahagya iyong pinisil. “Erica, gusto kong magpabuntis ka sa asawa ko,” deretsahang sabi ni Jade. Halos lumuwa ang mga mata ko kasabay ng paglaglag ng panga ko. Ano ba ito si ma'am? Nahilo na ba siya? “Po? Anong klaseng trip iyan, ma'am?” bulalas ko bago natawa pa nang peke. “Erica, seryoso ako. Hindi na ako magkakaanak pa. Hindi na ako puwedeng magbuntis pa. Mahal na mahal ko si Jackson. Kaya lang naman niya ako iiwan dahil hindi ko siya mabibigyan ng anak. At ito ang naisip kong paraan. Kapalit ng limang milyon, Erica… magpabuntis ka kay Jackson. Huwag kang mag-alala, aalagaan ka namin. Wala kang magiging problema. Kami ang sasagot ng lahat. Wala kang ibang gagawin kun'di ang iluwal ang anak ni Jackson. Ang magiging anak namin. Pagkatapos no'n, puwede ka nang umalis dala ang limang milyon. Nagmamakaawa ako sa iyo, Erica. Pakiusap. Ayokong maghiwalay kami ng asawa ko…” nangingilid ang luhang sabi ni Jade. Parang umurong ang dila ko sa mga oras na iyon. Bumuka ang bibig ko ngunit walang salitang lumabas doon. Pinagpapawisan din ang mga kamay ko. “Pakiusap, Erica. Tatanawin kong panghabambuhay na utang na loob ang gagawin mong ito. Please, Erica… please,” dagdag pang sabi ni Jade. Kumurap ako nang maraming beses bago ngumiwi. “Puwede po bang hayaan niyo muna akong makapag-isip? Napakabigat po ng hinihiling niyong ito. Hindi ko alam kung makakaya ko. Kaya po nakikiusap din po ako sa inyo na hayaan niyo muna akong mag-isip,” mahinahon kong sabi. “Hahayaan kitang makapag-isip. Sana magawa mong tanggapin ang offer kong ito,” naluluhang sabi ni Jade. Napalunok ako ng laway. At halos hindi ako makapagsalita ng maayos. Anong kalokohan ito? Bakit naman ganito ang naisip ni ma'am? “Ma'am…hindi naman po sa ano…pero parang grabe naman ang gagawin mong ito. Papayag kang may ibang babaeng bebembangin ang asawa ninyo? Para maibigay mo ang hiling niya?” “Erica…mahal na mahal ko si Jackson. Handa kong gawin ang lahat para sa kanya.” “Alam ko naman po iyon pero hindi po ba ito masyadong nakakaloka naman? Kasi syempre, masama po iyon. Bawal pong makipagbembangan sa iba ang lalaki o babaeng may asawa.” “Naiintindihan kita, Erica. Pero ito lang ang tanging paraan ko para hindi ako iwan ng asawa ko. Ito lang ang naiisip kong paraan para manatili siya sa akin.” “Ahm…sige po pero hayaan niyo muna akong mag-isip ng maraming beses, ma'am. Parang biglang natuyo po kasi ang utak ko.” “Sige, Erica. Nauunawaan kita. Sana…pumayag ka sa alok ko.” Pilit akong ngumiti bago nagmamadaling nagtungo sa kuwarto ko. Halos hindi na ako makahinga nang maayos sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Sa isip ko, kung iyon nga ang nais ng amo kong babae kapalit ng limang milyon, tila may parte sa akin na gustong pumayag agad. Lalo pa't kailangan ko ng malaking pera para maging maayos na ang buhay ko. “Pero paano kaya iyon? Virgin pa ako. Eh 'di si sir Jackson ang makakauna sa akin? Hindi ko naman siya boyfriend! Pero ang laking halaga ng limang milyon! Marami na akong mabibili roon!” bulalas ko. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko bago napahawak sa ulo. Hindi na nakapagtrabaho ang mama ko dahil matanda na siya at mahina. Mayroon pa akong dalawang kapatid sa probinsya na umaasa sa akin. “Jusmiyo! Ano ba itong alok na ito? Nakakaloka pero hindi biro ang limang milyon! Ready na kaya ang kipay ko nito? Siguradong mawawasak ang kipay ko kapag nanganak ako!”ERICAKINABUKASAN, HABANG ABALA AKO SA PAGLULUTO NG HAPUNAN, hindi pa rin maalis sa isip ko ang alok sa akin ni Ma'am Jade. Limang milyon. Sa buong buhay ko, hindi ko pa nahahawakan ang ganoon kalaking halaga ng pera. Kahit pagsama-samahin ko pa ang lahat ng sahod na kikitain ko sa loob ng ilang taon, malabong makaipon ako ng ganoon kalaki.Pero hindi naman biro ang hinihingi sa akin ng amo ko. Hindi ko alam kung paano ko haharapin ang sitwasyong iyon kung sakaling pumayag ako. Ang mas nakakaloka pa, si Sir Jackson na amo ko ang bubuntis sa akin!Napabuntong-hininga ako habang hinahalo ang niluluto kong ulam. Kung puwede lang sanang kunin ang limang milyon nang hindi kailangang gawin ang hinihingi ni Ma'am Jade, baka kanina pa ako pumayag. Kaso, hindi ganoon kadali ang lahat.Nang biglang tumunog ang cellphone ko, agad kong pinatay ang kalan bago sinagot ang tawag. Si Mama Rosa ang tumatawag sa akin.“Hello, Ma? Bakit po?” bungad ko habang hawak ang cellphone sa isang kamay at inaayos
ERICASUMUNOD NA ARAW, hindi ko inasahan na isang nakabibiglang sorpresa pala ang naghihintay sa akin pagkabalik ko sa bahay ng mga amo ko. Bigla akong kinabahan nang i-message ako ng amo kong babae noong gabi bago ako bumalik sa bahay na iyon.Mabagal akong humakbang paakyat ng hagdan. Nang matapat ako sa kuwarto ng mag-asawa, humugot ako ng malalim na paghinga bago kumatok. Wala roon ang amo kong lalaki. Si Jade lamang ang naroon.“Pumasok ka dito, Erica,” mahinahong sabi ni Jade sa akin.Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko sa mga oras na iyon. Tila ba pinagtatambol ang puso ko sa labis na kaba.“Maupo ka, Erica,” sabi ni Jade bago itinuro ang kama.Naupo ako sa gilid ng kama, kaharap ang amo kong babae. Magkatitigan kaming dalawa ng ilang segundo bago nagsalita si Jade.“Erica, nagpapasalamat ako sa pagiging tapat mo sa amin ng asawa ko. Wala ka pang isang taon sa amin pero ang gaan-gaan na ng loob ko sa iyo. At pakiramdam ko, kilalang-kilala na kita. Erica, alam kong maiisip
JADE ALEGREMABILIS NA LUMIPAS ANG MGA ARAW, isang buwan na rin ang lumipas simula nang mag-away kami ng malala ng asawa kong si Jackson. Ramdam ko ang panlalamig naming dalawa sa isa't isa.Palagi akong umiiyak. Ngunit wala naman akong magawa. Hindi ko rin makausap si Jackson dahil kapag umuuwi ako, nagkukulong na agad ako sa kuwarto. Habang ang asawa ko naman, naging madaling araw na ang uwi. Alas dos hanggang alas tres ng madaling araw.“Erica…” tawag ko sa kanya.Dali-dali siyang lumapit sa akin.“Bakit po, ma'am?” tanong niya.Malungkot akong tumingin sa kanya. Mapapansin pa ngang namumula ang mga mata ko. Ibig sabihin lang, kagagaling ko lang sa pag-iyak.“Pasensya ka na kung naaabala namin ang oras ng pagtulog mo. Imbes na tulog ka na sana ng madaling araw, kailangan mo pang magising para pagbuksan ang asawa ko,” malungkot kong sabi.Ngumiti si Erica. “Ayos lang po, ang ginagawa ko naman, umiidlip na ako sa sala. Diyan sa sofa. Malaki naman ang sofa parang kama rin. Tapos kapag
ERICA ISANG LINGGO ANG LUMIPAS, naging magaan ang lahat sa akin. Sa isip ko, isa ako sa mga pinakamasuwerteng kasambahay sa mundo, lalo pa't mabait ang mga amo ko. Wala akong masabi sa mag-asawa. Madalas nga lang akong mag-isa sa bahay. Kapag ganoon, nakikipag-usap ako sa pinsan kong si Eli sa pamamagitan ng video call. Kinukuwento ko sa kanya ang mga nagaganap sa akin sa bahay na iyon."Ang guwapo ng amo mong lalaki, 'no? Buti hindi ka nagkaka-crush sa kanya," pilyang sabi ni Eli.Nangasim ang mukha ko."Hello, bakit naman ako magkakagusto sa kanya? Hindi naman porke guwapo siya at matipuno ang katawan, dapat magkagusto na ako. Dapat ang landi natin, nilulugar. Ayokong mapalayas ako rito. Sila na yata ang pinakamabait na nakilala ko. Dati kasi, naging yaya na ako. Ang sama ng ugali ng mag-asawa kaya hindi ako nagtagal. Ang spoiled pa ng anak nila," kuwento ko."Sabagay, tama ka naman sa sinabi mo. Ilugar nga ang kalandian nating taglay. Pero 'di ba ang sabi mo, hindi pa sila nagkaka
ERICA VILLAGOMEZMatapos magprito ng dalawang pirasong itlog, naupo na ako. Sa wakas, makakakain na rin ako. Alas otso na ng gabi at ngayon pa lang ako kakain. Noong isang araw pa ako nakarating sa Manila para makahanap ng trabaho. Kahit anong trabaho. Ulila na akong lubos at nasa edad bente dos. Naisip kong umalis na sa bahay ng tiyahin ko dahil masama ang ugali nito. Ngayon, nakikitira ako sa apartment ng pinsan ko."Pasensya ka na, insan. Itlog lang ang ulam natin araw-araw. Iyan lang kasi ang pinakamurang ulam. Nasanay na lang din ako na iyan ang ulam ko palagi. Minsan lang makakain ng karne," wika ng pinsan kong si Eli."Ano ka ba? Ayos na ayos lang! Ang sarap kaya ng itlog! The best ulam ito in the world! At saka dapat nga ako ang mahiya sa iyo dahil nakikitira lang ako rito. Sampid lang ba. Kaya hindi mo ako dapat intindihin," tugon ko sa pinsan ko."Hay, buhay. Pagod na akong maging mahirap. Kailan kaya tayo yayaman, 'no? Ang sarap siguro na palaging masarap ang ulam. Naggo-gr







