LOGINNapatigilan si Vincent sa narinig.“Vincent! Seryosong napakarami mo nang naibigay sa kanya, bayad na ang utang mo!” malakas na sabi ni Mitch. “Kahit pa imbestigahan mo ang kaso noon, kung ikaw man ang pormal na nakabangga sa kanya sa aksidente, ang tindi ng halagang ibinigay mo sa kanya ay sapat na para bayaran ang pinsala! Walang kahit sinong driver sa Pilipinas ang magbabayad ng ganoon kalaking halaga para sa kompensasyon!”“Bayad na nga ba ang utang ko?” pabulong na tanong ni Vincent sa kanyang sarili habang nananatiling magulo ang kanyang isip.“Oo naman! Tapos na ang obligasyon mo sa kanya, Vincent! Pakiusap ko na huwag mo nang pahirapan ang sarili mo nang ganyan. Iniligtas nga niya ang buhay mo, subalit walang kahit sinong tao sa mundo ang mag-aaksaya ng sarili nilang buhay para lang magpasalamat sa isang utang na loob!” Hinawakan ni Mitch ang balikat ng lalaki tsaka ito niyanig ng may kasamang tindi ng emosyon. “Vincent, gisingin mo ang utak mo! Napakahusay mong lalaki, kung hi
Naramdaman ni Kate ang isang matinding pagod habang nakatitig sa mukha ni Vincent. Sa sobrang sawa niya, halos hindi niya na maalala kung anong hitsura ng labing-anim na taong gulang na Vincent na minahal niya noon.“Vincent, umalis ka na,” pakiusap ni Kate sa pagod na boses.“Kate, sumama ka na sa akin pabalik,” sabi ni Vincent. “Kahit gaano ka pa kagalit, hindi mo dapat pinahihirapan ang sarili mong katawan. Alam kong gusto mong sumayaw, pero tanggapin mo na hindi mo na kaya...”Nanlamig at tumalim ang titig ng mga mata ni Kate sa mukha ng lalaki.“Kate, may mali ba sa sinabi ko?” patuloy ni Vincent. “Sinabi na iyan ng mga doktor noon. Pinapaniwala ka lang ng Frank na iyan sa mga pangarap na imposibleng mangyari para lang makuha ang tiwala mo! Tingnan mo nga ang sarili mo, sobrang payat mo na! Paano kung mabuwal ka na naman at masugatan? Huwag mo nang pilitin ang mga bagay na hindi mo naman kaya, Kate. Matagal ko nang sinabi sa'yo, kahit wala kang gawin, ikaw pa rin naman ang tatayon
Mabilis na namula ang mga mata ni Mitch sa tindi ng luha, tsaka dahan-dahang iniyuko ang kanyang ulo na parang isang napakakawawang biktima.Naging pinaka seryoso naman ng mukha ni Vincent habang nakatayo sa tabi ni Mitch para ipagtanggol ito. “Anong ibig mong sabihin sa sinasabi mo ngayon? May mali ba sa sinabi ni Mitch? Ginagawa niya lang ang bagay na ito para sa kapakanan mo, tapos ganyan ang isasagot mong pambabastos sa kanya?”Nang marinig ang naging reaksyon ni Vincent, mabilis na hinila ni Mitch ang dulo ng manggas ng kanyang polo shirt habang may kasamang takot at lambing sa kanyang boses, “Vincent, pakiusap ko na huwag kang magsalita ng ganyan kay Kate. Medyo masama lang ang pakiramdam niya ngayon dahil sa tindi ng sakit ng paa niya, kailangan natin siyang intindihin.”Nanahimik si Vincent, subalit ang kanyang nangingitngit na mga mata ay nananatiling nakatutok kay Kate nang may kasamang matinding galit.Ipinagpatuloy naman ni Mitch ang kanyang pananalita, “Vincent, huwag ka n
Kinaumagahan, maagang nagtungo si Kate sa rehabilitation room para mag-ensayo, at ang mga naging gulo kagabi ay hindi naman nag-iwan ng malaking lungkot sa kanyang puso ngayong araw. Magkasama namang dumating sina Frank at Cindy para tulungan siyang mag-ensayo.Ang salitang “magsimula muli” ay napakagandang pakinggan, subalit kapag sinimulan mo nang asikasuhin ang bawat detalye ng proseso, doon mo lang malalaman kung gaano ito kahirap.Halos sampung araw na siyang nagpapatuloy sa kanyang rehab dito sa Europe, at kahit sinisiguro niyang hindi siya lumiliban sa bawat araw, maliban sa kaunting lambot ng kanyang katawan, wala pa ring pormal na pagbabago ang nagaganap sa kanyang paa. Nananatili itong walang kahit anong reaksyon o lakas.At sa bawat pagkakataon na gagamitin niya ang nasugatang bahagi, isang napakatinding sakit ang sumasabog sa kanyang buong paa. Sa katunayan, napakarami naman niyang kinakain sa bawat hapunan sa biyaheng ito at hindi siya nagbabantay ng timbang, subalit ang
Naramdaman ni Kate ang isang hindi masabing pait sa loob ng kanyang puso. Lahat ng tao ay nag-aakalang kayang ibigay ni Vincent ang buong kaligayahan para sa kanya, maliban na lang kay Vincent mismo at sa mga barkada nitong may parehong dumi ng utak. Ang pag-ibig ay hindi kailanman pwedeng ipilit.Kailangan niya ng limang taon ng kasal para tuluyang matutunan ang aral na ito.Kaya niya namang tanggapin na hindi siya mahal ni Vincent. Dahil noong iniligtas niya ang buhay nito limang taon na ang nakakaraan, wala naman siyang kahit anong personal na motibo sa kanyang utak; sumugod lang siya dahil sa tindi ng kaba at kabaitan ng kanyang puso.Sa mga ganoong kritikal na segundo, paano ba makakapag-isip ang isang tao? Paano naging ganoon kadilim ang utak ni Vincent para isiping ginamit niya ang pagliligtas na iyon para pilitin itong pakasalan siya?Nang maalala niyang ganoon pala ang naging tingin ni Vincent sa kanyang kabaitan sa nakalipas na mga taon, labis pa rin ang sakit sa kanyang dibd
Kitang-kita ang tapat at masayang ngiti sa mukha ni Mitch sa narinig niyang pananalita mula kay Vincent. Subalit nang iangat niya ang kanyang tingin para sulyapan ang mukha ng lalaki, na-realize niyang ang paningin nito ay nananatili pa ring nakatutok sa malayo. Ang pakikipag-usap nito sa kanya ay napakahalatang walang focus at walang sapat na atensyon.“Vincent, can we leave this place tomorrow morning, please?” tanong niya.Matagal na nanahimik si Vincent.“Vincent! Are you even listening to me?!”Dahan-dahang ibinalik ni Vincent ang kanyang paningin. “Ah, yes, I heard you.”Tuluyan nang nawala ang imahe ni Kate sa dulo ng kalsada kasama ang tatlo nitong kasama mula sa dance troupe. Sa buong biyahe pabalik ng hotel, nanatiling tahimik si Frank nang walang sinasabi kahit isang salita. Napakasikip ng daan sa Venice dahil sa dami ng tao, subalit ang hangin sa paligid ay nagpapakita ng isang napakabigat na pakiramdam.Nang makarating silang apat sa loob ng lobby ng hotel, ihinatid muna n
NGUNIT ang labis na pinalaking pagtatanghal na iyon ay lalo lamang nagdulot ng walang tigil na tawanan sa loob ng private room. Si Mitch, na nakaupo sa tabi ni Vincent, ay halos mapatawa nang husto at napasandal pa sa balikat nito.At si Vincent ay tahimik lang. Wala siyang sinabi kahit isang salita
NILABAG ni Vincent ang sarili niyang patakaran, uminom siya ng alak. Halata iyon sa boses niya sa video. Medyo lasing na siya. Paos, masigla, at hindi na kontrolado ang sitwasyon.Ngunit si Vincent? Sisigaw ng ganito?Sa alaala ni Kate, si Vincent noong high school ay malamig at mataas ang tingin sa
SA BANYO, maririnig ang tuluy-tuloy na lagaslas ng tubig. Si Vincent iyon, naliligo. Ala-tres na ng madaling-araw at kakauwi lang niya. Nakatayo si Kate sa tapat ng pinto ng banyo. May gusto sana siyang pag-usapan nila.. May kaba sa dibdib niya, and she wasn’t sure kung papayag ba ito sa sasabihin n
TAHIMIK na pinagmamasdan ni Kate sina Vincent at Mitch. Matapos ang ilang segundong ilangan, mabilis nilang tinanggap ang bagong papel nila at magkausap na sila nang masaya kasama ang mga business partners, nagtatawanan, parang walang iniisip.Bagay talaga sila…Tahimik na kinuhanan ni Kate ng lit







