Share

Chapter 22

last update publish date: 2026-05-27 10:34:05

Napalunok ako at hindi kaagad nakasagot. Akala ko pa naman, ang galing ko dahil kahit ilang beses ako maghalungkat sa penthouse ni Kleinder, hindi niya ako nahuhuli.

Pero all this time, alam na pala niya ang ginagawa ko. He was watching me from his phone screen.

Kaya ba siya galit ngayon ay dahil nahuli niya ako? At tuluyan nang naubos ang pasensiya niya?

"So, don't fuck with me, Vernace. Kung ebidensiya ang hanap mo, ito na at ipinapakita ko na sa 'yo ngayon," aniya. "Now, let me ask you again
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • A Simple Way To Break You   Chapter 23

    Tumahimik ang buong paligid. Napatingin ang lahat sa akin, ganoon na rin si Bryan na tinawag kani-kanina lang sa stage."Bryan Garcia? Didn't you hear me?" saad ng vice president ng Hornbrown. "Are you that because we gave you a big opportunity like this?"Nakangiti ito, pero halata sa ekspresiyon nito na naiinip na siya.Tumingin si Bryan sa akin, tila hindi malaman kung ano ang gagawin. Kung tutuusin, magaling din naman siya. Parehas sila ni Shainara na junior pa lang.Pero kung ikukumpara sa akin, walang-wala siya. At aware rin si Bryan sa bagay na iyon."Ma'am Sandara—""Go," wika ko bago niya pa matapos ang sasabihin. "They chose you for a reason, so don't worry about me. And... Congratulations."Sa totoo lang, hindi ko alam kung sincere ba ang pagkaka-congratulate ko sa kan'ya o hindi. Pero sana ay hindi niya 'yon masamain.Everyone knew how hard I worked for this position. Kahit si Kleinder ay nakita iyon, at hinangaan niya 'yon sa akin. Pero sadyang mapaglaro sa akin ang tadha

  • A Simple Way To Break You   Chapter 22

    Napalunok ako at hindi kaagad nakasagot. Akala ko pa naman, ang galing ko dahil kahit ilang beses ako maghalungkat sa penthouse ni Kleinder, hindi niya ako nahuhuli.Pero all this time, alam na pala niya ang ginagawa ko. He was watching me from his phone screen.Kaya ba siya galit ngayon ay dahil nahuli niya ako? At tuluyan nang naubos ang pasensiya niya?"So, don't fuck with me, Vernace. Kung ebidensiya ang hanap mo, ito na at ipinapakita ko na sa 'yo ngayon," aniya. "Now, let me ask you again. What are you looking for?"Napahinga ako nang malalim. Wala na rin namang mangyayari kung itatanggi ko pa. Lalo lang akong mapapahiya."I'm looking for something that I can use to break you," pag-amin ko habang nakatingin sa mga mata niya. Wala nang atrasan 'to."Naalala mo ang sinabi ko roon sa canteen? I'll make you fall in love with me so I can break you. So, that's my end goal, and naisip ko lang din na baka puwedeng i-advance ko na kagaad ang deal na 'to roon sa ending."Hindi siya kaaga

  • A Simple Way To Break You   Chapter 21

    "Fuck," rinig kong mura ni Kleinder nang lumabas siya sa office, habang papasok naman ako sa loob ng department.Hindi pa rin naman ako late sa time na sinabi ko. After all, hindi naman ganoon kahigpit ang oras dito sa Hornbrown Investments, lalo na sa posisyong mayroon ako.Pero bakit bigla-bigla na lang ako minumura ni Kleinder pagkatapak ko pa lang sa kumpanya? Gusto ko sanang isipin na hindi para sa akin ang mura na iyon, pero ako lang naman kasi ang makakasalubong niya.Lintik na 'to. May problema ba siya sa akin?"Ano'ng problema mo—"Tatanungin ko pa lang siya sana no'n habang nakataas ang kilay, pero hindi ko pa man din natatapos ang sasabihin, bigla na lang siyang naglakad patungo sa banyo.Halos hindi pa ako nakakarating sa cubicle at nagtitingin ng problema ng clients, nakabusangot na kaagad ang mukha ko. Mabuti na lang talaga at bumili ako ng paborito kong iced coffee kanina.Pero anong problema ng isang 'yon? Hindi naman siya ganoon ka-badtrip kanina noong umalis siya sa

  • A Simple Way To Break You   Chapter 20

    I've been rummaging the entire house for a while now, pero kahit isang bagay na puwede kong magamit laban kay Kleinder, o kahit tungkol man lang sa No Mercy, eh wala akong nakita.Kaya ba ganoon na lang siya ka-confident na iwan ako mag-isa sa bahay, kasi kahit ano naman ang gawin kong pagkalkal dito, wala akong mapapala?"Buwisit," bulong ko bago lumabas sa kuwarto ni Kleinder at humilata sa couch.Nasa isang oras na rin mula nang kalkalin ko ang buong bahay ni Kleinder. With care, of course. Mahirap na, ano. Perceptive pa naman ang isang 'yon, at sa tingin ko, memorize niya kung paano niya sinasalansan ang mga gamit niya.Kaya buong ingat ko ring ibinalik lahat ng gamit niya sa kung paano ko iyon kinuha.Napabuga ako ng hangin habang nakatingin sa kisame. Imposible iyon. Noong kinalkal ko ang lahat ng gamit dito, parang isa lang siyang sikat na manager at hindi miyembro ng isang gang.Kung hindi ko lang nakita ang panyong puro dugo kagabi, baka pinagdudahan ko na ang sarili kong int

  • A Simple Way To Break You   Chapter 19

    "Tch." Napangisi na lang ako.Dinadaan niya lang pala ako sa pagiging playboy niya, pero ang totoo, siya yata talaga ang matatalo sa deal namin.Pero nawala ang ngisi ko nang may mapansin sa sahig. Puting panyo iyon, pero ang nakapukaw ng atensiyon ko ay ang dugo na naroon."Bakit mayroong panyo na may dugo rito?" tanong ko bago pinulot ang panyo.Confirmed. Dugo nga ito.Pero... Saan siya galing para magkaroon ng ganito karaming dugo ang panyo niya?Sa kan'ya ba ito, o sa taong sinaktan niya, kung sino man siya? Ganito ba ang ginagawa ni Kleinder sa gang niya? Kaya ba rito siya naghuhubad ng damit sa sala?"Shit," napamura ako nang marinig na palabas na si Kleinder ng banyo. Narinig ko na kasing bumukas ang pinto.Dali-dali kong kinuha ang panyo, at kahit nadidiri pa ako sa sariwang dugo ay inilagay ko ito sa loob ng bago ko. Hindi ko rin alam kung ano nga ba ang mapapala ko sa panyo na 'to, pero lahat ng bagay na puwede kong gawing ebidensiya, kukunin ko.Baka may makuha akong impo

  • A Simple Way To Break You   Chapter 18

    Matapos akong gisahin ni Shainara ay nakauwi na rin naman ako. Muntik pa ngang sumama sa akin ang bruha!Ituloy raw namin ang pagkukuwentuhan sa bahay, or as much as I know it, ang pang-iinterogate niya, pero mabuti na lang talaga at naisahan ko siya. Ang sabi ko kasi, sa susunod na lang kami magkita at mag-a-amusement park kami.Kaagad naman siyang pumayag na parang bata. Sa totoo lang, hindi naman ganoon kalaki ang agwat ng edad naming dalawa, pero para ko na rin siyang nakababatang kapatid.Ayaw ko man aminin, pero madalas kong maalala si Aya sa kan'ya.Siguro nga, kaya ganoon na lang kalapit ang loob ko kay Shainara ay dahil nangungulila ako sa namatay kong kapatid.Napabuntonghininga ako at umiling. Ito na naman. Naaalala ko na naman si Aya. Pero sa bagay, wala namang araw na hindi siya pumasok sa isip ko. Mas marunong lang talaga akong magdala ngayon.Nang makarating sa unit ni Kleinder ay kumatok ako sa pinto. Hindi ko rin alam kung bakit. O baka siguro, awkward pa rin talaga i

  • A Simple Way To Break You   Chapter 10

    Napakurap ako.Teka, nananaginip ba ako? Hindi naman, ‘di ba?Ramdam na ramdam ko ang init ng kamay niya sa aking pisngi, at dahil doon, parang mas lalo lang akong hindi makapaniwala.It shouldn’t be comfortable. Ayaw ko nga siyang makita, pero bakit sa isang iglap… parang kumalma ang buong katawan

  • A Simple Way To Break You   Chapter 9

    "ANO NGA 'yong pinag-usapan n'yo?" pangungulit sa akin ni Shainara habang nandito ako sa office at nagbabawas ng workload.I was so stressed doing my usual job, which makes me hate this job even though I really love it. Sumasakit na ang ulo ko sa babaeng ‘to. Hindi ko na nga siya sinasagot pero paul

  • A Simple Way To Break You   Chapter 8

    “I’ll break your heart after six months.”That's it.Iyon ang malamig kong wika kay Kleinder na mapayapang kumakain ngayon ng salad habang nakaupo sa isa sa mga lamesa rito sa cafeteria. Wala nang pakiyeme pa o kaya naman ay pagpapatagal ng usapan. Noong hinahanap ko pa lang siya kanina ay iyon na t

  • A Simple Way To Break You   Chapter 7

    TODAY WAS a gloomy day, unlike the past few days kung saan ay kulang na lang masunog ang buong balat ko dahil sa init. Pagkagising ko pa lang sa umaga ay sobrang dilim na kaagad ng kalangitan. It seems like it will rain anytime by now, pero ngayon kahit na hapon na ay hindi pa rin bumubuhos ang ulan

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status