Share

Chapter 4

last update Petsa ng paglalathala: 2026-04-16 07:46:57

PAGE FOUR

“Please take care of this house, Manang Ising.”

Nasa harap ako ng Monteverde mansion habang hinihigpit ko ang hawak sa bag ko.

“—Ipapadala ko na lang ang sweldo mo buwan-buwan, okay?” dagdag ko.

Marahan siyang tumango.

Pero hindi siya umalis.

Hindi rin niya binitawan ang tingin niya sa’kin—parang may gustong pigilan.

“Bobby,” tawag ko.

“Po, Senyorita?”

“Pakiayos na lahat ng gamit ko.”

“Copy po.”

Paalis na sana ako nang biglang may humawak sa kamay ko.

Si Manang Ising.

“—Bakit?” tanong ko, bahagyang huminto.

Nanginginig ang boses niya.

“Senyorita
 alam ko pong wala akong karapatang makialam.”

Napayuko siya.

“Pero labis po akong nalulungkot sa paghihiwalay n’yo ni Senyorito.”

Sandaling tumahimik ang paligid.

Parang pati hangin huminto.

Huminga ako nang malalim.

“Manang
” mahina kong sagot. “You know why I did this.”

Hinawakan ko rin ang kamay niya.

“Hindi naman lingid sa’yo ang mga gabing umiiyak ako habang hinihintay siyang umuwi.”

“Alam mo kung ilang beses kaming nag-away.”

“Kung ilang beses kaming nagsalita ng masasakit na salita.”

Huminga ako ulit.

Mas mabigat na ngayon.

“At tao lang din ako.”

Sandaling tumigil ako.

“Kung marunong akong magpakatanga
 marunong din akong mapagod.”

Nanlaki ang mata niya.

“Pero Senyorita—paano kung sa pagkakataong ito—”

Pinisil ko ang kamay niya.

Mahigpit. Pero maingat.

“Okay na, Manang.”

Ngumiti ako.

Isang ngiting pilit pero buo na ang desisyon.

“Tapos na ang lahat. Let’s move on.”

Dahan-dahan kong binitawan ang kamay niya.

Parang may bagay na huling beses kong hinawakan
 tapos na.

---

Dumating si Bobby.

Isa-isa niyang kinuha ang mga maleta ko.

Tahimik. Maingat.

Parang alam niyang hindi ito simpleng pag-alis.

Pagbalik niya, iniabot niya sa’kin ang susi ng kotse.

“Sigurado po ba kayong ayaw n’yong ipagmaneho ko kayo?” tanong niya.

Umiling ako.

“No. Ako na.”

Tumango siya.

“Mag-ingat po kayo.”

Ngumiti ako nang bahagya.

“Salamat.”

Bago ako sumakay, humarap ako sa mansion.

Isang malaking bahay.

Isang bahay na puno ng alaala.

Pero wala nang tahanan.

“This is it
” bulong ko.

“I'm going to start all over again.”

Pumasok ako sa kotse.

Isinara ang pinto.

At pinatakbo ang makina.

---

AFTER EIGHT HOURS


Tahimik ang biyahe.

Tanging tunog ng makina at hangin ang kasama ko.

Hanggang sa unti-unting nagbago ang tanawin.

Mga bundok.

Mga puno.

Makitid na daan.

Lumang kalsada na halos wala nang dumadaan.

At doon—

huminto ako.

Bumaba ako ng kotse.

Huminga nang malalim.

Ang hangin—malinis.

Pero mabigat sa alaala.

“Akala nila London
” bulong ko.

Napangiti ako nang mapait.

“Pero bumalik ako.”

Tumingin ako sa paligid.

“I'm back.”

Back to where everything started.

---

TEN YEARS AGO


Masigla ang Monte Carlos barrio.

May malaking entablado sa gitna.

Dekorasyon. Ilaw. Musika.

Singing competition para sa fiesta celebration.

At kami—nasa gilid lang.

“Ready ka na ba, Laura?!” tanong namin ni Georgina.

Kinakabahan si Laura.

“Kinakabahan nga ako! Ikaw na lang kaya, Carmella!”

“Hala! Bakit ako?!” gulat kong sagot.

“Wala nga akong talent sa pagkanta!”

“Tsaka baka pagalitan pa ako ni Nanay!”

“Ay, e nasa norte sila diba?” singit ni Georgina.

“Isang linggo silang wala!”

“Pagbalik nila, tapos na ‘to!” dagdag ni Laura.

“Please na!”

Tumakbo siya bigla papunta sa registration area.

“Hoy!” sigaw ko. “Laura!”

Natawa si Georgina.

“Mukhang napasubo ka ah.”

“Gaga kasi ‘yan!” reklamo ko.

“Hindi naman ako sumali!”

“Hayaan mo na,” sabi niya. “Magaling ka naman kumanta.”

“Ako?!”

“Oo.”

“Baka mamaya mapahiya pa ako!”

“Hindi ‘yan.”

Maya-maya, bumalik si Laura.

“Okay na!” sigaw niya.

May hawak siyang papel.

“Number mo!”

“Anong kakantahin ko?!” panic ko.

“Ewan ko!”

“Biglaan ‘to!”

Nagtawanan silang dalawa.

“Pero alam niyo ba?” singit ni Caleb.

“Judge daw yung anak ni Don Hernan.”

Napatingin kami.

“Don Hernan?” tanong ni Georgina.

“Yung may-ari ng Hacienda Monteverde?”

Tumango si Caleb.

“Gwapo ba?” kinikilig si Laura.

“Ate!” saway ni Caleb.

Binatukan siya ni Laura.

Natawa kami.

“Usap-usapan na ‘yan,” dagdag niya.

“Simula nung nalaman nilang may anak pala siya.”

“Sevastian Monteverde daw pangalan.”

Napakunot ang noo ko.

“Sino ‘yon?”

Tumingin sila sa’kin na parang galing ako sa ibang mundo.

“Hindi mo kilala si Sevastian Monteverde?!”

“Sa Monte Carlos ka ba nakatira?!”

“Hoy!”

Bago pa ako makasagot—

“Candidate #10!” sigaw ng emcee.

“Carmella del Valle!”

Nanlaki ang mata ko.

“Ako na?!”

“Go na!” sabi nila.

Tumayo ako.

Parang gustong umatras.

Pero huli na.

Umakyat ako sa stage.

Bright lights.

Maraming tao.

Biglang bumigat ang dibdib ko.

Iginala ko ang paningin ko.

Hinahanap sila.

Hanggang sa nakita ko siya.

Isang lalaki sa audience.

Matangkad.

Malakas ang presensya.

At kahit malayo—

ramdam ko ang tingin niya.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

“Bakit ganito
” bulong ko.

At saka nagsimula ang music.

Intro pa lang—alam ko na ang kanta.

Napatingin ako sa backstage ulit.

Wala sila.

Pero may nakita akong iba.

Isang babae.

Kasama niya ang lalaking iyon.

Si Sevastian.

Magkasama sila.

Mas malapit kaysa dapat.

Parang sila ang mas importante sa isa’t isa.

Napakagat labi ako.

Humigpit ang hawak ko sa mic.

“Para sa’yo ‘to
” bulong ko.

“Gago ka.”

At nagsimula akong kumanta.

Bawat linya—

bawat salita—

parang hindi kanta.

Kundi paalam.

Hindi ko alam noon


na ang lalaking nakatingin sa’kin sa dilim ng audience na iyon

siya rin pala ang magpapabago ng buong buhay ko.

At siya rin ang sisira nito.

TO BE CONTINUED


Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • A Woman's Pain   Chapter 6

    “Y-YOU MEAN
 S-Sevastian Monteverde?”Napalingon si Laura kay Georgina na halos hindi makapaniwala sa narinig.“YES.” nakangiting sagot ni Sevastian, parang normal lang sa kanya ang eksena.“Yung anak ni Don Hernan?!” sabat naman ni Georgina, mas lalong lumaki ang mata.“YES, again.”Nagkatinginan silang dalawa, sabay balik ng tingin sa kanya—parang sinusuri mula ulo hanggang paa.“Grabe
” bulong ni Laura. “Parang model sa magazine.”“Baka matunaw!” asik ni Baldo, sabay irap.Natawa ako nang mahina sa kanila.Pero hindi ko maikakaila
Gwapo nga talaga siya.Hindi lang gwapo—may presence.Yung tipong kahit tahimik lang siya, siya pa rin ang mapapansin mo.“Maraming salamat po, Mr. Sevastian,” magalang kong sabi.Tumingin siya sa’kin.Ngumiti.At sa ngiting iyon—may kung anong humatak sa dibdib ko.Yung dimples niya
Parang hindi bagay sa seryosong aura niya.“You’re welcome,” sagot niya.Tumingin siya kina Georgina at Laura na halos hindi pa rin kumukurap.“See you around.”At sa simp

  • A Woman's Pain   Chapter 5

    “Uulit-ulitin ko sa ’yo
”Ang boses ko ang unang bumalot sa buong Monte Carlos stage.“Ang nadarama ng aking puso
”As soon as I started singing, parang may biglang bumigat sa dibdib ko.Hindi lang ito kanta.Parang pagbabalik ng lahat ng hindi ko dapat maalala.Mariin kong ipinikit ang mga mata ko.Ayokong makita ang audience.Ayokong makita ang reaksyon nila.Ayokong makita siya.“Ang damdamin ko’y para lang sa ’yo
”At doon pa lang—naramdaman ko na ang unang patak ng luha ko.“kahit kailanma’y hindi magbabago
”Hindi ko pinunasan.Hinayaan ko lang.Kasi alam kong kapag pinunasan ko, baka tuluyan akong gumuho sa harap nila.“Ikaw ang laging hanap-hanap sa gabi’t araw
”Unti-unting lumakas ang boses ko.“Ikaw ang nais kong sa tuwina ay natatanaw
”Doon ko sila nakita.Sina Georgina at Laura.Nasa gilid.Nakataas ang kamay.“You can do it!” sabay bungisngis nila.Ngumiti ako.Pero hindi umabot sa mata ko.“Ikaw ang buhay at pag-ibig
 wala na ngang iba
”At sa dulo ng audience—Nakita

  • A Woman's Pain   Chapter 4

    PAGE FOUR“Please take care of this house, Manang Ising.”Nasa harap ako ng Monteverde mansion habang hinihigpit ko ang hawak sa bag ko.“—Ipapadala ko na lang ang sweldo mo buwan-buwan, okay?” dagdag ko.Marahan siyang tumango.Pero hindi siya umalis.Hindi rin niya binitawan ang tingin niya sa’kin—parang may gustong pigilan.“Bobby,” tawag ko.“Po, Senyorita?”“Pakiayos na lahat ng gamit ko.”“Copy po.”Paalis na sana ako nang biglang may humawak sa kamay ko.Si Manang Ising.“—Bakit?” tanong ko, bahagyang huminto.Nanginginig ang boses niya.“Senyorita
 alam ko pong wala akong karapatang makialam.”Napayuko siya.“Pero labis po akong nalulungkot sa paghihiwalay n’yo ni Senyorito.”Sandaling tumahimik ang paligid.Parang pati hangin huminto.Huminga ako nang malalim.“Manang
” mahina kong sagot. “You know why I did this.”Hinawakan ko rin ang kamay niya.“Hindi naman lingid sa’yo ang mga gabing umiiyak ako habang hinihintay siyang umuwi.”“Alam mo kung ilang beses kaming nag-away.”

  • A Woman's Pain   Chapter 3

    PAGE THREE “Here it is.”Sambit ni Georgina sabay abot ng brown envelope sa’kin.Kinuha ko iyon at dahan-dahang binuksan.Mga papel. Legal documents. Malamig ang pakiramdam kahit hindi ko pa binabasa nang buo. Parang bawat pahina, may bigat na kaakibat.“Bakit madaling-madali kang makipaghiwalay sa asawa mo?” tanong niya habang pinagmamasdan ako.Hindi ako agad sumagot.Sandaling katahimikan.Huminga ako nang malalim.“I'm going to London,” sagot ko. “I'm planning to study again.”Napakurap siya.“Really?! That’s great!”Ngumiti ako. Pero hindi iyon masaya.Ngiti lang na pilit.Ngiti ng taong sinusubukang buuin ang sarili sa pamamagitan ng paglayo.“—So, you're going to start all over again?” tanong niya ulit, mas mahinahon na ngayon.Napatingin ako sa hawak kong annulment papers.Isang signature na lang ang kulang.Isang lagda na magwawakas sa lahat.“Magiging del Valle na ulit ako,” mahinang sabi ko. “My heart will be whole again.”Tumigil ako sandali.Parang ako mismo ang hindi na

  • A Woman's Pain   Chapter 2

    PAGE TWO “Long time no see, Carmella.”Pagpasok ko sa opisina, agad akong sinalubong ng pamilyar na boses.Si Georgina Alvarez.Si Gina.Kaibigan ko mula pagkabata—mula elementarya hanggang high school. Kasama ko sa lahat ng yugto ng buhay ko bago siya ipinadala sa U.S. para mag-aral ng Law.At ngayon, balik na siya.Isang ganap na abogado.May sariling law firm.At siya ang taong pinili kong pagtiwalaan sa sandaling ito.“So
 what’s new?” tanong niya, nakasandal sa swivel chair habang pinagmamasdan ako.Hindi ako nagpatumpik-tumpik.“I’m filing for annulment.”Parang may biglang huminto sa pag-ikot ng mundo niya.“What?!” gulat niyang bulalas, agad na tumayo.Lumapit siya sa couch kung saan ako nakaupo, nakakunot ang noo, halatang hindi makapaniwala.“Seryoso ka?!”Inirapan ko siya.“Hindi, Gina. Joke lang. Nandito ako para mag-imbento ng problema sa buhay ko.”“Hoy!” napangiwi siya. “I’m serious! Anong nangyari? Bakit annulment agad?”Tumahimik ako sandali.Huminga nang malalim.“A

  • A Woman's Pain   Chapter 1

    A WOMAN’S PAINCHAPTER 1: “File the annulment.”Parang huminto ang mundo ko sa isang iglap.Hindi ako agad nakagalaw. Hindi ako agad nakapagsalita. Para bang biglang nawala ang lahat ng tunog sa paligid—ang mahihinang usapan sa loob ng opisina, ang tik-tak ng orasan sa dingding, pati ang sarili kong paghinga.Nakatayo ako sa harap ng lalaking limang taon kong minahal. Limang taon kong pinili. Limang taon kong ipinaglaban.Ang asawa ko.At sa sandaling iyon
 hawak niya ang kamay ng ibang babae.Mahigpit.Natural.Parang iyon ang tama.Parang iyon ang dapat.“Sevastian
”Halos pabulong ang pangalan niya sa labi ko. Nanginginig. Pilit kong hinahanap sa mukha niya ang kahit katiting na guilt. Kahit kaunting pagsisisi.Pero wala.Hindi siya nagsasalita.Hindi siya tumatanggi.At lalong hindi niya binibitawan ang babaeng nasa tabi niya.“Hindi ka ba magsasalita?” tanong ko, pilit pinatatag ang boses kahit ramdam kong unti-unti nang nababasag ang loob ko.Pero bago pa siya makasagot—“Hindi

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status