LOGINNORMALLY NAMAN AY kapag ganitong mga nagtitipon tipon sila, sina Jasmine at Leo ang pinagtutuonan ng pansin ng lahat. Pero mukhang iba ngayon.Ang excitement ng lahat ay nakafocus kay Leo at sa mysterious genius na junior daw nito noon. Iniisip palang iyon ni Jasmine ay parang nalalasahan na niya ang pait sa kaniyang bibig.Lahat ay parang nilolook forward ang pagkikita ni Leo at ang mysterious genius junior. At syempre, hindi narerealized ng lahat na dahil sa pag uusap nila tungkol do'n, nawala na ang spotlight kay Jasmine. Hindi na siya ang center of attention. Hindi niya maiwasang makaramdam ng inggit sa kaniyang katawan.Ilang saglit lang, dumako ang tingin ni Lira sa may entrance ng bar at may namataan doon."Tingnan niyo... si Hyacinth iyon, 'di ba?"Pagkarinig palang ni Leo sa pangalan ng babae, agad nabaling doon ang kaniyang tingin. Tama nga si Lira dahil kapapasok nga lang ni Hyacinth sa loob ng bar. Nakasuot ito ng itim na dress na yumayakap sa hubog ng katawan nito. Maging
NATULALA NA LANG SI Dr. Magalaman. Paano naman kasi napansin iyon ng babae? Sobrang specific ng pagkakamali niya na hindi talaga napapansin agad sa isang tingin. Pero nagawa ni Hyacinth kahit na lagi naman itong tulog sa klase.Ilang saglit lang, dumating bigla ang direktor ng student affairs ng school sa opisina niya."May problema ba, Doc?" tanong nito."Hypothetical," panimula niya. "May estudyante na natutulog lagi sa klase. Pero nang nagising siya, pininpoint niya 'yung mistake ng teacher. Anong meron sa estudyanteng iyon?"Napahalakhak ang direktor. "Uhh... genius?" patanong din nitong sagot."Genius, huh?" bulong ni Dr. Magalaman sa sarili. Pero... posible nga ba iyon? Genius si Hyacinth?MATAPOS ANG KLASE, NAGRING bigla ang phone ni Hyacinth. Si Kuya Rico iyon. Sinagot iyon ni Hyacinth at excited agad ang lalaki na sabihin sa kaniya ang tungkol sa isang gaganaping educational summit.Ang problema nga lang, sila ni Leo ang magkasama na irepresent ang dati nilang school."Hya..
"TINGNAN KO KUNG ANONG MAGAGAWA KO," tanging nasagot ni Leo. Hindi naman siya umuo o humindi pero sapat na kumpirmasyon na iyon upang matuwa si Jasmine kasi may chance na pagbibigyan siya ni Leo."Thank you, Leo," tuwang tuwang sambit pa ng babae at isinandig ang ulo sa dibdib ng lalaki.Unti unting namuo ang isang ngisi sa kaniyang labi. Pakiramdam niya, sobrang makapangyarihan na siya ngayon. Ano na lang ang natira kay Hyacinth ngayon? Wala. Wala na rin itong laban sa kaniya.Hanggang sa nagring bigla ang phone ni Leo. Tumatawag si Prof. Tiamzon. Agad niyang sinagot iyon."Leo, pasensya na sa disturbo. Pero gusto ko lang sabihin na may ilalaunch na academic summit sa mga susunod na araw. Ang mga experts from around the world ang aattend..." saad ng professor. "Gusto sana kitang iinvite pati na rin 'yung junior mo noon na kasing talino mo lang naman noon sa University bilang representative. Magdedeliver lang naman ng maikling speech..."Humigpit ang kapit ni Leo sa phone. So, isa lan
"'WAG MO NG ITULOY!" mabilis na agap na sabi ni Jasmine.Isang maliit na sarkastikong ngiti ang namuo sa labi ni Leo. "Iyon naman pala. Bakit kasi brinibring up mo pa?"Ang totoo niyan ay inaasar niya lang si Jasmine. Wala siyang intensyon talaga na tawagan si Hyacinth. Napabuntong hininga si Jasmine at ngumuso na lang. Pero sa totoo lang hindi pa rin mapalis ang kasiyahan sa puso niya dahil umaayon ang lahat sa kagustuhan niya.Maging si Shaina ay napahalakhak na lang din. "Hay... ayaw ko mang sabihin ito pero parang magmumukha lang ako lalong third wheel sa inyo."Tumayo bigla si Leo sa kinauupuan. "Sige lang. Mag usap muna kayo. Sa labas lang muna ako," paalam niya sa dalawa at umalis na sa kwarto.Nang tuluyang sumara ang pintuan, mabilis na lumapit si Shaina kay Jasmine. "Talagang hindi na kayo mapaghihiwalay ni Leo ngayon. Sa inyong dalawa ni Hyacinth, siya na ngayon ang kawawa."Kumportableng sumandal si Jasmine sa headboard ng kama. "Hmm... mukhang worth it naman pala ang pags
"BABALIK KA NA BA SCHOOL? Ipagmamaneho na kita papunta doon," ani Leo matapos ang mahabang katahimikan sa pagitan nila ni Hyacinth.Umiling si Hyacinth. "Salamat sa offer pero hindi na, Leo," sagot niya. "Kaya ko ang sarili ko. Bumalik ka na sa ospital at samahan si Jasmine."Hindi na hinintay pa ni Hyacinth ang sasabihin ni Leo at naglakad na siya palayo. Palakad lakad lang siyang tila wala sa sarili sa kahabaan ng kalsada na hindi na niya namalayan pa kung ilang oras na siyang naglalakad doon.Hanggang sa namalayan na lang ni Hyacinth ang pag iinit ng sulok ng mga mata niya. Ang mga luhang kanina pa niya pinipigilang mahulog, kumawala na isa isa. Sa pagtalikod niya kay Leo, nagsimula na siyang humikbi.Ngayon, mas narealized ni Hyacinth na lagi talaga siyang mag isa. Wala siyang maituturing na tahanan niya. Pero nagbago iyon nang makilala niya si Leo noon. Sa kweba palang noon, sinabi na ni Leo na siya na ang bahala sa lahat at ilalayo siya nito. Naniwala si Hyacinth sa bawat salit
KABABALIK LANG NI HYACINTH sa dorm nila nang magring ang kaniyang phone. Video call pala iyon kay Cassie.Pagkasagot doon ni Hyacinth, bumungad sa kaniya ang nakangising labi ni Cassie sa screen ng phone."Hya! So, ano na? Anong nangyari? 'Yung sa kagabi... kayo ni Leo!" excited na saad pa nito at mapaglarong tumaas ang kilay.Tumawa si Hyacinth. "Kung anu anong tinatanong mo. Ikaw, bakit wala pa dito?""Winawala mo naman usapan, eh! Pero ayaw kong disturbuhin kayo ni Leo kagabi. Baka kasi maging pambansang third wheel lang ako," sagot pa nito. "Pero alam mo, Hya... talagang maganda ang ginawa ni Leo kay Mona, ah? Naisip ko tuloy, totoong gusto ka na niya. Totohanan na talaga ang peg niyo! Totoong totoo na rin ang kasal niyo kaya sana sumaya kayong magkasama habambuhay!"Hindi alam ni Hyacinth ang isasagot. Kinuha na lang niya ang candy niya at binuksan iyon. Isinubo niya kalaunan at ang minty at matamis nitong lasa ay agad kumalat sa kaniyang dila. Napangiti na lang siya."Oo na, Cas
AGAD NA NAKILALA ni Rui ang sumasayaw sa dance floor. Parang nahigit niya ang sariling hininga saglit.Samantala, si Jasmine naman ay bahagyang natigilan pagkakita kay Hyacinth sa dance floor. Naiinis siya sa sumasayaw na na si Hyacinth na para bang walang tao sa paligid nito kasama si Annika. Para
"SAYANG! WALA man lang masyadong info about sa kaniya! Ano namang ibig sabihin niyang 'H' na iyan?" reklamo ni Alfred at nailing na lang."Malay ko..." walang ganang sagot lang ni Leo."Ifollow mo na lang, dude!"Nagkibit balikat lang si Leo sa sinabi ni Alfred pero kalaunan ay sinunod din naman ni
HINDI MAIWASANG magulat ni Alfred sa sinabi ni Jasmine. Kasi ang totoo niyan, isa sa mga rason kung bakit inaadmire nila si Jasmine ay dahil hindi lang siya basta mukha o pisikal na anyo lang. Matalino rin ito. At sa lahat ng mga babaeng napalapit kay Leo, ito ang pinakanababagay talaga sa kaniya.
NAPASIMANGOT si Hyacinth sa narinig. "Anong pinagsasabi mo? Pinaglalaruan kita?" tanong niya, halatang hindi makapaniwala.Umigting ang panga ni Leo. "Sino ba kasing may nagsabi sa'yo na magsuot ka ng ganito?""Ganito? Wala namang problema sa suot ko, Leo," sagot ni Hyacinth .Bumaba ang tingin ni







