登入
Bumalik na sa Pilipinas ang true love ni Levi Duetrich Malthe.
Hindi mawala sa utak ni Ivory ang balitang iyon. Umaalog ang ulo niya sa kaiisip at ilang araw na siyang hindi makatulog. Ang eyebags niya, halos magkulay uling na at nagmistulang black-eye sa palibot ng kaniyang mga mata. Gaya ngayon, madaling araw na pero dilat na dilat pa rin siya at hindi niya ma-control ang galit. Pati kamay niya ay para bang may sariling buhay na kusa na lang lumipad at dumapo sa mukha ni Levi habang mahimbing itong natutulog. Pupungas-pungas na nagising ang lalaki at nagmulat. Ang matalim na tingin ay mabilis na naglakbay sa buong silid. Pero nang dumako sa kaniya ang mga mata nito'y kaagad naging banayad ang titig ng asawa. "Iv, I dream that someone hit me," pabulong nitong angal. Hinapit siya nito para sumandal sa matigas nitong dibdib. "Siguro, dahil hindi ka rito sa mga bisig ko natulog kaya ako binangungot." Bahagya itong ngumiti at malagkit na tumitig kay Ivory. May dumaang pagkalito sa mga mata nito nang hindi siya umimik at napansin niya ang anino ng panic doon na para bang mahal siya nito at natatakot na magagalit siya. She could just laughed secretly in her heart, taliwas sa kung ano ang damdaming nakarehistro sa kaniyang mukha. Yumakap siya sa asawa at sumubsob sa dibdib nito. Mula sa wall mirror ay nakikita niya ang sarili, nakakulong sa mga bisig ni Levi. Madalas niyang marinig na ang gandang taglay niya ay likas na matingkad. Maliit ang kaniyang mukha, hugis puso na larawan ng pagiging mapagmahal. Her skin is warm and fair as the moon and snow, like gardenia, freshly picked from the branch. Hindi agresibo ang kaniyang aura bagkus ay kumikinang gaya ng mga bituin. Maraming naniniwala na sa hitsura niya, imposibleng maging tapat siyang asawa kay Levi. Gayunpaman, sa kabila ng sampal at sa palad niyang bumakat sa mukha ng kaniyang asawa, heto at niyakap pa rin siya na tila ba mahalaga siya sa buhay nito kahit ang totoo'y panakip-butas lang naman siya sa babaeng tunay nitong minahal. "Binangunot ka rin ba?" biglang tanong ng lalaki. Naglaro ang malantik nitong mga daliri sa kaniyang braso. "Your insomia is acting up again? I heard from Dr. Reyes that you have been asking for some melatonin recently." His voice is low and warm but prickled with some darkness. Nagpulso ang sistema ni Ivory nang madama ang kiliti sa kaniyang gulugod na tila ba hinaplos ng mga balahibo. Kabisado talaga ng lalaki ang kiliti niya, sa boses pa lang nito at sa paraan kung paano lumapat ang labi nito sa kaniyang tainga. "Hmn, why are you blushing?" Panunukso ng lalaki at matiim siyang tinitigan. "Is it hot?" Pilyo itong ngumisi. The corners of his eyes pulled out a long and narrow arc, making his handsome face more irresistible and devilishly attractive. Napalunok habang pinagsama ang paningin sa gwapo nitong mukha. His eyes were sharp as peach blossom, sterling grays and magnetic. Nose is arrogant and the lips are delicious. Levi Duetrich Malthe is like a lovable villain in the novel. Tuwing nilalandi siya nito, hindi pwedeng nabibitin. Sinisimot nito ang katas niya tulad ng pagkain at hindi siya titigilan hangga't may lakas ito. Pero ang masaklap, siya itong naghahanap pa rin kahit halos mapugto na ang kaniyang hininga. "Masyado bang mainit?" Umirap si Ivory. Pinagtatawanan na naman nito ang pamumula ng kaniyang mukha. "The doctor said that making love before going to bed is effective for a good sleeping habit." Kumindat si Levi, nakangiti. "We should follow the doctor's advice." Sumimangot si Ivory pero hindi siya tumanggi. Nagtalik sila si Levi sa loob ng mahigit isang oras hanggang sa lupaypay siyang bumagsak sa kama. Pero epektibo nga ang payo ng doctor. Dahil sa pagod ay nakatulog siya, daig pa niya ang hinimatay sa sobrang himbing. Pagkagising niya, wala na si Levi sa kaniyang tabi. She felt empty and cold, looking at the blank space of the bed. Sinipat niya ang oras. Past eleven o'clock in the morning. Nasanay si Levi na gumising ng maaga para magtungo sa kompanya. Kahit abutin pa sila ng alas kwatro ay maaga pa ring nagiging ang asawa niya. He has an amazing time management and he knew his priorities. "Goodness," napabulong siya at bumaba ng kama, kumaripas sa loob ng banyo at binuksan ang medicine cabinet. Kumuha siya ng contraceptive pill at kinain iyon. She forgot to take it. Ayaw pa naman ni Levi na mabuntis siya. Ayaw nitong magkaanak sila. Siguro kagabi inisip din nito si Franchesca kaya nakalimot din magsuot ng condom ang lalaki. Ayaw rin naman niyang mabuntis habang nasa alanganin ang status niya sa puso ni Levi, lalo ngayon na matatapos na ang tatlong taong pagsasama nila bilang mag-asawa dahil nakabalik na ang babaeng mahal nito. Tatlong taon pero hindi pa rin siya magawang mahalin ng lalaki. Hindi niya nagawang palitan sa puso nito si Franchesca. Ang tanging papel niya lang sa buhay ni Levi ay hanggang sa kama.Habang nasa meetings si Levi, nakatulog sa loob ng opisina si Ivory. Nang magising siya ay wala pa rin doon ang asawa niya. May snacks sa center table pero ang mas umagaw sa atensiyon niya ay ang kislap ng diamond ring sa kaniyang daliri. Kailan pa iyon napunta roon?Sinipat niyang maigi ang singsing, kung anu-anong anggulo ang ginagawa. Wonderful! Umirap siya at bumuntong-hininga. The ring has a classic design. A platinum band with a ring of one-carat diamonds surrounding a six-carat blue diamond. This is her wedding ring. Hindi niya iyon madalas isuot. Nakatago lang sa gem safe roon sa old mansion's treasyre room. May bantay pa at iniingatan ng mga bantay na naka-duty lang sa lugar na iyon.Kailan iyon pina-deliver ni Levi? At hindi man lang niya namalayan kanina nang isuot sa kaniya ng asawa. Sobrang himbing siguro ng tulog niya. Parang gusto niyang matawa. 'Yong ang gulo ng kasal nila pero dapat pa siyang magsuot nitong wedding ring? Para ano?Kung hindi lang pretty ang diamond
Umarangkada ang kaba ni Ivory. Paano kung maniwala si Levi sa sinabi ng bata? Dahil sa stress ay biglang humilab ang puson niya at sumakit ang kaniyang ulo. "Are you okay? Namumutla ka." Puna ng lalaki."Biglang sumakit ang ulo ko," angal niya para i-divert ang isip ng lalaki mula sa sinabi ng bata kanina. "Pumunta na tayo roon sa kabilang park." Humawak siya sa bisig ng asawa. Kailangan nilang makaalis, baka bumalik na naman ýong bata at kulitin siya ulit."I know what you're thinking, masyado kang defensive. Hindi naman sa ayaw kong magkaanak, kung nag-aalala kang baka hindi ko kilalanin ang bata o kaya ipapalaglag ko, nagkamali ka. Kapag nabuntis ka, itutuloy natin. Isisilang mo siya at aalagaan natin," pahayag ni Levi at hindi niya inaasahan iyon. Hindi sumagot si Ivory at tumango lang. Naglakad sila palabas ng park at binaybay ang kalye na maghahatid sa kanila sa kabilang parke. "Gusto mo bang mag-enroll sa workout?" tanong ni Levi."Para saan?""Para sa katawan mo.""No, I'm
Ayon sa update ni Lucille, baka abutin ng isa't kalahating buwan ang processing ng annulment basta't may pera siya. Kung hindi sana magulo si Levi, sapat lang ang panahong iyon. Huminga ng malalim si Ivory matapos basahin ang chat ng kaibigan. Hindi rin talaga siya pwedeng umalis nang walang pera. Hindi niya maaring tipirin ang kaniyang anak. Kapag nakuha na niya ang pera, hindi siya magsasayang ng oras, aalis agad siya. Sapat na sapat na ang 500 million. Naidulog niya kay Lucille ang tungkol sa trabaho na inalok ni Levi kapalit ang malaking halaga na iyon. "I wish you both happiness," usal niya na nakatingin sa picture nina Levi at Chesca. Dead-end marriage ang mangyayari sa pagitan ng dalawa. Magkakaroon ng maraming anak sa future. Nilapag niya sa kama ang cellphone at sumaglit ng banyo. Paglabas niya ay nasa loob ng kwarto ang asawa. "Mamaya pa tayo aalis, di ba?" tanong niya rito."Hm, I just thought we can make love for an hour before going out." Ngumisi ito.Ikinalma ni Ivor
Nang sumunod na araw ay inabala ni Ivory ang sarili sa panonood ng Netflex. Ngayon lang ulit siya nagka-time mag-movie marathon. Umaasa siyang hindi siya gugulihin ni Levi lalo pa at ang mga pinapanood niya ay hindi naman pasok sa panlasa ng lalaki. Pero hindi man lang niya natapos ang pangatlong horror movie ng Thailand, pinasok na siya ng staff doon sa kwarto dahil dumating si Levi at hinahanap siya.Nagmamaktol na sumunod siya sa staff patungo sa living room. Her husband is peeling some oranges while waiting for her. "You love orange, I bought some on the way. These are freshly picked from the farm. Try it." Binigyan siya nito ng isa. Nakasimangot na kinuha niya iyon at tinikman. Matamis nga at halatang bagong pitas. Mabilis niyang naubos ang isang piraso. "Kausap mo kanina si Chesca?" pa-simpleng tanong ni Levi.Expected na niyang malalaman nito. May tracker ang phone niya. Namo-monitor nito kung sino ang mga kausap niya. Si Rex lang siguro ang hindi nito makukuha ang registra
Pagbalik ni Ivory sa loob ng kuwarto ay sakto ring tumunog ang cellphone niya. May chat siya galing kay Chesca.Chesca: May balak ka pang ituloy ang annulment o pinatatagal mo lang dahil gusto mo akong inisin.Siya: Hindi ako ang nagpatagal kundi ang lover boy mo. Bakit hindi mo siya kausapin at kumbinsihin? Pumasok ang tawag ni Rex at agad niya itong sinagot. "May update ba?" tanong niya sa lalaki."Mam, talagang decided ka nang tumakas? Alam mo kasi, isang buhay lang ang mayroon ako." "Ngayon pa ba babahag iyang buntot mo?" "Magre-resign na ako sa trabaho, Mam. May pera naman na ako. Magbabagong buhay na ako, hindi ko na kaya itong pinagagawa mo sa akin. Kapag nalaman ng asawa mo, tiyak ihahagis niya ako papuntang impeyerno." "Dadagdagan ko ng 500k ang bayad sa iyo." Ilang saglit na hindi umiimik si Rex. "Sige na nga, pinagmukha mo talaga akong pera, ah!""Mukha ka naman talagang pera," biro ni Ivory. "Basta, ihanda mo ang materials at hanapin mo si Lucille. Siya na ang bahala
Masyado nang late, 11:30 pm at hindi pa tapos si Ivory sa pagtatanggal ng make-up niya. Tinatamad na siyang tapusin iyon lalo at kumikirot pa ang mga binti niya sa katatayo. Nag-aalala siya kanina nang humilab ang kaniyang tiyan. Hindi pa rin siya makapunta sa doctor. Imposible kasing hindi iyon malaman ni Levi. Nag-halfbath lang siya. Habang nasa loob ng shower ay sinipat niya ang impis na tiyan at hinaplos."Stay put ka lang diyan, baby. Gagawa ng paraan si Mommy para ma-check tayo ng doctor at malaman natin ang kalagayan mo diyan sa loob." Kausap niya sa anak. "Pasensya ka na, hindi ka pwedeng makilala ng mga lolo at lola mo, lalo na ng daddy mo. Baka gagawin din nila ang ginawa nila sa kuya mo noon. Hindi ko na sila papayagang kunin ka sa akin at patayin." Mariin niyang kinagat ang labi at pinigil ang pagpatak ng mga luha.Bata pa siya noon at wala siyang lakas ng loob kaya nagtagumpay ang biyenan niyang babae na ipalaglag ang anak niya. Pero ngayon, kaya na niyang lumaban. Oras
Halata sa pagmumukha ng mga naroon ang inis kay Ivory. Siguro, kung hindi pa nagkunwari ang asawa niya na may pakialam ito sa kaniya, baka kanina pa siya sinabunutan doon at hinahamak. But to them, it is obvious that Levi wants to support his wife."Hindi ko alam na ganyan na pala kayo ka-close, an
Huminga ng malalim si Ivory. Sabagay, bakit pa ba siya magtataka kung alam ni Levi na parating siya? Sa tatlong taon nilang pagsasama bilang mag-asawa'y kabisado na niya kahit papaano ang kakayahan at pwersa nito. Masyado itong maingat kahit sa pinakamaliit na detalye. Tuwing lumalabas ay may kasam
Hindi papayag si Ivory na basta na lang ibasura. Tatlong taon silang kasal ni Levi, kung wala siyang magagawa para pantay na mahahati ang property, nangangahulugan lamang iyon na ang pananatili niya sa piling ng lalaki ay walang saysay. Parang lubid kung saan nakasabit ang mga alimasag, kung titing
Kahit umalis ng maaga si Levi ay wala namang problema iyon kay Ivory. Sa mga mata niya, busy lagi ang lalaki kaya hindi siya umaangal at naghangad ng extra sa attention na ibibigay nito. Nasa peak na ang market value ng Malthe Enterprise pero tambak pa rin ang trabaho ni Levi tuwing nasa opisina.







