MasukKahit umalis ng maaga si Levi ay wala namang problema iyon kay Ivory. Sa mga mata niya, busy lagi ang lalaki kaya hindi siya umaangal at naghangad ng extra sa attention na ibibigay nito.
Nasa peak na ang market value ng Malthe Enterprise pero tambak pa rin ang trabaho ni Levi tuwing nasa opisina. Processing documents, coordination meetings, going to various grassroots field trips, even hopping to another cities. Minsan, kapag nagtagal ito sa isang lugar, tatawagan siya ng assistant para sumunod. Isa sa mga rason ay para ipakita sa ibang investors at potential business partners at mga kaibigan na maayos ang samahan nilang mag-asawa. Napapakinabangan din nito sa mga social event ang presensya niya. Second reason, para sa libog ng lalaki. Para sa pagnanasa nito at init ng katawan. Ayaw nitong gumamit ng ibang babae. Maingat ito at pihikan. Umiiwas ito sa gulo, higit sa lahat, inaalala nito ang damdamin para kay Franchesca kaya ayaw nitong masangkot sa eskandalo. Takot itong malaman ng babaeng iyon at ma-itsapwera. Habang iniisip ang bagay na iyon ay mapaklang natawa si Ivory. Rich and powerful men have mastered the trick, papaniwalain kang mahal ng mga ito habang ang isip at puso ay pag-aari ng iba. Pagkatapos uminom ng gamot ay naligo si Ivory. Nagbihis siya ng komportableng pambahay at bumaba bitbit ang kaniyang cellphone. Inabala niya ang sarili sa pag-scroll habang patungo sa dining room. "Magandan tanghali po, Ma'am!" bati ng katulong nilang si Manang Laura. "Magandang tanghali, late na ako nagising. Kumain ba ng agahan si Levi? May binilin ba siya sa inyo?" tanong niya. Tatlong taon nang nanilbihan dito sa bahay si Manang Laura, alam na nito ang kalagayan ng pagsasama nila ni Levi. "Pinasasabi po niya na may party siyang dadaluhan mamayang gabi kaya late na raw po siyang uuwi." Tumango lang siya at naupo sa bakanteng silya. Ayon sa paniwala ng mga tao, kabilang na ang mga kasambahay nila, easy-going wife si Ivory at dahil sa ordinaryong background niya'y desperada siyang makuha ang puso ni Levi. Tuloy, ang simpatiya ng mga tao ay nasa lalaki imbis na mapupunta sa kaniya. At mas lumala pa ngayong nakabalik na si Franchesca. Tingin ng lahat ay masyado siyang naliligalig. Maingat ang mga tao sa paligid niya kung mag-usap pero naririnig pa rin naman niya. Takot raw siyang mapalayas. "Ihahain ko na po ang pagkain ninyo," sabi ni Manang Laura at iniwan siya roon. Kung may party mamaya, tiyak hindi uuwi sa hapunan si Levi. That's good. Makakikilos siya ng malaya. Pagkatapos niyang kumain ay nag-ayos siya ng sarili at lumabas. May usapan sila ngayon ni Lucille na magkikita sa club house, sakop lang iyon ng subdivision. Naroon na ang kaibigan niya at naghihintay nang sapitin niya ang lugar. Nagbeso sila at nagtungo sa cottage. "Sigurado ka na ba sa annulment?" tanong ng babae at sinipat ang suot na smart casual dress. Bumagay iyon sa buhok nitong tuwid at malinis na nakatali. "Kung talagang nag-cheat si Levi, mag-ipon ka ng mga katibayan para favorable sa iyo ang conditions para sa hatian ng properties." "Lucille, manipis na talaga itong buhok mo," komento niya at hinaplos ang buhok ng kaibigan. Umikot ang bola ng mga mata ni Lucille. "Iyan pa talaga ang nakita mo. Hindi ko nga pinansin iyang eyebags mo na parang mabigat na ulap na nakabitin sa mukha mo. Parang hindi mo alam na nakakalbo ako dahil sa trabaho ko sa law firm. Hindi gaya mo, nagdurusa dahil iyan sa pesteng unrequited love." "I'm sorry, sige na, ituloy na natin. Makikinig na ako." May kinuhang mga dokumento si Lucille at binigay sa kaniya. "Review those." Binasa niya ang mga papeles, pero hindi naman siya abogada, maraming termino na hindi niya maintindihan. Kinailangan niyang magtanong sa kaibigan. "Itigil mo iyang pagsimangot mo!" Kastigo ni Lucille. "Naalala ko kasi na hindi ako pumirma ng pre-nuptial agreement noong ikasal kami ni Levi, beneficial ba iyon para sa division of property?" "Ano?" Napamulagat si Lucille. "Hindi pumirma ng pre-nuptial agreement si Levi? Fake ba 'yong kasal ninyo?" "Bakit naman naging fake agad? Masyado siyang apurado noon sa kasal dahil galit siya sa ex-girlfriend niya. Basta na lang niya akong kinaladkad at dinala sa judge. 'Yong civil wedding namin ay isang araw pagkatapos umalis ni Franchesca. Akala siguro niya, kapag nalaman ng ex niya, babalik ito pero hindi naman nangyari kaya mukha siyang mamatay noon, parang baliw." Lumungkot ang mukha ng abogada, halata ang simpatiya nito para sa kaniya. "Siguro ang lungkot-lungkot mo rin noon. Biruin mo, nakikita ng bride ang groom niya na depress dahil sa pag-alis ng kaniyang ex. I can't stand it if I was the one in your shoes that day." Pero balewala na sa kaniya iyon. Kaya lang hindi niya makalimutan ang performance ni Levi noon sa kama. Kung galawin siya nito ay para bang wala nang bukas. "Napaano iyang mukha mo, bakit ang pula?" Naiirap na tanong ni Lucille. Ivory sighed. "Huwag lang maawa sa akin, okay? Kahit jerk ang husband ko, gwapo siya at mayaman. Dahil sa kasal namin nakaipon ako ng pera. Ngayon bumalik na si Franchesca kaya kailangan kita para sa annulment namin. Ayaw kong maunahan niya ako, kahit 'yong sa annulment man lang, ma-dignify ko ang sarili ko. Nasa 21st century na tayo, ayaw kong maging bitter heroine sa drama ng buhay." "Ano, parang mga nobela na binabasa mo?" biro ni Lucille sa kaniya. Mapakla siyang tumawa. "Oo, parang ganoon. Dumating ang true love ng husband ko tapos titiisin ko ang sakit at pagdurusa. Hindi ako kakain hanggang sa masira ang atay at bituka ko. Magluluto at maghihintay na umuwi si Levi pero hindi naman mangyayari hanggang sa mamatay ako dahil sa stomach cancer. Tapos saka lang ma-realize ni Levi na mahal pala niya ako at magsisi siya. Hay naku, pesteng kwento iyan. Ayaw kong magkaganoon no? Hindi nobela ang buhay. Malamang dalawang araw lang magsisi si Levi kung mamatay ako. Darating 'yong ex niya at susuyuin siya tapos ayon tuloy na ang buhay nila habang ako pinagpipiyestahan ng mga bulati sa ilalim ng lupa? Excuse me! Not gonna happen. I won't be sad for a man, let alone die for a man. Papahalagahan ko ang buhay ko." Kapag namatay ang isang babae, walang kwenta ang pagmamahal at pagsisisi ng isang lalaki. Kahit buong buhay nito ay ite-testify nito ang kamatayan, hindi iyon sapat para isalba ang kaluluwa.Dumating na parang bagyo si Claudia. Hindi lang marami ang dalang bodyguards, bawat isa sa mga ito ay may dalang stun gun at napapaligiran ng ilang sekretarya na may dalang mga dokumento at files. Halatang handang-handa ito. Pero ang mga pang-iinsulto, paulit-ulit pa rin. Una, minamaliit nito ang pinagmulan ni Ivory, tapos ikukumpara siya kay Chesca. Aminado naman siyang malayo ang agwat nilang dalawa. Pero naririndi na siya sa gasgas na mga salita ng kaniyang biyenan. May kalyo na ang puso niya kaya hindi na siya apektado pa."Hindi ka karapat-dapat, lumayas ka na sa pamilya ko ngayon din! Sinungaling ka, may sakit sa pag-iisip pala ang pamilya mo. Alam ko noong sinabihan kita na nagpapanggap ka lang na baliw, iyon pala totoo talagang may sakit ka sa utak."Pero ngumisi lamang si Ivory. "Bakit hindi mo pagsabihan ang anak mo na palayain ako at nang matapos na ang problema mo? Akala mo ba gusto kong manatili sa piling niya?""Ang yabang mo pa rin? Tingnan natin kung hanggang kailan k
Nagkunwaring humikbi si Ivory at sisinghot-singhot na humilig sa dibdib ni Levi. Pagkahilig ay umirap siya. "Palagay mo magsusumbong si Chesca sa mommy mo?" tanong niya sa asawa. Mas maigi kung iyon ang gagawin ng babaeng iyon. Kailangan niya ng mas dagdag na pressure para tuluyan nang pumayag ang lalaki sa annulment. "Ivory, listen to me." Levi cupped her face and stared her directly. His eyes were unfathomable, up close, he possessed a cold hardness like an inorganic substance, making him difficult to see through. "If you want, I can distance myself from Chesca. In fact, after we ger married, I basically stayed away from places where socialites are rampant." Mahinahon itong nagsalita. "Who are you trying to fool? Yong si Gino lagi akong sinisendan ng mga larawan ninyo, kasama ang sinu-sinong mga babae." Umismid siya."That's business, most of them are representatives from the investors." "Rep na pang-seduce sa iyo? Para i-shortcut ang investments, I know." She brushed him off.B
"Okay lang talaga ako," giit ni Ivory paglabas niya ng banyo. "Wag mo nang abalahin ang doctor." Naglakad siya patungo sa couch. Kailangan niyang maupo kung hindi matutumba siya. "Do not lie to me, Ivory. Your face is pale and you're sweating a lot. Ang lamig ng mga kamay mo.""Dahil nga ito sa hyper ko. Mawawala rin ito mamaya.""Are you hiding something from me? Ayaw mong magpa-check sa doctor dahil takot kang malaman ko ang tunay mong kalagayan?" Kunot ang noo ni Levi at nakaukit sa mga mata nito ang iritasyon. "Bakit masyado ka naman yatang concern sa akin ngayon? Noong mga panahong lumalaban ako sa depression hindi ka naman ganyan," bahagya siyang natawa at inirapan ang asawa.Nagtagis ng mga bagang si Levi. "Ang galing mo talaga sa ganyan, no? Hindi halatang umiiwas ka lang. Tell me, are you pregnant?"Para siyang nakalunok ng tinik. Pinilipit niya ang mga daliri at tumikhim. "Hindi. Makikipaghiwalay na ako sa iyo tapos magpapabuntis ako? Ganoon ba ako katanga sa tingin mo? Pa
Habang nasa meetings si Levi, nakatulog sa loob ng opisina si Ivory. Nang magising siya ay wala pa rin doon ang asawa niya. May snacks sa center table pero ang mas umagaw sa atensiyon niya ay ang kislap ng diamond ring sa kaniyang daliri. Kailan pa iyon napunta roon?Sinipat niyang maigi ang singsing, kung anu-anong anggulo ang ginagawa. Wonderful! Umirap siya at bumuntong-hininga. The ring has a classic design. A platinum band with a ring of one-carat diamonds surrounding a six-carat blue diamond. This is her wedding ring. Hindi niya iyon madalas isuot. Nakatago lang sa gem safe roon sa old mansion's treasyre room. May bantay pa at iniingatan ng mga bantay na naka-duty lang sa lugar na iyon.Kailan iyon pina-deliver ni Levi? At hindi man lang niya namalayan kanina nang isuot sa kaniya ng asawa. Sobrang himbing siguro ng tulog niya. Parang gusto niyang matawa. 'Yong ang gulo ng kasal nila pero dapat pa siyang magsuot nitong wedding ring? Para ano?Kung hindi lang pretty ang diamond
Umarangkada ang kaba ni Ivory. Paano kung maniwala si Levi sa sinabi ng bata? Dahil sa stress ay biglang humilab ang puson niya at sumakit ang kaniyang ulo. "Are you okay? Namumutla ka." Puna ng lalaki."Biglang sumakit ang ulo ko," angal niya para i-divert ang isip ng lalaki mula sa sinabi ng bata kanina. "Pumunta na tayo roon sa kabilang park." Humawak siya sa bisig ng asawa. Kailangan nilang makaalis, baka bumalik na naman ýong bata at kulitin siya ulit."I know what you're thinking, masyado kang defensive. Hindi naman sa ayaw kong magkaanak, kung nag-aalala kang baka hindi ko kilalanin ang bata o kaya ipapalaglag ko, nagkamali ka. Kapag nabuntis ka, itutuloy natin. Isisilang mo siya at aalagaan natin," pahayag ni Levi at hindi niya inaasahan iyon. Hindi sumagot si Ivory at tumango lang. Naglakad sila palabas ng park at binaybay ang kalye na maghahatid sa kanila sa kabilang parke. "Gusto mo bang mag-enroll sa workout?" tanong ni Levi."Para saan?""Para sa katawan mo.""No, I'm
Ayon sa update ni Lucille, baka abutin ng isa't kalahating buwan ang processing ng annulment basta't may pera siya. Kung hindi sana magulo si Levi, sapat lang ang panahong iyon. Huminga ng malalim si Ivory matapos basahin ang chat ng kaibigan. Hindi rin talaga siya pwedeng umalis nang walang pera. Hindi niya maaring tipirin ang kaniyang anak. Kapag nakuha na niya ang pera, hindi siya magsasayang ng oras, aalis agad siya. Sapat na sapat na ang 500 million. Naidulog niya kay Lucille ang tungkol sa trabaho na inalok ni Levi kapalit ang malaking halaga na iyon. "I wish you both happiness," usal niya na nakatingin sa picture nina Levi at Chesca. Dead-end marriage ang mangyayari sa pagitan ng dalawa. Magkakaroon ng maraming anak sa future. Nilapag niya sa kama ang cellphone at sumaglit ng banyo. Paglabas niya ay nasa loob ng kwarto ang asawa. "Mamaya pa tayo aalis, di ba?" tanong niya rito."Hm, I just thought we can make love for an hour before going out." Ngumisi ito.Ikinalma ni Ivor
Halata sa pagmumukha ng mga naroon ang inis kay Ivory. Siguro, kung hindi pa nagkunwari ang asawa niya na may pakialam ito sa kaniya, baka kanina pa siya sinabunutan doon at hinahamak. But to them, it is obvious that Levi wants to support his wife."Hindi ko alam na ganyan na pala kayo ka-close, an
Huminga ng malalim si Ivory. Sabagay, bakit pa ba siya magtataka kung alam ni Levi na parating siya? Sa tatlong taon nilang pagsasama bilang mag-asawa'y kabisado na niya kahit papaano ang kakayahan at pwersa nito. Masyado itong maingat kahit sa pinakamaliit na detalye. Tuwing lumalabas ay may kasam
Sa guest room natulog si Ivory. Mahimbing at tuluy-tuloy ang tulog niya sa buong magdamag. Nakaalis na ng bahay si Levi pagkagising niya. Habang kumakain napansin niya si Manang Laura na tila may gustong sabihin pero nag-aatubili."May problema ba, Manang?" tanong niya sa kasambahay."Nag-away po
Pagpanhik ni Levi ng sala, nadatnan niya si Ivory na naghihintay. Nasa anyo nito ang pagkainip, pero nang magtagpo ang mga mata nila ay napansin niya ang pamilyar na kinang doon kasabay ang matamis na ngiti. Naglakad ito papalapit. "Maaga ka yata ngayon, dapat sinabi mo at nang nakapaghanda kami s

![Just One Night [Tagalog]](https://www.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)





