แชร์

Chapter 2: The Stolen Car

ผู้เขียน: NishiYan
last update วันที่เผยแพร่: 2026-11-26 11:01:33

"Buksan ninyo ang p***o kung ayaw ninyong sirain namin ito!" muling sigaw ng lider ng security ni Julian mula sa labas. Kasabay niyon ay ang malakas na kalansing ng seradura sa connecting door. Ilang segundo na lang ay mabubuksan na rin nila iyon mula sa Bridal Suite.

Nanginginig ang kamay kong may hawak pa ring basag na bote ng champagne. Napatingin ako sa dalawang p***o, pagkatapos ay binalingan ang matangkad at gwapong bilyonaryong nasa harapan ko.

Wala na akong pagpipilian. Kung lalabas ako, kakaladkarin nila ako pabalik kay Julian. Kung mananatili ako rito nang walang gagawin, mahuhuli pa rin ako.

"Kailangan kong makalabas dito," mabilis at pabulong kong sabi, pilit na pinatatag ang boses kahit kumakabog na nang malakas ang dibdib ko. "Sabi mo hindi ka kakampi ni Julian, 'di ba? Patunayan mo. Tulungan mo akong makatakas ngayon, at babayaran kita. Kahit magkano, kahit ano, basta huwag mo lang akong ibigay sa kanila!"

Tinitigan niya ako nang ilang segundo. Sa gitna ng malalakas na kalabog sa p***o, nanatiling nakakakilabot ang pagiging kalmado niya. Tila isang negosyanteng nagtitimbang kung gaano kalaki ang pakinabang na makukuha sa isang desperadong sitwasyon.

Ngunit nang kumilos si Caspian, halos hindi na nakasunod ang mga mata ko.

Mabilis niyang hinawakan ang pulso ko, walang kahirap-hirap na inagaw ang basag na bote mula sa kamay ko, at inihagis iyon sa basurahan. Bago pa ako makapagreklamo, hinapit na niya ako sa baywang at marahas ngunit maingat na isinandal sa madilim na sulok malapit sa entrada ng kwarto, kung saan bahagya kaming natatakpan ng pader.

"Ano bang ginagawa…"

"Manahimik ka kung ayaw mong mahuli," malamig niyang bulong.

Sa gulat ko, mabilis niyang hinugot ang natitirang hairpins sa buhok ko, dahilan upang bumagsak ang mahaba at kulot kong buhok sa mukha at balikat ko. Kasunod niyon, hinubad niya ang suot niyang kulay-abo na suit jacket at ipinatong sa mga balikat ko. Tinakpan nito ang lantad kong balikat at ang pang-itaas na bahagi ng aking wedding gown.

Nakabalot na ako ngayon sa init at sa matapang na amoy ng pabango niya.

Humarap si Caspian sa p***o. Binuksan niya ang unang dalawang butones ng kanyang puting polo, bahagyang ginulo ang sariling buhok na para bang katatapos lang niya sa isang mainit na tagpo sa kama, at marahas na binuksan ang pangunahing p***o ng suite.

Apat na malalaking bodyguard ni Julian ang bumungad sa labas. Akmang susugod na sana sila papasok nang bigla silang mapahinto at mamutla nang makilala kung sino ang nakatayo sa harapan nila.

"M-Mr. Monteverde?" gulat at kinakabahang bati ng pinuno ng mga bantay. Napalunok ito nang malalim. Kahit mga tauhan ni Julian ay alam na ang pagbangga kay Caspian Monteverde ay katumbas ng paghukay ng sariling libingan. "Paumanhin po sa abala, Sir. Hindi po namin alam na kayo ang nasa suite na ito. Pero hinahanap po namin ang bride ni Mr. Valderama. Nakita po naming nabuksan ang connecting door mula sa kabila papunta rito."

"At sa tingin ninyo ay itatago ko ang tumakas na bride ng amo ninyo?" malamig at mapanganib na tanong ni Caspian. Nakaharang ang malapad niyang katawan sa pintuan, ang boses ay mababa ngunit puno ng pagbabanta.

Akmang yuyuko at aatras na sana ang mga bantay nang mapatingin ang isa sa kanila sa ibaba, sa may gilid ng pader sa likod ni Caspian. Kahit natatakpan ng malaking coat ang katawan ko, nakalitaw naman sa ilalim ang puting-puti at mahabang lace na laylayan ng trahe de boda ko.

"Sir, may babae po sa likod ninyo!" turo ng isang bodyguard. "Naka-wedding gown siya! Si Miss Elizalde 'yan!"

Nagkatinginan ang mga tauhan. Dahil sa mahigpit na utos ni Julian, nilakasan ng pinuno nila ang loob nito. "Pasensya na po, Mr. Monteverde, pero kailangan naming makita ang babaeng nasa likod ninyo. Utos po ni Mr. Valderama na ibalik siya sa…"

Hindi na natapos ng lalaki ang sasabihin niya.

Mabilis na humarap si Caspian sa akin. Walang babalang hinapit ng malaking palad niya ang baywang ko, idiniin ako sa pader, at sa harap mismo ng apat na tauhan ni Julian, marahas at mapusok niyang siniil ng halik ang aking mga labi!

Nanlaki ang mga mata ko. Napasinghap ako sa matinding gulat, at ang munting pagbukas ng labi ko ay agad niyang sinamantala upang palalimin pa ang halik. Ang isang kamay niya ay nakahawak sa batok ko, habang ang isa naman ay mahigpit na nakakapit sa baywang ko na halos buhatin na ako.

Mainit, dominante, at nakakalasing ang halik ni Caspian. Isang halik na hindi nagtatanong, kundi buong-buong nag-aangkin.

Naramdaman ko ang panghihina ng sarili kong mga tuhod. Sa unang segundo ay gusto ko siyang itulak at kagatin ang labi ng mapangahas na lalaking ito, ngunit nang marinig ko ang singhap ng mga bodyguard sa may pintuan, naalala ko ang panganib. Nakatago ang mukha ko sa malapad na balikat at palad niya. Kung pipiglas ako, makikilala nila ako.

Pinilit kong ipikit ang mga mata at makipagsabayan. Itinaas ko ang mga kamay ko at ipinulupot ang mga braso sa batok niya, lalo pang ibinaon ang mukha ko sa leeg niya upang hindi ako makita. Naramdaman ko ang bahagyang paghigpit ng kapit niya sa baywang ko nang gawin ko iyon.

Sa labas ng p***o, parang binuhusan ng malamig na tubig ang apat na bodyguard. Walang nakagalaw.

Dahan-dahang humiwalay si Caspian sa labi ko, ngunit nanatiling nakayakap ang isang braso niya sa akin, habang nakasubsob pa rin ang mukha ko sa dibdib niya. Humarap siya sa mga bantay nang may matalim at nakamamatay na tingin. Marahan niyang pinunasan ng hinlalaki ang bahid ng pulang lipstick sa sariling labi.

"Bakit ninyo hinahanap ang bride ng amo ninyo sa kwarto kung saan kasama ko ang asawa ko?" malamig na tanong ni Caspian, ang boses ay punong-puno ng awtoridad na nagpakilabot sa mga nakarinig. "Hilig na lang talaga naming mag-asawa ang mag-roleplay nang naka-wedding gown siya. Ngayon, gusto pa ba ninyong manood sa susunod naming gagawin, o ipapatawag ko ang sarili kong security para itapon kayo mula sa 20th floor?"

Namutla nang husto ang pinuno ng mga bodyguard at halos magkandautal. "P-Paumanhin po, Mr. Monteverde! Nagkamali lang po kami! Hindi na po mauulit!"

Halos magkandarapa sa pag-atras ang apat na lalaki bago mabilis na tumakbo palayo sa pasilyo.

Malakas na isinara ni Caspian ang p***o at ini-lock iyon.

Sa sandaling tumunog ang seradura, buong lakas kong itinulak ang dibdib niya at mabilis na iniamba ang palad ko upang sampalin siya.

Ngunit bago pa man dumapo ang kamay ko sa pisngi niya, mabilis na nasalo ng malaking palad niya ang pulso ko sa ere.

"Ang kapal ng mukha mo!" galit at namumula kong sigaw habang pilit na binabawi ang kamay ko. "Sinabi kong tulungan mo ako, hindi ko sinabing samantalahin mo ang pagkakataon at halikan ako nang ganon!"

"You asked for help, I gave you help," walang-emosyon niyang sagot habang dahan-dahang binibitawan ang pulso ko. Bumaba ang tingin niya sa namumula at bahagyang namamaga kong labi. "At kung hindi ko ginawa iyon, sa tingin mo ba ay maniniwala silang hindi ikaw ang babaeng hinahanap nila? Bukod pa roon... hindi ko matatandaang nagreklamo ka habang nakapulupot ang mga braso mo sa leeg ko."

Lalong nag-init ang pisngi ko sa pinaghalong hiya at matinding inis. "Ginawa ko lang 'yon para hindi nila makita ang mukha ko! Huwag kang mag-ilusyon!"

Akmang sasagot pa siya nang biglang tumunog ang pribadong telepono sa bulsa ng pantalon niya.

Kinuha niya iyon habang nakatingin pa rin nang matiim sa akin, bago bahagyang tumalikod at naglakad patungo sa malaking bintana. "Liam. Nasaan ka na? Oo, hawak ko na ang folder. Ihanda mo ang sasakyan sa basement, bababa na ako in 5 minutes…"

Habang nakatalikod si Caspian at abala sa pakikipag-usap sa assistant niya, mabilis na gumana ang isip ko.

Napatingin ako sa marmol na console table malapit sa p***o. Naroon ang isang itim na key fob na may tatak ng Aston Martin, katabi ng isang kulay-gintong VIP elevator keycard na direktang bumababa sa pribadong parking lot ng hotel.

Alam kong hindi pa ako ligtas. Siguradong nagbabantay na sa lobby at sa mga karaniwang exit ang iba pang tauhan ni Julian. At higit sa lahat, hindi rin ako tanga para magtiwala nang lubusan kay Caspian Monteverde. Bilyonaryo siya at karibal ni Julian. Posibleng gamitin lang din niya ako bilang pain o kasangkapan sa away-negosyo nila.

Dahan-dahan at walang ingay akong humakbang. Suot pa rin ang malaking suit jacket niya, maingat kong dinampot ang susi ng sports car at ang VIP keycard.

"…siguraduhin mong naka-block na ang lahat ng access ni Valderama sa…"

Narinig ko na lang ang mahinang click ng pagsasara ng p***o nang makalabas ako. Hindi ko na alam kung ano ang naging reaksyon ni Caspian nang mapansin niyang wala na ako at ang susi ng paborito niyang sasakyan.

Pagbaba ko sa basement parking ng Grand Imperial Hotel, mabilis akong sumakay sa loob ng kumikinang na itim na sports car. Pinunit ko ang mahabang laylayan ng wedding gown ko upang hindi ito makasagabal sa pagtapak ko sa pedal. Binuhay ko ang makina na umungol nang malakas, at walang lingon-likod na pinaharurot ang sasakyan palabas ng hotel upang iwan ang taksil kong fiancé, ang madrasta ko, at ang mapanganib na lalaking humalik sa akin.

Akala ko ay tapos na ang bangungot ko sa gabing iyon, at hinding-hindi ko na muling makikita pa si Caspian Monteverde.

Ngunit kinaumagahan, habang nagtatago ako sa apartment ng matalik kong kaibigan, isang opisyal na courier mula sa Civil Registry ang kumatok sa p***o. Nang buksan ko ang pulang sobreng inihatid nito, nanlamig ang buo kong katawan at halos mabitawan ang dokumentong hawak ko.

Isang orihinal at rehistradong Marriage Certificate. May nakatatak na opisyal na selyo, may pirma naming dalawa, at nagpapatunay na simula kahapon, legal na akong asawa ni Caspian Monteverde.

อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป

บทล่าสุด

  • Accidental Vows with the Ruthless Billionaire   Chapter 3: Certificate of Marriage

    Ang unang naramdaman ko ay ang lamig ng papel. Ang ikalawa ay ang init ng galit na umakyat mula sa sikmura ko hanggang sa dulo ng aking mga daliri."Basahin mo ulit," mahinang sabi ni Chloe mula sa gilid ng sofa, hawak ang dalawang tasa ng kapeng wala nang usok. "Baka typo lang. Baka ibang Caspian Monteverde 'yan.""May iba pa bang Caspian Monteverde sa Pilipinas, Chloe?"Walang naisagot si Chloe.Nakaupo ako sa sahig ng maliit na apartment, nakasandal sa paanan ng sofa, suot ang lumang T-shirt ng kaibigan ko na umaabot hanggang hita ko. Sa upuan sa tabi ng bintana ay nakasabit ang wedding gown: gusot, punit, at amoy champagne pa rin. Sa ibabaw niyon ay nakasampay ang kulay-abong suit jacket na hindi ko maipaliwanag kung bakit hindi ko pa naitatapon.Binasa kong muli ang dokumento.Republic of the Philippines.Office of the Civil Registrar General.Certificate of Marriage.Nasa unang hanay ang pangalan ko. Sa ikalawa, ang pangalan ng lalaking humalik sa akin sa harap ng apat na bodygu

  • Accidental Vows with the Ruthless Billionaire   Chapter 2: The Stolen Car

    "Buksan ninyo ang pinto kung ayaw ninyong sirain namin ito!" muling sigaw ng lider ng security ni Julian mula sa labas. Kasabay niyon ay ang malakas na kalansing ng seradura sa connecting door. Ilang segundo na lang ay mabubuksan na rin nila iyon mula sa Bridal Suite.Nanginginig ang kamay kong may hawak pa ring basag na bote ng champagne. Napatingin ako sa dalawang pinto, pagkatapos ay binalingan ang matangkad at gwapong bilyonaryong nasa harapan ko.Wala na akong pagpipilian. Kung lalabas ako, kakaladkarin nila ako pabalik kay Julian. Kung mananatili ako rito nang walang gagawin, mahuhuli pa rin ako."Kailangan kong makalabas dito," mabilis at pabulong kong sabi, pilit na pinatatag ang boses kahit kumakabog na nang malakas ang dibdib ko. "Sabi mo hindi ka kakampi ni Julian, 'di ba? Patunayan mo. Tulungan mo akong makatakas ngayon, at babayaran kita. Kahit magkano, kahit ano, basta huwag mo lang akong ibigay sa kanila!"Tinitigan niya ako nang ilang segundo. Sa gitna ng malalakas na

  • Accidental Vows with the Ruthless Billionaire   Chapter 1: The Betrayal

    Mahigpit ang hawak ko sa maliit na kahon habang naglalakad sa marangyang pasilyo ng Grand Imperial Hotel. Sa loob ng kahon ay ang antigong relo ng aking yumaong lolo, isang regalong nais kong ibigay nang personal kay Julian Valderama bago kami humarap sa dambana.“Nasaan na kaya si Julian?” tanong ko habang palinga-linga.Suot ko ang makintab at mahaba kong wedding gown na gawa sa mamahaling lace, bawat hakbang ko ay tila mabigat. Alam kong hindi perpekto ang pagsisimula ng relasyon namin ni Julian. Noong nakaraang taon, nang muntik nang bumagsak ang kumpanya ng ama kong si Don Arturo at malubog kami sa utang, si Julian ang dumating na parang kabalyerong nakasakay sa isang puting kabayo na nagligtas sa amin. Bilang kapalit ng milyun-milyong pisong inilagak niya sa negosyo ng mga Elizalde, hiningi niya ang kamay ko.Hindi ko mahal si Julian. Hindi pa.Ngunit handa akong matutunan siyang mahalin. Handa akong maging tapat na asawa bilang pagtanaw ng utang na loob.Ngunit lahat ng iyon ay

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status