แชร์

Chapter 3: Certificate of Marriage

ผู้เขียน: NishiYan
last update วันที่เผยแพร่: 2026-11-26 11:03:24

Ang unang naramdaman ko ay ang lamig ng papel. Ang ikalawa ay ang init ng galit na umakyat mula sa sikmura ko hanggang sa dulo ng aking mga daliri.

"Basahin mo ulit," mahinang sabi ni Chloe mula sa gilid ng sofa, hawak ang dalawang tasa ng kapeng wala nang usok. "Baka typo lang. Baka ibang Caspian Monteverde 'yan."

"May iba pa bang Caspian Monteverde sa Pilipinas, Chloe?"

Walang naisagot si Chloe.

Nakaupo ako sa sahig ng maliit na apartment, nakasandal sa paanan ng sofa, suot ang lumang T-shirt ng kaibigan ko na umaabot hanggang hita ko. Sa upuan sa tabi ng bintana ay nakasabit ang wedding gown: gusot, punit, at amoy champagne pa rin. Sa ibabaw niyon ay nakasampay ang kulay-abong suit jacket na hindi ko maipaliwanag kung bakit hindi ko pa naitatapon.

Binasa kong muli ang dokumento.

Republic of the Philippines.

Office of the Civil Registrar General.

Certificate of Marriage.

Nasa unang hanay ang pangalan ko. Sa ikalawa, ang pangalan ng lalaking humalik sa akin sa harap ng apat na bodyguard. Petsa ng kasal: kahapon.

Hinaplos ng hinlalaki ko ang pirma sa ibabaw ng pangalan ko. Ang malaking S na may buntot na paikot. Itinuro iyon ni Mama noong Grade Four, habang nakaupo kami sa veranda ng Villa Esmeralda at nagsasanay ng sulat-kamay hanggang dumilim.

Kahit nakapikit, makikilala ko iyon.

Akin iyon.

"Pero wala akong pinirmahan," bulong ko. "Chloe, wala akong pinirmahang ganito."

"Baka pineke."

"Kung peke lang sana." Marahas akong bumuga ng hininga at tumayo. "Pero hindi. At alam ko na kung sino ang may pakana."

"Sino?"

"Sino pa? Tinangay ko ang Aston Martin niya. Tinutukan ko siya ng basag na bote. Ginamit ko siyang panangga sa harap ng mga tauhan ni Julian." Isa-isa kong binilang sa daliri ang sarili kong mga krimen. "Hindi lang niya ako ipapakulong, Chloe. Hindi sapat sa isang Monteverde ang kulungan. Gusto niyang hawak niya ako."

"Eh hindi ba mas madali kung kasuhan ka na lang niya ng theft?"

Natigilan ako. Sandali lang. Pagkatapos ay kinuha ko ang susi ng Aston Martin sa mesa, ang suit jacket sa upuan, at ang pulang sobre.

"Saan ka pupunta?"

"May isosoli. At magpapa-annul."

***

Limampu't walong palapag ang taas ng Monteverde Empire Tower, at pakiramdam ko ay bawat isa roon ay nakatingin sa akin habang tinatawid ko ang malamig at makintab na lobby. Hiniram ko kay Chloe ang itim na blazer na suot ko na masikip sa balikat. Hiram din ang sapatos. Ang tanging sarili kong dala sa pagkatao ko ay ang galit.

"Good morning, ma'am. May appointment po ba kayo?" tanong ng receptionist, nakangiti ngunit matigas ang mga mata.

"Wala. Pero kailangan kong makita si Caspian Monteverde."

"Pasensya na po, ma'am, hindi po tumatanggap ng walk-in si Mr. Monteverde. Kung gusto n'yo po, maaari kayong mag-iwan ng..."

"Sabihin mo sa kanya na ang magnanakaw ng Aston Martin niya ay nasa lobby, at may dalang pulang sobre."

Namutla ang receptionist. Aabutin na sana nito ang telepono nang may marinig kaming mabibigat at kalmadong yabag mula sa likod ko.

"Hindi na kailangan."

Si Liam. Maayos ang charcoal na suit, tahimik ang mukha, at may bakas ng taong hindi natulog nang higit sa apat na oras ngunit ayaw magpahalata. Bahagya siyang yumuko.

"Miss Elizalde. Hinihintay na po kayo ni Sir."

Napataas ang kilay ko. "Hinihintay?"

"Mula pa kagabi. Utos niyang huwag kayong harangin saan man kayo magpunta."

Hindi iyon nagpagaan ng loob ko. Lalo lang nanlamig ang batok ko. Hindi ako hinahabol ng lalaki. Pinapanood niya ako. Hinihintay nya ako.

Tahimik ang pribadong elevator. Walang musika, walang ibang tunog kundi ang mahinang ugong ng pag-akyat. Nakita ko ang sarili ko sa makinis na salamin ng p***o: nakapusod nang pabaya, mapula ang mga mata, mahigpit ang hawak sa sobre na parang sandata.

Huwag kang kukurap. Huwag kang hihingi ng pabor. Annulment lang ang kailangan mo.

***

Mas malaki pa sa buong apartment ni Chloe ang opisina. Salamin ang tatlong panig, at sa likod ng malapad na itim na mesa ay nakatayo si Caspian, nakatalikod, nakatanaw sa siyudad na parang pag-aari niya ang bawat ilaw doon. Walang bakas ng whiskey o pagod kagabi. Buong-buo ang itim na suit niya, buong-buo ang katahimikan niya.

"Ang bilis mo," sabi niya nang hindi lumilingon. "Akala ko aabutin ka ng tanghali."

Ibinagsak ko sa mesa ang susi ng Aston Martin. Kasunod ang suit jacket. At sa ibabaw ng lahat, ang pulang sobre.

"Sa'yo na ang kotse mo. Walang gasgas, may kalahati pang gas, at hindi ako hihingi ng paumanhin." Nanginginig ang kamay ko, pero matatag ang boses. "Ngayon, ipaliwanag mo ito."

Dahan-dahang humarap si Caspian. Tiningnan niya ang susi. Ang jacket. Hindi ang sobre.

"I was expecting that you were going to thank me."

"Thank? You?!" Mapait akong tumawa. "Pinakasal mo ako sa'yo, Caspian!"

Doon lang bumaba ang tingin niya sa sobre. Kinuha niya ang dokumento nang walang pagmamadali, ngunit habang binabasa ang unang hanay, may napansin ako. Hindi nagbago ang mukha niya. Ang hinlalaki lang niya ang huminto sa gilid ng papel. At ang pagitan ng makakapal niyang kilay ay kumunot nang kasinliit ng guhit ng lapis.

"Hindi ako ang nag-file nito."

"Siyempre alangan namang aminin mo."

"Seraphina."

Hindi malakas ang pagkakabigkas. Mababa, mabigat, at sapat para mapahinto ako.

"Kung ako ang gumawa nito," patuloy ni Caspian, "hindi ko hahayaang matuklasan mong kasama ang pirma ko rito bago ko pa napag-iisipan ang susunod kong hakbang."

Kumuha siya ng fountain pen at isang blangkong papel mula sa drawer. Isinulat niya ang pangalan niya, at inilapit iyon sa pirma sa certificate. Pinanood ko ang dalawang guhit na magkapareho, hanggang sa pinakamaliit na pagkurba ng C.

"Totoo ang pirma ko," malamig na sabi ni Caspian. "Hindi ko lang alam kung kailan ko ito ginawa."

Katahimikan.

"Totoo rin ang akin," mahina kong amin. Ayaw ko mang aminin. Ngunit mas ayaw kong magsinungaling sa sarili ko.

Sa unang pagkakataon mula nang pumasok ako, humakbang si Caspian palapit sa akin. Hindi para manakot. Para tumitig, gaya ng pagtitig ng isang lalaking sanay malutas ang lahat ng bagay at ngayon ay may nakitang bugtong na hindi niya kayang bastahin.

"Anong petsa ang nakasulat?"

"Kahapon."

"Ang araw ng kasal mo kay Valderama." Itinuro niya ang papel gamit ang dalawang daliri. "Sino ang nakaalam na tatakas ka?"

"Wala." Napalunok ako. "Ako mismo, ilang minuto lang bago nangyari."

"At sino ang nakaalam na sa kwarto ko ka papasok?"

Sumikip ang dibdib ko. "Walang nakaalam. It was an accident."

"Then this was not made within one night." Dahan-dahang ibinaba ni Caspian ang papel. "Matagal nang nakahanda ang dokumentong ito. May naghintay lang ng tamang araw para gamitin."

"Or maybe you're lying." Tinaas ko ang baba ko. "It's easy for you to pretend to be shocked. Bilyonaryo ka. You're already used to theatrics."

"And what made you think that I'm giving you the weapon to fight me?" kalmadong tanong ni Caspian. "That document can humiliate me within this country. Hindi ako gumagawa ng armas na ibibigay ko sa taong kilala kong magnanakaw at pwede akong traydurin kahit na binigyan ko ng tulong."

Napakagat-labi ako. Masakit tanggapin, pero may katwiran siya.

"Hindi mo kailangang maniwala sa akin," dagdag niya. "Kailangan mo lang itanong kung sino ang makikinabang sa pagtali ng pangalan ng isang Elizalde sa pangalan ng isang Monteverde. Binigyan ako ni Liam ng detalye tungkol sa'yo bago mag alas-kuwatro ng umaga. Kasama roon ang lupa ng nanay mo."

Nanlamig ang mga daliri ko. Ang Villa Esmeralda. Ang habilin na nagsasabing ang may-ari at ang legal na asawa lamang ang makakapagbenta nito.

"Kung hindi ikaw at hindi ako ang nagpasya nito," mabagal na sabi ni Caspian, "may ikatlong taong nagpasya kung kanino mapupunta ang lupa mo."

"Wala akong pakialam kung sino siya," mariin kong sagot, kahit ramdam kong unti-unting gumuguho ang tapang na dala ko mula pa sa apartment. "Gusto ko ng annulment, Caspian. Ngayong linggo. Ngayong araw kung kaya."

"Hindi ganoon kadali ang..."

"Wala akong pakialam kung gaano kahirap!"

"Bago ang annulment," putol ni Caspian, at doon na siya tuluyang lumapit, isang hakbang na lang ang pagitan namin. Amoy cedarwood. Amoy ng gabing ayaw kong alalahanin. "Kailangan nating malaman kung sino ang nagtali sa atin. Dahil kung sino man siya, hindi niya ginawa ito para sa kabutihan mo."

Akmang sasagot na sana ako, ngunit hindi ko na naituloy.

Marahas na bumukas ang p***o ng opisina, sapat para umalingawngaw sa buong palapag. Pumasok ang apat na pulis at dalawang security ng gusali. At sa unahan nila, nakasuot ng mamahaling suit at may bendahe sa gilid ng labi, ang lalaking pinakaayaw kong makita ngayong umaga.

Si Julian.

"Arestuhin ninyo ang babaeng 'yan!" sigaw niya, nakaturo sa akin, naghahalo sa boses ang galit at pagkukunwaring pagdadalamhati. "Ninakaw niya ang confidential files ng kumpanya ko bago siya tumakas sa kasal namin!"

อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป

บทล่าสุด

  • Accidental Vows with the Ruthless Billionaire   Chapter 3: Certificate of Marriage

    Ang unang naramdaman ko ay ang lamig ng papel. Ang ikalawa ay ang init ng galit na umakyat mula sa sikmura ko hanggang sa dulo ng aking mga daliri."Basahin mo ulit," mahinang sabi ni Chloe mula sa gilid ng sofa, hawak ang dalawang tasa ng kapeng wala nang usok. "Baka typo lang. Baka ibang Caspian Monteverde 'yan.""May iba pa bang Caspian Monteverde sa Pilipinas, Chloe?"Walang naisagot si Chloe.Nakaupo ako sa sahig ng maliit na apartment, nakasandal sa paanan ng sofa, suot ang lumang T-shirt ng kaibigan ko na umaabot hanggang hita ko. Sa upuan sa tabi ng bintana ay nakasabit ang wedding gown: gusot, punit, at amoy champagne pa rin. Sa ibabaw niyon ay nakasampay ang kulay-abong suit jacket na hindi ko maipaliwanag kung bakit hindi ko pa naitatapon.Binasa kong muli ang dokumento.Republic of the Philippines.Office of the Civil Registrar General.Certificate of Marriage.Nasa unang hanay ang pangalan ko. Sa ikalawa, ang pangalan ng lalaking humalik sa akin sa harap ng apat na bodygu

  • Accidental Vows with the Ruthless Billionaire   Chapter 2: The Stolen Car

    "Buksan ninyo ang pinto kung ayaw ninyong sirain namin ito!" muling sigaw ng lider ng security ni Julian mula sa labas. Kasabay niyon ay ang malakas na kalansing ng seradura sa connecting door. Ilang segundo na lang ay mabubuksan na rin nila iyon mula sa Bridal Suite.Nanginginig ang kamay kong may hawak pa ring basag na bote ng champagne. Napatingin ako sa dalawang pinto, pagkatapos ay binalingan ang matangkad at gwapong bilyonaryong nasa harapan ko.Wala na akong pagpipilian. Kung lalabas ako, kakaladkarin nila ako pabalik kay Julian. Kung mananatili ako rito nang walang gagawin, mahuhuli pa rin ako."Kailangan kong makalabas dito," mabilis at pabulong kong sabi, pilit na pinatatag ang boses kahit kumakabog na nang malakas ang dibdib ko. "Sabi mo hindi ka kakampi ni Julian, 'di ba? Patunayan mo. Tulungan mo akong makatakas ngayon, at babayaran kita. Kahit magkano, kahit ano, basta huwag mo lang akong ibigay sa kanila!"Tinitigan niya ako nang ilang segundo. Sa gitna ng malalakas na

  • Accidental Vows with the Ruthless Billionaire   Chapter 1: The Betrayal

    Mahigpit ang hawak ko sa maliit na kahon habang naglalakad sa marangyang pasilyo ng Grand Imperial Hotel. Sa loob ng kahon ay ang antigong relo ng aking yumaong lolo, isang regalong nais kong ibigay nang personal kay Julian Valderama bago kami humarap sa dambana.“Nasaan na kaya si Julian?” tanong ko habang palinga-linga.Suot ko ang makintab at mahaba kong wedding gown na gawa sa mamahaling lace, bawat hakbang ko ay tila mabigat. Alam kong hindi perpekto ang pagsisimula ng relasyon namin ni Julian. Noong nakaraang taon, nang muntik nang bumagsak ang kumpanya ng ama kong si Don Arturo at malubog kami sa utang, si Julian ang dumating na parang kabalyerong nakasakay sa isang puting kabayo na nagligtas sa amin. Bilang kapalit ng milyun-milyong pisong inilagak niya sa negosyo ng mga Elizalde, hiningi niya ang kamay ko.Hindi ko mahal si Julian. Hindi pa.Ngunit handa akong matutunan siyang mahalin. Handa akong maging tapat na asawa bilang pagtanaw ng utang na loob.Ngunit lahat ng iyon ay

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status