แชร์

Accidental Vows with the Ruthless Billionaire
Accidental Vows with the Ruthless Billionaire
ผู้แต่ง: NishiYan

Chapter 1: The Betrayal

ผู้เขียน: NishiYan
last update วันที่เผยแพร่: 2026-11-26 11:00:42

Mahigpit ang hawak ko sa maliit na kahon habang naglalakad sa marangyang pasilyo ng Grand Imperial Hotel. Sa loob ng kahon ay ang antigong relo ng aking yumaong lolo, isang regalong nais kong ibigay nang personal kay Julian Valderama bago kami humarap sa dambana.

“Nasaan na kaya si Julian?” tanong ko habang palinga-linga.

Suot ko ang makintab at mahaba kong wedding gown na gawa sa mamahaling lace, bawat hakbang ko ay tila mabigat. Alam kong hindi perpekto ang pagsisimula ng relasyon namin ni Julian. Noong nakaraang taon, nang muntik nang bumagsak ang kumpanya ng ama kong si Don Arturo at malubog kami sa utang, si Julian ang dumating na parang kabalyerong nakasakay sa isang puting kabayo na nagligtas sa amin. Bilang kapalit ng milyun-milyong pisong inilagak niya sa negosyo ng mga Elizalde, hiningi niya ang kamay ko.

Hindi ko mahal si Julian. Hindi pa.

Ngunit handa akong matutunan siyang mahalin. Handa akong maging tapat na asawa bilang pagtanaw ng utang na loob.

Ngunit lahat ng iyon ay naglaho nang mapatapat ako sa malaking p***o ng VIP Groom’s Suite. Akmang kakatok na sana ako nang marinig ko ang isang pamilyar at malanding bungisngis mula sa loob, na sinundan ng mabibigat na paghinga.

"Julian... baka may pumasok. Ilang minuto na lang at magsisimula na ang seremonya."

Nanigas ang buong katawan ko. Ang boses na iyon. Kilalang-kilala ko ang matinis at maarte niyang tono. Hindi iyon boses ng kung sinong babae lang. Boses iyon ni Vivian: ang pangalawang asawa ng ama ko.

Ang aking madrasta.

Dahan-dahan akong lumapit sa siwang ng p***o. Sa loob, sa mismong sofa kung saan dapat naghahanda ang mapapangasawa ko, nakita ko si Julian na walang pang-itaas na damit. Nakakandong sa kanya si Vivian na ang suot na pulang bestida ay nakalilis na hanggang baywang habang mapusok na hinahalikan ni Julian ang leeg nito.

Tila binuhusan ako ng malamig na tubig. Nabitawan ko ang hawak na kahon ng relo, at dahil sa kapal ng alpombra sa sahig ay walang nilikhang tunog ang pagbagsak nito.

"Hayaan mo silang maghintay," bulong ni Julian sa pagitan ng mga halik. Ang boses ay puno ng pagnanasa. "Ako ang nagbayad ng buong kasal na ito, Vivian. At mamayang gabi, kapag suot na ng tangang si Seraphina ang singsing, mapapasakamay na rin natin sa wakas ang Villa Esmeralda."

Parang sinaksak ang dibdib ko sa narinig. Ang Villa Esmeralda. Ang ekta-ektaryang lupain sa timog na tanging pamana sa akin ng aking yumaong ina. Nakasaad sa huling habilin ni Mama na tanging ako at ang magiging legal na asawa ko lamang ang maaaring magmay-ari at magbenta ng lupain.

"Sigurado ka bang pipirma siya sa transfer of rights pagkatapos ng kasal?" tanong ni Vivian habang hinahaplos ang dibdib ni Julian. "Masyadong matigas ang ulo ng batang iyon. Manang-mana sa nanay niyang patay na."

Mahinang tumawa si Julian, isang tawang malamig at walang bakas ng mabait na ginoong ipinapakita niya sa publiko. "Wala siyang magagawa. Ako mismo ang gumawa ng paraan para malugi ang kumpanya ng matandang Arturo. Ako ang lumikha ng krisis nila, at ako rin ang nagkunwaring tagapagligtas. Kapag nakuha ko na ang titulo ng Villa Esmeralda at naibenta ko iyon sa mga dayuhang investor, itatapon ko na ang mag-amang iyan sa lansangan. Ikaw at ako ang magpapakasasa sa bilyun-bilyong kikitain natin."

"Napakasama mo talaga," hagikgik ni Vivian bago muling siniil ng halik ang lalaki.

Nanginginig ang mga kamay ko, hindi dahil sa takot, kundi sa matinding poot na umaapoy sa mga ugat ko. Ang lahat pala: ang pagkalugi ng negosyo namin, ang pagkakasakit ni Papa sa konsumisyon, at ang pagpapanggap ni Julian ay isang malaking palabas lamang.

Sa isang malakas na sipa, binuksan ko ang p***o. Humampas ito sa pader nang may malakas na kalabog.

"Mga hay*p kayo!"

Sabay na napapitlag sina Julian at Vivian. Mabilis na bumaba si Vivian mula sa kandungan ni Julian at nagkandaugaga sa pag-aayos ng nagusot niyang bestida, habang nanlaki naman ang mga mata ni Julian nang makita akong nakatayo sa may pintuan, suot ang puting-puting trahe de boda.

"S-Sera!" gulat na sambit ni Julian, ngunit agad ding napalitan ng talim ang kanyang ekspresyon nang makitang nakatutok sa kanila ang cellphone ko. "Anong ginagawa mo rito?!"

"Kinukunan ang ebidensya ng kababuyan ninyong dalawa," malamig kong sagot sa kaniya, bagama't nanginginig ang boses ko sa galit. Pinindot ko ang stop button sa video at mahigpit na hinawakan ang cellphone. "Niloko ninyo si Papa! Ikaw pala ang sumira sa kumpanya namin para lang makuha ang pamana ng nanay ko!"

Namutla si Vivian at lumapit kay Julian. "Julian, ang cellphone niya! Kapag kumalat ang video na 'yan at nalaman ni Arturo.."

"Manahimik ka, Vivian," putol ni Julian. Walang pagmamadaling isinuot niya ang kanyang puting polo at dahan-dahang humakbang palapit sa akin. Nawala na ang mapagpanggap na ngiti sa kanyang mukha; ang natira na lamang ay ang mukha ng isang tuso. "Ibigay mo sa akin ang telepono, Seraphina."

"Sa tingin mo ba ibibigay ko ito?" mapait kong tawa habang umaatras. "Walang kasal na magaganap, Julian. Ngayon din, bababa ako sa ballroom at ipapanood ko sa lahat ng media, sa mga bisita, at kay Papa kung anong klaseng ahas kayong dalawa!"

"At sa tingin mo hahayaan kitang makalabas ng palapag na ito?" malamig na sagot ni Julian.

Pumalakpak siya nang dalawang beses.

Mula sa dulo ng pasilyo, apat na malalaking lalaki na nakasuot ng itim na suit ang mabilis na lumapit at hinarangan ang daraanan ko.

"Kunin ninyo ang cellphone niya at ikulong siya sa Bridal Suite," utos ni Julian na parang nag-uutos lang na magligpit ng kalat. "Bantayan ninyo ang p***o. Walang lalabas hangga't hindi tumutugtog ang martsa sa simbahan. Kapag nagpumiglas siya, turukan ninyo ng pampakalma. Basta siguraduhin ninyong makakalakad pa siya papunta sa altar."

"Julian, hindi mo pwedeng gawin ito!" sigaw ko nang hawakan ng dalawang bodyguard ang magkabila kong braso. Nagpumiglas ako, sinipa ang isa sa mga lalaki, ngunit masyadong malakas ang mga ito. Hinablot ng isa ang cellphone ko at inabot kay Julian.

Pinanood ko nang may namumuong luha ng galit habang binubura ni Julian ang video at inihahagis ang basag kong telepono sa basurahan.

"Magpahinga ka muna, my dear bride," nakangising sabi ni Julian habang inaayos ang kanyang kurbata. "Sa ayaw at sa gusto mo, magiging Mrs. Valderama ka ngayong araw. At pagkatapos ng kasal, akin na ang Villa Esmeralda."

Kinaladkad ako ng mga tauhan pabalik sa Bridal Suite at marahas akong itinulak papasok. Bumagsak ako sa malamig na sahig, ang mahabang laylayan ng gown ko ay napunit sa gilid. Narinig ko ang malakas na pag-click ng lock mula sa labas.

"Buksan ninyo ito! Mga duwag!" sigaw ko habang binabayo ang makapal na kahoy na p***o. Ngunit tanging katahimikan lamang ang sumagot sa akin.

Napasandal ako sa p***o habang hinahabol ang hininga. Pinunasan ko ang luhang pumatak sa pisngi ko. Hindi. Hindi ako pwedeng umiyak ngayon. Kung hihintayin ko ang pagsisimula ng seremonya, pipilitin ako ni Julian na humarap sa altar, at kapag nakapirma na ako sa kontrata ng kasal, mawawala na nang tuluyan ang huling alaala ng ina ko.

Kailangan kong makatakas.

Iginala ko ang paningin ko sa buong kwarto. Nasa 20th floor kami ng hotel. Imposibleng dumaan sa bintana. Walang telepono sa loob dahil pinatanggal na iyon ng mga tauhan ni Julian.

Habang naghahanap ng anumang bagay na maaaring ipangwasak sa lock ng p***o, napako ang tingin ko sa makapal na kurtina sa likod ng malaking salamin. Bahagyang gumagalaw ang laylayan nito dahil sa hanging nagmumula sa likod.

Dahan-dahan akong lumapit at hinawi ang mabigat na kurtina. Sumiklab ang pag-asa sa dibdib ko. Isang lumang connecting door. Ang pintong nagdurugtong sa dalawang magkatabing VIP suite ng hotel.

Sinubukan kong pihitin ang seradura, ngunit naka-lock din ito. Kinuha ko ang matigas na hairpin na nakatusok sa nakapusod kong buhok. Nanginginig man ang mga daliri, ginamit ko ang natutunan ko noong bata pa ako nang madalas akong ikulong ni Vivian sa bodega ng mansyon namin. Ipinasok ko ang bakal sa maliit na butas ng lock, pinakiramdaman ang mekanismo sa loob, at pwersahang pinihit ito.

Halos mapasinghap ako sa tuwa nang bumukas ang seradura. Nang marinig ko ang mga yabag at boses ng mga tauhan ni Julian sa labas ng pangunahing p***o ng kwarto ko, hindi na ako nag-aksaya pa ng kahit isang segundo. Inililis ko ang laylayan ng wedding gown ko, binuksan ang connecting door, at mabilis na pumasok sa kabilang suite bago ito maingat na isinara.

Madilim sa loob ng kwartong napasukan ko. Tanging ang liwanag mula sa nagtataasang gusali ng siyudad sa labas ng floor-to-ceiling glass window ang nagbibigay ng kaunting tanglaw. Amoy mamahaling tabako, lumang whiskey, at matapang na panlalaking pabango ang buong paligid.

Sa sulok malapit sa bintana, nakaupo sa isang leather armchair ang isang lalaking may hawak na baso ng alak. Sa ibabaw ng mesa na kaharap niya ay nakalatag ang isang itim na folder na may tatak na Monteverde Empire: Confidential. Si Caspian Monteverde. Hindi ko alam noon, pero hindi siya pumunta sa Grand Imperial Hotel para dumalo sa kasal. Naroon siya upang komprontahin at singilin si Julian Valderama sa pagnanakaw nito ng isang bilyong pisong project proposal mula sa kanyang kumpanya.

Dahan-dahang ibinaba ni Caspian ang hawak na baso at tumayo. Matangkad siya, malapad ang balikat, at may mukhang tila inukit sa matigas na marmol. Matatalim ang panga, makakapal ang kilay, at may pares ng malalalim at maiitim na mga matang walang kasing-lamig. Ang bawat galaw niya ay kalkulado at puno ng awtoridad.

"Ikaw ba ang panibagong patibong ni Julian Valderama sa ‘kin?" Umangat ang kabilang sulok ng kaniyang labi, dumadagundong ang boses niya sa tahimik na kwarto. "Alam niyang nandito ako para bawiin ang ninakaw niya sa akin, kaya ba nagpadala siya ng babaeng naka-trahe de boda sa kwarto ko para gumawa ng eskandalo at baliktarin ako?"

Sa pagkarinig pa lang sa pangalan ni Julian, muling sumiklab ang matinding poot sa dibdib ko. Nanginginig pa rin ang katawan ko mula sa nasaksihang kataksilan ng fiancé ko at ng madrasta ko. Sa gitna ng galit at takot na mahuli, iisa lang ang pumasok sa isip ko: Kilala ng lalaking ito si Julian. Nasa katabing kwarto lang siya. Isa rin siya sa mga gahaman na kasabwat ni Julian.

"Huwag kang lalapit," babala ko habang umaatras, ang likod ko ay tumama na sa marmol na bar counter ng suite. "Wala akong pakialam sa kung anumang maruming transaksyon ninyo ni Julian! Buksan mo ang p***o at padaanin mo ako!"

"Sa tingin mo ba ay basta na lang kitang palalabasin matapos mong pasukin nang walang paalam ang pribadong suite ko?" malamig na sagot ni Caspian. Kinuha niya ang kanyang telepono mula sa bulsa ng kanyang coat at nag-dial. "Ipapatawag ko ang security. Sila na ang bahalang magbalik sa'yo sa amo mo."

Security. Ang mga tauhan sa hotel ay hawak na ngayon ni Julian. Kapag dumating ang security, ibabalik lang nila ako sa Bridal Suite, tuturukan ng pampakalma gaya ng banta ni Julian kanina, at pipiliting humarap sa altar upang maisuko ang Villa Esmeralda na pamana ng ina ko.

Hindi. Hinding-hindi ako papayag.

Nang akmang itatapat na ni Caspian ang telepono sa kanyang tainga, kumilos ako nang mas mabilis pa sa inaasahan niya.

Hinablot ko ang isang hindi pa nabubuksang bote ng mamahaling champagne na nakapatong sa bar counter. Sa isang malakas at walang-takot na hampas sa kanto ng marmol na mesa, binasag ko ang dulo nito.

Sumabog ang bula at bumulwak ang mamahaling alak sa sahig at sa dulo ng puti kong gown. Bago pa makapagsalita si Caspian, humakbang na ako pasulong at marahas na itinutok ang matulis at basag na leeg ng bote. Ilang pulgada na lang ang layo mula sa mismong lalamunan niya.

"Ibaba mo ang teleponong 'yan!" mariin at walang panginginig kong utos. Nakatingala ako sa matangkad na lalaki, ngunit alam kong ang mga mata ko ay naglalagablab na parang apoy. "Subukan mong tumawag ng kahit sino, o subukan mong humakbang nang isa pa, at sisiguraduhin kong bawat patak ng dugo mo ay kakalat sa mamahaling alpombra na 'to bago mo pa ako maibalik kay Julian!"

Natigilan si Caspian.

Sanay siguro siyang kinatatakutan ng lahat. Malamang ay walang pang kahit sinong nangahas na magtaas ng boses sa kanya, lalo na ang magtutok ng basag na bote sa leeg niya.

Tumutulo pa ang malamig na mamahaling alak mula sa matulis na bubog. Ngunit sa halip na matakot o umatras, dahan-dahang ibinaba ni Caspian ang kanyang telepono.

Hindi siya kumurap. Tinitigan niya ako nang malalim. Sinusuri ang namumula kong pisngi, ang punit kong damit, at ang matinding determinasyon sa mga mata kong handang lumaban hanggang kamatayan. Wala naman siyang makikitang bakas ng panlilinlang o pagpapanggap sa mukha ko; tanging purong galit at desperasyon lamang.

"Fifty thousand pesos ang halaga ng boteng binasag mo, Miss," kalmado at mababang sabi ni Caspian, tila binabalewala ang talim na malapit sa kanyang balat. "At kung sa tingin mo ay kakampi ako ni Julian Valderama, nagkakamali ka."

"Liar!" singhal ko, muling inilapit pa nang bahagya ang bote. "Nasa kabilang kwarto lang ang hay*p na 'yon! Pare-pareho lang kayong mga manggagamit!"

Imbes na magalit sa bintang ko, isang bahagyang ngisi ang unti-unting sumilay sa sulok ng labi ni Caspian. Tila namamangha pa siya. Marahil, malayong-malayo ang nakikita niya ngayon sa mahina at sunud-sunurang imahe ng mga Elizalde na usap-usapan sa alta-sosyedad.

Humakbang si Caspian nang isa. Pasulong, hindi paatras.

"Huwag kang lumapit, sabi!" banta ko, ngunit hindi siya natinag hanggang sa halos dumikit na ang dulo ng bubog sa leeg niya. Sa sobrang lapit niya, nalanghap ko na ang nakakalasing na amoy ng cedarwood at whiskey mula sa katawan niya.

"Kung kakampi nga ako ng mapapangasawa mo," bulong ni Caspian habang nakikipagsukatan ng matalim na tingin sa akin, "bakit ka tumatakas sa sarili mong kasal, Miss Elizalde?"

Akmang sasagot na sana ako nang biglang umalingawngaw ang malalakas at mararahas na kalabog mula sa pangunahing p***o ng suite ni Caspian!

Halos mapatalon ako sa gulat at napalingon sa pintuan.

"Buksan ninyo ang p***o! Security ito ni Mr. Valderama!" sigaw ng isang malaking boses ng lalaki mula sa labas ng pasilyo. Kasabay nito ay ang kaluskos ng pwersahang pagbubukas din sa connecting door na pinanggalingan ko kanina. "Alam naming dumaan sa connecting door ang bride! Buksan ninyo ang kwartong ito ngayon din kung ayaw ninyong sirain namin ang p***o!"

อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป

บทล่าสุด

  • Accidental Vows with the Ruthless Billionaire   Chapter 3: Certificate of Marriage

    Ang unang naramdaman ko ay ang lamig ng papel. Ang ikalawa ay ang init ng galit na umakyat mula sa sikmura ko hanggang sa dulo ng aking mga daliri."Basahin mo ulit," mahinang sabi ni Chloe mula sa gilid ng sofa, hawak ang dalawang tasa ng kapeng wala nang usok. "Baka typo lang. Baka ibang Caspian Monteverde 'yan.""May iba pa bang Caspian Monteverde sa Pilipinas, Chloe?"Walang naisagot si Chloe.Nakaupo ako sa sahig ng maliit na apartment, nakasandal sa paanan ng sofa, suot ang lumang T-shirt ng kaibigan ko na umaabot hanggang hita ko. Sa upuan sa tabi ng bintana ay nakasabit ang wedding gown: gusot, punit, at amoy champagne pa rin. Sa ibabaw niyon ay nakasampay ang kulay-abong suit jacket na hindi ko maipaliwanag kung bakit hindi ko pa naitatapon.Binasa kong muli ang dokumento.Republic of the Philippines.Office of the Civil Registrar General.Certificate of Marriage.Nasa unang hanay ang pangalan ko. Sa ikalawa, ang pangalan ng lalaking humalik sa akin sa harap ng apat na bodygu

  • Accidental Vows with the Ruthless Billionaire   Chapter 2: The Stolen Car

    "Buksan ninyo ang pinto kung ayaw ninyong sirain namin ito!" muling sigaw ng lider ng security ni Julian mula sa labas. Kasabay niyon ay ang malakas na kalansing ng seradura sa connecting door. Ilang segundo na lang ay mabubuksan na rin nila iyon mula sa Bridal Suite.Nanginginig ang kamay kong may hawak pa ring basag na bote ng champagne. Napatingin ako sa dalawang pinto, pagkatapos ay binalingan ang matangkad at gwapong bilyonaryong nasa harapan ko.Wala na akong pagpipilian. Kung lalabas ako, kakaladkarin nila ako pabalik kay Julian. Kung mananatili ako rito nang walang gagawin, mahuhuli pa rin ako."Kailangan kong makalabas dito," mabilis at pabulong kong sabi, pilit na pinatatag ang boses kahit kumakabog na nang malakas ang dibdib ko. "Sabi mo hindi ka kakampi ni Julian, 'di ba? Patunayan mo. Tulungan mo akong makatakas ngayon, at babayaran kita. Kahit magkano, kahit ano, basta huwag mo lang akong ibigay sa kanila!"Tinitigan niya ako nang ilang segundo. Sa gitna ng malalakas na

  • Accidental Vows with the Ruthless Billionaire   Chapter 1: The Betrayal

    Mahigpit ang hawak ko sa maliit na kahon habang naglalakad sa marangyang pasilyo ng Grand Imperial Hotel. Sa loob ng kahon ay ang antigong relo ng aking yumaong lolo, isang regalong nais kong ibigay nang personal kay Julian Valderama bago kami humarap sa dambana.“Nasaan na kaya si Julian?” tanong ko habang palinga-linga.Suot ko ang makintab at mahaba kong wedding gown na gawa sa mamahaling lace, bawat hakbang ko ay tila mabigat. Alam kong hindi perpekto ang pagsisimula ng relasyon namin ni Julian. Noong nakaraang taon, nang muntik nang bumagsak ang kumpanya ng ama kong si Don Arturo at malubog kami sa utang, si Julian ang dumating na parang kabalyerong nakasakay sa isang puting kabayo na nagligtas sa amin. Bilang kapalit ng milyun-milyong pisong inilagak niya sa negosyo ng mga Elizalde, hiningi niya ang kamay ko.Hindi ko mahal si Julian. Hindi pa.Ngunit handa akong matutunan siyang mahalin. Handa akong maging tapat na asawa bilang pagtanaw ng utang na loob.Ngunit lahat ng iyon ay

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status