Share

Accidentally Became The CEO's Wife
Accidentally Became The CEO's Wife
Author: BIBIBHEYANG

Chapter 1 - Slept with the wrong person

Nakatulala ako sa kawalan, nag-iisip kung anong pweding iregalo sa boyfriend ko sa nalalapit naming dalawang taon na anibersaryo nang, “Ang lalim ng iniisip natin best,” biglang sumulpot ang matalik kong kaibigan sa harap ko, si Nica.

Tinignan ko siya, nag-babaksakaling may sagot sa mukha niya pero napabuntong hininga ako ng wala akong nakuhang sagot.

“Ano bang iniisip mo best at kanina ka pa nakatulala diyan?” tanong niya. “…baka makatulong ako,” dagdag pa niya at hinila ang upuan na bakante para doon maupo.

“Second anniversary kasi namin ni Troy next week best at hindi ko alam ang pweding iregalo sa kaniya,” malungkot kong turan at humalumbaba sa table ko para magsimula mag-isip ulit.  

“Iyon lang ba? bakit hindi ka nagtanong sa akin alam mong expert ako sa mga ganiyan. Haynaku, kanina ka pa nag-iisip dyan,” taas noong sabi niya.

Napatingin naman ako sa gawi niya habang nakahalumbaba at naghihintay ng susunod niyang sasabihin.

“Ano nga bang magandang regalo kay TJ?” tanong niya sa sarili niya. TJ ang tawag niya kay Troy dahil bago pa maging kami ni TJ ay magkakaibigan kaming tatlo nina Nica.

Bumagsak naman ang balikat ko. Akala ko may matinong sagot na siya.

“Bakit hindi kayo sa ibang lugar magcelebrate, sa Hilton best maganda doon. Mahal nga lang pero kung para kay TJ naman, why not diba,” sabi niya habang nakaupo parin sa tabi ko at may malawak na ngiti.

Napaisip naman ako sa sinabi niya, minsan ko lang bigyan ng regalo si Troy why not nga naman dba. Umayos ako ng upo at hinarap ang kaibigan ko, “How much?” tanong ko.

At nang sabihin niya ang presyo, parang biglang sumakit ang ulo ko.

“Hey babe, here,” abot ko sa boyfriend ko ng magkita kami dito sa labas ng pinagtratrabahuan ko. Gabi-gabi niya kasi akong sinusundo galing sa trabaho.

“What’s this?” nag-tatakang tanong niya habang binubuksan ito.

Hindi ko siya sinagot. Ngumiti lang ako sa kaniya, hinihintay na ilabas niya ang laman ng envelope na inabot ko sa kaniya. Nakita kong nag-ningning ang mata niya ng makita ang laman nito. Sa tuwa niya’y niyakap niya ako ng mahigpit at hinalikan pa ako sa noo.

“Thank you, babe. How did you know that I want to go here especially with you?” masayang tanong Niya.

Ngumiti lang ako sa kaniya dahil hindi ko naman alam na gusto niyang puntahan ang Hilton. Sasabihin ko sanang sinuggest lang ni Nica ang lugar na iyon sa akin pero hindi ko nalang sinabi, ayukong mawala ang ngiti mula sa kaniyang labi.

“We're thinking the same things, babe,” masayang ani ko.

Muli ay niyakap niya ako at ginawaran niya ang aking labi ng mabilis na halik.

2nd day at Hilton

Nagising ako ng maramdaman kong may yumakap sa akin, nanatili akong nakapikit in-enjoy ang yakap ng kasintahan ko at isa pa ay napagod ako sa ginawa namin kagabi. Napakagat ako sa labi ng maalala ang nangyari kagabi. Para akong tanga sa ginagawa ko ngayon, nakakagat sa labi habang nakapikit.

Napakahirap ng gabing iyon, masakit pa rin ang buong katawan ko. Ngunit wala akong dapat pagsisihan na ibinigay ko ang aking sarili sa tamang tao at lalo na sa lalaking mahal ko.

Sa dalawang taon naming magkasintahan, hindi ko hinayaang hawakan niya ako, dahil gusto kong mapanatili ang aking virginity para sa makabuluhang kaganapang ito. At iyon ay kahapon, ang araw ng aming dalawang taong anibersaryo. I made the decision na siya na ang tamang tao para makasama ko habang buhay.

Ayuko pang imulat ang mata ko, gusto ko pang matulog sa mga bisig niya dahil wala naman akong trabaho ngayong araw. Nag-leave ako sa trabaho ko ng isang lingo dahil sa sinunod ko ang payo ni Nica

Nag-book ako ng suit dito sa Hilton na nag-kakahalaga ng isang buwang suweldo ko, isa sa regalo ko kay Troy dahil gusto kong bumawi sa kaniya at sulit naman ito dahil sobrang nag-enjoy kami sa unang gabi namin.

Hindi nawawala ang ngiti sa labi ko. Dahan-dahan kong hinawakan ang abs niya. Ganito ba talaga ang hubog ng katawan niya? Dahil sa dalawang taon namin ay hindi pa namin nakikita o nahahawakan ang mga maseselang parte ng katawan ng isat isa, kagabi lang ang unang pagkakataon.  Ganito ba talaga kaganda ang katawan niya?

Maingat kong inilakbay ang kamay ko sa kabuoan ng katawan niya habang nakapikit at dinadama ito. Napatigil ako ng magsalita siya. "Oh, you woke up, Pia," sabi niya habang hinahaplos ang aking buhok, "It must be a tiring night for you," dugtong pa niya.

“Not at all, Troy, I enjoy it very much… Wait who the heck is Pia?” biglang bawi ko sa sinabi ko. 

Minulat ko ang aking mata at nakakita ako ng ibang mukha, hindi ang mukha ng lalaking mahal ko. Gwapo siya, pero hindi pamilyar sa akin ang mukha niya. Nagsimula akong sumigaw: "Who the hell are you?!"

Puno rin ng pagtataka ang mukha ng lalaki nang magmulat ito dahil nagulat sa pagsigaw ko.

Pilit kong kinakalkal sa isip ko kung anong nangyari kagabi, pero sumakit lang ang ulo ko kakaisip dahil wala akong maalala.

Kung ang lalaking ito ang nakasama ko buong magdamag nasaan si Troy? Bakit hindi siya ang kasama ko ngayon? Anong nangyari kagabi?

Sunod-sunod na tanong ko sa sarili ko, pero wala akong nakuhang sagot.

Ibig sabihin hindi si Troy ang nakasiping ko kagabi, hindi si Troy ang pinagbigyan ko ng pakaingat-ingatan ko. Mahigpit kong hinawakan ang kumot na nakabalot sa akin, gusto kong umiyak pero hindi ko magawa masyadong okupado ang isip ko sa mga nangyari.

Napatingin ako sa gawi ng lalaking nakasiping ko kagabi ng tumayo siya, inalis ko agad ang tingin sa kaniya nang makita kong wala siyang saplot. Pinikit ko na lang ang mata ko dahil nag-lakad-lakad siya sa harap kong hubot h***d at isa-isang pinulot ang mga damit niyang nagkalat sa sahig at sinuot ang mga ito.

Muli, pinilit kong inisip ang nangyari kagabi pero wala, hindi ko maalala.

“Here,” ani niyang nag-pamulat sa akin. Nakita ko naman ang tsekeng hawak niya at pilit na inaabot ito sa akin.

“I'll pay you $5 million to stay quiet about what happened last night; another cheap woman approached me for money last night, huh?”

Wala sa sariling inabot ko ang tsekeng hawak niya. Tumulo ang isang butil ng luha mula sa mata ko.

Comments (4)
goodnovel comment avatar
Calista Dale
Sana hindi lang sa umpisa interesting.. maganda sana gang ending
goodnovel comment avatar
Lynne Tuazon
interesting
goodnovel comment avatar
Alma Fallarcuna
I like it where is the next chapters?
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status