Chapter 90Margarita "Mahal, kailangan nating pumunta sa presinto kung saan nakakulong ang tatay mo," anunsyo sa akin ni Harrison nang makita na naman niya ako dito sa gilid ng pool. "Nakakagulat ka talagang lalaki ka! Hindi ka man lang mag-abiso, eh," hampas ko sa hita nitong umupo bigla sa harapan ko. "Ang lalim kasi ng iniisip mo, hindi mo na naman ako napansin na lumapit sa'yo. May problema ba? You can tell me?" masuyong sabi nito sa akin. Umiling lang ako. Ayoko naman sabihin na siya ang iniisip ko imbes na ang pamilya ko. Kung kumusta na sila sa bahay. Pakiramdam ko napakasama kong anak at kapatid. "Ayos lang ako. Huwag mo akong pansinin," sabi ko naman. "Paanong hindi pansin? Naglalakbay na naman sa malayo ang isip mo. Dahil ba sa ginawa ko o dahil ayaw mo na dito tumira? Sabihin mo lang para makahanap tayo ng bagong tirahan na walang magpapaalala sa'yo ng nakaraan mo dito. I understand, Marga." Mahinahon na sabi ni Harrison. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko dahil
Chapter 89 Margarita "Marga," tawag sa akin ni Harrison. "Yes, sir!" sagot ko naman habang abala sa pagluluto ng request nilang sinangag para sa umagahan namin. Nagulat ako nang bigla niya akong siilin ng mapusok na halik sa labi. Mabuti na lang at wala akong kasama dito. Bago niya bitawan ang labi ko, kinagat pa niya ito nang bahagya."I told you to call me Aris if you are not comfortable calling me mahal," irita niyang sabi sa akin. "Tinawag mo akong Marga, kaya yes sir ang sagot ko! Katulong pa rin naman ako dito, di ba?" sagot ko. Tumalikod na ako nang makita kong mukhang pikon na naman. Malalim itong bumuntong-hininga. Napaigtad ako nang yakapin niya ako mula sa likuran. Idinantay pa ang mukha sa balikat ko. Naalala ko, dati ganito rin siya maglambing kapag nagluluto ako. At heto na naman, alam kong naglalambing na naman siya at iniiwasang mainis at magalit ako sa kanya. "I miss you a lot, my Margarita, my crazy woman, my Mahal na matigas ang ulo. Stop calling me sir, kap
Chapter 88Margarita Hindi pa rin talaga ako makapaniwala na nandito na ulit ako sa mansion ng dating amo ko. Pero hindi na niya ako kasambahay ngayon kundi taga-luto na lang ng pagkain niya at sa mga bata. Hindi ko alam kung ano ako sa buhay niya. Kung anong papel ko dito sa mansion. Kung anong label na kami ni Harrison. Wala naman siyang sinasabi kahit man lang sana "I love you Margarita" kaso wala. Huwag na umasa pa!"Tangina talaga siya!" sambit ko."Ginawa niya akong clueless dito," sobrang inis na ako sa kanya. Ramdam naman niya siguro na iniiwasan ko siya. Anong gusto niyang mangyari, maglalambing ako sa kanya? Hahalikan na lang niya ako kung kailan niya gusto? Tapos sa bandang huli, ako na naman ang malandi? Ako na naman ang masama! "Nakakainis na talaga!" Hindi ko ma-explain yung nararamdaman ko. Kung inis lang ba, galit o frustration. "Kanina ka pa hinahanap ng mga bata, nandito ka lang pala," napatayo ako sa gulat. Napahawak pa ako sa dibdib ko.Nasa tabi ko na pala i
Chapter 87 Margarita Biglang nag-flashback ang unang dating ko rito. Nakakahiya at nakakatanga ang unang pasok ko sa mansion na ito. Napangiti ako hanggang sa nabura ang ngiti sa labi ko at napalitan ng galit, sakit, sama ng loob, at lungkot. Sa labas lang ako nakatanaw habang binabaybay namin ang daan patungong mansion. Masasabi kong na-miss ko ang lugar na 'to."Saan po, Tatay, ang bahay ninyo?" usisa ni baby Hollis. Hindi na naman siguro ito nakatiis.Tinuro naman ni Harrison ang mansyon mula sa di kalayuan. "Whoaah!" bulalas ng kambal. "Yan po ba ang bahay niyo, Tatay? Ang ganda! Ang laki pa, hindi kaya kami liligaw diyan, Tatay?" bulalas na tanong pa ni baby Hollis. "Diyan tayo titira, mga baby ko. Happy?" sagot ni Harrison."Whoaah, talaga po? Gusto ko po riyan tumira, Tatay. Ang ganda po ng bahay, parang bahay po ng Barbie," masayang bulalas ni baby Molly. "Ipapakita ko mamaya ang sarili ninyong kwarto, mga baby ko. Sana magustuhan ninyo," malamyos na sabi ni Harrison.
Chapter 86 Margarita Kinabukasan, may mga tauhan si Harrison na kumuha sa mga gamit na gusto naming dalhin. Ang iba ay pinamigay na namin sa mga ka-close ko dito. Ang TV ay binigay ko kay Pal dahil wala pala silang TV nasira daw. Yung maliit na fridge ay binigay ko kay Bela. Lumiban sa trabaho si Bela para makita lang kami. Matutulungan din kaming mag-impake. Umiiyak na ang matalik kong kaibigan, niyayakap naman siya ng dalawang anak ko. Habang ako, masakit ang ulo ko dahil sa hangover. "Maraming malulungkot, panigurado, sa pag-alis niyong ito, Rita. Mamimiss namin ang masarap mong luto," nalulungkot na sabi ng landlady. "Kami rin po, mamimiss namin ang lugar na ito at ang mga mababait na suki namin. Alam ko na magugulat sila dahil wala nang nagbebenta ng ulam dito. Kailangan na po kasi naming umalis talaga dito," sagot ko. Nalungkot rin ito pati si Pal, at ng malaman niyang aalis na kami, dali-dali siyang nagtungo dito sa bahay. Binigay ko na din sa kanya ang ibang lagayan ng u
Chapter 85 Margarita Kinahapunan pagkatapos naming kumain, nagpaalam ako saglit na aalis. Hindi ko na sinagot ang mga tanong nila, basta na lang ako umalis ng bahay. Tumayo agad ako nang makita ko ang kaibigan kong nagmamadaling magtungo sa apartment niya. Nasa labas kasi ako naghihintay sa kanya. "Pasok na, beh," sabi nito. "Anong problema?" Humugot ako ng malalim na hininga bago nagsalita. "Hindi ko alam ang dapat kong gawin. Nahihirapan akong magdesisyon, friend," hinaing ko. "Ano bang nangyari?" usisa nito. Wala akong ibang pagsumbungan kundi kay Bela lang. Kaya naparito ako sa apartment niya. "Nasa bahay si Harrison, at may offer siya sa akin. Hindi ko alam kung tatanggapin ko. Pero tatanggapin ko man o hindi ang alok niya, kukunin pa rin niya sa akin ang mga anak ko. Anong gagawin ko?" naluluha kong tanong sa kaibigan ko. "Ano bang offer? Aba, Margarita, ayusin mo 'yang sinasabi mo para maintindihan kita. Hindi manghuhula ang magandang babae sa harapan mo. Hind
Chapter 84 Margarita Nilayasan ko na siya sa loob ng kusina. Pinahid ko na muna ang mga luhang tumagas sa pisngi ko bago lumabas patungong munting karenderya namin. "Nanay, okay na po kayo at nag-usap na kayo ni Tatay?" tanong agad ni baby Hollis. Ngumiti naman ako at tumango. "Puntahan niyo na siya sa loob. Tapos na kaming nag-usap, mga anak," sabi ko at hindi ko na sila pinansin pa. Mabilis na tumakbo ang mga bata papasok sa loob ng bahay. Nalungkot ako bigla at pinipigilan ko ang sarili na huwag umiyak. Tumayo ako para tingnan kung marami pa ang natirang ulam para iyon na lang ang ulam namin mamayang hapon. Pero paubos na lahat. "Ilagay mo na sa maliit na lagayan ang mga natirang ulam, Lala," utos ko. Sakto naman may bibili ng ulam. Bigay na lang na isang sukat ang natirang ulam. Iyon ang sabi ko kay Lala. "Masarap ang luto mo, Marga. Sana sa susunod, damihan mo na ang lulutuin mo. Maraming gustong bumili sa luto mong ulam," sabi ng ginang. "Salamat po. Balik po ulit kayo
Chapter 83 Margarita "Titigan ba ang i-offer mo sa akin, Sir? Matira matibay?" taas kilay kong sabi.Nainis ang mukha nito sa pagtawag ko sa kanya ng Sir. "Call me Haris o Harrison. Pwede rin Aris, yan ang tawag ni baby Hollis sa akin, and I like it. You can call me that name too," seryosong sambit nito. "Sabihin mo na ang gusto mong sabihin, ang dami mo pang daldal," sabi ko naman. "Pinag-isipan ko ito ng mabuti bago ako nagtungo dito. It's a give and take, na pareho tayong magbenepisyo dito. Pero nasa iyo pa rin ang desisyon kung gusto mo o hindi," sabi ni Sir Harrison. Pabitin ang lalaking ito, eh. Hindi pa niya ituloy-tuloy ang sasabihin. "Ano ako, manghuhula ng hindi mo pa sabihin ang gusto mong sabihin sa akin?" sabi ko naman. "Since your father..." "Bakit, anong nangyari kay Tatay?" tanong ko agad. "Baka gusto mo akong patapusin, pwede?" seryosong sabi ni Sir Harrison. "Oh siya, sige, tapusin mo agad ang gusto mong sabihin. Ang bagal mo kasi, ang dami mo pang pasakal
Chapter 82Margarita Nag-solo kaming dalawa ni Sir Harrison. Dahil gusto kong malaman ang sinasabi nitong offer sa akin. Sana nakakabuti ito sa akin at sa mga anak ko. "Bago tayo magsimula sa gusto kong offer sa'yo, gusto ko munang pagbigyan ang sarili ko," tinawid na nito agad ang agwat naming dalawa. Alam ko na ang gusto nitong gawin, pero mas mabilis ito kesa sa pagtayo ko. Nahawakan na niya ako sa batok at mapusok niya akong hinalikan sa labi. Wala pa ring nag-iba sa halik ni Sir, masarap pa rin kagaya ng dati nitong paghalik sa akin. Matamis, malalim, maalab at mapusok. Halos kainin na niya ang labi ko. Kinagat niya ang ibabang labi ko. "Kiss me back, my crazy woman," utos nito sa akin sabay halik na naman niya sa akin."Uhmp!" pigil ko.Baka biglang pumasok ang mga bata. Makita nila kami sa ganitong tagpo. Ayoko pa namang makita nilang may dalawang naghahalikan na tao. Masyado pa silang inosente kaya hangga't maaari, sana hindi nila kami makita. Pinalo ko siya sa braso, p