Hello guys, pasensya na dahil mahina talaga ang signal ko. Ang hirap mag-update. Babawi na lang si author kapag medyo okay na ang signal. SALAMAT sa mga nagbabasa ng story na ito. Please drop sa review section po ng mga feedback and comment. Salamat 🫶🏼🫶🏼🫶🏼
Chapter 27Margarita "Ewan mo na diyan ang bike mo, ipapakuha ko na lang sa bodyguard ko," sabi pa ng amo ko nang makita niya akong nakasimangot na nakatitig sa bike ko.Kaya wala na akong dahilan para malungkot na baka nakawin ang bike ko dahil ipapakuha raw ng amo ko ang bike sa bodyguard niya. Kaya napangiti na ako at nagkaroon ng oras na suriin ang suot ng amo ko. Ngayon, naka-T-shirt na gray at jagger pants na itim at nakasombrero pa siya. "Hindi ka po magsusuot ng sunglasses mo, sir?" tanong kong wala sa sarili habang pinasadahan ko ng tingin ang kabuuan ng katawan ng amo ko."Let's go. Nawili ka na naman sa kalukuhan mo," sagot naman ni sir."Eh, nagtatanong lang naman ang persona de non pretty, sungit mo, sir. Tara na po," nauna na akong sumakay sa sasakyan ni sir."Ay sir Harrison, ano nga pala ang tawag sa laruan na sinasakyan natin?" tanong ko habang pinapaandar na niya ang gamit naming maliit na sasakyan paalis."Hindi ito laruan, mas mahal pa ito sa ibang mga sasakyan k
Chapter 28 Margarita ANOOO?" sigaw ko! "Pangit ako?" malakas kong tanong. Humalakhak lang ang amo ko. Naisahan yata ako ng amo ko ah. Gumaganti ba siya? Huwag kang magpapatalo, Marga, pangche-cheer ko pa sa sarili ko. "Wala akong sinabing pangit ka! Ang sabi ko lang ay magkasing-edad na kayo ni Manang Thelma," natatawang pangtutuwid ng amo ko."Parang gano'n na rin 'yon, sir! Ang sama mo, nandamay ka pa ng kapwa. Ang masama pa, sa matanda mo pa ako inihambing, kung pwede naman sa artista sana!" maktol ko. Tumawa lang ang amo ko."Parang sinabi mo na rin na pangit si Manang Thelma, ah?" saad ni sir. Nag-enjoy na yata siya na makipagsabayan ng asaran sa akin."Parang gano'n na nga, sir. Ay, sorry naman, hindi naman pangit si Manang Thelma, kasi may boyfriend daw siya. Ang ibig ko lang sabihin, mukha na ba akong matanda, ha, sir? 21 years old pa lang ako eh! Matanda na ba ang mukha ko?" parang nadisappoint pa ako sa sinabi ni sir. Pero narealize ko na ako pala ang naunang nang asar
Chapter 29 Margarita Tumigil kami sa simpleng bahay. Ang ganda rin dito, ang daming mga tanim at naka-organize pa. Agad akong bumaba sa golf cart. "Wow, sir, ang dami namang mga gulay dito. Kompleto na yata ang gulay na nasa kanta na 'Bahay Ko,' ah" sabi ko pa at lumapit sa mga gulay. "May mga nakalagay pang pangalan, ang sipag naman ng mga nagtatanim dito, sir. Nilagyan pa nila ng mga pangalan, hindi naman siguro sila maliligaw o magkakapalit-palit ng bunga, hano?" daldal ko sabay tawa."Never ending na pagtatanong na naman iyan, Marga," suway sa akin ni sir. Nagsawa na yata siya sa kadadaldal ko.Hindi ko na lang siya pinansin. Binasa ko ang mga pangalan ng gulay. Kumanta na lang ako bigla ng 'Bahay Kubo.' Yung pagkanta ko, parang nasa choir sa simbahan. Nagpaikot-ikot pa ako sa gulayan. Tinuturo ko ang mga gulay habang binibigkas ang mga pangalan nila. Kaya lang napatigil ako dahil kulang sila, walang singkamas, labanos, wala ring bawang at linga. "Ay sayang! Itigil na ang pagk
Chapter 30 Margarita Sa unahan ay mga bagong tanim pa lang, tapos dito banda ay marami nang mga bunga at namamatay na rin ang iba dahil sa hinog na ang mga bunga ng mga gulay."Wow, ang dami naman gulay dito. Saan n'yo po binibenta, Nanay, ang mga gulay na ito?" tanong ko habang iginagala ang paningin sa kapaligiran. Ang lawak naman ng lupa ng amo ko. Karugtong na yata ang lupang ito sa mansyon niya. Parang isang barangay na sa lawak ng lupa. Ang amo ko lang rin yata ang may ganitong kalawak na lupa dahil may maliit pa siyang bundok dito."Pinapaangkat namin sa palengke para ibenta at 'yung iba pinamimigay ni Sir sa mga kamag-anak niya. Meron rin para sa pamilya ng mga trabahador niya dito sa mansion. Kapag kunti ang ani namin, kunti lang rin ang paghahatian ng lahat," kwento ni Nanay Diday.Ang bait at mapagbigay rin pala ang amo ko. Lahat ay may matatanggap kapag anihan pala ng mga gulay at prutas. Siguro yung pagbenta ng gulay at prutas iyon ang pambili nila ng abono at fertiliz
Chapter 31 Margarita Tapos na kaming nag-harvest, nagtungo na muna kami sa kubo na gawa ni Tatay Osting. Pahingaan raw nila sa tanghali dahil presko ang hangin. Dala ko ang pagkain na pinabili ni Sir, buti na lang medyo dinamihan ko yung binili kong chicken fried. Kakain na raw muna kami habang nagpapahinga bago umuwi. "Nay, Tay, kumakain ba kayo ng pritong manok? Hindi kasi ito mabuti sa kalusugan ninyo lalo na't matatanda na kayong dalawa," sabi ko pa. "Ayaw mo ba silang bigyan sa binili mong fried chicken, Marga? Bakit nagtatanong ka pa kung gusto nila o hindi?" singit ni Sir. "Hindi naman sa ayaw ko mag-share ng pagkain, Sir. Concern lang naman po ang dalaga dito. Mas maganda kasi kapag healthy palagi ang kinakain para humaba ang buhay nila sa mundong ito," mahinahon ko namang sagot sa amo ko. "Kanina lang concern ka sa mukha ko kunwari. Pero face-shaming ka lang pala, makalait ka sa mukha ko wagas. Ngayon health concern naman pero ayaw mag-share ng pagkain. Kunwari ka pang
Chapter 32 Busy na ako sa paglalagay ng mga gulay na nakuha namin sa gulayan, sa gulay storage. Ang iba ay inilagay ko sa loob ng fridge para hindi madaling masira. Naghugas ako ng isang kamatis at agad ko itong kinagat matapos ko itong mahugasan. "Hmm, sarap! Ang tamis naman ng kamatis na ito. Bakit 'yung ibang kamatis na tanim ni Tatay ko maasim at matabang?" kausap ko pa sa sarili ko. "Beefsteak tomato ang tawag sa malaking kamatis na 'yan," boses agad ni sir ang narinig ko. "Ay puta!" gulat kong sigaw. Pero hindi ako pinansin ng amo ko. Nagpatuloy lang ito sa sinasabi niya. "Madalas itong gamitin sa salad, sandwich, at kahit toping para sa burgers. May iba't ibang uri ng mga kamatis, at ang naitatanim siguro ng Tatay mo ay 'yung klase ng kamatis na madalas nabibili sa palengke na very common na sa Pilipinas. Yung mga tanim ni Nanay Diday ay imported na galing pa sa ibang bansa. Kaya masarap ang mga tanim nila," walang pakialam kung nagulat niya ako. "Kamuntik na akong ma-he
Chapter 33 Margarita Sampung minuto na at hindi pa rin bumababa ang amo ko. Baka nakatulog ito, akyatin ko na kaya siya? Lumamig na kasi ang niluto ko, hindi na masarap kapag lumamig ang pagkain. Parang sa pag-ibig rin habang tumatagal, lumalamig ang pagmamahalan, hindi na masarap, hindi na masaya, kaya basta na lang itinatapon sa tabi. Ang masama pa, siniraan ka na nga, nilait ka pa. "Buwisit 'yan! Napahugot tuloy ako," sambit ko habang nanginginig ang ulo. Kakain na sana ako, kaya lang ayoko namang mas mauna akong kumain kaysa sa amo ko. Kaya akyatin ko na nga ang pa-importanteng amo. Papasok pa lang ako sa dining room nang makasalubong ko ang amo ko. Pupungas-pungas na naglalakad patungong kusina. "Anong nangyari, bakit ka sumisigaw?" mukhang kagigising lang ang amo ko. Pero imbes na sumagot, napatulala ako sa harapan niya. Paano nakahubad ang lalaking ito na papasok sa kusina. Boxer shorts lang ang suot at susme, bakat na bakat ang ampalaya niya. Ang umbok at ang... bigla s
Chapter 34 MargaritaExcited akong nagbihis dahil mamaya lang ay aalis na kami ng amo ko para sa pangalawang hearing sa kasong hawak niya. Ang bata pa pala ang minolestiya ng alkalde. Parang walang anak at asawa ang gago! Sisiguraduhin kong makukulong ang matandang gurang na iyon. "Buwesit siya!" gigil kong sambit. Kahit sino naman ay magagalit sa walang silbing alkalde na iyon. Manyak ang puta! Sa bata pa talaga inabutan ng libog. Siraulo! Lumabas na ako sa kwarto ko. Sa sala ko na lang siya hintayin, baka iwan niya ako nang bigla. Mas maganda nang maaga akong nakabihis kaysa sa paghintayin ko ang amo ko. Simpleng pants at white shirt lang naman ang suot ko. Lip gloss at pulbo lang rin ang nilagay ko sa mukha ko. Nagulat pa siya nang maabutan ang amo sa sala. Nakadekuwatro ito habang nakaupo, at nakatutok ang paningin sa cellphone. Seryoso ang mukha at mukhang galit dahil naggalaw ang panga niya. Madilim rin ang aura ng kanyang mukha. Parang may kaaway sa cellphone, baka buway
Chapter 89 Margarita "Marga," tawag sa akin ni Harrison. "Yes, sir!" sagot ko naman habang abala sa pagluluto ng request nilang sinangag para sa umagahan namin. Nagulat ako nang bigla niya akong siilin ng mapusok na halik sa labi. Mabuti na lang at wala akong kasama dito. Bago niya bitawan ang labi ko, kinagat pa niya ito nang bahagya."I told you to call me Aris if you are not comfortable calling me mahal," irita niyang sabi sa akin. "Tinawag mo akong Marga, kaya yes sir ang sagot ko! Katulong pa rin naman ako dito, di ba?" sagot ko. Tumalikod na ako nang makita kong mukhang pikon na naman. Malalim itong bumuntong-hininga. Napaigtad ako nang yakapin niya ako mula sa likuran. Idinantay pa ang mukha sa balikat ko. Naalala ko, dati ganito rin siya maglambing kapag nagluluto ako. At heto na naman, alam kong naglalambing na naman siya at iniiwasang mainis at magalit ako sa kanya. "I miss you a lot, my Margarita, my crazy woman, my Mahal na matigas ang ulo. Stop calling me sir, kap
Chapter 88Margarita Hindi pa rin talaga ako makapaniwala na nandito na ulit ako sa mansion ng dating amo ko. Pero hindi na niya ako kasambahay ngayon kundi taga-luto na lang ng pagkain niya at sa mga bata. Hindi ko alam kung ano ako sa buhay niya. Kung anong papel ko dito sa mansion. Kung anong label na kami ni Harrison. Wala naman siyang sinasabi kahit man lang sana "I love you Margarita" kaso wala. Huwag na umasa pa!"Tangina talaga siya!" sambit ko."Ginawa niya akong clueless dito," sobrang inis na ako sa kanya. Ramdam naman niya siguro na iniiwasan ko siya. Anong gusto niyang mangyari, maglalambing ako sa kanya? Hahalikan na lang niya ako kung kailan niya gusto? Tapos sa bandang huli, ako na naman ang malandi? Ako na naman ang masama! "Nakakainis na talaga!" Hindi ko ma-explain yung nararamdaman ko. Kung inis lang ba, galit o frustration. "Kanina ka pa hinahanap ng mga bata, nandito ka lang pala," napatayo ako sa gulat. Napahawak pa ako sa dibdib ko.Nasa tabi ko na pala i
Chapter 87 Margarita Biglang nag-flashback ang unang dating ko rito. Nakakahiya at nakakatanga ang unang pasok ko sa mansion na ito. Napangiti ako hanggang sa nabura ang ngiti sa labi ko at napalitan ng galit, sakit, sama ng loob, at lungkot. Sa labas lang ako nakatanaw habang binabaybay namin ang daan patungong mansion. Masasabi kong na-miss ko ang lugar na 'to."Saan po, Tatay, ang bahay ninyo?" usisa ni baby Hollis. Hindi na naman siguro ito nakatiis.Tinuro naman ni Harrison ang mansyon mula sa di kalayuan. "Whoaah!" bulalas ng kambal. "Yan po ba ang bahay niyo, Tatay? Ang ganda! Ang laki pa, hindi kaya kami liligaw diyan, Tatay?" bulalas na tanong pa ni baby Hollis. "Diyan tayo titira, mga baby ko. Happy?" sagot ni Harrison."Whoaah, talaga po? Gusto ko po riyan tumira, Tatay. Ang ganda po ng bahay, parang bahay po ng Barbie," masayang bulalas ni baby Molly. "Ipapakita ko mamaya ang sarili ninyong kwarto, mga baby ko. Sana magustuhan ninyo," malamyos na sabi ni Harrison.
Chapter 86 Margarita Kinabukasan, may mga tauhan si Harrison na kumuha sa mga gamit na gusto naming dalhin. Ang iba ay pinamigay na namin sa mga ka-close ko dito. Ang TV ay binigay ko kay Pal dahil wala pala silang TV nasira daw. Yung maliit na fridge ay binigay ko kay Bela. Lumiban sa trabaho si Bela para makita lang kami. Matutulungan din kaming mag-impake. Umiiyak na ang matalik kong kaibigan, niyayakap naman siya ng dalawang anak ko. Habang ako, masakit ang ulo ko dahil sa hangover. "Maraming malulungkot, panigurado, sa pag-alis niyong ito, Rita. Mamimiss namin ang masarap mong luto," nalulungkot na sabi ng landlady. "Kami rin po, mamimiss namin ang lugar na ito at ang mga mababait na suki namin. Alam ko na magugulat sila dahil wala nang nagbebenta ng ulam dito. Kailangan na po kasi naming umalis talaga dito," sagot ko. Nalungkot rin ito pati si Pal, at ng malaman niyang aalis na kami, dali-dali siyang nagtungo dito sa bahay. Binigay ko na din sa kanya ang ibang lagayan ng u
Chapter 85 Margarita Kinahapunan pagkatapos naming kumain, nagpaalam ako saglit na aalis. Hindi ko na sinagot ang mga tanong nila, basta na lang ako umalis ng bahay. Tumayo agad ako nang makita ko ang kaibigan kong nagmamadaling magtungo sa apartment niya. Nasa labas kasi ako naghihintay sa kanya. "Pasok na, beh," sabi nito. "Anong problema?" Humugot ako ng malalim na hininga bago nagsalita. "Hindi ko alam ang dapat kong gawin. Nahihirapan akong magdesisyon, friend," hinaing ko. "Ano bang nangyari?" usisa nito. Wala akong ibang pagsumbungan kundi kay Bela lang. Kaya naparito ako sa apartment niya. "Nasa bahay si Harrison, at may offer siya sa akin. Hindi ko alam kung tatanggapin ko. Pero tatanggapin ko man o hindi ang alok niya, kukunin pa rin niya sa akin ang mga anak ko. Anong gagawin ko?" naluluha kong tanong sa kaibigan ko. "Ano bang offer? Aba, Margarita, ayusin mo 'yang sinasabi mo para maintindihan kita. Hindi manghuhula ang magandang babae sa harapan mo. Hind
Chapter 84 Margarita Nilayasan ko na siya sa loob ng kusina. Pinahid ko na muna ang mga luhang tumagas sa pisngi ko bago lumabas patungong munting karenderya namin. "Nanay, okay na po kayo at nag-usap na kayo ni Tatay?" tanong agad ni baby Hollis. Ngumiti naman ako at tumango. "Puntahan niyo na siya sa loob. Tapos na kaming nag-usap, mga anak," sabi ko at hindi ko na sila pinansin pa. Mabilis na tumakbo ang mga bata papasok sa loob ng bahay. Nalungkot ako bigla at pinipigilan ko ang sarili na huwag umiyak. Tumayo ako para tingnan kung marami pa ang natirang ulam para iyon na lang ang ulam namin mamayang hapon. Pero paubos na lahat. "Ilagay mo na sa maliit na lagayan ang mga natirang ulam, Lala," utos ko. Sakto naman may bibili ng ulam. Bigay na lang na isang sukat ang natirang ulam. Iyon ang sabi ko kay Lala. "Masarap ang luto mo, Marga. Sana sa susunod, damihan mo na ang lulutuin mo. Maraming gustong bumili sa luto mong ulam," sabi ng ginang. "Salamat po. Balik po ulit kayo
Chapter 83 Margarita "Titigan ba ang i-offer mo sa akin, Sir? Matira matibay?" taas kilay kong sabi.Nainis ang mukha nito sa pagtawag ko sa kanya ng Sir. "Call me Haris o Harrison. Pwede rin Aris, yan ang tawag ni baby Hollis sa akin, and I like it. You can call me that name too," seryosong sambit nito. "Sabihin mo na ang gusto mong sabihin, ang dami mo pang daldal," sabi ko naman. "Pinag-isipan ko ito ng mabuti bago ako nagtungo dito. It's a give and take, na pareho tayong magbenepisyo dito. Pero nasa iyo pa rin ang desisyon kung gusto mo o hindi," sabi ni Sir Harrison. Pabitin ang lalaking ito, eh. Hindi pa niya ituloy-tuloy ang sasabihin. "Ano ako, manghuhula ng hindi mo pa sabihin ang gusto mong sabihin sa akin?" sabi ko naman. "Since your father..." "Bakit, anong nangyari kay Tatay?" tanong ko agad. "Baka gusto mo akong patapusin, pwede?" seryosong sabi ni Sir Harrison. "Oh siya, sige, tapusin mo agad ang gusto mong sabihin. Ang bagal mo kasi, ang dami mo pang pasakal
Chapter 82Margarita Nag-solo kaming dalawa ni Sir Harrison. Dahil gusto kong malaman ang sinasabi nitong offer sa akin. Sana nakakabuti ito sa akin at sa mga anak ko. "Bago tayo magsimula sa gusto kong offer sa'yo, gusto ko munang pagbigyan ang sarili ko," tinawid na nito agad ang agwat naming dalawa. Alam ko na ang gusto nitong gawin, pero mas mabilis ito kesa sa pagtayo ko. Nahawakan na niya ako sa batok at mapusok niya akong hinalikan sa labi. Wala pa ring nag-iba sa halik ni Sir, masarap pa rin kagaya ng dati nitong paghalik sa akin. Matamis, malalim, maalab at mapusok. Halos kainin na niya ang labi ko. Kinagat niya ang ibabang labi ko. "Kiss me back, my crazy woman," utos nito sa akin sabay halik na naman niya sa akin."Uhmp!" pigil ko.Baka biglang pumasok ang mga bata. Makita nila kami sa ganitong tagpo. Ayoko pa namang makita nilang may dalawang naghahalikan na tao. Masyado pa silang inosente kaya hangga't maaari, sana hindi nila kami makita. Pinalo ko siya sa braso, p
Chapter 81 Margarita Parang isang masayang pamilya kami kung titignan. Masayang-masaya ang dalawang bata na kausap si Sir Harrison. Ganoon din ang lalaki sa mga bata. Mukhang bumalik sa dating aura nito na maaliwalas at masayahin. Malambot ang ekspresyon ng mukha at laging nakangiti. Nakita ko na 'yang mukha niya dati noong wala pang nangyaring hindi maganda. Kumakain na silang tatlo habang ako ay naglalatag pa ng ibang ulam na requested nilang tatlo. Gusto ko sanang umangal, kaya lang nasa hapag-kainan kami. Feeling maasekasong ina naman ako sa mag-aama ko. "Hayyyy..." buntonghininga ko. Sabay-sabay silang tatlo na napatingin sa akin. Bahagya akong nagulat. Hindi ko na lang sila pinansin at lalabas na muna sana ako para tingnan si Lala sa labas nang sabay-sabay na naman silang nagsalita. "Huwag labas, Nanay," si baby Molly. "Saan ka pupunta, Nanay?" si baby Hollis. "Where are you going, Mahal?" feeling ng lalaking ito tawagin akong mahal! Pero ang puso ko kinikilig.