ログインDamien's POV
Masakit ang ulo ko. Ang mga papeles mula sa aming illegal shipping operation sa Timog ay may malaking kulang, at ang mga tauhan ni Harold Salvador ay patuloy na nagpaparamdam sa aming mga teritoryo sa pier. Sa gitna ng matinding stress na ito, ang huling bagay na kailangan ko ay isang bagong kasambahay na mukhang hindi nakakaunawa ng simpleng utos. Nakalagay ang dalawa kong kamay sa ibabaw ng aking mahogany desk habang nakaupo sa aking leather chair sa loob ng study room. Sa harap ko, nakatayo ang bagong katulong si Inday. Nakasuot siya ng simpleng maid uniform na medyo maluwag sa kanya, ngunit hindi ko maikakaila na may likas siyang ganda: kayumangging balat, malalaking mata, at mga labing laging tila may gustong sabihin. "Pakinggan mong mabuti ang mga alituntunin sa bahay na ito," malamig kong panimula habang binabasa ang listahan mula sa aking folder. "Unang-una, bawal ang maingay sa hallways lalo na kapag nagtatrabaho ako. Pangalawa, bawal ang pakialamero sa mga kwartong nakasara. At pangatlo... bawal ang tanga sa trabaho. Kapag may ginawa kang pagkakamali na nagdulot ng abala sa akin, hindi lang kita tatanggalin sa trabaho. Sisiguraduhin kong hindi ka na makakapagtrabaho sa kahit anong sulok ng bansang ito. Malinaw ba?" Inangat ko ang aking tingin upang tignan ang reaksyon niya. Inaasahan ko na mangangatog ang kanyang mga tuhod o kaya'y maiiyak sa takot tulad ng ibang nakaraang kasambahay. Ngunit ano ang ginagawa niya? Nakatayo siya roon, nakatitig sa leeg ko partikular sa aking Adam's apple habang nakangiti nang bahagya at parang nananaginip nang gising! Wala man lang bahid ng takot sa kanyang mukha. "Nakikinig ka ba?" sigaw ko sa aking baritone na boses na nagpalukso sa kanya. "A-Aba, opo! Opo, Mr. D este, Don Damien!" mabilis niyang sagot habang ipinapakita ang kanyang mga ngipin. "Naku, Sir, narinig ko po lahat! Bawal maingay, bawal pakialamero, at bawal ang tanga! Huwag kayong mag-alala, napakatalino ko po! Sa katunayan nga po, ako ang Champion sa Quiz Bee sa aming barangay noong Grade 6!" Pumikit ako nang mahigpit at pinakalma ang aking sarili. "Just make me an espresso. And do it right now." "Opo, Bossing! Tatlong minutong espresso, lalabas agad!" masigla niyang sabi bago patakbong lumabas ng silid. Pagkalipas ng sampung minuto, bumalik si Inday dala ang isang maliit na tasa sa ibabaw ng tray. Ngunit habang naglalakad siya patungo sa aking desk, napansin kong nakatingin pa rin siya sa aking mukha at hindi sa kanyang nilalakaran. "Look at your feet," babala ko. "Naku, Sir, kabisado ko na 'to" Natapilok siya sa gilid ng mamahaling Persian rug! Napasigaw si Inday habang ang mainit na itim na kape ay paitaas na tumilapon at direktang bumagsak sa kulay cream kong carpet at sa gilid ng aking mamahaling leather shoes! Nabalot ng nakabibinging katahimikan ang buong study room. Ramdam ko ang pag-init ng aking mukha sa matinding galit. Ang carpet na iyon ay gawa pa sa Iran at nagkakahalaga ng dalawang milyong piso! Mabilis na pumasok ang dalawa kong armadong bodyguard mula sa p***o, nakatutok ang mga kamay sa kanilang baril dahil sa ingay. "Sir! Pasensya na po! Kakalat ang kape!" sigaw ng bodyguard. Dahan-dahan akong tumayo mula sa aking upuan. Tinitigan ko si Inday na ngayon ay nakaluhod sa sahig, hawak ang basag na tasa. Inaasahan kong magmamakaawa siya para sa kanyang buhay. "Inday..." malamig kong sabi habang dahan-dahang lumalapit sa kanya. "Alam mo ba kung magkano ang presyo ng sinira mo?" Tumingin si Inday sa akin. Sa halip na umiyak, nagpakawala siya ng isang malaking buntong-hininga, inayos ang kanyang buhok, at nagwika: "Naku, Sir Mr. Daks... huwag kayong magalit! Alam niyo po, sa probinsya namin, kapag natatapon ang kape, ibig sabihin noon ay may darating na napakalaking biyaya! Tsaka tingnan niyo po 'yung hugis ng natapon na kape sa carpet niyo... mukhang puso! Ibig sabihin, mahal kayo ng kape!" Napatigil ako. Ang dalawa kong bodyguard sa likod ay napasinghap sa gulat. Walang... kahit sinong kasambahay ang naglakas-loob na magpatawa o makipagbolahan sa akin matapos gumawa ng kagaguhan. Tinitigan ko ang mukha ng dalaga na nakatitig sa akin nang walang anumang takot, kundi puno ng pilyong ngiti. "Get out," malamig kong utos habang nagtitimpi. "Linisin mo 'yan at umalis ka sa harap ko bago ko ipag-utos na ibaon ka sa bakuran." "Opo, Bossing! Sabi ko nga po, magmomop na ako!" mabilis niyang sagot habang kumukuha ng basahan at nagmamadaling lumabas. Naiwan akong nakatayo sa gitna ng silid, nakatitig sa p***o. Napahawak ako sa aking panga. Ang babaeng 'yon... may kakaibang kabaliwan, and what the fuck tinawag niya akong Mr. Daks?Lily "Inday" AlvarezIsang buwan na ang nakalipas mula nang magsimula ako bilang stay-in maid at personal na "parusahan" ng aking nakatatakot ngunit napakagwapong amo na si Damien Halbert Palma. At ngayong araw na ito... ang pinakahihintay ng bawat mamamayang Pilipino ANG SWELDO DAY!Nakatayo ako sa loob ng napakalaking opisina ni Damien sa itaas na palapag ng mansyon. Nakaupo siya sa kanyang swivel chair, nakasalamin na may manipis na gold frame, at seryosong nagbabasa ng mga kontrata."Amo Mr. Daks... baka naman po?" pambubola ko habang ginagalaw-galaw ang dalawa kong kamay sa harap niya na parang nanlilimos ng barya. "September 12 na po ngayong araw. Sabi mo isang milyon ang sweldo ko buwan-buwan?"Tumingin sa akin si Damien mula sa ibabaw ng kanyang salamin. May kinuha siyang isang kulay itim na envelope mula sa kanyang drawer at inilagay ito sa ibabaw ng glass desk."Here," malamig niyang wika.Mabilis kong kinulit ang sobre at binuksan ito. Lumabas ang isang tsekeng nakapangalan
Lily "Inday" Alvarez"Heto na naman po tayo sa paborito kong lugar ang kusina kung saan ako dapat nagtatrabaho at hindi binabastos!" bulong ko sa sarili ko habang nagtatadtad ng bawang at sibuyas sa ibabaw ng malaking stainless kitchen counter.Tahimik ang buong mansyon ngayong hapon. Pagkatapos ng nangyaring aksyon at bakbakan ng dila sa study room kagabi, medyo masakit pa ang leeg ko sa mga markang iniwan ng amo kong si Damien Halbert Palma ang walang iba kundi si Mr. Daks. Pumasok siya nang maaga sa kumpanya niya, kaya akala ko ay makakahinga na ako nang maluwag. Makakapagluto ako ng paborito kong adobo nang walang humahawak sa suso ko o nananakot na tatanggalan ako ng sweldo.Ngunit nagkamali ako.Habang busy ako sa paghahalo ng toyo at suka sa mangkok, biglang may naramdaman akong malamig na hangin sa likod ko. Sumunod doon ang isang amoy ng mamahaling panlalaking pabango hindi amoy mint at tabako ni Damien, kundi amoy matamis na woodsy perfume."Well, well... Look who's cooking
Lily "Inday" AlvarezNakalagay sa silver tray ang tatlong baso ng malamig na orange juice. Naka-straight ang likod ko, nakangiti ako nang pilit, at pilit kong ginagayang maging pormal kagaya ng mga maid sa mga Tagalog teleserye."Kaya mo 'to, Inday. Isang milyong piso ang sweldo, huwag kang shunga ngayon," bulong ko sa sarili ko habang naglalakad patungong grand living room.Pero nagbago ang ikot ng mundo ko nang marinig ko ang isang boses. Hindi iyon ang baritone at malamig na boses ng amo kong si Damien Halbert Palma o mas kilala sa sarili kong utak bilang si "Mr. Daks." Mas magaan ang boses na ito, may halong panunuya at peligro."You’re playing a dangerous game, Damien. The underground shipment in Subic? Mine now. At kapag hindi ka pa sumuko, isusunod ko 'yang mamahaling kumpanya mo," wika ng lalaking nakaupo sa leather sofa.Siya si Harold Ace Salvador. Guwapo, makisig, nakatatakot ang ngiti, at halatang malakas din ang amoy ng pera. Ang pangunahing karibal ni Mr. Daks sa undergr
Lily “Inday” Alvarez’s POVAlas-dos na ng madaling araw. Gising na gising pa rin ang kaluluwa ko habang nakatitig sa kisame ng maliit kong kwarto. Umiikot ang electric fan na parang hihingain na ng huling hininga, pero hindi ang init ng panahon ang nagpapasikip ng dibdib ko.Yung labi pa rin talaga ni Mr. Daks!Ewan ko ba. Mula nang maidikit niya ako sa pader sa secret room niya kagabi, wala nang ibang pumasok sa utak ko kundi iyong mapupulang labi na iyon. Amoy mint at mamahaling tabako. Isang halik lang naman, eh! Hindi naman mababawasan ang milyones niya sa bangko kapag nadikit lang ang labi niya sa labi ko nang kahit tatlong segundo lang!"Lily, diskarte lang 'yan," bulong ko sa sarili ko habang dahan-dahang bumabangon. "Ang taong nagigipit, sa halik kumakapits! Walang maiaahon na pamilya kung duwag ka!"Kinuha ko ang kulay purple kong palaman sa pillowcase paborito kong kulay, siyempre at ang kulay gintong duplicate key na pinitik ko sa mayordoma noong isang araw habang naglilini
Lily “Inday” Alvarez’s POVClang!Ayan na. Yari na. Ang shunga mo talaga, Lily! Sa dinami-dami ng pwedeng matabig sa nakatagong kwarto na 'to, bakit iyong mamahaling crystal glass pa na mukhang mas mahal pa sa buong barangay namin sa probinsya?!Hindi pa man nakakalapag sa sahig ang mga nabasag na bubog, narinig ko na ang mabibigat at mabilis na yabag ng paa galing sa labas. Parang yabag ng higanteng galit na ewan.Bumukas ang pinto.At doon, iniluwal ng kadiliman ang aking napakagwapo, napakatangkad, pero napakasungit na amo si Mr. Daks. O si Damien Halbert Palma, para pormal."What the hell are you doing here?!" sigaw niya. Ang lalim ng boses, parang lindol na gumigiba sa pundasyon ng buong mansyon."A-amo! Nagpupunas lang po ako ng... ng alikabok sa mga baril niyo! Baka kasi kalawangin, sayang naman!" pautal-utal kong dahilan habang nakataas ang dalawa kong kamay, hawak pa rin ang lumang basahan na dala ko.Hindi man lang iyon pinansin ni Damien. Sa isang mabilis at matulin na gala
Lily's POV Ikalawang linggo ko na sa mansyon at masasabi kong medyo nakaka-adjust na ako sa ugali ng aking among si Mr. Daks. Kahit na napakasungit at laging nakasimangot, napansin kong hindi naman siya totoong nananakit ng katulong nananakot lang gamit ang kanyang baritone na boses na paborito kong pakinggan araw-araw.Hapon na at medyo tahimik ang mansyon dahil umalis si Damien kasama ang kanyang mga alipores para sa isang sinasabi nilang "business meeting." Hawak ko ang aking kulay rosas na feather duster at ang aking mamahaling panlinis habang naglalakad sa ikalawang palapag.Habang nagpupunas ako ng mga frame ng painting sa dulo ng hallway, napansin ko ang isang pintuan na kulay itim na gawa sa mabigat na kahoy. Nakasara ito ngunit napansin kong may kaunting celang nakaawang sa trangka."Aba... nakabukas?" bulong ko sa sarili ko habang dahan-dahang lumalapit.Naalala ko ang babala ng mayordoma na huwag papasok sa mga nakalock na pinto. Pero dahil likas akong usyosa at curious ku







