Share

CHAPTER 31

Penulis: Gael Aragon
last update Terakhir Diperbarui: 2025-10-04 08:00:18

“Boss, confirmed. Siya nga ang hinahanap natin,” ani Phoenix habang kaharap niya ito at si Leonard sa kaniyang opisina.

Napaunat siya sa kaniyang pagkakaupo. “Talaga?”

“Yes, boss. May tao na rin kaming pinagbantay sa kaniya para kung saka-sakali man at magkaroon ng aberya.”

Tumango siya.

“Mag-s-setup na ba tayo ng date, boss?” tanong ni Leonard.

“Yes. I want to meet her as soon as possible.” Halo-halo ang nararamdaman niya sa mga sandaling iyon. Excited siyang makitang muli ang babaeng matagal na niyang hinahanap-hanap. Pero sa kasulok-sulukan ng kaniyang puso, naroon ang takot. Hindi niya kasi alam kung ano ba ang magiging reaksyon nito o niya oras na magkita na talaga sila, pati na ang magiging reaksyon ng puso niya.

Sa tagal na panahong inalagaan niya ang alaala nito— itinangi, na inakala pa

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • Behind The Mafia's Mask   SPECIAL CHAPTER

    Asul na asul ang kalangitan ganoon din ang napakalawak na karagatan. Maraming nagliliparang ibon sa himpapawid habang payapa namang humahalik ang mga alon sa buhanginan.Napakapayapa ng kapaligiran— malayo sa maingay na lungsod. Manaka-naka ay maririnig doon ang matitinis na halakhakan. Animo’y wala ng katapusan pa ang kasiyahang iyon.“Larson, don’t go there, buddy!” ani Lucifer sa tatlong taong gulang nilang anak ni Eleanor. Patungo kasi ito sa tubig.Subalit, hindi ito tumigil kaya napatakbo siya. “Huli ka!” Malakas namang tumawa si Larson. “I told you not to go there. Hindi ka pa sanay na lumangoy sa malalim. Saka, hindi pa ready maligo si daddy.”“Pelo, daddy, usto ko po swim, eh. ’Di po ba pede?” nakikiusap nitong tanong.“Uhm . . .” Nag-iisip na lumingon siya

  • Behind The Mafia's Mask   WAKAS

    “Here she is!” narinig niya tili ng kaniyang Mommy Emelie bumubungad pa lang sila ni Lucifer sa entrada ng mansyon ng mga Juarez.“Tita—”“Oh, God! I missed you so much, hija!” agad na putol nito sa sasabihin ng kaniyang asawa. Isang mahigpit na yakap ang iginawad nito sa kaniya.Nagulat man, nakuha pa ring tugunin ni Eleanor ang yakap na iyon. Maya-maya pa, narinig niyang humihikbi ang kaniyang ina.“I’m glad you are safe. I’m glad we found you. I’m so glad that you are already here— with us. Sorry . . . Sorry, my sweetheart. Sorry for everything,” pulit-ulit nitong sambit kasabay ng pagluha, kaya naiyak na rin siya.“Thank you, Lucifer— for never stopping. After all these years, ikaw lang talaga ang nagtyagang hanapin ang anak namin. Kami man ay nawalan na rin ng pag-asang babalik pa si El

  • Behind The Mafia's Mask   CHAPTER 59

    Hindi mapakali sa backseat si Eleanor. Kanina pa siya kinakabahan. Hindi kasi niya alam kung ano ang magiging reaksyon niya kapag nagkaharap na sila ng kaniyang pamilya. Natatakot siyang baka hindi ganoon ka-warm ang pagtanggap ng mga ito sa kaniya.Naramdaman niyang may pumisil sa kamay niyang namamawis. Napatingin siya sa katabi.“Relax, honey . . . Huwag mo ring kalimutang narito ako sa tabi mo sa lahat ng sandali,” masuyong wika ni Lucifer.Ngumiti siya rito, halatang pilit. “Hindi mo naman siguro maiaalis sa akin na kabahan. Ito ang unang beses na makikilala ko sila. Kahit pa naman sabihing kilala ko na si Kie— I mean . . . kuya, hindi pa rin ako mapalagay. Paano kung iba pala sila? Paano kung iyong impostor na Eleanor na iyon ang gusto nila? Sabi mo nga, hindi agad sinabi ni mommy ang totoo dahil ayaw niyang mawala ang kasiyahan nila.”“Tsk! Hindi mangyayari iyon. Alam naman na nila ang totoo. At para matigil ka na sa kaiisip mo, ako na ang nagsasabi sa ’yo— excited na silang la

  • Behind The Mafia's Mask   CHAPTER 58

    Naalimpungatan si Eleanor nang maramdamang may nakatitig sa kaniya. Agad na nanayo ang mga balahibo niya sa buong katawan. Kagyat ding napamulat ang kaniyang mga mata. She then met a longing gaze. The gaze she was missing for all this time.Agad ang pagbaha ng emosyon sa kaniyang dibdib. Walang sabi-sabing yumakap siya nang mahigpit sa katabi kasabay ng pagtulo ng kaniyang mga luha.Oh, she missed him! She missed him terribly!Gumanti ito ng mahigpit na yakap sa kaniya. “I’m sorry. Gusto ko rin namang hayaan ka muna— hintayin ang kusa mong pagbabalik, pero hindi ko pala kaya. Hindi ko kayang mawalay sa iyo nang napakatagal na panahon. Mamama**y ako, El . . . Mamama**y ako,” bulong nito sa tenga niya, paulit-ulit.Hindi siya sumagot. Nanatili lang siyang nakayakap dito, umiiyak— ninanamnam ang mga sandaling iyon, ninanamnam ang init na hatid ng katawan nito. Ang pamilyar

  • Behind The Mafia's Mask   CHAPTER 57

    Huminga siya nang malalim at tumingin dito. “Kaya mo bang pat**in ang sarili mong kapatid?” deretsahang tanong niya.Nag-isang linya ang mga kilay nito. “Ano ba’ng sinasabi mo?”“I have all the evidence here. Kung ikaw mismo ang gagawa ng paraan para mawala siya, ibibigay ko ito sa ’yo. Kung hindi naman, huwag mo ng asahan na makikita mo pa siyang buhay. Dahil ako mismo ang tatapos sa kaniya,” mariing wika ni. Hindi niya rin mapigilang mag-apoy ang mga mata sa galit.Nakita niyang nahulog ito sa malalim na pag-iisip. Pagkatapos, tumingin ito sa kaniya.“Alright . . . Give it to me.”Napataas ang isang kilay niya. “Ganoon kadali? Are you sure kaya mong gawin ang nais ko?”Tumayo ito at tumingin sa kawalan. “Do you want an honest answer?”“Yes. Iyon la

  • Behind The Mafia's Mask   CHAPTER 56

    Panay ang buntonghininga ni Eleanor habang nakatitig sa apoy na tila nagsasayaw sa tungkuang lupa. Kasalukuyan siyang nagluluto ng kaniyang agahan, pero lagpas alas-diyes na ng umaga. Madalas ay ganoon ang rutina niya sa isla mula nang umuwi siya roon. Gigising ng tanghali, matutulog ng madaling araw. Minsan pa, hindi talaga siya dalawin ng antok.Tila wala sa sariling binuksan niya ang kalderong nakasalang. Bigas ang laman niyon, pang buong maghapon na niyang kainan. Dahil kung hindi niya gagawin iyon, baka pati pagkain ay katamaran na niya. Palagi kasi siyang walang gana, palaging tulala, at palaging malungkot. Alam naman niya kung ano at sino ang dahilan niyon, hindi niya lang magawa pang tanggapin ang lahat.Muli niyang ibinalik ang takip ng kaldero nang makitang hindi pa naman kumukulo iyon. Dahil sa pagiging lutang niya, hindi niya naisip na kasasalang pa lang niya sa niluluto at kalahating oras pa ang hihintayin niya bago maluto iyon.

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status