LOGIN3rd Person's POV
"Mr. Aquino really went all out this time,” sabi ni Kate habang nakasakay sila sa kotse papunta sa lugar kung saan sila magmi-meet nito.
"If this investment doesn’t go through, grabe, none of us will have an easy time for the next six months. The money itself is small, pero what really matters is we get in touch with Von Rosales. From now on, hindi na natin kailangan magtipid sa industry or mag-alala na baka ma-stuck ang mga projects natin.”
Napangiti si Dasha, ngunit hindi nito inabala ang sarili na magsalita. Marami siyang katanungan sa isip. Ngunit, sinarili na lamang niya iyon.
Si Gardo Aquino ay walong taon ang tanda kay Kate. Siya ang boss ng Prime Vision Studios at chief director at producer ng project na ito. Siya ang namamahala ng lahat. Mula sa pagbuo ng team, pag-compute ng mga gastos, hanggang sa pag-secure ng pondo.
“Alam mo,” patuloy ni Kate, “Mr. Aquino’s been incredibly lucky this year. Somehow, he managed to hook up with the second son of the Rosales family.”
Hindi pa rin nagsalita si Dasha, nakababa ang mga mata nito. Naririnig niya ang mga sinasabi ni Kate, ngunit iba ang umatakbo sa kanyang isip.
Napahinto si Kate nang mapansin niya ang itsura ni Dasha.
“You look tired, Dash. Can't blame you. Nakakapagod ang byahe mo. Pwede kang matulog muna, nasa biyahe pa naman tayo, eh. ” Pinalambot niya ang tono, at pinatpat ang balikat ni Dasha.
“No, I'm okay, ” mahinang sagot ni Dasha.
Mahigit tatlumpung minuto ang lumipas bago huminto ang kotse sa harap ng isang mamahaling hotel.
“We're here, ” imporma ni Kate.
Nanlaki ang mga mata ni Dasha nang makita ang pangalan ng hotel— The Peninsula Manila.
Nakaramdam siya ng kakaiba. Tila ayaw nitong ihakbang ang kanyang mga paa. Lumabas lamang ito ng sasakyan nang katukin siya ni Kate.
"Hey!"
Seryoso siyang tumingin kay Kate.
“B-Bakit dito?" halos bulong na lamang iyon.
Limang taon— limang taon na ang nakalilipas, ngunit tila lahat ng mahagip ng kanyang mga mata sa hotel na ito ay mayroong alaala.
“I knew it! I can see it in your eyes,” masayang panayam ni Kate, habang nilalagay ang braso sa balikat ni Dasha. “Overwhelmed ka ba sa grandeur ng high-end hotels dito sa Makati?”
Napalunok si Dasha.
“Uhm, o-oo?" aniya.
Humawak si Kate sa kanyang braso. “Once ma-secure natin ang investment, kung mag-hit itong drama— swear, magce-celebrate tayo."
Pilit na ngumiti si Dasha.
“Sure naman ako, may mangyayari sa lakad natin ngayon. Ang ganda-ganda mo kaya! Sobrang unique ng beauty mo. Though, medyo nabawasan 'yung sigla ng mga mata mo kung ikukumpara noon. Pero ayos lang 'yan, lamang na lamang pa rin ang kagandahan mo!" sunod-sunod niyang salita.
Nagbaba muli nang tingin si Dasha, at hindi pa rin ito umimik.
Sinong hindi magbabago't mawawalan ng sigla? Isang Blaise Devaro ang pumasok sa kanyang buhay.
Ipinilig niya ang kanyang ulo nang maisip ang lalaking iyon. Tumingin siya kay Kate saka tahimik na pumasok sa loob.
Habang kausap ni Kate ang isa sa receptionist, siya namang gala ng mga mata ni Dasha. Natigilan lamang ito nang agaw pansin na nag-ring ang phone ni Kate.
“Hello, Mr. Aquino," salita nito. "Yes, we're already here." Sinulyapan nito si Dasha na nakatingin lang sa kanya. "Alright, thanks!"
"Dash, private room daw," anito nang matapos ang tawag.
Ngtataka siyang tiningnan ni Dasha.
“Iniba raw ni Mr. Rosales ang napag-usapan na room for meeting, cause the previous room wasn't enough. May distinguished guest daw. Kaya deluxe suite na lang ang pina-reserve niya,” paliwanag ni Kate.
“Sinend sa'kin ni Sir Aquino ang room number. May sinabi siyang pangalan pero hindi ko masyadong naintindihan. Anyway, let's go. Naghihintay na sila." salita pa ni Kate.
“Suite sixty-nine, seventh floor,” sabi ni Kate matapos i-tsek ang message ni Francisco.
Bahagyang ngumiti si Dasha.
Maraming sinasabi sa kanya si Kate pero tahimik lamang siya. Hindi ito nakararamdam ng pagkarindi, para sa kanya ay matapos na lamang ang meeting na iyon para makapagpahinga na siya.
Ngumiti si Kate nang bumukas ang elevator. Isa-isa silang pumasok sa suite.
Sumalubong sa kanila ang main creative team at ang dalawang lead actors na nakaupo sa sofa, habang nagdi-discuss ng script.
Si Mr. Aquino ay nasa balcony, naninigarilyo. Nakatalikod ito mula sa pinto. Ngunit, mabilis din itong humarap nang makarinig ng bati mula sa mga tao roon dahil sa pagdating ni Kate at Dasha.
Mabilis niyang pinatay ang bagong sinding sigarilyo. Pagkatapos ay ngumiti ito at pumasok sa dining area.
“President Aquino,” magiliw na bati ni Dasha.
Hindi niya kailanman ito tinawag na Mr. Aquino, laging President Aquino. Doon siya komportable 'pagkat wala itong personal na relasyon dito, unlike Kate.
Ngumiti si Gardo sa kanya. Ramdam nito ang malamig na awra ni Dasha. Gayunpaman, isinawalang bahala niya iyon.
"Thank you for coming all this way," anito.
“Of course, President. I am also part of the company. It's an honor to be included in the project.” she answered.
“Please, have a seat,” nakangiting sabi ni Gardo.
Umupo si Dasha.
“Kung maliit lang ang investment tulad ng dati, hindi na kita aabalahin pa."
Abalahin?
Nagsimulang mag-isip si Dasha.
"Pero kasi, malaking investor ang kailangan natin. Parte ka ng kumpanya. Sa pubtong ito ay ikaw lang ang susi para makuha ang kailangan natin."
Susi?
Pigil hiningang tumingin si Dasha kay Kate. Sa mga sinasabi nito ay para bang nagkakaroon na siya ng ideya. Gayunpaman ay umasa siya na sana ay mali ang iniisip niya.
"Dasha, the person I am referring to has given me a huge favor in life. Malaki ang parte mo sa—"
Hindi na natapos ang sinasabi ni Gardo nang makatawag pansin sa kanila ang pagpasok ni Von Rosales.
Makakahinga na sana ng maluwag si Dasha nang matanaw niya si Von. Buong akala nito ay ito ang tinutukoy ni Mr. Aquino. Ngunit natigilan siya nang makita ang kasunod ni Rosales na pumasok.
“Sorry, we're late.”
Biglang napatayo si Dasha. Tila tumigil ang mundo nito, pakiramdam niya ay may bumuhos ng malamig na tubig sa kanya. Nayapos niya ng mahigpit ang bag na kanyang hawak. Doon ay naramdaman niya ang panginginig.
Hindi niya alam ang gagawin sa mga oras na iyon. Nagtatakang tingin ang nakuha niya nang tingnan nito si Kate. Pilit niyang pinakalma ang sarili. Ngunit, ramdam niya ang pagwawala ng puso niya.
Pinilit niyang hindi alalahanin ang nakaraan. Hindi pwede, 'pagkat kailangan niya maging propesyonal sa harap ng mga 'to.
Napakagat si Dasha sa kanyang ibabang labi nang mapansin ang pagsalubong ng mga kasama niya sa investor na tinutukoy ni Mr. Aquino. Siya lang ang natira sa pwesto kung nasaan sila, bagay na nagbigay sa kanya ng kakaibang pakiramdam.
Bakit ito nangyayari?
Kasama pa ba ito sa kanyang trabaho?
Paanong nahanap siya nito.
Maraming tanong sa kanyang isipan habang nakatingin sa lalaking pilit niyang kinalilimutan.
Noong nagdesisyon siyang bumalik sa Makati, alam niya sa sarili niyang may posibilidad na makaharap nito muli si Blaise. Pero hindi niya akalain na sa ganitong pagkakaton.
"Plano mo ba 'to lahat? Bakit mo 'to ginagawa? Bakit..." bulong lamang niya iyon sa kanyang sarili. Alam niyang walang pwedeng makarinig n'yon. Ayaw niya ng issue. Ayaw niyang masira ang gabing ito.
Natigilan siya sa pag iisip nang matanaw ang paglalakad ni Blaise. Gusto niya sanang umatras, pero nandito na siya. Hindi na siya makakatakas pa.
DashaI WENT BACK TO THE ROOM AFTER WE ATE.I left Blaise and his grandmother talking, while Bhoy is busy playing with his cat. Wala akong makausap kaya umakyat na lang ako rito. Kanina pa ako hindi mapakali dahil walang signal sa lugar na ito. I don't use social media right now, I avoid stress, but this is me right now, struggling… I looked at the time on the watch I was wearing. Five o'clock in the afternoon, but we are still here at Floriam Mansion. I don't understand what's happening anymore, it's annoying! I sighed. I was stunned to see a picture of a man. I walked over and looked at it. Nakilala ko ito nang makita ang nunal nito sa kaliwang kilay. Napalunok ako nang mabasa ang sulat kamay sa ibaba nito. “Uncle…” Napatingin ako sa kawalan nang maalala ang tagpo sa pagitan naming dalawa, matapos mangyari ang gabi na bumago sa aking buhay. ***flashback***“Hoy, Dasha! Buti naman pumasok ka,” si Torin. Hindi ko siya pinansin. Bukod sa wala ako sa mood, ayoko siyang makausap
DASHAI walked to the balcony after taking a shower.Napayakap ako sa sarili ko nang maramdaman ang pagtama ng malamig na hangin sa aking balat. Manipis lang ang damit na suot ko. Ito lang kasi ang nakita ko na maayus-ayos sa closet ng kwarto na pinaghatiran sa akin ni Blaise kanina. That man…Hindi ko alam kung anong dahilan niya sa pagsama sa akin sa mansyon na ito. At talagang nagpalipas pa siya ng gabi rito. I sighed. Pinagmasdan ko ang paligid. Hindi ko mapigilan ang aking sarili na makaramdam ng paghanga dahil sa ganda ng siyudad na ito. Ang dami nang nagbago, ngunit hindi pa rin nawala ang huni ng mga ibon lalo na 'pag gabi, maging ang pagaspas ng mga kawayan na nagmumula sa garden kapag humahangin. Napakapayapa. Nakaka-relax. Bumalik ako sa kwarto nang ‘di na kayanin ang lamig. Humiga ako at agad na ipinikit ang aking mga mata. Hindi nagtagal, nakaramdam ako ng antok. I was about to go to sleep when suddenly someone knocked from my door. “Hey, are you asleep?”Nakakabah
DASHAHINDI PA KAMI NAKAKATAPAK SA LOOB NG FLORIAM MANSION AY PARANG GUSTO KO NA UMALIS.Ito na naman ako. Hindi mapigilan ang aking damdamin. Unti-unti na namang bumabalik sa isip ko ang mga bagay na dapat ay hindi ko na inaalala. Bakit ba kasi ako pilit hinihila sa lugar na ito? “Come here.”Napatingin ako sa seryosong mukha ni Blaise nang makapasok siya sa loob. “I said, come here,” ulit niya. Kumurap ako mula sa pagkakatulala. Ayoko sanang pumasok, pero wala akong ibang choice kundi ang sumunod dahil mahirap makipag diskusyon sa taong laging tama ang tingin sa sarili. I sighed. “Uncle Blaise!”Naistatwa ako sa tinigalan kong pwesto, nang matanaw ang isang batang lalaki habang papalapit kay Blaise. May hawak itong kulay abo na pusa. “How are you, Bhoy?” “I'm good, Uncle!” “Is this the cat I gave you last year?”“Yes, Uncle Blaise!”“Very good, inaalagaan mo nang mabuti.”“Ofcourse, Uncle Blaise. I don't have any other friends, the only one I always talk to and hang out wit
DASHANAG-UUSAP KAMING DALAWA NI TORIN, IYON ANG HULI KONG NAAALALA. Pinakatitigan ko ang lalaki na nasa aking harapan. Wala akong ideya sa nangyayari, pero alam kong may alam ang lalaking ito kung bakit at paano ako napunta rito. "N-Nasaan si Torin?" nanginginig ang aking boses. Yakap ko ang aking sarili. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. "Hindi ba't ikaw ang tiyuhin niya?" muli kong tanong. Natatakot ako 'pagkat kahit ekspresyon ng mukha niya'y hindi matukoy! "Magsalita ka, n-nasaan si T-Torin—""He went home."Nag-init ang paligid ng aking mga mata sa sinabi niya. Hindi... hindi ako magagawang iwan ni Torin dito nang mag-isa! "Binilin ka niya sakin—""Sinungaling ka! Sinungaling!" Hindi ko na napigilang mapaluha dahil sa kabiguang aking nararamdaman. "Hindi bagay kay Torin ang magkaroon ng kasintahan. Nag-aaral pa siya." Ngumisi ito. "Nakita ko rin na naninigarilyo at umiinom siya kanina— kasama ka."Hindi ko alam kung bakit tila nagdilim ang kanyang mukha. Pero dahil
3rd Person's POVNasa kalagitnaan ng pag-iisip si Dasha, nang tumunog ang kanyang phone. "Hello?""Hello, Apo. Nasaan ka ba? Kanina pa ako nagpapadala ng mensahe sa'yo, hindi mo ako sinasagot."Mabilis niyang ni-loudspeaker ang cellphone nito saka niya tsinek ang inbox. Napalunok siya nang makita ang sunud-sunod na mensahe galing sa kanyang Lola. "O-Opo, Lola. Nakita ko na. Pasensya na po.""Oh, siya. Mag-iingat ka kung nasaan ka man. Ikaw ay sumagot sa mensahe ko, ha?""Opo," magalang niyang sagot. Isa-isa nitong binuksan at binasa ang pinadalang mensahe sa kanya ng kanyang lola buhat nang patayin nito ang tawag. +639305071221: "Apo, mag-iisang taon na kita hindi nakikita. Dalawin mo ako."+639305071221: "Apo, tawagan mo ako."+639305071221: "Apo, nag-aaral ka pa ba? Nag-enroll ka ba sa kolehiyo?"+639305071221: "Sumagot ka aking Apo."Hindi niya napigilan ang kanyang sarili na mapangiti. Habang may mga matang nakatingin sa kanya. "Hanep sa pamangkin mo, Blaise. Napakaganda ng gi
DASHA“Blaise!” pabulong na sigaw ko dahil sa gulat. Lumunok ako nang ikulong niya ‘ko sa kanyang bisig. “Ano itong ginagawa mo sa'kin?” iningatan ko ang makagawa ng ano mang ingay dahil baka biglang sumulpit si Kate. “Naalala mo ba ang sinabi ko? Titigilan kita kapag umalis ka."Napakagat ako sa labi ko. "Nasa'n ka ba ngayon?" pabulong lamang iyon ngunit tila nakapagbasag ng eardrums ko! Ano bang ugali mayroon siya? Bakit niya ginagawa sa'kin 'to? Sa yaman niya, pwede siyang bumili ng babae kahit na sinong gustuhin niya, bakit ako ang puntirya niya? Bakit? Salubong ang kilay ko nang tingnan ang braso niya. Gusto ko siyang itulak pero wala na talaga 'kong lakas. Galing pa'ko sa byahe, dumiretso ako rito para sa trabaho hindi para sa kanya. “Blaise, let me go!”He smirked. “For what?"Tumingin ako sa kanyang mukha, pero hindi ako nagsalita. Inalis ko ang aking mga mata nang mapansin kong nagdilim ang mukha niya. Nagulat ako nang gumalaw ito saka humalik sa leeg ko. Napapikit ak







