LOGIN3rd Person's POV
Hindi ni Dasha maiwasang mapatingin kay Blaise buhat nang dumating ito.
Limang taon na ang nakalipas, pero tila mas lumamig at lumupit ang pakikitungo ni Blaise sa lahat. Bukod doon ay isang bagay ang napansin ni Dasha, tulad noon ay mahilig pa rin si Blaise sa itim na bagay— mula sa pang itaas nito hanggang sa kanyang pang ibaba. Bakas na bakas sa awra niya ang pagiging mataas na tao.
"Good evening! Finally, you're here," masayang bati ni Mr. Aquino. Kinamayan niya ito.
"Good evening, Mr. Devaro!" magalang na bati ni Kate.
"Glad you're here," si Mr. Rosales.
Hindi inabala ni Blaise ang sarili na batiin pabalik ang mga ito.
"Mr. Devaro, let me introduce Dasha to you," nakangiting sabi ni Mr. Aquino.
"G-Good evening..." ani Dasha.
Nagtaka ang lahat nang hindi man lang nito tapunan ng tingin si Dasha. Dahil siya ang investor na inaasahan ng mga ito, isinawalang bahala na lamang nila ito.
Lubos na ikinabahala ni Dasha ang mga napapansin niya kay Blaise. Gayunpaman, pilit niyang pinakalma ang sarili.
Para sa kanyang trabaho.
Limang taon na ang nakalilipas, pero tila mas lumamig at lumupit ang pakikitungo ni Blaise sa lahat. Isang bagay pa ang napansin ni Dasha, tulad noon ay mahilig pa rin si Blaise sa itim na bagay— mula sa pang itaas nito hanggang sa kanyang pang ibaba. Gayunpaman, bakas na bakas sa awra nito ang pagiging mataas na tao.
"Bukod dito, may mahalaga pa'kong lakad," malamig pa sa niyebe ang salitang 'yon mula kay Blaise.
Natigilan si Dasha. Sandali itong natulala kay Blaise. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman, lalo nang magtama ang kanilang mga mata.
Nag-init ang kanyang mukha. Agad nitong inalis ang tingin sa lalaki sapagkat pakiramdam niya ay tila pinapaso ito ng titig n'yon.
Nagsimula siyang makaramdam ng takot. Tila nais niyang maglaho sa mga oras na iyon. Wala lamang siyang magawa, 'pagkat kailangan niya ang trabahong mayroon siya.
"Kumalma ka, Dasha. Kumalma ka..." bulong nito sa kanyang sarili.
Hindi niya alam kung bakit, pero kita nito mula sa kanyang peripheral vision na hindi hinihiwalay ni Blaise ang pailalim na titig sa kanya. Nakaramdam pa siya ng hiya nang mahagip ng kanyang mga mata na sa kanyang puwang sa dibdib ito nakatingin.
Marahil ay dahil iyon sa kanyang suot na dress.
Kung bakit ba naman kasi ito ang pinasuot sa kanya ni Kate, sa isip-isip niya.
Inanyayahan ni Von si Blaise sa main seat. "Have a seat, Mr. Devaro, para makapagsimula na tayo, " salita niya.
Nakaramdam siya ng kaba nang dahan-dahang lumapit si Blaise. Bawat hakbang ay parang sinusukat ang distansya nilang dalawa. Hanggang sa makaupo ito sa harapan niya. Umupo rin ang miyembro ng creative team sa iba’t ibang upuan.
Tahimik na nakiramdam si Dasha nang magsimulang magpaliwanag at makipag-usap ang malalaking tao na kanyang kasama.
"And what will I gain if I invest that much?"
Nakapagpa-angat iyon ng tingin ni Dasha kay Blaise.
"Walang pagbabago..." bulong ni Dasha sa sarili.
Muli siyang nagbaba ng mukha nang sandaling tapunan siya ni Blaise ng tingin. Dahilan nang kanya muling pagtahimik.
Hindi na ito kumibo, habang patuloy sa pag-uusap ang mga kasama niya sa room. Hindi siya umiimik kung hindi hingiin ang kanyang opinyon o panig.
Ramdam ni Dasha ang bigat sa tono ng pananalita ni Blaise sa t'wing makikipagpalitan ito ng salita sa kanyang mga kausap. Tila galit na galit ito sa mundo.
Tulad ni Dasha, marami ring iniisip si Blaise. Isa na ro'n ang babaeng kanyang minamahal noon pa man. Gusto niya itong yakapin buhat nang makita niya, ngunit ang kanyang mainit na nararamdaman ay agad napapalitan ng panlalamig sa t'wing naaalala ang pag-iwan nito sa kanya.
"Kung may concern ka pa, Mr. Devaro, maari mo rin idulog sa executive director ng Prime Vision Studios, Ms. Kate. Also, kay Ms. Alesi." Magalang na sabi ni Mr. Aquino.
Walang ekspresyon ang mukha ni Blaise nang tumingin kay Mr. Aquino.
"Really? Sa totoo lang, 'yan ang gusto kong malaman kanina pa," tila walang ganang tugon ni Blaise. "Anong purpose ng iba na narito kung walang sasabihin? Isang halimbawa na ang tulad ni Ms. Alesi?"
Napalunok si Dasha nang marinig ang sinabi ni Blaise.
"Mr. Devaro?" nagtatakang sambit ni Mr. Aquino.
Pinagmasdan ni Von Rosales si Dasha. Kanina niya pa napapansin ang trato ni Blaise rito. Napapikit siya at nag-alalang baka hindi nila makuha ang panig ni Blaise bilang investor, dahil sa napapansin nito kanina pa.
"How about the others, Mr. Aquino? Hindi ko makuha ang punto niyo kung para saan ang iba niyo pang kasama?" Tumingin ito kay Von dahil napapansin ni Blaise na kanina pa ito nakatingin kay Dasha.
Walang nakasagot dahil sa matinding tensyon na dinudulot nito sa kanila.
Matalim na tumingin si Blaise kay Rosales.
“Mr. Devaro, ang Prime Vision Studio ay lehitimong kompanya. Hindi po kami gagawa ng mga bagay na magbibigay ng masamang ekspresyon at imahe rito. Kaya't ano man ang iniisip niyo, ay walang basehan. Narito kaming lahat dahil mahal namin ang kumpanya na aming pinagtatrabahuhan."
Napabuga ng hangin si Dasha. Ramdam niya ang kanina pang malamig na pakikitungo ni Blaise pagdating sa kanya. Para sa kanya, mukhang natapos na ang limang taong hinanakit at galit nila sa isa’t isa. Ngayon, tila hindi na sila magkakilala. At pabor iyon sa kanya.
“Good, if that so," malamig na tugon ni Blaise.
Matapos ang ilang minutong pag-uusap ng mga 'to ay nilagdaan ni Blaise ang papel na inabot sa kanya ni Mr. Aquino. Matapos ang deal, agad na nagtungo si Dasha sa restroom.
Agad na sumunod sa kanya si Kate.
"Dasha," tawag niya rito. "Can you tell me, anong meron sa inyo ni Mr. Devaro? Ramdam ko ang tensyon sa pagitan niyong dalawa."
Mapait na ngumiti si Dasha. “W-Wala."
"Kilala kita, Dasha," sabi nito.
Seryosong itong timingin sa kanya.
"Wala naman siguro akong dapat ipaliwanag—"
"Meron," putol niya sa pagsasalita ni Dasha. "Dahil muntik nang matadamay ang kapakanan ng kumpanya—"
"Wala akong kasalanan." Mabilis na tugon ni Dasha.
Magsasalita sana si Kate, ngunit bigla itong natigilan nang mag-ring ang cellphone niya.
Marahil ay importante ang tawag. Kaya lumayo siya mula kay Dasha, at walang pag-aalinlangan 'yong sinagot.
Papasok na si Dasha sa pinto ng CR nang bigla itong matigilan dahil sa humawak sa kanyang braso. Nanlaki ang mga mata nito nang hilahin siya sa loob.
“Blaise, let me go!” Pabulong na sigaw ni Dasha.
“Mananahimik ka, o ako ang gagawa ng ingay dito?banta nito.
Walang nagawa si Dasha kundi ang sundin ito.
"Ano pa bang gusto mo? Nakalimutan mo na ba ang sinabi mong titigilan mo na'ko?" anito.
Blaise tsked.
"Nakalimutan mo na rin ba ang sinabi ko? Titigilan kita kapag umalis ka at hindi na bumalik pa."
Napalunok si Dasha.
"Please, Blaise. 'Wag na natin pahirapan ang mga sarili natin! Matagal na panahon ang lumipas. Nakalimutan na kita—"
"Puwes, ako hindi. Hindi ako papayag. Hinding-hindi..."
DashaI WENT BACK TO THE ROOM AFTER WE ATE.I left Blaise and his grandmother talking, while Bhoy is busy playing with his cat. Wala akong makausap kaya umakyat na lang ako rito. Kanina pa ako hindi mapakali dahil walang signal sa lugar na ito. I don't use social media right now, I avoid stress, but this is me right now, struggling… I looked at the time on the watch I was wearing. Five o'clock in the afternoon, but we are still here at Floriam Mansion. I don't understand what's happening anymore, it's annoying! I sighed. I was stunned to see a picture of a man. I walked over and looked at it. Nakilala ko ito nang makita ang nunal nito sa kaliwang kilay. Napalunok ako nang mabasa ang sulat kamay sa ibaba nito. “Uncle…” Napatingin ako sa kawalan nang maalala ang tagpo sa pagitan naming dalawa, matapos mangyari ang gabi na bumago sa aking buhay. ***flashback***“Hoy, Dasha! Buti naman pumasok ka,” si Torin. Hindi ko siya pinansin. Bukod sa wala ako sa mood, ayoko siyang makausap
DASHAI walked to the balcony after taking a shower.Napayakap ako sa sarili ko nang maramdaman ang pagtama ng malamig na hangin sa aking balat. Manipis lang ang damit na suot ko. Ito lang kasi ang nakita ko na maayus-ayos sa closet ng kwarto na pinaghatiran sa akin ni Blaise kanina. That man…Hindi ko alam kung anong dahilan niya sa pagsama sa akin sa mansyon na ito. At talagang nagpalipas pa siya ng gabi rito. I sighed. Pinagmasdan ko ang paligid. Hindi ko mapigilan ang aking sarili na makaramdam ng paghanga dahil sa ganda ng siyudad na ito. Ang dami nang nagbago, ngunit hindi pa rin nawala ang huni ng mga ibon lalo na 'pag gabi, maging ang pagaspas ng mga kawayan na nagmumula sa garden kapag humahangin. Napakapayapa. Nakaka-relax. Bumalik ako sa kwarto nang ‘di na kayanin ang lamig. Humiga ako at agad na ipinikit ang aking mga mata. Hindi nagtagal, nakaramdam ako ng antok. I was about to go to sleep when suddenly someone knocked from my door. “Hey, are you asleep?”Nakakabah
DASHAHINDI PA KAMI NAKAKATAPAK SA LOOB NG FLORIAM MANSION AY PARANG GUSTO KO NA UMALIS.Ito na naman ako. Hindi mapigilan ang aking damdamin. Unti-unti na namang bumabalik sa isip ko ang mga bagay na dapat ay hindi ko na inaalala. Bakit ba kasi ako pilit hinihila sa lugar na ito? “Come here.”Napatingin ako sa seryosong mukha ni Blaise nang makapasok siya sa loob. “I said, come here,” ulit niya. Kumurap ako mula sa pagkakatulala. Ayoko sanang pumasok, pero wala akong ibang choice kundi ang sumunod dahil mahirap makipag diskusyon sa taong laging tama ang tingin sa sarili. I sighed. “Uncle Blaise!”Naistatwa ako sa tinigalan kong pwesto, nang matanaw ang isang batang lalaki habang papalapit kay Blaise. May hawak itong kulay abo na pusa. “How are you, Bhoy?” “I'm good, Uncle!” “Is this the cat I gave you last year?”“Yes, Uncle Blaise!”“Very good, inaalagaan mo nang mabuti.”“Ofcourse, Uncle Blaise. I don't have any other friends, the only one I always talk to and hang out wit
DASHANAG-UUSAP KAMING DALAWA NI TORIN, IYON ANG HULI KONG NAAALALA. Pinakatitigan ko ang lalaki na nasa aking harapan. Wala akong ideya sa nangyayari, pero alam kong may alam ang lalaking ito kung bakit at paano ako napunta rito. "N-Nasaan si Torin?" nanginginig ang aking boses. Yakap ko ang aking sarili. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. "Hindi ba't ikaw ang tiyuhin niya?" muli kong tanong. Natatakot ako 'pagkat kahit ekspresyon ng mukha niya'y hindi matukoy! "Magsalita ka, n-nasaan si T-Torin—""He went home."Nag-init ang paligid ng aking mga mata sa sinabi niya. Hindi... hindi ako magagawang iwan ni Torin dito nang mag-isa! "Binilin ka niya sakin—""Sinungaling ka! Sinungaling!" Hindi ko na napigilang mapaluha dahil sa kabiguang aking nararamdaman. "Hindi bagay kay Torin ang magkaroon ng kasintahan. Nag-aaral pa siya." Ngumisi ito. "Nakita ko rin na naninigarilyo at umiinom siya kanina— kasama ka."Hindi ko alam kung bakit tila nagdilim ang kanyang mukha. Pero dahil
3rd Person's POVNasa kalagitnaan ng pag-iisip si Dasha, nang tumunog ang kanyang phone. "Hello?""Hello, Apo. Nasaan ka ba? Kanina pa ako nagpapadala ng mensahe sa'yo, hindi mo ako sinasagot."Mabilis niyang ni-loudspeaker ang cellphone nito saka niya tsinek ang inbox. Napalunok siya nang makita ang sunud-sunod na mensahe galing sa kanyang Lola. "O-Opo, Lola. Nakita ko na. Pasensya na po.""Oh, siya. Mag-iingat ka kung nasaan ka man. Ikaw ay sumagot sa mensahe ko, ha?""Opo," magalang niyang sagot. Isa-isa nitong binuksan at binasa ang pinadalang mensahe sa kanya ng kanyang lola buhat nang patayin nito ang tawag. +639305071221: "Apo, mag-iisang taon na kita hindi nakikita. Dalawin mo ako."+639305071221: "Apo, tawagan mo ako."+639305071221: "Apo, nag-aaral ka pa ba? Nag-enroll ka ba sa kolehiyo?"+639305071221: "Sumagot ka aking Apo."Hindi niya napigilan ang kanyang sarili na mapangiti. Habang may mga matang nakatingin sa kanya. "Hanep sa pamangkin mo, Blaise. Napakaganda ng gi
DASHA“Blaise!” pabulong na sigaw ko dahil sa gulat. Lumunok ako nang ikulong niya ‘ko sa kanyang bisig. “Ano itong ginagawa mo sa'kin?” iningatan ko ang makagawa ng ano mang ingay dahil baka biglang sumulpit si Kate. “Naalala mo ba ang sinabi ko? Titigilan kita kapag umalis ka."Napakagat ako sa labi ko. "Nasa'n ka ba ngayon?" pabulong lamang iyon ngunit tila nakapagbasag ng eardrums ko! Ano bang ugali mayroon siya? Bakit niya ginagawa sa'kin 'to? Sa yaman niya, pwede siyang bumili ng babae kahit na sinong gustuhin niya, bakit ako ang puntirya niya? Bakit? Salubong ang kilay ko nang tingnan ang braso niya. Gusto ko siyang itulak pero wala na talaga 'kong lakas. Galing pa'ko sa byahe, dumiretso ako rito para sa trabaho hindi para sa kanya. “Blaise, let me go!”He smirked. “For what?"Tumingin ako sa kanyang mukha, pero hindi ako nagsalita. Inalis ko ang aking mga mata nang mapansin kong nagdilim ang mukha niya. Nagulat ako nang gumalaw ito saka humalik sa leeg ko. Napapikit ak







