JENNIFER MADLANG AWA VALDEZ POV Kumain lang kami ng breakfast sa mansion bago kami tuluyang nagpaalam kina Veronica at Rafael na uuwi na! Sakto namang paalis kami nagising din sila Ella at Kenneth at kahit na anong pilit nila na sabay-sabay na daw kaming umalis ng mansion hindi na talaga kami nagpapigil ni Elijah. Gusto niya pa daw kasi matulog.. Mabilis kaming sumakay ng kotse at bumiyahe pauwi ng bahay. Wala pang tatlumpong minuto nakadating na kami ng bahay pero ganoon na lang ang pagtataka ko nang mapansin ko na may isang bisita na nakatayo harap mismo ng gate. Ayaw nitong umalis ng driveway kahit makailang beses itong binusenahan ng driver at kahit na itinataboy na din ito ng dalawang gwardiya, NO choice si Elijah kundi ang bumaba ng kotse kaya kaagad na din akong napasunod. Si Ethel lang naman ang nandito sa labas at hindi ko alam kung ano na naman ang sadya niya. "Manang, dito lang kayo sa loob ng kotse ha? Huwag na huwag kayong lumabas!" bilin ko pa kay Manang Salve.
JENNIFER MADLANG AWA POV " Jen, ipagpalagay mo ang kalooban mo. Alalahanin mo na nagdadalang tao ka at baka mapaano ang mga babies." hindi ko na mabilang kung makailang ulit ko nang narinig ang katagang iyun mula sa bibig ni Veronica. Pilit niya akong pinapakalma pero hindi ko talaga kaya knowing na nasa loob ng emergency room si Elijah at wala na akong balita kung ano na ang nangyayari sa kanya. Halos tatlumpong minuto ang nakalipas pagkatapos kaming makarating dito sa hospital, dumating din sila Veronica at Rafael na halos kasabayan ni Mommy MIracle na noon ay nasa isa sa mga bench malapit sa operating room at lumuluha dahil sa matinding pag-aalala kay Elijah. "Veronica...natatakot ako! Sobrang natatakot ako!' umiiyak kong sambit. Kaagad niya naman akong hinawakan sa aking kamay at iginiya patungo sa isa sa upuan at pilit na pinapaupo. "Alam ko pero nakalimutan mo na ba? Fighter si Elijah. Lalaban siya lalo na at excited siyang makita ang mga anak niyo!" mahinang sambit nama
THIRD PERSON POV Mabuti na lang talaga at pag-aari ni Elias Valdez ang nasabing hospital kung saan halos magkagulo na sa matinding pag-aalala ang Villarama clan. Paano naman kasi, nabaril na nga si Elijah, napaanak pa si Jennifer sa matinding nerbiyos. Dahil biglaan ang lahat, walang choice si Amery kundi ang daluhan si Jennifer para siya na mismo ang magpaanak dito. Kabisado niya na ang medical history ni Jennifer at alam niyan kayang kaya niyang ihandle ito. HIndi niya man hawak ang kanyan diploma at iba pang mga documento pero isa naman siyang lisensyadong doctor. Supposed to be Secretary lang siya ni Elias dahil nga ayaw niya sanang gamitin muna ang prorpesyon niya dahil ayaw ibigay ng kapatid niya ang kanyang mga dokumento pero hindi niya talaga kayang tiisin si Jennifer. Oras ang kalaban dito kaya kailangan niya na ding kumilos. Lalo na at nagkakagulo na ang lahat ng Villarama clan. "Tita, walang malay si Elijah. Ililipat na po siya ng private room." wika ni Peanut haban
ELIJAH VILLARAMA VALDEZ POV NANG muli akong nagkamalay, unang sumalubong sa paningin ko ang puting kulay ng puting kisame. Una ko ding naulinigan ang sunod-sunod na pagtawag ni Mommy sa pangalan ko "Diyos ko! Elijah, mabuti naman at gising ka na!'" narinig kong sambt nito kaya wala sa sariling napakurap ako ng aking mga mata at akmang babangon sana mula sa pagkakahiga pero mabilis din akong napigilan ni Mommy. "Huwag ka na munang bumangon. Baka mapwersa ang sugat mo at bumuka." seryosong bigkas nito. Wala sa sariling napahawak ako sa aking ulo at nang maalala ko ang mga nangyari muli kong inilibot ang tingin sa paligid para hanapin ang presensya ng isang tao na gusto kong makita. Ang asawa kong si Jennifer... "Mom, si Jen? Nasaan siya?" unang katagang lumabas sa bibig ko. Nandito sila Jenn at Drake pati na din sila Ella at Kenneth pero nasaan si Jennifer? Supposed to be siya iyung nandito sa tabi ko ngayun. Nasaan ang asawa ko? "Si Jen ba? Nasa recovery room pa." nakangi
JENNIFER POV "Elijah!" unang katagang lumabas sa bibig ko sa muling pagmulat ng aking mga mata. Hangang sa panaginip, dala-dala pa rin ng isipan ko ang mga nangyari. Natatakot pa rin akong isipin na baka may nangyaring masama dito. "Jen, Sweetheart! Hey, nandito lang ako! Nandito lang ako!" narinig kong sambit ng isang familiar na boses kaya wala sa sariling napatitig ako sa kanya at ganoon na lang ang gulat ko nang masilayan ko ang mukha ni Elijah na nakatunghay sa akin. "Elijah!" mahinang sambit ko. Hindi ko alam kung panaginip lang ba ang lahat pero ang huli kong natatandaan ay tinamaan ito ng bala. Ano ang nangyari? Nananaginip ba ako? Nakikita ko si Elijah ngayun sa harapan ko na nasa maayos na siyang kalagayan. Medyo maputla siya pero nakangiti siya sa akin. Ang huli kasing tumatak sa isipan ko ay kausap namin ang Doctor na nag-opera dito para kumustahin ang kalagayan nito pero bigla namang sumakit ang aking tiyan. "Ipagpalagay mo ang kalooban mo, Sweetie. Nasa maay
JENNIFER POV No choice kundi ang pagbigyan ang makulit kong asawa na si Elijah. Ayaw niya kasi talagang umalis sa tabi ko at gusto niyang tabi daw kami ng higaan. Since, gising naman na ako, ako na ang kusang nagtransfer sa higaan niya. Kasya naman kaming dalawa kung totoosin. Ito yata ang advantage kapag nasa VIP room ka ng hospital. Malapad ang higaan May VIP room pala ang hospital na ito kaya feeling ko nasa hotel lang kami. Maluwang ang buong paligid at kayang ma-accomodate ng kahit na ilang bisita. Naging maayos naman ang sumunod na sandali sa buhay namin sa hospital. Isang pambihirang pagkakataon yata sa buhay mag-asawa na sabay kaming dalawa ni Elijah ang na-confine. Na pareho din kaming nagpapagaling ng aming sugat. Ang sa akin ay dulot ng caesarian operation samantalang kay Elijah naman ay nagpapagaling dahil sa tama ng bala. Gayunpaman, masaya ako dahi lahat kami ay nakaligtas. Napag-alaman ko din na wala na si Ethel. HIndi ito nakaligtas dulot ng tama ng bala na
JENNIFER MADLANG -AWA POV '"No! OF course not! Sapat na ang liham na iniwan mo para maniwala ako na wala kang kasalanan!'" kaagad niya ding sagot habang kitang kita ko ang guilt sa kanyang mukha. HIndi naman ako makapaniwala sa narinig. "Nabasa mo ang ginawa kong diary?" excited na tanong ko. Napabangon pa ako sa higaan dahil sa gulat pero muli niya akong hinila kaya naman muli akongn napahiga sa tabi niya. "Diary ba ang tawag mo doon sa kapirasong papel na pinagsulatan mo? come on Sweetie, gusto mo palang gumawa ng diary, dapat sinabi mo para mabilhan kita ng magandang notebook na pagsusulatan." nakangiti nitong sagot sa akin. HIndi ko naman mapigilan ang matawa! Kaya pala simula noong bumalik ako sa piling niya hindi na siya galit sa akin. Nabasa niya pala ang sulat na ginawa ko noon. "Don't worry, Sweetie! Hindi ko lulubayan ang Madelyn na iyun. Patuloy pa rin siyang pinaghahanap ng mga tauhan ko dahil ihaharap ko siya sa iyo. Hindi din ako paapayag na hindi niya pagbab
JENNIFER POV "Jen, okay lang ba? Gusto ka daw sana makausap ni Kuya." kakatapos lang namin kumain ng lunch ni Elijah dito mismo sa kwarto namin sa hospital nang biglang dumating si Ate Amery. "Ha? Ang Kuya mo? Meaning si Luis?" nagtataka kong tanong. "Yes...dalawang araw nang naka-confine dito sa hospital si Kuya dahil sa matinding pananakit ng kanyang tiyan dulot ng matinding pag-inom ng alak at kahit na hindi kami in good terms, may request siya sa akin na kung pwede ka daw makausap. Iyun ay kung okay lang sa iyo at kay Mr. Elijah Valdez!" sagot naman kaagad ni Ate Amery sa akin. Wala sa sariilng napatitig ako kay Elijah na noon ay tahimik lang na nakikinig sa aming pag-uusap. Gusto kong makuha ang kanyang reaction at nang napansin ko na dahan-dahan itong tumango, hindi ko mapigilan ang mapangiti. "Okay lang sa akin. Actually, kahit na nakakainis iyang kapatid mo dahil tinangka niyang ilayo sa akin ang asawa ko ayos na din. Hindi pa rin mawawala ng katotohanan na siya ang
THIRD PARTY POV PATULOY sa paghabol si Christopher sa babaeng nakita niya. Hindi siya papayag na makawala ito sa paningin niya. Hindi siya papayag na basta na lang itong makalayo. Kailangan niya itong makausap. Kailangan niya itong makaharap. Samantalang, takot na takot naman si Katrina habang patuloy siya sa pagtakto. Balak niyang pumunta sa siyudad para mama-limos at makabili ng gamot para sa Ate Amery niya. Naaawa kasi siya dito. May sakit ito at ayaw niya nang lumala pa iyun. Alam niyang matagal na siyang pinagbabawalan ng Ate niya na lumuwas ng siyudad pero sa sitwasyon ngayun, kailangan niya na talagang kumilos. Lalo na at hindi din talaga siya papayag na mapahamak ito. Simula nong dumating dito sa gubat si Ate Amery itinuring niya na itong hindi iba sa kanya. HIndi man niya ito kadugo pero napamahal na siya dito. Parang kapatid na nga din ang turing niya dito eh. Lalo na at hindi ito nagsasawa na turuan siyang magsulat at magbasa. "Wait! Who are you? Saan ka pupun
THIRD PERSON POV "SHIT, diwata ba iyun, Pare?" seryosong bigkas ng kasama ni Christopher sa pangangaso. "Yes...siya Christopher Villarama. Isa sa mga triplets na magkapatid na sila Charles at Charlotte. Anak ng mag-asawang Carmela at Charles Villarama. Isa sa mga apo ng namayapang mag-asawa na sila Gabriel Villarama at Carissa Perez. "Diwata? May diwata sa gubat na ito? Ano ka ba naman, walang diwata. Tao iyung nakita natin " seryosong sagot naman ni Christopher sa kaibigan niya. Kakabili lang niya sa nakabuyangyang na property na ito na matatagpuan sa Rizal. Actually, basta niya na lang binili pero wala pa naman siyang concret plan kung ano ang gagawin niya dito since gubat nga at maraming mga hayop ang nasa paligid Nanghihinayang din kasi siyang sirain ang gubat para lang tayuan ng mga istraktura. Hindi na kailangan. Talagang biniili niya lang ito sa dalawang may edad nang mag-asawa dahil hindi na daw nila ito maaasikaso.. Well, kitang kita naman ang ibedensya. Sobrang suk
AMERY HEART POV "ATE, umiiyak na naman po kayo." kasalukuyan akong nakaupo dito sa tabing ilog habang nakatitig sa kawalan. Mula sa aking kinauupuan, naririnig ko kanina ang tawanan nila Baby Elizabeth at Katrina. Kay bilis lumipas ng tatlong taon. Feeling ko natulog lang ako at nang magising ako, heto na. Malaki na ang anak ko. Hindi na siya baby at lumaki siya dito sa gubat na hindi man lang kami nahanap ng ama niya "Yes...kahit na nabasa ko noon sa isang magazine na engaged na si Elias kay Rebecca, umaasa pa rin ako na hindi siya titigil sa paghahanap sa amin. Na gagawa siya ng paraan para mahanap niya kaming mag-ina pero mukhang malabo na ang lahat. Sa takot ko noon, nawalan na din ako ng kumpyansa sa sarili ko na lumabas ng gubat. Hangang sa hindi ko na namalayan pa ang mga taon na lumipas. Na nandito pa rin pala ako habang unti-unti nang lumalaki ang anak ko. "limang buwan na lang ang bibilangin at magpo-four years old na si Baby Elizabeth. Ni sa hinagap, hindi ko akal
AMERY HEART POV SIX MONTHS LATER "KATRINA, saan ka galing? Ang tagal mong nawala ah?" seryoso kong tanong kay Katrina. Kanina pa ako paikot-ikot dito sa gubat para hanapin ito pero hindi ko siya makita. Sa loob ng anim na buwan, medyo nakabisado ko na din ang buong paligid. Nasanay na din ako sa bagong kapaligiran. "ATE, tulog pa kasi kayo kanina ni Baby Elizabeth kaya hindi ko na kayo ginising. Minsan po kasi, lumalabas po talaga ako dito sa gubat para manghingi ng limos at makabili ng mga bagay na kailangan natin." nakangiti nitong sagot sa akin. HIndi ko naman maiwasan na magulat. Napatitig pa ng ako sa suot nitong sira-sirang damit. Madungis din siya at ang buhok niya akala mo isang bruha. Madumi din ang kanyang mukha. Sabog-sabog ang buhok at kung hindi ko lang kabisado itong si Katrina baka hindi ko siya makilala. "Galing kang siyudad at namalimos ka? Katrina, alam mo ba kung gaano kadelikado iyang ginagawa mo?" seryosong tanong sa kanya! Hindi siya sanay sa siyud
THIRD PERSON POV "THIS is very impossible! Unacceptable ! Elijah, do something! Hindi pwedeng basta na lang ibahay ng kakambal mong Elias na iyan ang babaeng iyan. Paano na si Amery?" seryosong wika ni Jennifer sa asawa niya habang nagtitipon sila dito sa mansion Villarama. Isang buwan na ng matulin na lumipas at hangang ngayun, wala pa ring Amery na natagpuan. Na para bang tuluyan na itong naglaho na parang bula. Lahat sila ay nag-aalala na sa posibleng nangyari kay Amery sa mga kamay ng mga kidnappers. Wala na din silang naging balita at wala ding ransom na nagaganap which is mas lalong nakakatakot. Ayaw nilang mag-isip ng kahit na anong masama. Pero parang iyun na nga. Mukhang napahamak na yata si Amery at ito ang dahlian kung bakit hindi nila maikwento kay Elias ang lahat-lahat. Naaksidente ito noon dahil sa paghahanap sa mag-ina niya at kapag malaman nito na may masamang nangyari sa mga ito, baka lalong lumala ang sitwasyon. Tiyak silang masasaktan si Elias at ayaw nil
REBECCA POV Ngayung umayon na sa akin ang kapalaran, kailangang kong sulitin ang pagkakataon. HIndi ako pwedeng patulog-tulog dahil kaunting kaunti na lang, mapapasa-akin na si Elias. Hyassst, nawalan siya ng alaala at mukhang hindi pa naikwento sa kanya ng kanyang pamilya ang nangyari kina Amery at sa anak niya. "So, bago ang aksidente, ikaw ang naging girlfriend ko?" seryosong tanong ni Elias sa akin. Naluluha naman akong tumango. "Yes...ako nga! Alam mo bang sobrang nag-aalala ako sa iyo, Elias? HIndi ko na alam kung ano ang gagawain ko kapag may masamang nangyari sa iyo. Alam kong ako ang dahilan kaya ka nagkakaganiyan dahil gusto kitang hiwalayan dahil ayaw nilang lahat sa akin, Elias. May iba silang babaeng gusto para sa iyo...'" umiiyak kong muling sambit. Napansin kong kaagad na nagsalubong ang kilay nito. Lalo namang nagdiwang ang kalooban ko. Alam kong maniniwala siya sa akin. Wala naman siyang choice kundi ang maniwala eh. Ang galing ko kayang umarte. Pang theatr
THIRD PERSON POV "Ano ang balita kina Amery? Kumusta sila? Nahanap na ba sila?" nag-aalalang tanong ni Miracle sa pamangkin niyang si Christopher. Mahigit isang linggo na ang lumipas simula noong nakidnap sila Amery at ang apo niya at hangang ngayun, wala pa ring balita sa mga ito Si Elias naman ay kasalukuyang nasa ICU. Hinihintay na magising ito dahil sa kinasangkutang aksidente. Doble-dobleng daguk ang nangyari sa pamilya nila at hindi na nga nila malaman pa kung ano ang uunahin. Masyado nang matagal ang isang linggo simula nang nakidnap sila Amery at hangang ngayun, wala pa ring naging balita sa kanila "Ginagawan na po namin ng paraan para mahanap sila, Tita. May man hunt operation na din po sa mga kumidnap kina Amery. Huwag po kayong mag-alalala, hindi po kami titigil hangat hindi sila mahanap." seryosong sagot naman ni Christopher sa tiyahin niya. Kung nag-aalala ito, ganoon din naman sila eh. Lalo na at hangang ngayun hindi pa rin nagigising si Elias. Kasalukuyan pa r
AMERY HEART POV "NANDITO na tayo, Ate." nakangiting wika sa akin ni Katrina. Halos bente minuto din ang itinagal ng aming paglalakad papasok pa sa gubat. Hindi ko maiwasan na magulat. Nandito lang naman kami sa harap ng bunganga ng isang kweba. Tulala tuloy akong napatitig sa kanya. "Sino ang kasama mo dito?" nagtataka kong tanong. "Dati, si Lolo! Pero ngayun mag-isa na lang ako. Namatay na kasi si Lolo noong nakaraang taon eh." nakangiti niyang wika sa akin. Sa hindi malamang dahilan, bigla akong nakaramdam ng habag sa kanya. Hindi ko akalain na sa gitna ng gubat na ito ay may nakatira pa lang isang dalagita. "Paano ka nakaka-survived? Ibig kong sabihin, paano ka nabuhay dito na mag-isa ka lang?" nagtataka kong tanong. "Sinabi sa akin ni Lolo dati na malupit daw ang mga tao sa patag. Tsaka nasanay na din po ako dito na wala akong ibang kasama kundi ang mga hayop dito sa kagubatan." nakangiti niyang sagot sa akin na lalong nagpadagdag sa habag na nararamdaman ko para
AMERY HEART POV Muli akong nagkamalay na una kong narinig ay ang malakas na pagpalahaw ng iyak ng aking anak na si Elizabeth. Dali-dali ko siyang binuhat nang mapansin ko na nasa lupa na siya. Siguro nabitawan ko siya kanina noong nawalan ako ng malay. HIndi ko din mapigilan ang mapaiyak lalo na nang maalala ko ang mga nangyari. Hindi ko akalain na dadanasin namin ang ganitong sitwasyon. "Baby, tahan na! Sorry...sorry dahil naranasan mo ito. Sorry kung naging mahina si Mommy." mahina kong sambit. Mahigpit kong niyakap si Baby Elizabeth habang hilam ang luha sa aking mga mata. Mabuti na lang din at kahit papaano, tumahan na din naman siya noong kargahin ko siya. Hindi ko alam kung saang bahagi ng gubat kami ngayun. Mukhang tuluyan na din kaming nilubayan ng mga kidnappers. Mula sa pagkakasalampak sa lupa, dahan-dahan akong tumayo at hindi ko mapigilan ang mapangiwi nang maramdaman ko ang pagkirot ng aking binti. Nang tingnan ko iyun, hindi ko mapigilan ang lalong maiyak nang