LOGINCelestina "Tina" Roxas POV
Pagpasok pa lang namin sa grand ballroom ng limang-bituing hotel sa BGC, halos masilaw ako sa karangyaan. Nakasabit ang malalaking crystal chandeliers sa mataas na kisame, tumutugtog ang live string quartet sa gilid, at nagtatawanan ang mga kilalang negosyante at kilalang tao sa lipunan habang may hawak na baso ng mamahaling champagne.
Tahimik lang ako sa tabi ni Inigo. Habang naglalakad kami pabalik sa gawi ng VIP area, ramdam ko ang mga mata ng mga tao na nakatutok sa amin. Ang bawat hakbang ko sa suot kong emerald green gown ay nagdudulot ng kaba sa dibdib ko.
Inabutan ako ng waiter ng isang baso ng champagne, pero hindi ko 'yun maiinom dahil sa sobrang paninikip ng dibdib ko.
Hindi nagtagal, lumapit sa amin ang ilang board members at investors ng Escudero Prime. Nag-usap sila tungkol sa mga malalaking proyekto, habang ako naman ay nakatayo lang sa likod ni Inigo, tahimik na ginagampanan ang papel ko bilang assistant—nag-tatala ng mahahalagang bilin at nag-aabot ng kailangang documents kapag hinahanap niya.
Maya-maya, nagpaalam si Inigo para kausapin ang isang mahalagang partner mula sa abroad.
"Dito ka lang," maikling bilin niya sa akin bago umalis. "Huwag kang pupunta kung saan-saan."
Naiwan akong nakatayo sa tabi ng dessert table. Sa wakas, nakahinga rin ako nang kaunti mula sa matinding presensya niya.
Pero hindi pa man nakakalayo si Inigo, isang matinis at familiar na boses ang sumira sa katahimikan ko.
"Well, well, well. Am I seeing things, or is that really Celestina Roxas?"
Nanigas ako sa kinatutayuan ko. Paglingon ko, nakatayo sa harap ko si Chloe Valderrama—ang anak ng isa sa pinakamalaking stock holder ng Escudero Prime, at ang babaeng matagal nang gustong ipakasal ng pamilya ni Inigo sa kanya noong kami pa.
Nakasuot siya ng iskarlatang gown, may hawak na baso ng alak, at nakatingin sa akin mula ulo hanggang paa na may kasamang matinding pang-einsulto.
"Akala ko kung sinong alta ang kasama ni Inigo ngayong gabi," pabalang niyang sabi, sapat ang lakas para marinig ng mga tao sa paligid namin. "Isang hampaslupa lang pala. How did you even get in here, Tina? Oh, right. Nabalitaan kong naging PA ka pala ng ex-boyfriend mo. Magkano na ba ang singil mo ngayon?"
Naramdaman ko ang pamumula ng mukha ko. Lumapit ang ilang bisita para manood sa eksena.
"Miss Valderrama, narito ako para magtrabaho," pilit kong pinapanatiling mahinahon at pormal ang boses ko kahit nanginginig na ang mga kamay ko. "Please excuse me."
Akmang hahakbang ako palayo nang mabilis niyang harangan ang daan ko.
"Work?" humalakhak siya nang napakalakas. "Ganyan ka na ba kadesperada matapos mong ibenta ang sarili mo limang taon na ang nakakalipas? Ang kapal din naman ng mukha mong magpakita ulit kay Inigo matapos mo siyang iwan para lang sa pera. Iniiyakan ka niya noon habang nagpapakasaya ka sa kung sino man ang nagbayad sa 'yo!"
"Hindi mo alam ang sinasabi mo," halos manginig ang labi ko sa galit at sakit.
"Bakit, hindi ba totoo?" lalong lumapit si Chloe sa akin, arogante at puno ng galit ang mukha. "Alam ng lahat ang ginawa mo. Isa kang gold digger. At ngayon, nagmamalinis ka na naman para akitin si Inigo dahil milyonaryo na siya? Cheap."
Tumaas ang kamay ni Chloe at ibinuhos ang hawak niyang red wine sa harapan ng gown ko. Ang kulay pulang alak ay mabilis na kumalat sa berdeng tela ng damit ko, tumulo sa dibdib at binti ko.
Nasinghap ang mga taong nakapaligid sa amin. May mga nagbulungan, may mga pasimpleng tumawa at kumuha pa ng litrato gamit ang mga phone nila.
Nakatayo lang ako roon, pilit na pinipigilan ang pagpatak ng mga luha ko. Ang hiya, ang sakit, at ang pagiging walang laban ay sabay-sabay na sumaksak sa akin. Gusto kong lamunin ng lupa sa mismong sandaling 'to.
Akmang magtatapon pa ng panibagong salita si Chloe nang biglang may humawak sa braso niya nang napakahigpit.
"That's enough, Chloe."
Isang malamig at nakakakilabot na boses ang pumuno sa silid. Biglang tumahimik ang lahat.
Si Inigo.
Mabilis siyang lumapit at humarap kay Chloe. Ang mga mata niya ay punong-puno ng matinding poot at galit na hindi ko pa nakikita kailanman. Binitawan niya ang braso ni Chloe nang pabalagbag kaya halos mawalan ito ng balanse.
"Inigo!" gulat na sigaw ni Chloe, napahawak sa braso niya. "I-I was just—"
"You have two seconds to get out of my sight before I pulls out all our investments from your father's company," banta ni Inigo sa isang mababang boses na nagpanginginig sa buong katawan ni Chloe.
"Inigo, ipinagtatanggol mo ang babaeng 'yan?" galit na tanong ni Chloe. "Iniwan ka niya noon! Sinira niya ang buhay mo!"
"I said, leave!" bulyaw ni Inigo na nagpaatras kay Chloe at sa mga taong nakapaligid sa amin.
Namatay ang ingay sa buong ballroom. Walang sinuman ang naglakas-loob na magsalita habang galit na naglakad palayo si Chloe kasama ang mga kaibigan niya.
Humarap si Inigo sa akin. Nang makita niya ang pulang mantsa sa damit ko at ang panginginig ng buong katawan ko, may dumaan na matinding sakit sa mga mata niya bago niya pinalitan 'yun ng matigas na ekspresyon.
Hindi siya nagsalita. Sa harap ng napakaraming tao, mamahaling bisita, at mga investors na nakatitig sa amin, dahan-dahan niyang inabot ang aking bewang. Pinadulas niya ang kaniyang malaking kamay sa likod ko at mahigpit na inilapit ang katawan ko sa kaniya, pinalilibutan ako ng kaniyang init at proteksyon.
Napasinghap ako sa gulat nang akayin niya ako nang mabilis palabas ng ballroom. Hindi niya pinansin ang mga taong nagtatanong o ang mga tumatawag sa pangalan niya. Diretso lang ang lakad niya patungo sa VIP private elevator.
Pumipasok kami sa loob at mabilis na nagsara ang p***o.
Naiwan kaming dalawa sa loob ng tahimik at makipot na espasyo. Nagsimulang tumulo ang luha ko na kanina ko pa pinipigilan. Iniyuko ko ang ulo ko habang nakawak sa basang tela ng gown ko.
"I'm sorry..." pabulong kong sabi, nanghihina. "Nasira ko ang event mo."
Hindi siya sumagot. Hinarap niya ako nang mabilis at pinalibutan ng dalawa niyang kamay ang mukha ko. Pilit niyang inangat ang mukha ko para magkatapat ang mga mata namin.
"Huwag kang umiyak sa harap ng ibang tao," paos at galit niyang sabi. "Ako lang ang may karapatang magpaiyak sa 'yo, Celestina."
Bago pa ako makasagot, yumuko siya at pabalagbag na inangkin ang mga labi ko.
Isang halik na puno ng pait, galit, desperasyon, at matinding pagnanasa na limang taon niyang kinimkim. Napahawak ako sa mga balikat niya sa sobrang gulat at laking gulat nang maramdaman ko ang kaniyang lalim at init. Wala siyang awa, parang gustong uminom mula sa mga labi ko hanggang sa wala nang maitira.
Napaungol ako sa gitna ng halik, pero imbes na lumayo, mas lalo pa niyang hinigpitan ang hawak sa bewang ko, pilit na ipinapadama sa akin kung gaano kalalim ang sugat na iniwan ko sa kaniya.
Nang dahan-dahan siyang humiwalay, pareho kaming naghahabol ng hininga. Nakalapat pa rin ang noo niya sa noo ko, at ang maiinit niyang hininga ay tumatama sa mukha ko.
Nakatitig siya sa akin habang nanginginig ang kaniyang mga labi sa matinding emosyon.
"Hindi pa tayo tapos, Celestina," bulong niya sa mismong labi ko sa isang boses na puno ng pagbabanta at pait. "Babayaran mo ang bawat taon, bawat araw, at bawat minutong nawala sa atin."
Celestina "Tina" Roxas POVPagpasok pa lang namin sa grand ballroom ng limang-bituing hotel sa BGC, halos masilaw ako sa karangyaan. Nakasabit ang malalaking crystal chandeliers sa mataas na kisame, tumutugtog ang live string quartet sa gilid, at nagtatawanan ang mga kilalang negosyante at kilalang tao sa lipunan habang may hawak na baso ng mamahaling champagne.Tahimik lang ako sa tabi ni Inigo. Habang naglalakad kami pabalik sa gawi ng VIP area, ramdam ko ang mga mata ng mga tao na nakatutok sa amin. Ang bawat hakbang ko sa suot kong emerald green gown ay nagdudulot ng kaba sa dibdib ko.Inabutan ako ng waiter ng isang baso ng champagne, pero hindi ko 'yun maiinom dahil sa sobrang paninikip ng dibdib ko.Hindi nagtagal, lumapit sa amin ang ilang board members at investors ng Escudero Prime. Nag-usap sila tungkol sa mga malalaking proyekto, habang ako naman ay nakatayo lang sa likod ni Inigo, tahimik na ginagampanan ang papel ko bilang assistant—nag-tatala ng mahahalagang bilin at na
Celestina "Tina" Roxas POVKinabukasan, imbes na sangkatutak na papeles ang mag-abang sa desk ko, isang malaking itim na kahon mula sa isang kilalang luxury brand sa Paris ang nakapatong doon. May nakadikit na maliit na note sa ibabaw.Suotin mo 'yan. Dadalo tayo sa taunang Grand Gala ng Escudero Prime ngayong gabi. 6:00 PM sharp.Napakunot ang noo ko. Gala? Bakit kailangang kasama pa ako? Pero bago pa ako makapagtanong, bumukas na ang pinto ng opisina niya. Si Inigo, nakatayo roon habang inayos ang cuffs ng kaniyang white dress shirt."Kailangan ko ng plus one na hindi ako kukulitin tungkol sa kasal o negosyo buong gabi," malamig niyang sabi, na parang nabasa ang nasa isip ko. "Huwag mong isiping pabor 'to sa 'yo. Karugtong 'to ng trabaho mo bilang PA. Ayokong mapahiya sa mga investors nang dahil sa mukha kang kawawa."Nilunok ko ang sasabihin kong pagtanggi. Baka bawian pa niya ako sa pambayad sa ospital kapag sumuway ako.Ipinadala niya ako sa isang private suite sa top floor ng bu
Celestina "Tina" Roxas POVAlas kuwatro na ng madaling araw ako nakauwi kagabi matapos itakbo sa ospital ang pambayad para kay Leo. Dalawang oras lang ang tulog ko, pero bago pa mag-pito ng umaga ay nakatayo na ako sa tapat ng opisina ni Inigo. Ayokong bigyan siya ng kahit anong dahilan para sisantehin ako o bawian ako ng pambayad sa ospital.Nang bumukas ang pinto ng executive elevator, iniluwa nito si Inigo. Nakasuot siya ng dark charcoal suit na napakalinis ng pagkakatabas. Bagay na bagay sa kanya. Ang tangkad niya, ang tikas ng tindig, at amoy na amoy agad ang mamahaling barako at bergamot na perfume niya.Nag-iwas ako ng tingin nang magtagpo ang mga mata namin."Good morning, Mr. Escudero," pilit kong ipinapormal ang boses ko.Hindi man lang siya ngumiti. Nilagpasan niya lang ako na parang hangin, pero bago pa man maisara ang pinto ng opisina niya, narinig ko ang malamig niyang boses."In my office. Now."Mabilis akong sumunod sa loob. Nakatayo siya sa gilid ng desk niya habang b
Celestina "Tina" Roxas POVPara akong pinaliligiran ng yelo sa sobrang lamig ng titig ni Inigo. Ang dating mga mata na punong-puno ng lambing tuwing tinitingnan ako noon, ngayon ay parang dalawang patalim na nakabaon nang malalim sa dibdib ko.Hindi ako makagalaw. Gusto kong tumakbo palabas ng opisina niya, pero parang nasemento ang mga paa ko sa sahig."I... I didn't know you were the CEO," halos pabulong kong sabi habang kinakapos ng hininga.Isang matigas at nakakalokong tawa ang lumabas sa labi niya. Inikutan niya ako nang mabagal, na para bang isa akong prey na wala nang takas sa kulungan niya."Of course you didn't," sagot niya sa isang mababang boses na puno ng pait. "Kung alam mo, hinding-hindi ka magpapakita sa akin, 'di ba? Dahil ano nga ulit 'yung huling sinabi mo sa akin limang taon na ang nakakalipas? Ah, right. Sinabi mo na wala akong kwenta. Na wala akong maipapakain sa 'yo dahil mahirap lang ako."Kumirot ang puso ko sa sinabi niya. Gusto kong sumigaw at sabihing hindi
Celestina "Tina" Roxas POV"Miss Roxas, paki-ligpit na lang ang gamit mo bago mag-pasko. I'm sorry, pero wala na tayong magagawa. Downsizing ang utos mula sa upper management."Titig na titig ako sa sobreng puti na inabot ng HR manager. Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Biglang nagdilim ang paningin ko, at ang nag-iisang tunog na naririnig ko lang ay ang mabilis na tibok ng sarili kong dibdib."P-pero, Ma'am... pwedeng kahit sa ibang department na lang?" halos paos kong pakiusap. "Kahit anong posisyon. Kailangan ko lang talaga ng trabaho. Maipapasok na sa ICU ang kapatid ko sa makalawa, kailangan ko ng pambayad."Umiling lang ang HR na may halong awang halhal. "Wala na talagang slot, Tina. I'm so sorry."Habang naglalakad ako palabas ng gusali bitbit ang isang maliit na kahon ng mga gamit ko, hindi ko na napigilang maiyak. Sanay naman ako sa hirap, pero bakit parang sabay-sabay namang naniningil ang tadhana?Pagkahawak ko pa lang sa phone ko, sumunod na agad ang panibagong pam







