Share

Chapter 14

Hindi mawari ni Gavin kung paano palulubagin ang loob ng nobya. Nasaktan niya ito. Patunay ang marka ng mga palad nya na naiwan sa pisngi ni Dianne. Magsisi man ay nagawa niyang masakyan ito sa unang pagkakataon sa loob ng kanilang tatlong taon na relasyon.

“Come on, Dianne. Umuwi muna tayo kina Tatay Guillermo. I’m sorry at nasampal kita. I promise it won’t happen again.” Ngunit walang narinig si Gavin na salita mula dito kundi ang pagtangis lamang. Namamalisbis ang luha nito sa mga pisngi at ang itsura ng nobya ay talagang nakakaawa kung titingnan. Napasabunot si Gavin sa buhok sa kawalan ng salitang maaaring magpakalma sa nobya.

“Just let me be, Gavin. At kung anuman ang mga plano natin, let's put it on hold.” May pinalidad na turan ni Dianne at kaagad na sumakay sa kotse nito. Pinaharurot nito ang sasakyan papalayo sa lugar na ‘yon.

Pumasok sa sasakyan niya si Gavin. Sa nobya na niya mismo nanggaling ang mga katagang iyon.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status