Teilen

CHAPTER 2 — She Said Yes

last update Veröffentlichungsdatum: 14.12.2025 22:01:28

Hindi siya sumagot. Tumitig lang siya sa akin, at sa klase ng tingin na iyon, parang unti-unting bumaba ang guard niya.

At ewan ko ba.

Para akong hinihila palapit.

Dahan-dahan kong inilapit ang mukha ko hanggang sa tuluyang lumapat ang labi ko sa kanya.

Saglit siyang natigilan.

Tapos, gumanti siya.

Sandali lang.

But damn…

parang may sumabog na fireworks sa dibdib ko.

Hinapit ko ang baywang niya.

“Jyrone…”

Umatras siya agad. Namula. Saka tumikhim.

“Let’s go. I’m hungry.”

Narinig ko ang sinabi niya, pero parang nabingi ako. Hinawakan ko ang labi ko, para bang nahalikan ako ng diwata.

“Darling…” Lumapit ako sa kanya, hindi mapigilan ang ngiti. “You kissed me back, right?”

Hindi siya sumagot. Nagkibit-balikat lang.

“Halika na,” bulong niya, sabay hila sa braso ko.

At nagpaubaya ako.

Siyempre.

Mahal ko, eh.

Kahit saan niya ako dalhin, automatic na susunod ako.

Habang naglalakad kami palabas, hindi ko maalis ang tingin sa kanya.

Siya naman, pasimpleng sumusulyap sa akin, tapos biglang iiwas kapag nahuhuli ko.

Parang nakatikim ng bawal na masarap.

Sa sobrang lutang ko, hindi ko namalayang nasa kotse na kami.

Pinagbuksan ko siya ng pinto. Tumingin siya saglit bago sumakay.

“Ano na naman?”

“Nothing,” sagot ko, pinisil ang labi ko at ngumiti nang matamis.

“Just… recovering from something traumatic.”

Umikot ang mga mata niya.

Pero nakita kong napakagat-labi siya bago sinara ang pinto.

Lalo tuloy akong napangiti habang umiikot ako papunta sa driver’s side.

Tahimik kami sa biyahe.

Pero pareho kaming panay ang sulyap sa isa’t isa.

“We’re here,” sabi ko nang huminto kami sa isang Italian restaurant.

Agad akong bumaba para pagbuksan siya.

“Hindi mo naman ’to kailangang gawin…”

Tumango ako at inilahad ang kamay ko.

“Yes, hindi kailangan. Pero tungkulin ko ’to bilang boyfriend mo.”

Napailing siya, pero hinawakan pa rin ang kamay ko.

Doon pa lang, panalo na ang gabi ko.

Pagpasok namin, agad kaming sinalubong ng waitress at inihatid sa mesa sa may bintana.

Nag-order ako ng steak para sa akin, truffle pasta para kay Ferly, at isang bote ng mamahaling red wine.

Habang nag-o-order ako, sa labas pa rin siya nakatingin.

Ako naman, sa kanya.

Nang ma-serve ang pagkain, saka lang siya bumaling sa akin.

Ngumiti ako, hindi inaalis ang tingin sa kanya.

“For us, darling.”

Itinaas ko ang wine glass.

Nag-clink ang baso namin habang nakatitig kami sa isa’t isa.

“Let’s eat.”

Ngiti lang ang sagot niya.

Tahimik na naman siya.

Sa pagkain lang naka-focus.

“Ferly,” sabi ko, ibinaba ang kubyertos at tumitig nang seryoso.

“Why did you disappear back then? Why didn’t you say goodbye?”

Huminto siya sa pagsubo.

Napabuntong-hininga pa saka umiwas ng tingin.

Sandali kong naipikit ang mga mata.

Parang nagsisi akong nagtanong.

Pero mali ba?

Kung hindi ko ito gagawin, hindi ako matatahimik.

“It’s okay… ’di mo kailangang sagutin.”

Ibinalik niya ang tingin sa akin.

May lungkot sa mga mata niya.

“My father died,” sabi niya.

“Pinauwi kami sa probinsya. Tradition ng pamilya, kung saan ka isinilang, doon ka ililibing.”

Hinawakan ko ang kamay niya.

“I’m sorry…”

Ngumiti siya, pero malungkot pa rin ang mga mata niya.

“Ayos lang. Matagal na ’yon. Tanggap ko na. And Mama already moved on. May stepfather na nga ako. And he’s kind.”

“Then why didn’t you come back? Why didn’t you contact me?”

Huminga ako nang malalim.

“Do you have any idea how miserable I was when you left?”

Napahagikhik siya, parang hindi makapaniwala.

Binawi pa niya ang kamay niya, at  ipinagpatuloy ang pagkain.

“Jyrone… you? Miserable? Please. Ang bilis mong magpalit ng babae, parang nagbibihis ka lang.”

Sandali siyang tumigil bago nagpatuloy.

“And besides, we were together for such a short time. We weren’t even attached.”

Napakunot ang noo ko.

“You weren’t attached,” sagot ko.

“But me? I was very attached.”

Napatingin siya sa akin.

Umangat ang kilay.

Hindi na natuloy ang pagsubo niya at napakurap pa.

“Did you know my heart went with you when you walked away?”

Tumawa siya nang malakas at ibinaba ang kubyertos.

“Neknek mo. Sumama raw… para namang hindi ka nagmahal ng iba.”

Napasimangot ako.

Pinahaba ang nguso ko na parang batang nagtatampo.

“I won’t deny that.”

Hinawakan ko ulit ang kamay niya.

“I thought I’d never see you again. Walong taon kang nawala. No updates. No trace. Nothing.”

Tumingin siya sa magkahawak naming kamay.

Pagkatapos ay sa akin.

“So your heart moved on?”

Tumango ako nang ilang beses.

“It moved. And thank God it did, because the woman I loved ended up leading me back to you.”

Nagkatinginan kami.

Walang kumurap.

Iyong tipong parang kami lang ang tao sa restaurant.

Nawala ang ingay.

Nawala ang music.

Siya lang ang sentro ng mundo ko.

“Kumain na nga tayo… lumamig na ’yong pagkain,” bulong niya.

Pulang-pula ang mukha.

“Would you like to take a walk before we go home?” tanong ko, umaasang oo ang sagot niya.

“Hindi na. Gabi na… at saka may work pa bukas.”

Tumango na lang ako.

Tama naman siya. Pero parang ayaw kong matapos ang gabing ’to.

Kaya lang wala akong choice.

Ayaw ko namang pilitin siya.

Pagdating namin sa apartment niya, sumandal ako sa pader habang binubuksan niya ang pinto.

“Good night, Jyrone,” sabi niya.

“Ingat ka ha…”

Hindi agad ako nakasagot.

Pinapaalis na niya ako?

Ayaw man lang ba niya akong imbitahin sa loob?

“Thanks for tonight…” dagdag pa niya.

Nakagat ko ang labi ko.

Ayaw ko pang umuwi.

Gusto ko pa siyang makasama.

Pero ramdam kong natatakot siyang papasukin ako, na para bang may gagawin ako sa kanya.

Nakamot ko ang kilay ko.

Ayaw ko ng ganitong setup.

Ang gusto ko… maging komportable siya sa akin.

Kahit kaming dalawa lang.

“Ferly…” bulong ko.

Imbes na magpaalam, lumuhod ako sa harap niya.

“J-Jyrone?” Nabitawan niya ang hawak niyang bulaklak.

“What are you doing?” Napalinga-linga pa siya.

“Tumayo ka…”

Tumingala ako at hinawakan ang kamay niya.

“Ferly… marry me.”

Nalaglag ang panga niya.

Nanlaki ang mga mata.

“Are you serious?” tanong niya.

“We just became a couple…”

“I don’t care how long it’s been,” sagot ko.

“We already lost years. I’m not wasting another second.”

Mas hinigpitan ko ang hawak sa kamay niya.

“Marry me, Ferly.”

Huminga siya nang malalim.

Hindi mapirmi ang mga mata niya.

“Are you sure? Hindi kaya nabigla ka lang? What if you change your mind? What if you realize you’re not ready?”

Umiling ako.

“I won’t. Never.”

Pinisil ko pa ang kamay niya at inilapat sa labi ko.

“I’m sure. Wala na akong ibang gusto. Ikaw lang. Maski pa tumutol ang buong universe, ikaw lang ang pakakasalan ko.”

Kumislap ang mga mata niya.

Tapos hinila niya ako patayo at ngumiti.

“Yes,” ngumiti siya.

“Pumapayag ako.”

“Talaga?”

Niyakap ko siya nang mahigpit at hinalikan sa noo.

Akin na siya.

Sa wakas.

“But…”

Naputol ang ngiti ko. Napabitiw ako sa kanya.

“Kaya mo kayang hingin ang kamay ko sa mga magulang ko?”

Tumango ako agad, muling ngumiti.

“Kayang-kaya. Even if I have to face your entire clan, I’ll do it… as long as they let me have you.”

Lies dieses Buch weiterhin kostenlos
Code scannen, um die App herunterzuladen

Aktuellstes Kapitel

  • Breaking Rules: The Sweetest Risk   CHAPTER 80 — The Family She Chose

    JyroneParang tumigil ang mundo ko. Ni hindi ko na alam kung gaano katagal akong nakatitig kay Ferly.Hanggang sa lumakas ang hikbi niya.Saka lang ako parang nahimasmasan.Hinawakan ko ang kamay niya. Nilapat sa labi ko."Pumayag ka ba?"Mabilis siyang umiling, kasabay ang hagulgol niya."Hindi... Hindi ko kayang mawala ka, Jyrone."Agad ko siyang hinapit at niyakap nang mahigpit."Hindi ko kayang mawalan ng tatay ang anak ko."Hindi man ako nagsasalita, pero napapangiti naman ako. Parang nabunutan ako ng tinik.Ako ang pinili niya... kami ni Baby."Tahan na..." maya maya ay nasabi ko."Galit lang sila—"Umiling siya."Hindi lang sila galit... Tinakwil na nila ako."Mas lalo pang lumakas ang iyak niya."Dahil ikaw ang pinili ko… dahil sinuway ko sila."Parang may kumurot sa puso ko. Hindi ko alam kung paano siya patatahanin. Hindi ko alam kung paano aalisin ang lungkot at sakit na nararamdaman niya ngayon.Dahan-dahan ko na lang hinaplos ang buhok niya."Darling..."Sinadya kong lambi

  • Breaking Rules: The Sweetest Risk   CHAPTER 79 — The Cruelest Request

    JyronePagpasok namin sa silid, agad na napunta ang tingin ko kina Tita Felicia, Lola Paz, at Ferly.Lahat sila ay nasa paligid ng kama ni Daniel.Halatang nag-aalala. Kita iyon sa mga mukha nila.Sa paraan ng pagtitig nila sa walang malay na si Daniel.Tahimik lang sila no'ng pumasok ako. Mas tumahimik pa nang makita nilang kasama ko sina Mama at Papa Leon.'Yong tensyon, lalong lumala.Parang humigpit ang sikmura ko.Hindi ko alam kung tama bang dinala ko sila rito. Sana hindi na lang ako pumayag...Mainit na nga kasi ang naging sagutan nina Mama at Tita kanina.Paano kung mas magkainitan pa sila?Nagkatitigan kami ni Ferly. Ang mga mata niya ay nagtatanong. Alam niyang may mali, kasi huling kita naming lahat, wala namang tensyon na ganito.Mula nang pumasok kami, wala ring sinasabi si Mama. Nakatitig kay Daniel.Parang may kung anong emosyon na pilit niyang nilulon.Napansin ko rin na mas humigpit ang hawak ni Papa Leon sa balikat ni Mama.Parang pinapakalma niya."Anong ginagawa n

  • Breaking Rules: The Sweetest Risk   Chapter 78 — The Man Who Ruined Our Lives 

    JyroneNatigilan sina Tita Felicia at Lola Paz.Kitang-kita ko ang pagkabigla sa mga mukha nila.Parang may gustong itanong.May gustong kumpirmahin.Pero bago pa man may magsalita sa kanila, mabilis kong hinila si Mama palayo."Mama, halika po..."Nagulat siya sa paghila ko.Pero hindi siya tumutol.Mabilis kaming lumayo sa harap nila habang nakasunod si Papa Leon.Hindi ko gusto ang paratang nila, pero ayoko ring magkaroon ng panibagong gulo.Sa paraan ng pagtitig nila sa isa't isa, pakiramdam ko, anumang oras ay sasabog ang lahat.At kapag nangyari iyon...Kami ni Ferly na naman ang unang masasaktan.Baka imbes na pinag-uusapan na ang kasal namin sa simbahan...Paghihiwalayin na naman kami.Iyon ang ayaw kong mangyari.Hinablot ni Mama ang kamay niya nang makalayo kami."Mama, please... kumalma ka po."Hindi siya sumagot.Pero halata ang inis sa mukha niya.Humalukipkip siya at umiwas ng tingin.Agad naman siyang nilapitan ni Papa Leon.Hinaplos nito ang likod niya.Ako rin, lumapit

  • Breaking Rules: The Sweetest Risk   Chapter 77 — Blood and Blame

    Jyrone"Wag kang lalabas!"Mas lalo kong hinigpitan ang yakap kay Ferly habang patuloy ang putukan sa labas.Nanginginig ang buong katawan ni Ferly sa mga bisig ko."Si Papa…" paulit-ulit niyang bulong. Napapikit ako nang mariin.Gusto kong sumilip at alamin kung ano ang nangyayari sa labas.Pero hindi ko magawa.Hindi ko siya maiwan, si Ferly.Paano kung may makapasok?Paano kung may bala na tumama rito?Napamura ako nang mahina saka mabilis na inilabas ang cellphone ko.Tumawag ako sa emergency hotline. Dalawang ring lang ay sumagot agad.At ang sabi, may nakapag-report na raw.May paparating nang mga pulis."Thank you," sabi ko bago ko pinatay ang tawag.Hinawakan ko ang pisngi ni Ferly.Nang medyo humupa ang putukan, pagapang kaming pumasok sa bahay.Saktong makapasok kami at makakubli sa sulok, umalingawngaw na naman ang putukan.May mga sigaw na halos hindi ko maintindihan.Mas lalo pang sumikip ang dibdib ko sa bawat segundo.Sa bawat igtad at hikbi ni Ferly.Hanggang sa maya-m

  • Breaking Rules: The Sweetest Risk   Chapter 76 — Sound of Revenge

    JyroneTatlong araw matapos ma-discharge si Ferly sa hospital, dito na kami umuwi sa bahay namin.Wala na ring nagawa sina Tita Felicia at Daniel. Kasal na nga kami. At ngayong may baby na, alam nilang hindi ako papayag na paghiwalayin pa kami.Pero kahit gano’n, hindi naging madali ang lahat.Ayaw nilang akong makasama sa isang bahay. ‘Yong galit nila, hindi pa rin humuhupa.Bumalik sila sa dati nilang bahay kahit tutol kami. Ayaw sana naming pumayag dahil hindi pa nga tapos ang gulo. Hindi pa nahuhuli ang lider ng sindikato pati ang mga anak niya.Pero matitigas ang ulo nila. Kasi wala naman silang alam sa gulo na ‘yon.Sina Bart at Anessa, bumalik muna sa Manila. Hindi rin naman puwedeng iwan ni Bart ang kumpanya niya nang matagal, at saka kailangan din nila ang mga anak nila.Gano’n din sina Papa Leon at Mama.Hindi puwedeng huminto ang mundo nila dahil lang sa gulo ni Daniel.At saka, putol na ang mga galamay ng sindikato. Halos lahat ng negosyo at ari-arian nila ay napasara na.

  • Breaking Rules: The Sweetest Risk   Chapter 75 — Between Fear and Happiness

    Jyrone“Jyrone, magpahinga ka muna…” sabi ni Tita Felicia. Matigas pa rin ang boses niya. Halatang galit pa rin.Pero heto siya, sumama pa rin sa akin sa hospital. Maging siya ay hindi rin man lang umidlip. Tahimik lang siya kanina pa, pero ang mga mata, hindi. Nakatutok naman kay Ferly.Kanina, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko nang mawalan ng malay si Ferly.Si Tita Felicia ang tumawag ng ambulansiya habang ako, walang tigil sa pagtawag sa pangalan ni Ferly. Pilit ko siyang ginigising. Paulit-ulit kong sinasabing huwag niya akong takutin.Ang una kong naisip, baka nagkukunwari lang siya para maiwasang magkaharap-harap kaming lahat. Mapigilan ang konprontasyon. Pero hindi. Kahit anong yugyog ko sa kanya, kahit anong sigaw ko, hindi siya gumagalaw. Ayaw niyang magising.Hindi ko maipaliwanag ang takot na naramdaman ko. Utak ko, gulong-gulo. Naiisip ko rin, ito ba ang karma namin?Habang sakay kami ng ambulansiya. Panay ang tanong ko sa medical team.What’s wrong with her?Hindi ni

  • Breaking Rules: The Sweetest Risk   Chapter 32— The Look He Gave Me

    JyroneSabay kaming nagising sa tunog ng cellphone. Sabay gumalaw ang mga kamay namin. Nag-unat siya, pikit-mata, at inabot ang phone sa bedside table.Halatang antok at napipilitan pang gumalaw.Umupo ako at sinandal ang likod sa headboard. Siya rin, umupo at isinandal ang ulo sa balikat ko.Hinali

    last updateZuletzt aktualisiert : 2026-03-26
  • Breaking Rules: The Sweetest Risk   Chapter 33 — Just a Wallet

    Mula sa apartment, umuwi muna ako sa bahay para maligo at magpalit ng damit.Pagpasok ko, simangot na mukha ni Leandro ang agad sumalubong sa akin. May bitbit siyang tasa ng kape.“Bro… kumusta?” Lumapit ako, pero lumayo siya, de-kuatrong umupo, humigop ng kape, at nilapag iyon sa coffee table.Napa

    last updateZuletzt aktualisiert : 2026-03-26
  • Breaking Rules: The Sweetest Risk   Chapter 22 — Broke The Rules

    JyroneSa ginawa niya… wala na. Tuluyan na akong nag-init. Hindi ko na kayang tumigil. Bawat halik at haplos ko sa katawan niya, tinutugon niya.Darang na darang na ako.“Ferly…” sabi ko habang inaalis ang mga sagabal sa katawan niya. Ngayon, wala nang natira kundi ang maliit na saplot sa ibaba.“Yo

    last updateZuletzt aktualisiert : 2026-03-23
  • Breaking Rules: The Sweetest Risk   Chapter 23—Through the Back Gate

    “Magtago ka…” pabulong na sabi ni Ferly. Tarantang pinulot ang bathrobe na ginamit ko kanina. Nilukot at binalibag sa kwarto.“Saan ako magtatago?” Nagpalinga-linga ako. Wala akong masuksukan. Ang liit nga lang ng unit niya.Mabilis akong naglakad papuntang kwarto.“Sa’n ka pupunta?” pigil ni Ferly

    last updateZuletzt aktualisiert : 2026-03-23
Weitere Kapitel
Entdecke und lies gute Romane kostenlos
Kostenloser Zugriff auf zahlreiche Romane in der GoodNovel-App. Lade deine Lieblingsbücher herunter und lies jederzeit und überall.
Bücher in der App kostenlos lesen
CODE SCANNEN, UM IN DER APP ZU LESEN
DMCA.com Protection Status