Pagak akong napatawa, hindi ko akalain na sinayang ko lang ang oras ko para mag-alala sa isang tulad niya. “Sa tingin mo ba ay aagawin ko sayo si Jake? Tama ang alam mo na ex-wife niya ako, pero mali ka para isipin na gusto kong bumalik sa buhay niya.”Ako naman ngayon ang humakbang palapit sa kaniya, “Jamie, I already told you. Hindi worth it si Jake, at hindi ako tanga para agawin siya sayo. Go, magpakasaya ka kasama siya habang may halaga ka pa sa kaniya.”Bumuka ang bibig niya pero napahinto ng dumating si Raziel sa tabi ko, ang kaninang hindi maipinta niyang mukha ay mabilis na nagbago. “Hmm, andyan ka na pala nasaan si Jake?” Pagtatanong niya ng malambing.“Aah, I think may tumawag sa kaniya kaya nauna akong nakaalis. Parating na rin siya, hintayin na namin para hindi ka mag-isa dito.” Sabi ni Raziel at hinubad ang jacket niya at pinatong sa balikat ko, “ibalot mo sayo, malamig ang hangin.”“Oh, thank you.” Tulad ng sabi niya ay binalot ko ang jacket sa aking sarili at tumingin
Alas syete palang ay nagising na ako dahil sa alarm clock, hindi naman dapat ako mag-alarm pero dahil sa invitation ni Raziel para ngayong araw ay napilitan akong gumising ng maaga.Hanggang ngayon ay wala siyang sinasabi, kaya wala pa rin akong idea kung saan nga ba kami pupunta. Tanging alam ko lang ay importante na bagay ang pupuntahan namin, ayaw ko naman na kulitin siya.Papasok na sana ako sa banyo ng biglang mag vibrate ang cellphone ko, “what? Ang aga pa para tumawag ka, huwag mo sabihin na nasa labas ka na para sundin ako?”Mahinang tawa ang narinig ko, “ang sungit mo naman, Lorain. Gusto ko lang siguraduhin na gising ka na, baka kasi hindi mo ako sineryoso kagabi.”“Ngayon na sigurado ka ng gising ako, pwede ko na ba’ng patayin ang tawag para makapag gayak na?” Naiinip na tanong ko, nilalamig na kasi ako dahil tanging twalya na lang ang suot ko.“Well, yes. Take your time, kagigising ko lang naman.” Saglit siyang tumahimik pero hindi pa rin binababa ang tawag, “Lorain,” pagt
“Lorain, please. I need you to listen to me, just this one…”“Enough, Jake!” Binigay ko ang makakaya ko para pakawalan niya ang kamay ko, “tigilan mo na ako, may kanya-kanya na tayong buhay. Why don’t you focus on your business and fiancé?”“Jamie is---”“Anong nangyayari dito?” Bitbit ang paperbag na naglalaman ng dress ay nagtatakang lumapit samin si Raziel, “why are you here, Jake? Kasama mo ba si Jamie, namimili rin ba siya ng damit?”“I… No, hindi ko siya kasama pero bumibili ako ng panregalo na damit.” Sagot ni Jake at napahawak sa noo at saglit na hinilot ang kaniyang sintido.“Oh, is that so.” Hinila ako ni Raziel ng marahan palayo kay Jake, “it’s good to see you here, but can we go now? Katatapos lang mamili ni Lorain ng damit pero may mga kailangan pa kaming puntahan.”Tumingin sa akin si Jake na parang nagdadalawang isip pero walang magawa kundi tumango, “sure, you guys can go first.” Humakbang siya ng ilang beses paatras para bigyan ako ng space.“Thank you, sana ay makaha
“Are you okay, Lorain?” Nag-aalalang tanong ni Raziel sa akin habang tinitignan ang pasa sa aking kamay, hindi ko iyon maiiwasan dahil na rin sa higpit ng hawak ni Jake sa akin kanina.“Yes, pero hindi ko alam paano ko itatago ang mga ito para bukas.” Nahihiya kong sabi, hindi naman pwedeng i-display ko ang ganitong bagay sa family gathering nila Raziel bukas. “Also, salamat kanina pero paano mo kami nahanap?”“Nasa malapit lang si Craig that time kaya natawagan ko agad siya, luckily ay naabutan namin kayo.” Muli niyang dinikit ang cold compress sa akin, “and don’t worry, maliit lang naman ito baka bukas ay wala na rin.”Nakatingin lang samin si Craig at hindi nagsasalita, ayaw ko rin naman na maunang magpaliwanag lalo na at hindi naman siya nagtatanong. Medyo awkward lang at nakita pa niya ang ganoong klasing sitwasyon…Napatingin ako sa oras at late na, “ayos lang talaga ako, Raziel. Baka nagugutom ka na, hindi pa tayo nag-lunch.”“Oh right,” sabi niya at biglang tumayo, “Craig, mag
“Raziel!” Isang babae ang sumalubong ng yakap sa kaniya pagpasok palang namin ng gate, kung titignan ay college student palang ito. “Akala ko ay hindi ka makakarating ngayon, you have no idea how much I pleaded mom and dad to call you.”Napatingin naman si Raziel sa dalawang nasa mid forty or fifty na mag-asawa, hindi pa niya sinasabi kung sino ang mga ito ay alam ko na agad na sila ang parents niya. Kamukhang-kamukha niya si ang papa niya, na parang nakikita ko ang future.“Fortunately, ay nagpunta ka, sumasakit na ang ulo ko araw-araw dahil sa pangungulit ng kapatid mo.” Ang mama naman niya ngayon ang nagsalita, ang hinahon niyang magsalita at halatang alagang-alaga niya ang sarili.“Yes, kahit ako ay nakukulitan na rin sa paulit-ulit ninyo na pagtawag. By the way, this is for you guys.” Inabot niya ang binili na wine kahapon, alam ko na imposible pero somehow ay parang nakikita ko ang mga mata niyang mag-asawa na nag ningning.Napakagat ako ng labi para pigilan ang aking ngiti, ang
Jake’s POV“Grandpa, I heard you want to talk to me.” I stood straight in front of him, ito ang pinakahuling gusto kong mangyari. “It’s been a while since you asked me to come here.”“Are you really not aware about it, you bastard?!” He throws the ashtray in his table toward me, napabuntong hininga ako dahil doon. Ramdam ko ang pag-agos ng dugo mula sa aking noo pababa sa gilid ng mata.“Grandpa, it’s unfortunate but I’m ashamed because I have no really idea about it.” Nanatili akong nakatayo ng diretso sa harap niya, habang nakatingin sa mga matatalim niyang mata.“Gusto mo ba talagang mawala ang company na pinaghirapan ko na itayo?! Narinig ko mula sa parents ni Jamie na hindi mo na siya madalas sunduin, I did my research and I found out na may hinahabol ka na ibang babae.”I’m fully aware, yes, alam ko na malalaman at makakarating sa kaniya ang mga ginagawa ko ngayon pero hindi ko akalain na ganito kabilis. Tumango ako, “yes, you are right. I’m chasing someone else right now.”“And
Lorain’s POV“Thank you for coming with me, everything become smoothly because of you.” Sabi ni Raziel pagkababa ko ng kotse, walang nagbago sa pakikitungo niya pwera sa isang bagay.Mas lalo siyang naging caring sa bawat galaw ko, minsan ay ako na rin ang naiilang. Hindi naman dahil sa ayaw ko sa kaniya, but I’m not use to that kind of treatment. Isa pa ay aware ako sa pinapahiwatig ng bawat galaw niya, na mas lalong nakakapagpahirap sa akin paano ko iyon i-handle.“You are welcome, kasama naman sa usapan natin na maging maayos ang family gathering n’yo.” Ngumiti ako sa kaniya, “and about what you said, sigurado ka ba na maghihintay ka hanggang kaya ko ng sagutin ‘yun?”“Yes, I’m willing to wait. Alam ko naman na masyado na mabilis ang pangyayari lalo na ang confession na ginawa ko, meron pa akong time hanggang hindi natatapos ang project mo dito sa pilipinas.” Walang halong pressure o sama ng loob ang tono ng boses niya.Pero wala rin halong pilit at pagpapanggap iyon, he’s genuinel
“Oh!” Unang nagsalita ang tito ni Jake na halata agad na nakilala niya ako, “siya pa ang tinutukoy mo na may branches sa iba’t-ibang bansa at business partner ni Mr. Ramirez? Ang pinakaalaking distributer ng textiles?”“Yes, isn’t it amazing?” Pinagsiklop pa ni Jamie ang dalawa niyang kamay na para talagang tuwang-tuwa siya at nagkaroon kami ng project together, sana ay nag artista rin siya dahil ang galing niyang magpanggap.Naramdam ko ang kamay ni Raziel na unti-unting hinawakan ako mula sa likod hanggang yumakap ang kaniyang kaliwang braso sa aking bewang, “don’t worry, you have me.” Bulong niya.Doon palang ay alam ko na may idea na siya sa nangyayari, at nagpapasalamat ako dahil nasa tabi ko siya. Tumingin ako kay Jamie, alam ko na sinasadya niya ang lahat pero wala akong makita na pagsisisi sa mata niya.Sa halip ay ngumiti pa siya sa akin ng napakatamis na parang tuwang-tuwa sa mga nangyayari sa akin, is this her revenge? Ilang beses ko pa ba kailangan sabihin sa kaniya na wal