ANMELDENABALA kaming lahat sa pagrerepack ng mga gulay. I-export ito sa labas ng Japan. Ilang gabi na kaming overtime, sa hindi matatapos-tapos na trabaho. Si Calis ay iniiwan ko na lang sa kapitbahay ko na kakilala ko. Napahinto ako nang may makita akong naglapag ng juice at tinapay. Napaangat ang tingin ko sa nagbigay. Maaliwalas ang mukha at nakangiti si Lego sa akin. "Magmeryenda ka muna. Kanina ka pa subsob sa trabaho mo." Napatingin ako sa kanya, bahagyang nagulat. “Hindi mo na naman kailangang gawin ‘to…” sabi ko, pero inabot ko rin ang juice. “Hindi naman mabigat,” sagot niya, saka sumandal sa mesa sa tabi ko. “Tsaka mukhang hindi ka na humihinto.” Napabuntong-hininga ako at napatingin sa mga kahon ng gulay na halos hindi na nauubos. “Kailangan,” sagot ko. “Mas okay nang pagod kaysa… walang maibigay sa anak ko.” Saglit siyang natahimik sa sinabi ko. “Alam mo, hindi lang pera ang kailangan ng bata.” Mahinahon niyag sambit. Napatingin ako sa kanya. “Alam ko,” sagot ko agad.
"FLOWERS for you, Elisa..." sabay lahad ni Lego ng bulaklak sa akin. Saka, tumingin siya kay Calis. "I have something also for that special baby..." sabi pa niya. Napatingin ako sa hawak niyang bulaklak. Saglit akong natigilan bago ko iyon tinanggap. “Salamat…” mahina kong sagot, pilit na ngumiti. Lumapit siya kay Calis at inilabas ang isang maliit na stuffed toy mula sa dala niyang paper bag. “Para sa’yo ‘to, baby…” malambing niyang sabi habang inaabot iyon kay Calis. Agad namang ngumiti ang anak ko at inabot ang laruan. Napatawa si Lego nang marahan. “She likes it…” bulong niya, saka muling napatingin sa akin. Hindi ko maiwasang mapansin kung gaano siya ka-comfortable sa anak ko. Parang matagal na niya itong kilala. “Hindi mo naman kailangang magdala lagi…” sabi ko, bahagyang naiilang. “It’s okay,” mabilis niyang sagot. “I just want to see you… and her happy.” Parang may kung anong gumalaw sa dibdib ko sa sinabi niya. Hindi ako agad nakasagot. Tahimik na sandali ang nama
ARAW-ARAW na pumapasyal si Lego sa bahay. Nagdadala siya ng pasalubong na laruan kay Calis. Napapalapit na rin ang anak ko sa kanya na nakikita ko kung gaano kasaya ito sa tuwing nakikitang dumarating. Kagaya ngayon, nasa bahay na naman siya at nakikipaglaro sa anak ko. Hindi ko napansin ang paglapit ni Tita Gigi. "Alam mo nakikita kong mabait na bata 'yang si Lego," sabi ni Tita na ikinalingon ko sa kanya. "Tita. Hindi porket araw-araw sa bahay at malapit sa anak kk ay mabait na..." kastigo ko. "Aba, Elisa... napakasama mo naman kay Lego." Wika niya pa. Nakasimangot na pumunta ako sa kusina para ipaghanda ng meryenda si Lego. Nakasunod pa rin si Tita Gigi sa akin. Napabuntong-hininga si Tita Gigi habang nakasunod sa akin sa kusina. “Hindi ko sinasabing magtiwala ka agad, Elisa,” dagdag niya, mas mahina na ang boses. “Pero hindi rin naman masamang bigyan mo ng pagkakataon ‘yong tao. Lalo na kung nakikita mong totoo ‘yong pakikitungo niya kay Calis.” Hindi ako agad sumagot. Ta
NAPATINGIN si Lego kay Tita Gigi, halatang nagulat. “Opo… ako nga po ‘yon,” sagot niya, medyo alanganin ang boses. “Ah… ikaw pala ‘yon,” sabi ni Tita habang tumatango. “Ikaw ‘yong naghahanap kay Elisa, ‘di ba?” Bigla akong napatigil. “Ano?” mabilis kong tanong, napatingin kay Tita Gigi. Napakunot ang noo ko habang lumingon sa kanya. “Tita… anong sinasabi n’yo?” Napatingin naman si Lego sa akin, tila nag-aabang kung ano ang magiging reaksyon ko. “Noong isang araw lang,” patuloy ni Tita, wala akong kamalay-malay sa tensyon na may lalaking pumunta sa bahay. Ikaw ‘yon, ‘di ba hijo? Hinahanap mo si Elisa.” Parang may malamig na tubig na ibinuhos sa akin. Dahan-dahan akong napalingon kay Lego. “Totoo ba ‘yon?” tanong ko, hindi na kasing tapang ang boses ko. Napabuntong-hininga siya, saka marahang tumango. “Pumunta ako,” diretsong sagot niya. “Pero wala ka. Sinabi nilang wala ka raw doon.” Napalunok ako. “Ikaw… naghahanap ka sa akin?” halos pabulong kong tanong. “Ma
PINAGMAMASDAN ko si Calista habang natutulog. Ang dami ko nang naging pagkukulang sa anak ko. Ang hirap na hindi ko man lang kayang ibigay ang isang buong pamilya. Naisip ko na hindi na kami hinanap ni Calvin. Bakit pa ako aasa na isang araw kakatok siya sa pintuan ng bahay namin? Napabuntong-hininga ako at marahang hinaplos ang buhok ni Calista. “Sorry, anak…” bulong ko, halos hindi marinig kahit ako mismo. Ang daming tanong sa isip ko. Ang daming “bakit” na hanggang ngayon, wala pa ring sagot. Bakit hindi siya bumalik? Bakit hindi man lang siya naghanap? Ganoon na lang ba kadaling kalimutan ang lahat? Napapikit ako, pilit pinipigilan ang luha. “Hindi ka niya hinanap…” mahina kong sabi sa sarili ko. “Kaya tama lang na tumigil na rin ako.” Pero habang sinasabi ko iyon, parang may kumokontra sa loob ko. Dahil kahit anong pilit kong tanggihan… may parte pa rin sa akin ang umaasa. Napailing ako. Hindi puwede ‘to. Hindi na puwedeng ganito pa rin ako. Dahan-dahan akong tumayo
PAGKABUKAS ko ng pinto bumungad sa paningin ko si Calis na nakaupo sa kanyang baby chair. "Ay, gising pa ang baby ko..." nakangiting sabi ko at naglakad palapit sa anak ko. Lumabas naman mula sa kusina si Tita Gigi na suot pa ang apron. "Andito ka na pala, Elisa. Tamang-tama ang uwi mo nakaluto na ako ng panghapunan natin..." Ngumiti ako kay Tita Gigi at marahang tumango. “Salamat, Tita. Mukhang napagod ako ngayon… pero pag-uwi ko, parang nawawala rin,” sabi ko habang inaangat si Calis mula sa baby chair. “Ma…” bulong niya, sabay yakap sa leeg ko. Napangiti ako at hinalikan ang pisngi niya. “Miss ako ni baby?” “Aba, siyempre! Kanina pa ‘yan para kang hinahanap. Iyong amoy mo ata ang hinahanap niya,” natatawang singit ni Tita Gigi habang tinatanggal ang apron niya. “Hindi mapakali.” Napahagikgik ako. “Talaga ba?” Tumango si Tita at saka naglakad papunta sa mesa. “Halika na, kumain na tayo. Baka gutom ka na.” Dinala ko si Calis sa mesa at marahang pinaupo sa maliit niyang upu
"YOU can touch it, if you want... it's yours, only yours, Elisa..." sabi ni Calvin sa akin. Napakagat pa ako sa labi ko, parang dudugo na labi ko sa sobrang pagkakagat ko."H-Huh? A-Anong sabi mo?" Para akong nahiptohismo sa mga mata ni Calvin. Inaanyaya niya akong hawakan ang kanyang abs."I said,
PARANG kakaiba naman ang tingin ni Giselle sa akin. "Elisa, totoo ba ang sinasabi ni Calvin?" tanong niya na tinanguan ko agad. "Bakit?" tanong pa niya na nagugulat. "Alam mo naman si Calvin..." sagot na hindi detalyado. "Wait. Sinasabi mo na kasalanan ko?" Wika ni Calvin. "Oo. Dahil hindi ko m
NAKAUPO na ako sa upuan ko pero parang naiwan ko ang isip ko sa loob ng opisina ni Calvin. Hindi ko alam na gusto niya akong makasama, na gusto niya akong panagutan. Ngayon ko lang siya naringgan ng ganito. Iyong una na may nangyari sa amin, parang wala lang sa kanya. Ni hindi ko siya narinig na m
"ELISA, aminin mo na kung sino ang lalako mo. Sabihin mo sa akin kung sino ang nagbigay sayo ng mga bulaklak." May diing sabi ni Calvin. Ipinatawag niya ako sa loob ng opisina niya para lamang sa mga bulaklak. "Sinabi ko naman po na hindi ko alam kung sino ang nagbigay," sagot ko. Akala ko wala na







