ANMELDEN“Sigurado na akong maghihiwalay na sila.”Mahinang boses iyon, ngunit sapat para umalingawngaw sa maliit na grupo. Nakasandal si Patrick sa bar counter, hawak ang baso ng alak habang nakatitig sa likidong umiikot sa loob nito.“Pero kung kailan at paano… nakadepende pa rin kay Xavier.”Napailing ang ilan. May mga napairap, tila hindi kumbinsido.“Grabe, Patrick. Ganun ka kalapit kay Xavier pero hindi mo pa rin alam?” may bahagyang panunuyang sabi ng isa. “Ibig sabihin, hindi pa talaga tapos ang lahat?”“Sa totoo lang,” singit ng isa pa, “parang hindi na rin naman siya ang may kontrol kung matutuloy ang hiwalayan o hindi.”Napakunot ang noo ni Patrick. “Anong ibig mong sabihin?”Bahagyang lumapit ang lalaki, saka ibinaba ang boses. “Ang lola ni Xavier… pabor na pabor kay Mayumi.”Agad na natahimik ang grupo.“Kung hindi siya sang-ayon, sa tingin mo ba gagawin ni Xavier ang isang bagay na makakasakit sa kanya? Kilala mo siya. Hindi niya kayang suwayin ang lola niya.”Saglit itong tumigi
Gabi na nang tuluyang mapuno ang buong hotel. Isang engrandeng lugar na eksklusibong ipinabook ni Ginoong Valerio para sa espesyal na okasyon.Ang unang tatlong palapag sa itaas ay nakalaan para sa mga regular na bisita bilang mga lounge. Samantalang ang mga susunod na palapag ay hinati-hati para sa mga pribadong lounge ng iba’t ibang pamilya. At sa pinakatuktok, nandoon ang lounge ng pamilya Valerio.Tahimik, elegante, at puno ng kapangyarihan. Sa isa sa mga silid doon inilagay ang gown na inihanda ni Xavier para kay Mayumi, isang gown na tila simbolo ng isang relasyong unti-unting nagiging komplikado.Paglabas ni Mayumi mula sa elevator, agad niyang napansin si Kiel sa hallway. Nakasandal ito sa pader, naka-cross ang mga braso. Ang isang kamay ay sumusuporta sa kanyang siko, habang ang hinlalaki naman ay bahagyang nakadikit sa kanyang labi... isang pamilyar na postura.Matagal na niyang hindi nakikita si Kiel na ganito. Ganito lang ito kapag may mabigat na iniisip, kapag may problem
Nagulat si Andra nang bigla siyang tawagin ni Xavier sa lounge, lalo na’t napakaseryoso ng tono nito.May kakaibang bigat sa boses ng kanyang kuya na hindi niya madalas marinig.Pagpasok pa lamang niya sa loob, agad siyang napahinto. Malamig ang ekspresyon ni Xavier, parang pinipigilan ang galit.Si Ysabel naman ay tahimik sa gilid, ngunit halatang tensyonado, ang mga mata ay may bakas ng pag-aalala at kaba.Biglang kumabog ang dibdib ni Andra. Matagal na niyang hindi nararamdaman ang ganitong klaseng atmosphere... yung mabigat, nakakasakal, at tila may sasabog anumang oras.Naalala niya ang mga panahong hindi pa naghihiwalay sina Xavier at Ysabel. Hindi man madalas ang kanilang pagtatalo, pero sa tuwing mangyayari iyon… ganito palagi ang hangin, punong-puno ng tensyon.Anong nangyayari? Nag-away na naman ba sila?Ngunit agad niya ring itinanggi iyon. Sa mga nakaraang araw, maayos ang lahat sa pagitan ng dalawa.Mas naging malapit pa nga sila. At doon… may isang pangalan na kusang su
“Sige,” marahang tumango si Mayumi, ngunit ang kanyang tinig ay matatag at walang bahid ng pag-aalinlangan.Walang kahit anong pahiwatig ng biro sa kanyang mga salita, parang matagal na niya itong pinag-isipan, parang matagal na niyang inihanda ang sarili para sa ganitong sandali.Saglit na natigilan si Chrstian. Hindi niya inaasahan ang ganoon kabilis at kaseryosong sagot.“Hindi mo ba kailangang pag-isipan muna?” tanong nito, bahagyang nakakunot ang noo ngunit may nakapirming ngiti sa labi.“Kakahiwalay mo lang kay Xavier,” dugtong nito, bahagyang pabiro ang tono pero may halong pag-aalala. “Tapos ngayon, papasok ka agad sa relasyon… sa akin pa. Hindi ka ba natatakot sa sasabihin ng mga tao?”Mahinang natawa si Mayumi, isang tawang may halong pagod at pagtanggap. “Pagkatapos ng diborsyo ko kay Xavier, pag-uusapan ako ng mga tao kahit ano ang piliin ko. Kapag nanatili akong mag-isa, may masasabi sila. Kapag nakipag-date ako agad, mas lalo silang magsasalita.”Bahagya siyang napatingi
Hindi na pinansin ni Xavier ang gulat at pamumutla sa mukha ni Ysabel. Wala itong sinabi, wala ring ipinaliwanag.Sa halip, marahas niyang binitawan ang kamay nito, parang may bagay na gusto na niyang putulin, isang bagay na matagal na niyang kinikimkim ngunit ngayon ay hindi na niya kayang dalhin pa.At pagkatapos tumalikod siya at naglakad ng diretso at walang pag-aalinlangan... Iniwan niya si Ysabel.Ang tunog ng kanyang mga hakbang ay unti-unting nawala sa malamig na gabi, kasabay ng katahimikan na iniwan niya sa pagitan nila.***** Huminto lamang si Mayumi nang marating nila ang hall. Mas maliwanag doon, mas maayos at mas ligtas.Ngunit ganun pa man, ay hindi nito nabura ang lamig na bumabalot sa kanyang katawan, o ang bigat na naiwan sa kanyang dibdib.Basang-basang pa rin ang kanyang buhok, tumutulo ang tubig pababa sa kanyang leeg. Ang kanyang damit ay dumikit sa kanyang balat, nagpaparamdam ng bawat panginginig, bawat alaala ng muntik niyang pagkalunod.Dahan-dahan siyang h
Hindi man nagsalita nang direkta si Xaxier, hindi man ito umamin... alam ni Mayumi, alam niyang naintindihan ni Xavier ang lahat.Ang paraan ng pag-iwas ng tingin, ang bahagyang pag-aalinlangan sa kanyang mga mata, ang katahimikang puno ng ibig sabihin. Ngunit kahit ganoon, pinili pa rin nitong huwag usigin ang katotohanan, pinili nitong huwag itong palakihin.Pinili nitong palampasin na parang walang nangyari, parang walang muntik mamatay at parang walang buhay na nalagay sa alanganin.Isang mahina at mapait na tawa ang kumawala sa labi ni Mayumi... halos hindi marinig, ngunit sapat para maramdaman ang bigat nito.Dahan-dahan niyang inangat ang kamay ni Xavier na nakahawak sa kanya… at marahang tinanggal iyon.... Hindi marahas, hindi galit kundi puno ng desisyon. Isang hakbang paatras, isang distansyang matagal na niyang dapat ginawa.“Hindi na kailangan,” mahinahon niyang sabi, ngunit malinaw ang bawat salita. “Kahit hindi ka sumama, alam ko ang daan.”Saglit siyang tumigil at saka
Nabalitaan na ni Christian ang kuwento noong nasa ibang bansa pa siya. Noong panahong ikakasal na ang pinsan niyang si Steven Sager sa fiancée nitong si Monica Blaze, palihim na tinulungan ni Mayumi si Monica na takasan ang kasal.Galit na galit si Steven sa nangyari. Hindi lang kay Mayumi nakatutok
Siniyahan siya ni Christian patungo sa isang malapit na upuan at sabay silang naupo. Uminom ito ng alak at pasimpleng ngumiti.“Having a beautiful young lady sitting in front of me changes everything. Even the wine tastes sweeter,” komento nito.Hindi niya pinansin ang mga parinig ni Christian. “Le
Pag-uwi niya na tangan ang divorce papers, agad niyang napansin ang kalat sa loob ng bahay. Nagkalat ang mga balat ng orange at ang mga shell ng mani sa mesa sa sala. Nakahiga ang kasambahay na si Nora sa sofa habang nagbabalat ng sunflower seeds at nanonood ng Korean drama.Parang hindi lang nito
Tahimik na pinagmasdan ni Mayumi si Xavier, napansin niyang ilang minuto na itong nakatigil mula nang makita ang mga dokumento… Masaya ba ito dahil sa wakas ay pumayag na siyang makipag divorce?Siguro nga, bulong niya sa sarili. Kapag pinirmahan ni Xavier ang mga papeles ay hindi na siya nito kail







