Share

Chapter 24

Hindi ako nakatulog kaagad dahil laman pa rin ng isipan ko ang sinabi ni Nanay Isang sa akin.

Sa loob ng limang taon ay sinubukan kong kalimutan na ang lahat ng nangyari sa amin ni Damon. Paulit-ulit ko ring pinaniwala ang sarili ko na naka move-on na ako sa kaniya hanggang sa dumating ang araw na iyon na ang pinaniwalaan ng isipan ko.

Ngunit paano naman ang aking puso? Naka move-on na rin ba ito o nanatili pa ring si Damon ang itinitibok? Natatakot akong malaman ang sagot lalo na at malakas ang hinala ko na hindi ko magugustuhan ang sagot na makukuha ko mula rito.

Napabuntonghininga na lamang ako at niyakap ang natutulog kong anak.

Gagawin ko ‘to para kay Damien, para sa kasiyahan niya. Hindi ko na dapat isipin pa ang nararamdaman ko dahil ang pinakamahalaga para sa akin ay ang kasiyahan ng aking anak.

“Oh, hi!” nakangiting bati ko kay Daniel noong makita ko siya sa grocery store habang namimili ako.

“Hi!” ginantihan niya ang ngiti ko at lumapit na sa akin.

Namimili rin siy
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status