Share

CHAPTER 10

ATASHIA

Lapu-Lapu, Magellan, Heneral Luna…

Lahat na yata ng magigiting na taong nakilala ko sa history ay naisip ko habang ipinagtatanggol ako ni Lance laban kay Gemma. Pero hindi ko mapigilan ang mapabungisngis ng maalala ko si Gagamboy. Panay kasi ang kumpas ni Lance habang inuutusan niya ang mga guards na huwag na huwag palalapitin sa akin si Gemma. Para siyang ang pinoy hero na napanood ko.

"Iyong asawa mo, may plus three sa akin," bulong ni Loida. "Grabe pala siyang magalit. First time kong nakita siyang gan'yan. Sa restaurant kasi, kahit nagkakamali kami ay hindi naman siya nagagalit. Ikaw lang pala ang may kakayahan na palabasin ang demonyo sa katawan niya."

"Tumigil ka nga. Ang daldal mo," bulong ko kay Loida.

Bahagyang lumayo sa akin ang kaibigan ko nang makita niyang lumalakad si Lance palapit sa 'kin.

"Are you hurt?" tanong ni Lance sa akin sabay tingin n'ya sa pisngi kong dinapuan ng palad ni Gemma.

"Nakakainis ka. Hindi mo man lang ako hinayaan na gumanti," sagot ko.
Заблокированная глава
Продолжайте читать эту книгу в приложении
Комментарии (16)
goodnovel comment avatar
Jenifer Padallan Mendoza
salbahe talaga nanay mo ay grabe aba
goodnovel comment avatar
Lyn F. Caluttong
Nakakaloka Ang Nanay mo Atashia wla na syang pinipiling Lugar at taong pwedeng saktan..Pati Ang Asawa mong Si Lance Hindi nakalagpas sa Nanay mo..kailan ba magtitino Ang nanay mo Atashia .. thank you Author sa update
goodnovel comment avatar
Claudia Rico
grabe Naman Ang Ina ni Atashia baka Hindi sota totoong anak
ПРОСМОТР ВСЕХ КОММЕНТАРИЕВ

Related chapter

Latest chapter

DMCA.com Protection Status