Share

Chapter 61.2

last update publish date: 2026-04-26 19:08:27

BAGO PA MAN MAKAPAGSALITA si Gail upang sabihin na hindi ni Leon kailangang sumama dahil kaya naman niyang e-handle ang mga bata, hindi niya inaasahang biglang papayag si Leon sa nais ng kanyang inang mangyari. Buong akala niya ay tatanggi ang lalaki at idadahilan na busy siya sa kanyang trabaho. Ngunit naging taliwas na doon ang nangyari.

“Okay, Mom. Sasama na ako sa kanila.”

Jaxon was overjoyed to learn that his father was also going. Si Gail naman ay nanatiling nakatitig sa kanya.

“Talaga,
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Getteskie Sualog
hahaha ayan jaxon ngayon kang ako natuwa sayong bata ka HAHAHA
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Divorce is not an option, Mrs. Lombardi   Chapter 62.1

    KUNG LUMAKAD KASI si Gail akala mo namamasyal ito sa ilalim ng buwan o sa gitna ng taniman ng mga bulaklak. Napakabagal na para bang nais niyang namnamin ang bawat sandali na naroon siya sa lugar. Lingid sa kaalaman ni Leon, sa mga sandaling iyon ay nais ni Gail pahintuin ang pag-andar ng oras. Marahil ay dahil kakaiba ang sayang hatid ng bonding nila ngayon sa kanyang puso. Feeling ng babae ay hindi sila nakatakdang maghiwalay kaya nahiling niya rin ito.“Bakit ako magkakasipon? Basa naman na ako.” bulong-bulong ni Gail na walang lakas iparinig iyon sa asawa.Inabutan na siya agad ni Leon ng tuwalya pagdating niya sa harap ng cottage. Akmang ito pa nga sana ang magbabalot sa katawan ni Gail ngunit kinuha na iyon ng babae. Hindi na niya hinintay gumalaw ang asawa. Nahihiya na siya sa mga mata ng tatlong batang nakatitig sa kanila na tila magandang panoorin ang eksenang iyon sa harapan nila ngayon. Malamang ikukuwento na naman iyon ng mga pinsan sa kanilang Lola. Iginalaw na lang ni Ga

  • Divorce is not an option, Mrs. Lombardi   Chapter 61.3

    NAPALINGON NA SI Leon sa bulto ni Gail na tapos ng magpalit noon. Naburo na ang kanyang mga mata sa katawan ng babae na noon niya lang ulit napagmasdan ng matagal. Perfect pa rin ang kurba nito kahit na ang suot ay rashguard lamang din. Nang titigan siya ni Gail dahil narinig nito ang kanilang usapan, napaiwas na ng tingin si Leon na binaling na sa kanyang anak. Marahan niyang hinaplos ang ulo nito. Hindi niya maintindihan kung bakit gusto niyang ibalik ang tingin kay Gail. “Hindi naman kita minamadaling magdesisyon, Jaxon. Pwedeng pagkatapos natin mag-surfing saka ka mag-decide.” “Okay…” maikling tugon ni Jaxon na tumakbo na palapit sa kanyang ina, alam na niya agad ang desisyon mamaya. Magkakasabay na silang naglakad patungo ng dalampasigan matapos na magpalit ni Leon ng damit. Bitbit ni Leon ang surfing board ni Jaxon at Gail habang akay ang isang kamay ng bata. Wala siyang planong mag-surfing, naroon lang siya upang alalayan ang kanyang mag-ina at mga pinsan nitong nauuna na s

  • Divorce is not an option, Mrs. Lombardi   Chapter 61.2

    BAGO PA MAN MAKAPAGSALITA si Gail upang sabihin na hindi ni Leon kailangang sumama dahil kaya naman niyang e-handle ang mga bata, hindi niya inaasahang biglang papayag si Leon sa nais ng kanyang inang mangyari. Buong akala niya ay tatanggi ang lalaki at idadahilan na busy siya sa kanyang trabaho. Ngunit naging taliwas na doon ang nangyari.“Okay, Mom. Sasama na ako sa kanila.” Jaxon was overjoyed to learn that his father was also going. Si Gail naman ay nanatiling nakatitig sa kanya.“Talaga, Daddy? Sasama ka sa amin mag-surfing ngayon?” “Oo, Jax. Bakit? Ayaw mo ba akong sumama sa inyo?”Kumibot-kibot na ang bibig ni Leon habang nakatitig pa rin sa magiging reaction ng kanilang anak. “Of course, gustong-gusto ko. Kagabi pa nga kita inaaya di ba? Sabi mo titingnan mo pa. Sasama ka pala eh.” Tumawa lang si Leon na inayos na ang mga documents sa kanyang lamesa. Inihanda na rin ni Gail ang kanilang sarili. Nagpaalam na sila sa Ginang na halos mapunit ang labi nang dahil sa matingkad n

  • Divorce is not an option, Mrs. Lombardi   Chapter 61.1

    PUNO NG INIS NA siyang hinarap ni Nica. Hindi niya ikinaila iyon. Pinakita na ang inis sa pamamagitan ng paghalukipkip ng babae. Bumusangot din ang mukha niya, dinisplay pa ito sa harapan ni Yohan.“Kanina ka pa ah? Spokeperson ka ba ni Gail? Pansin ko lang na pinagtatanggol mo siya nang pinagtatanggol. May gusto ka ba sa kanya?!” Itinaas ni Yohan ang dalawa niyang kamay na tila sumusuko. Nilingon niya si Caden na kasama nila. “Huwag ka ngang magbigay ng isyu, Nica, marinig ka ni Leon baka isipin noon totoo ang sinabi mo!” Sumulyap pa si Yohan kay Caden, tila humihingi ng tulong. Iniwasan naman siya ng tingin ng lalaki na nakapako na sa papalapit na bulto ni Leon ito. “Tama na iyan. Huwag niyo ng iparinig pa kay Leon ang mga kalokohan niyo.” tanging saway ni Caden na nagtataka na rin sa gawi ni Yohan.“Tara na…” seryoso ang mukhang sambit ni Leon na diretsong lumulan sa loob ng sasakyan oras na makalapit sa kanila. Nagkatinginan naman ng may kahulugan sina Yohan, Caden at Nica sa

  • Divorce is not an option, Mrs. Lombardi   Chapter 60.3

    HABANG TAHIMIK NA lulan ng elevator ay hindi nakaligtas sa paningin ni Gail ang may kahulugang mga titig ni Yohan sa kanya. She turned and gave him a cold look. Kanina sa loob ng silid ay nagagawa pa niyang magtimpi, ngayon ay hindi na iyon. Sa palagay niya ay nilalait na naman siya o di kaya ay pinag-iisipan ng masama ng kaibigan ni Leon na si Yohan.“Have you stared enough?” walang kurap na tanong niya habang naka-fixed pa rin ang mga mata sa kaibigan ng asawa.Biglang nahimasmasan si Yohan na napaayos na ng tayo. Nilingon na rin siya ni Caden at Leon. Iba na ang titig ng dalawang lalaki kay Yohan. Ibinuka ni Yohan ang kanyang bibig, ngunit bago makapagsalita ay bumukas na ang pintuan. Inignora pa rin silang tatlo ni Gail na nauna ng lumabas ng elevator. Wala siyang panahong makipaglokohan sa tatlong ito. Sumunod lang naman sa kanya ang tatlong lalaki na nagpapakiramdaman kung sino ang unang kakausap dito kay Gail.“Her attitude towards you has really changed a lot, Leon.” mahinang

  • Divorce is not an option, Mrs. Lombardi   Chapter 60.2

    DINEADMA LANG ANG message na iyon ni Gail. Para sa kanya ay hindi ito importante. Hindi sila magkaibigan para kanyang reply’an. She believed that Leon could understand what it meant by not replying to his message, even if he were a fool. Hindi na muling nag-send ng message ang lalaki, ipinagkibit lang iyon ng balikat ni Gail. Sanay na sanay na siya sa lalaki.“Oh, Zilpha, napatawag ka?”Sinagot niya ang tawag ng kaibigan bandang tanghali ng araw na iyon. Matagal-tagal na rin noong huli silang nagkausap na dalawa nito. “Girl, nakita ko ang asawa mo!” bungad agad ng kaibigan na akala mo ay natubigang palaka, “Ay mali, itama ko lang. Your future ex-husband ang tinutukoy ko, Gailyn. He was helping your grandmother up the stairs outside the restaurant. Ang gentleman naman. Ano ‘yun? Bagong sibol na dahon at nais niyang ipakitang magbabago na siya, ha? Ha?”Walang humor na natawa si Gail sa pagbabalitang iyon ni Zilpha.“Anong bagong dahon na pinagsasabi mo?”“Wait, could it be that you tw

  • Divorce is not an option, Mrs. Lombardi   Chapter 32.2

    SA KABILANG BANDA, sa main table ng birthday banquet, tahimik na nakaupo pa rin si Leon at hindi na napigilan na sulyapan ang asawang si Gail. Abala ang kanilang anak na kalaro ang mga pinsan niya kung kaya naman hindi siya nakikigulo sa mga magulang. Sa totoo lang ay hindi pa rin noon nakakabawi s

  • Divorce is not an option, Mrs. Lombardi   Chapter 30.1

    PAG-UWI NIYA NG villa ng gabing iyon ay nakatanggap na naman siya ng tawag sa anak. Panay pangungulit na naman nito na umuwi siya. Napag-alaman din niyang wala umano si Leon. “Busy pa ako ngayon Jaxon, bukas uuwi ako diyan.” “Promise, Mommy?” “Oo.” Wala pa ‘ring regalong nahahanap si Gail para

  • Divorce is not an option, Mrs. Lombardi   Chapter 28.2

    NAG-IWAS NG TINGIN si Gail, hinarap niya ang mga gamit sa harapan at tahimik na inayos niya na iyon. “Naligo ka na ba, Jaxon?”Hindi tinanong ni Gail ang anak kung sino ang tumulong sa kanyang maligo. “Antok ka na ba?”“Hmm, I’m sleepy.”“Then matulog ka na. Ano pang tinatayo mo diyan?”“Okay, Mo

  • Divorce is not an option, Mrs. Lombardi   Chapter 27.1

    BIGLANG BUMUKAS ANG kabilang pintuan ng elevator at lumabas doon si Yohan. Nagulat si Gail nang makita niya ang lalaking narito. Hindi niya alam na pumupunta rin pala ito ng pool. Akala niya ay si Caden lang iyon. Hindi na naman nagulat ang ina at si Leon sa presensya ni Yohan. Tumaas ang isang kil

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status