"Masaya ka na ba?" Napalingon si Hiraya kay Reyko, madilim ang mata nitong nakatingin sa kan'ya. Punong-puno ng magkamuhi siya nitong tinitigan na para bang lalapain siya nito ng buhay. Iniwas niya ang tingin sa lalaki, namumula ang kan'yang mukha pati na ang kan'yang mga mata. Kanina lamang ay hinawakan nito ng mahigpit ang kan'yang leeg kung kaya't nahirapan siyang huminga. Para siyang isang isdang napunta sa lupa't nawawalan ng hininga. Hindi niya napigilan na maubo dahil sa sobrang sakit ng kan'yang lalamunan. "Lumapit ka kay grandpa para ano? Tinake-advantage mo ang kabutihan niya't nagsumbong ka pa na buntis ka? Sino ka para gawin iyon sa akin, Hiraya!?" sigaw ni Reyko habang galit na galit na tiningnan ang babae. Kitang-kita ni Hiraya kung paano tumayo si Reyko at inayos ang sarili. "Talagang nagpabuntis ka pa talaga para makuha mo ang gusto mo? Para mapabilang sa angkan namin? What a gold digger! Tangina, nakakadiri ka, Hiraya." Alam ni Hiraya na kinamumuhian na siya ni
Sa mansyon ng mga Takahashi. Ang Don ay tahimik na nanunuod ng telebisyon habang umiinom ng isang tasang kape. Ang mukha ng matanda ay mabangis at sobrang napakalamig. Talagang kitang-kita mo ang galit na galit na ekspresyon sa mga mata kung kaya't walang tao roon na nangahas na kausapin ang Don. Si Butler Naiko na sanay na sanay na sa galit na ekspresyon ng Don ang nangahas na lumapit at kinausap ito. "Don Raymundo, ang young master po at si Madam Hiraya ay papunta na po rito. Huwag po kayong mag-alala, malapit na raw po sila." "Tanginang Reyko na 'yan. Malapit na ang kaarawan ko, ni hindi man lang ako binigyan ng katahimikan! Gumawa pa talaga ng isang scandal sa medya!" galit na galit na sabi ng Don. At dahil narinig iyon ni Olivia ay agad nitong pinagtanggol ang anak nitong si Reyko. "Kilala mo naman ang apo mo, Dad. Kung tutuusin, kasalanan ito ni Hiraya, alam naman niyang may ibang mahal ang anak ko ay kinanti pa nito. Nagpabuntis pa talaga ang punyeta. Kung hindi sana niya
“Kailan ba magbabago ang lalaking iyon? Sobrang nakakainis na ang pagkabarumbado niya!” inis na sabi ng Don nang umalis si Reyko sa sala. Nakatingin lamang ang Don kay Hiraya, malamig at mabangis ang mga mata nito, alam ng Don kung gaano kalayo ang mag-asawa sa isa’t-isa. Alam iyon ng Don noo pa man. Natawan ng mahina si Hiraya at napailing. Hindi na lamang niya pinansin ang sinabi ng matanda at nakinig lamang ng tahimik. “Ang nangyari noon ay matagal na rin naman. Anak niya ang dinadala mo kung kaya’t bakit ang hirap nitong tanggapin ka sa buhay niya? Isa pa, obligasyon niyang panagutan ka!” inis na sabi pa ng matanda. Nang marinig ang sinabi ng matanda ay agad na nagsalita ang ina ni Reyko. “Papa, hindi mo naman mapipilit ang isang tao sa hindi niya mahal. Kaya ganyan ang apo niyo dahil hindi naman niya mahal si Hiraya at naanakan lang niya ito. Ano bang mahirap intindihin doon?” “Huwag mong sabihin at mahiya ka naman sa harap talaga ni Hiraya? Kasalanan ba ni Hiraya ang lahat?”
Kitang-kita ni Hiraya ang pag-aalala at takot sa mukha ni Reyko nang makita ang kapatid niyang punong-puno ng dugo habang tinitingnan ng doktor. Parang may gustong sabihin ang lalaki ngunit hirap itong magsalita. Napaawang ang mapupulang labi nito upang handa na sanang magtanong ngunit naunahan ito ng doktor. “Pasensya na Mister. Nakunan na ang misis mo’t hindi na namin naligtas ang bata sa sinapupunan niya. Kailangan ng maraspa ang loob nito sa lalong madaling panahon baka ika-lason pa ng asawa mo ito. Pakipirmahan na lamang sa kin ng pasyente.” Agad na binigay ng nars ang form kay Reyko. Nanginginig namang kinuha ni Reyko ang papel at agad na pinirmahan ito. Si Mayari ay agad na pinasok sa emergency room upang maraspa na ngayon ay namimilipit sa sakit. Nang makita ang sitwasyong iyon ay hindi mapigilan na sumikip ang dibdib ni Hiraya. Hindi siya makapaniwala sa nagawa ng asawa niya sa kan’ya. Sa harap niya mismo at sinampal pa siya ng katotohanan—niloloko na pala siya ng asawa m
“Talagang okay lang, Hiraya? Sabi ng doktor ay maselan ang pagbubuntis mo ngayon kaya dapat ay huwag kang magpapagagod at magpapa-stress. Alam mo na ang dapat mong gawin, okay? Mag-te-text ulit ako sa’yo mamaya, mag-se-send din ako ng list ng mga masusustansyang pagkain na kakainin mo,” sabi ni Mayumi habang nag-aalalang nakatingin sa kaibigang si Hiraya. Nasa harapan na sila ngayon ng bahay nila ni Reyko, hinatid kasi siya nito, ayaw na sana niyang makaisturbo pa sa babae ngunit ito naman ang nag-insist sa kan’ya. “Naiintindihan ko, Mayumi. Pasensya na, inisturbo at pinag-alala pa kita.” Hinawakan ni Mayumi ang kan’yang kamay saka pinisil iyon, sumilay ang mapait na ngiti ng kaibigan at seryosong nakatitig sa kan’ya. “Hiraya, kailan ka pa magttyaga riyan sa asawa mong nuknukan ng kasamaan? Iyong nangyari noon ay hindi mo naman kasalanan, hindi mo naman ginustong mabuntis niya, ‘di ba? Ginawa mo lang naman ang lahat upang magkaroon ng kompletong pamilya iyang anghel na nasa sinapup
Malamig na tinitigan ni Reyko ang divorce paper na hawak-hawak ni Hiraya, nilampasan lamang ng lalaki ang papel at umupo sa malambot na kama nila.Kinuha ang isang sigarilyo at humithit doon. Alam niyang alam na ng lalaki kung ano ang naglalaman ng papel na hawak-hawak niya. Kita niya ang paghithit ng sigarilyo ni Reyko at mabilis na ibinuga iyon kung kaya’t nagkaroon ng usok ang silid. Napaubo si Hiraya at napahawak sa kan’yang tiyan. Gan’to ang lalaki, walang pakialam sa kan’ya kahit na buntis siya. Siguro naman alam nitong masama sa usok ng sigarilyo ang buntis ngunit patuloy pa rin ang paninigarilyo nito sa harap niya. Matapos ang sandaling katahimikan ay nagsalita ang lalaki, “Napag-isipan mo na ba ‘yan ng mabuti? Sigurado ka na ba sa desisyon mo?” Ang ekspresyon ni Reyko habang tinatanong iyon ay kalmado, ni walang nakikitang ibang ekspresyon si Hiraya rito. “Oo naman.” Hindi maiwasang manginig ni Hiraya habang nagsasalita. Pagod na pagod na rin kasi siya sa relasyong siya
Dahan-dahang minulat ni Hiraya ang kan’yang mga mata. Nakahinga siya ng maluwag nang makitang nasa loob pa rin siya ng kanilang kwarto. Salamat sa Diyos dahil hindi pa siya patay, akala niya’y malalagutan na siya ng hininga dahil sa pagkakasakal sa kan’ya ni Reyko. Tumulo ang luha ni Hiraya habang nakatingin sa kisame. Napahinga siya ng malalim saka napahawak sa kan’yang tiyan. Mabuti naman at ligtas sila ng anak niya. Subalit hindi na sila magiging ligtas pa kung mananatili pa siya sa tabi ni Reyko. Matapos na makapag-ayos ay agad na bumaba si Hiraya upang mag-almusal dahil sobrang nagugutom siya. Nang makaupo sa mesa ay agad na pinaghandaan siya ng mga katulong doon. “Madam, ang sir po ay maagang umalis kanina,” sabi ng katulong kung kaya’t tumango na lamang siya. Palagi niya kasing tinatanong sa mga katulong kung nasaan na ang sir nila upang paghandaan sana ng almusal. Nang matapos mag-almusal ay agad na bumalik si Hiraya sa kwarto, kinuha ang maleta at wallet nia at bumaba ul
Huminga ng malalim si Hiraya at napaupo sa upuan na nasa gilid ng kwarto ng kan’yang ina. Napahilot siya sa kan’yang ulo saka napahawak sa tiyan. Biglang nawalan siya ng lakas dahil sa pagkikita nila ng kan’yang kapatid na si Mayari. “Hiraya! Nakita ko ang kapatid mong kakalabas lamang kanina, anong nangyari? Okay ka lang ba? Tanginang kabit na iyon, talagang bumisita pa talaga rito sa ospital, para ano? Para guluhin ka na naman? Ha! Kung hindi ko lang ito workplace ay sinabunutan ko na talaga kanina!” galit na galit na sabi ni Alena, nanginginig ang mga kamay nito dahil sa sobrang inis sa kapatid niya. “Hayaan mo na, Alena. Hindi niya ako matatalo, kilala mo naman ako,” sagot ni Hiraya saka inayos ang sarili. “Hayaan?” inis na sabi ni Alena. “Hindi! W-Wait…” Napakunot ang noo ni Alena, “Balita ko makikipaghiwalay ka na kay kupal? Totoo ba iyon? Mabuti naman at natauhan ka na!” Napatango si Hiraya bilang sagot, “Subalit ayaw niyang pirmahan.” “What? Ayaw niyang pirmahan at ano n
Nakahinga ng maluwag si Hiraya nang palayain siya ni Reyko. Nakarating sila sa mansyon ng matiwasay at hindi na nagiimikan pa. Dire-diretso siyang pumunta sa kwarto at uminom ng gatas. Pagkatapos noon ay nakatulog siya ng mahimbing. Kinabukasan… Dahil wala namang masyadong ginagawa sa kanyang studio ay nagpahinga na lang muna si Hiraya sa bahay buong araw. Maraming masasarap na pagkain ang inihanda ni Manang Koring para sa kanya, kaya naman bumalik ang kanyang sigla."Madam, ipinagluto ko kayo ng sopas, tikman niyo!" Inilapag ni Manang Koring ang isang malaking mangko sa mesa, "Mamayang gabi, ipagluluto ko pa kayo ng tinola at adobo na paborito niyo!."Agad namang nagsalita pa ang matanda, "Simula ngayon ako na ang mag-aalalaga sa’yo, hija, hindi na kita papayagang kumain kung saan-saan sa labas, sumakit daw ang tiyan mo kagabi!"Ngumiti si Hiraya at nang akmang magsasalita na sana siya ay tumunog naman ang kanyang cellphone na nakapatong sa mesa.Nang tingnan niya ito, isang hindi p
Habang nagsasalita silang dalawa ay dumating naman si Hiraya na inaalalayan si Sunshine papalapit sa kanila. For the lapit naman si Rhob upang tulungan si Hiraya. “Hiraya, umuwi ka na, ako na ang maghahatid kay Sunshine.” “Mukhang naparami ang inom ni Sunshine kung kaya’t dahan-dahan lang sa pagmamaneho baka masuka na naman siya,” bilin ni Hiraya kung kaya’t tumango at ngunitian pa siya ng matamis ni Rhon. "Sige, huwag kang mag-alala, hindi ko bibilisan ang pag-drive…" Tumingin si Rhob kay Reyko, at nag-aalangan na tumingin kay Hiraya, "Kung kailangan mo ng tulong o may kailangan ka, huwag kang mahiyang tumawag sa akin." Tumango si Hiraya, "Sige, magiingat kayo." Dalawa na lang silang nakatayo sa harap ng restaurant. Tapos ng kumain si Hiraya kung kaya’t medyo sumasakit ang kanyang tiyan. Mukhang naparami siya ng kain ngayon. Sobrang sarap din kasi ng pagkain at iyon ang hanap-hanap ng nila ng kanyang anak. “Bakit ang aga mong bumalik? Hindi ba’t mahigit isang linggo ka sa busin
Ilang araw ng tutok na tutok si Hiraya sa kanyang pagpipinta kung kaya’t naisipan niyang yayain ang kanyang mga kaibigan na sina Alena at Mayumi sa isang bagong bukas na restaurant malapit sa kanyang studio. Ngunit ang dalawa ay saktong sobran busy at may inaasikaso ang mga ito sa ospital kung kaya’t sa sunday pa raw ang off ng dalawa. Naiintindihan niya naman iyon, babawi na lang daw ang dalawa sa kanya kapag off nila. Sakto namang walang ginagawa si Sunshine ang bago niyang kaibigan kung kaya’t agad na niyaya siya nitong kumain. Sinuggest na lang niya ang restaurant na malapit sa studio niya. Nang makarating sila roon ay nakita niyang naroon din pala si Rhob. Nakahanda na ang kanilang kakaining pagkain at nag-order din ng isang kahon ng beer si Sunshine dahil gusto nitong mag-inuman sila. Nang ibuhos ni Sunshine sa kanya ang isang beer ay agad na pinigilan ni Rhob ang babae. "Sunshine, buntis si Hiraya kaya hindi siya pwede sa alak." Nagulat silang tatlo sa sinabi ni Rhob. Agad
Rinig na rinig ni Hiraya ang pambabaeng boses sa kabilang linya. Mahinang natawa si Hiraya, mahigpit niyang hinawakan ang kanyang telepono at hindi na nagsalita pa. Akala ng kausap niya ay hindi siya nakakaintindi ng English kung kaya’t baluktot itong nagsalita ng tagalog, "Sobrang dami nang nainom ni Mr. Takahashi kung kaya’t pumunta siya muna ng banyo. Kung nakakaintindi ka sa sinasabi ko, huwag mo na kaming isturbuhin pa!"Napahaplos si Hiraya sa kanyang noo at bahagyang tumatawa. "Ah, ganoon ba? Naiintindihan ko na. Have fun!"Pagkasabi niya ay agad niyang ibinaba ang telepono, napatingin sa magandang tanawing ginawa niya kanina. Ang kanyang pininta ay sobrang layo sa kanyang relasyon nilang mag-asawa.Mukhang nambabae na naman ang kanyang asawa??Huminga nang malalim si Hiraya, handa na sanang umuwi nang marinig niya ang malalim na boses ng isang lalaki sa kanyang likuran, "Ang aga mo namang natapos sa trabaho!" Nang marinig ang boses, lumingon si Hiraya at tiningnan ang lalaki
Biglang naalala ni Hiraya ang tungkol sa anibersaryo ng Takahashi Group kung kaya’t agad siyang nagsalita, "Tungkol naman sa anniversary niyo, wala talaga akong oras para mag-organize nito. Mas mabuti siguro na sa ibang studio niyo na lang ganapain ang event. Iyon lang at ingat ka pala sa byahe."Tiningnan siya nang matalim ni Reyko, napailing ang lalaki at umalis na. Sumunod naman si Assistant Green sa amo.Ngunit alam ng mga taong nasa mansyon ay galit ang among si Reyko base sa ekspresyon nito. Kaya naman, kahit umaga pa lang ay lahat ng katulong na naroon ay nagsitaguan. Hindi man lang makahinga ng maayos habang nakatitig sa nakakatakot na mukha ni Reyko.Hanggang sa umalis ang lalaki, saka lang lumapit sa kanya si Manang Koring at nagtanong. "Madam, mukhang nag-away po kayo ni Sir?""Hindi naman, Manang Koring. Wala naman akong lakas ng loob para kalabanin ang lalaking iyon. Gusto ko pang mabuhay ng matiwasay, ayaw ko pa pong mamatay,” pabirong sabi ni Hiraya sa matanda at ngu
Nagulat si Hiraya nang marinig ang sinabi ng kanyang asawa. “Wala," mahinang sabi niya sa lalaki."Anong wala?" Napataas ng kilay si Reyko at nagpatuloy, "Dahil ba nagtapat na sa’yo ang childhood sweetheart mo noon kung kaya’t mas nagiging cold ka na sa akin ngayon?" Habang sinasabi ito, kinuha ni Reyko ang teleponong nakapatong sa bedside table at inilagay sa harap niya, "Bakit nga ba sobrang daming lalaki ang umaaligid sa’yo? Bakit nga ba pag sa akin ang cold mo? Pero pag sa ibang lalaki sobrang tamis ng ngiti mo?” Sumingkit ang mga mata ni Hiraya at tiningnan ang litratong nasa screen ng telepono ni Reyko, sakto namang kuha iyon ng magkita sila ni Lucas at nakaakbay pa ang lalaki sa kanya. May mga anggulo rin na kinuhanan sila sa loob ng kotse. So, nasa studio ang lalaki kanina? Napabuntong hininga si Hiraya at mapait na tumawa, "Sinusundan mo ba ako?"Hindi sumagot si Reyko, tinitigan lang siya nito, "Sino ang lalaking kasama mo?""Hindi ba’t masyado ka ng nakikialam sa buhay ko
Matapos ang kanilang pananghalian ay napagkasunduan na gaganapin ang exhibit ay sa katapusan ng taon. Isa rin si Lucas sa naging estudyante ng ama nito at mahilig din sa pagpipinta. Hindi rin ito gaanong sikat sa mundo ng sining ngunit ang lalaki naman ang manager ng matanda. Hanggang sa nalaman din ni Hiraya na ang si Mr. Park at ang lolo ni Rhob ay magkaibigan pala. Alas sais na ng gabi ng inihatid ni Rhob si Hiraya sa mansyon. Ang plano ay si Lucas sana ang maghahatid sa babae ngunit bigla itong nagkaroon ng emergency kung kaya’t walang choice silang si Rhob na ang maghatid sa kanya. Ang kotse ni Rhob ay huminto sa harap ng mansyon. Lalabas na sana si Rhob nang pigilan niya ito. “Huwag mo na akong pagbuksan pa. Kaya ko namang buksan ang pinto, Rhob…”Napatitig lamang si Rhob sa kanya at huminga ng malalim. “Natatakot ka bang makita niya tayong magkasama?”Hindi na nagsinungaling pa si Hiraya at mabilis na tumango. “Ayaw ko na ring magkaroon pa ng gulo. Alam kong magagalit siya ka
Ilang araw ng nagpapahinga si Hiraya at nang gumaling na ang sugat niya sa kamay ay pumasok na rin siya sa kanyang studio. Nang makapasok siya sa kanyang studio ay tila ba ginanahan siya sa mga oras na iyon. Nakapag-alam na rin siya sa kanyang kaibigan na si Sunshine na lilipat na rin siya dahil bumalik na rin sa wakas ang studio niya. Nang makita ang tambak na dokumento sa kanyang mesa at napahilot siya sa kanyang sentido. Agad niya itong tinrabaho hanggang sa malapit na rin ang uwian, pumasok ang kanyang assistant na si Minerva at iniabot kay Hiraya ang mga dokumentong hawak nito, "Hiraya, ito na ang mga impormasyon tungkol sa year-end art exhibit at narito na rin ang mga materyales na ipinadala ni Mr. Park, pakitingnan na lang, girl!""Ah, nga pala bago ko makalimutan, paulit-ulit na tumawag ang mga empleyado ng Takahashi Group of Companies. Gusto rin nilang dito gaganapin ang charity auction event para sa anniversary celebration nila sa katapusan ng taon,. Mukhang malaki ang b
Mas lalong natakot ang mukha ni Jonah, agad na lumuhod at hinawakan ang laylayan ng pantalon ng lalaki, "Sasabihin ko na, sasabihin ko na po, huwag niyo lang ako idedepatsya... huwag muna kayong umalis, sasabihin ko sa inyo ang lahat! Pero ipangako niyo sa akin na kapag sinabi ko na ang totoo—palalayain niyo na ako at ang mga magulang ko at…” Humigpit ang hawak ng dalaga sa laylayan ng pantalon ni Reyko. “ Ipangako niyong bibigyan ako ng isang milyon..."Kumunot ang noo ni Reyko, malamig at matalim ang mga mata nitong tiningnan ang babae. Mabilis niyang inalis ang hawak ng babae sa pantalon niya kung kaya’t tumilapon ang babae sa sahig. Si Marco naman na naninigarilyo ay nakasandal lamang sa sofa, "Saan ka pupunta Reyko?" Kailan pa si Reyko nawalan ng pasensya?"Magpapahangin lang, ituloy mo ang pagtatanong dito," sabi ni Reyko.Hirap na bumangon si Jonah, gulo-gulo na rin ang mukha ng dalaga. “Kahit huwag na pala ang pera, sasabihin ko na lang sa inyo ang lahat pero please lang sa