Share

339

Author: RIDA Writes
last update Last Updated: 2025-07-16 21:57:38

MASIGLANG naglalakad palapit si Vanna sa university. May kakaibang saya sa kanyang mukha habang papasok sa gate. Andoon na ang kaibigan niyang si Lyca naghihintay sa kanya. Hindi kasi siya naihatid ng asawa sa pagpasok dahil sa maaga itong pumunta sa trabaho. Naiintindihan naman niya na dapat inuuna ang trabaho. Para iyon sa magandang future nila.

Napaismid si Lyca sa kaibigan. Ngingiti-ngiti habang nakatingin kay Vanna.

"Parang kumikutitap ang mata natin, ah. Iba ang kinang at mga ngiti mo. Anong meron sa'tin?" Tuksong tanong niya na naiangkla ang kamay sa braso ni Vanna.

"Gusto mo lang may malaman na stismis." Malawak ang ngiting sagot ni Vanna. "Pero ayoko munang magsalita ngayon. Gusto kong sa akin muna..."

Napaismir si Lyca. "Grabe ka sa akin. Kaibigan mo ako, bestfriend, pagkatapos ako pa ang lilihiman mo," nahimigan ng pagtatampo sa boses niya. Marunong ng maglihim si Vanna sa kanya.

Napahinto si Vanna sa paglalakad at napaharap kay Lyca. "Huwag kang magtampo. Masaya
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • EXCLUSIVE ESCORT OF A RUTHLESS TYCOON (SSPG)   347

    UMUWI si Zander sa kanila na may pasa sa mukha at may may sugat ang gilid ng labi. Ang lakas ng pagkakasuntok sa kanya ng asawa ni Velora. Tinanggap niya iyon. Dahil para kay Vanna. Walang-wala ang sakit na dulot ng sugat niya sa sakit na nadarama ng kalooban ng kanyang pinakamamahal. Ginagamot ni Alex ang sugat ng kanyang anak. Natatawa naman si Len sa nakikitang itsura ni Zander na napapangiwi sa tuwing dumadampi ang bulak na may gamot sa labi nito. "Bakit ka kasi pumunta doon na wala kang kasama? Sugod ka nang sugod, hindi ka naman handa. Tingnan mo tuloy ang nangyari sa'yo..." litanya ni Len sa anak. "Ma, gusto ko lang pong makausap si Velora ng masinsinan. Tungkol sa amin ni Vanna. Pero andoon po pala ang asawa niya. Kaya si Mr. Dewei Hughes po ang nakaharap ko." Katwiran ni Zander na muling napangiwi nang idiin ng kanyang ama ang bulak sa sugat niya. "Oh, e, anong desisyon mo?" Muling tanong ni Len sa anak. "Haharapin ko po sila ulit bukas. Sasamahan n'yo po ako," sagot ni

  • EXCLUSIVE ESCORT OF A RUTHLESS TYCOON (SSPG)   346

    HUMINGA muna ng malalim si Zander. Nakatayo siya ngayon sa mataas na gate ng bahay nina Velora at Dewei. Nasa Batangas siya at mag-isa niyang haharapin ang kapatid ng kanyang asawa. Nagdoorbell siya. Maya-maya'y narinig na ni Zander na may nagbubukas ng gate. Dumungaw kaagad sa labas ang isang matandang lalaki. "Sinong kailangan nila?" "Magandang araw po. Andiyan po ba si Velora Hughes? Ako po si Zander Santos. Kilala, ho, niya ako." Niluwagan ni Tacio ang pagkakabukas ng gate. "Halika, hijo. Pumasok ka. Nasa loob ang mag-asawang Hughes." "Maraming salamat po," magalang na tugon ni Zander. Ngumiti siya kahit na kinakabahan. Pumasok na siya sa loob, sinundan niya ang matandang lalaki papunta sa bahay ng mag-asawang Hughes. Hindi alam ni Zander kung ano ang naghihintay sa kanya. Pero nakahanda siya at buo ang loob niyang makausap ang kapatid ng kanyang mahal na asawa. "Velora, may bisita ka. Pinapasok ko na. Kilala ka raw, e," imporma ni Tatay Tacio. Sabay na napatingin sina Ve

  • EXCLUSIVE ESCORT OF A RUTHLESS TYCOON (SSPG)   345

    YAKAP ni Lyca si Vanna habang humahagulhol ito ng malakas na iyak. Bumitaw ito sa kanya at pinunasan ang mga luha sa mata. "Nagsisisi ako sa ginawa ko, Lyca," nausal ni Vanna habang tumatangis. "Pero hindi ko pinagsisisihan na ikinasal kami ni Zander. Siya ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko," sabi pa niya na mapait ang ngiti habang patuloy na umiiyak. Ikinasal siya sa lalaking pinapangarap niya. Pero kapalit nito ang pagkawala ng kapatid na dati’y kasa-kasama niya sa lahat ng naging laban niya. Ramdam niya ang bigat ng desisyon na iyon. Pero, umaasa pa rin siya na magkakaayos silang magkapatid. "Vanna..." mahinang wika ni Lyca habang hinahaplos ang likod ng kaibigan. "Hindi mo kailangang magdusa mag-isa. Nandito pa rin ako para sa’yo." Umiling si Vanna, mahigpit na hawak ang kamay ni Lyca. "Paano kung hindi niya ako mapatawad? Paano kung tuluyan na niya akong talikuran bilang kapatid?" Napabuntong-hininga si Lyca, pinipilit ngumiti kahit ramdam niya rin ang bigat ng sitwasy

  • EXCLUSIVE ESCORT OF A RUTHLESS TYCOON (SSPG)   344

    SA kusina, kinausap ng mag-asawa ang kanilang anak. Hindi rin sila mapakali at halos hindi nakatulog si Len sa pag-iisip. "Anak, anong plano mo ngayong alam na ni Velora ang pagpapakasal ninyo ni Vanna? Nagiging kalaban mo ang kapatid ng asawa mo. Hindi sa nakikialam ako at sinisisi ko kayo, pero sana kasi iniisip n'yo muna ang mga taong nakapaligid sa inyo. Iyong mga taong masasaktan." "Ma, 'wag mo ng pagsabihan ang anak mo. Alam ko na gagawin niya ang tama para sa kanilang dalawa ni Vanna. Mahal ni Zander ang asawa niya. Hindi naman siya papayag na maghiwalay sila nang dahil lang doon," sabat na saway ni Alex sa asawa. Napayuko si Zander at napahawak sa sentido. Ramdam niya ang bigat ng sitwasyon at ang presyur mula sa parehong pamilya. "Hindi ko rin gusto na humantong kami sa ganito," mahina niyang sabi. "Pero ayokong pakawalan si Vanna. Ginawa ko ang lahat para siya ang mapangasawa ko... hindi ko siya kayang mawala." Lumapit si Alex at marahang tinapik ang balikat ng anak. "K

  • EXCLUSIVE ESCORT OF A RUTHLESS TYCOON (SSPG)   343

    LAGLAG ang balikat ni Zander na pumasok sa loob ng bahay. Nadatnan niya sa loob ang Papa niya. "Si Vanna po, Pa?" tanong niya na hanap sa asawa. Alam niyang sobrang sama ng loob ngayon ni Vanna sa mga nangyari. "Dinala na ng Mama mo sa kuwarto n'yo." Sagot ni Alex at nilapitan ang anak. "Hindi sa kinakampihan ko si Velora. Tama naman siya. Sana man lang nagsabi kayo. Nabigla tuloy siya sa nalaman niya. Mahirap pang pakawalan ang katulad ni Vanna. Lalo't halos si Velora ang nagpalaki sa asawa mo. Nakita mo ang lahat ng pinagdaanan niya noong maysakit si Vanna. Dapat man lang bilang respeto ay ipinaalam n'yo rin sa pamilya ni Vanna ang naging kasal n'yo." Napahinto si Zander. "May plano ko naman po akong puntahan ang pamilya ng asawa ko, Pa. Pero naunahan po ako ni Velora na pumunta rito sa bahay." Tumango si Alex, mabigat ang buntong-hininga bago nagsalita muli. “Zander, alam kong mahal mo si Vanna. Hindi ko iyon kinukuwestiyon. Pero ang pag-aasawa, hindi lang pagmamahalan ang

  • EXCLUSIVE ESCORT OF A RUTHLESS TYCOON (SSPG)   342

    "ALAM mo ba ang kalokohan na pinapasok mo? Nag-asawa ka na. Tapos, ano? Mabubuntis ka? Binalewala mo lang lahat ng ginawa ko sa'yo," hinanakit ni Velora sa kapatid. Nanatiling nakayuko si Vanna. Hindi na masalubong ang galit ng nakakatandang kapatid kaya hnayaan na lamang niya itong magsalita. "Sana nagsabi ka sa akin. Hindi iyong ganito na ginulat mo ako, Vanna. Paano kapag nalaman ni Papa 'to? Binalewala mo na kami, kami na pamilya mo," dugtong pa ni Velora. Nilapitan ni Zander ang asawa niya. 'Di niya matagalan na makita itong lumuluha ng ganoon. Niyakap na niya ito at nanatili sa tabi ni Vanna. "Velora, please... nakikiusap ako sa'yo. Pag-usapan natin ito ng maayos. Puwede bang maupo ka muna. Desisyon naming dalawa ni Vanna ito. Nagmamahalan kaming dalawa at 'wag kang mag-alala sa kanya dahil magtatapos siya ng pag-aaral, gaya ng pangako niya sa'yo," pagtatanggol niya kay Vanna. Marahas na napabuntong-hininga si Velora. Nanginginig ang balikat niya habang pinipigilan ang emos

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status