"Nanay, tapos na po ako magsaing. May ipapagawa pa po ba kayo sa akin?""Ang sipag sipag talaga ng Anaya ko. Wala na dahil ginawa mo na lahat.""Nanay gusto niyo masahiin ko kayo. Alam ko lagi kayong pagod galing sa palaisdaan at babalik pa kayo maya maya para tulungan si Manang Inday sa pagsasara." "Aba, malambing ngayon ang Anaya ko. May hihilingin ka ba bakit panay ang lambing mo?" nagtataka siguro si Nanay bakit nga ang lambing ko. "Nanay... K-asi...kasi.." hindi ko alam 'pano ako magpapaalam kay Nanay Lucia. "Kasi.. k-kasi?" nagtatanong ang Nanay Lucia. "Nanay, papayagan mo ba ako pag dumalo ako sa birthday party ng kaklase ko?" paalam ko kay Nanay Lucia. "Depende.. hhmm.. kaninong birthday party 'yan?" patay baka hindi ako payagan. "Nanay kasi si Ronila inimbitahan kami sa birthday ni Jessica, iyong kaibigan niya. Alam niyo ang Anantara Haven Beach Resort sa baranggay Tubigan, malapit lang 'yon dito sa atin. Sila Jessica ang may-ari nun. Bali kasama ko naman po Julia, Mian
Pagpasok ko sa loob ng sasakyan ay kaagad na kinuha nang lalaki ang aking kamay. Dinala niya eto sa kanyang labi at hinalik-halikan. Agad ko namang binawi ang aking kamay pero hindi niya pinayagang bawiin ko ang aking kamay.“Don’t-“Binuksan nito ang makina ng sasakyan at pinaandar. Akala ko ay kung saan kami pupunta pero mga dalawandaang metro ang layo mula sa aming bahay ay itinigil niya ang sasakyan sa gilid. Pinatay ang makina pati na ang ilaw. Ngayon ay kalat na talaga ang dilim sa labas. Tanging ilaw na nagmumula sa poste ang nagsisilbing liwanag namin. Alas siyete na ‘ata. Mga alas nuwebe pa siguro ang uwi ni Nanay Lucia at Manang Inday. Kailangan makauwi ako bago pa nila ako mahuling kasama ang lalaking ‘to.Tumagilid ang lalaki at humarap sa akin. “Are you afraid of me?”Umiling lang ako. Hindi ko alam kung bakit pero hindi takot ang nararamdaman ko sa kanya. Mas lamang ang antisipasyon. Para siyang apoy at ako ang gamu-gamo. Alam kong pag lumapit ako ay baka madarang ako
Bago dumating ang birthday ni Jessica ay kinausap ako ni Nanay Lucia tungkol sa birthday party. Pinapayagan na niya ako dahil naisip nga niya na parang ipinagkakait din niya ang mga bagay na dapat ay maranasan ng isang normal na nagdadalaga. Basta ang pakiusap lang sa akin ay huwag masyado magtitiwala kay Senyorita Ronila. Mas gusto pa ni Nanay Lucia na ang kasama ko ay sina Julia at Miana para mapanatag ang kanyang kalooban."Anaya sa Linggo bili tayo ng swimsuit sa palengke. May isang shop doon na mura lang kanilang binebenta. May extra ka ba? Kung wala papahiramin kita." aya ni Julia. Nakaupo kami ngayon sa canteen."Excited ka ha.. Akala ko ba dati okay na hindi ako payagan ni Nanay. Gusto mo lang magsuot ng swimsuit eh. Aha para makita ni Johnson kung gaano ka kaseksi. Mas seksi ka pa nga sa akin dahil mas malaki ang dibdib mo. Ang sa'kin parang kalahati lang ng sa 'yo, oh!" tudyo ko kay Julia."Okay lang ba sa'yo na agawin ko si Johnson sa'yo? Hehehe. Napansin ko kasi na parang
Mag aalas nuwebe na nang gabi nang mapagpasyahan ng ibang mga bisita na maligo sa pool. Inanyayahan na din kami ni Jessica na sumamang maligo sa kanila. Nakahanda na rin kami dahil isa iyon sa mga nais naming maranasan. Overnight swimming.Pagdating namin sa pool ay naliligo na ang ibang bisita. Halos kami na ang nahiya sa mga bisita ni Jessica dahil nagyayakapan at naghahalikan sila sa pool. Walang pakialam kahit makita namin. Nakita ko pa nga ang isa sa nasipa ko noon nang sinabunutan ako ni Ronila sa gym. Hindi nga niya ako pinansin kanina. Si Johnson, Ronila at Ronnie lang ang wala. Parang nahiya naman ako sa aking suot. Isang plain red one piece suit lang ang suot ko tapos pinatungan ko nang cycling shorts. Si Julia naman ay lumabas ang aking kaseksihan sa suot na deep plunge orange polka dot na one piece din. Si Miana ay red one piece suit na may ruffles ang kanyang suot. Maliban sa amin ay lahat na ng mga kasama namin ay naka 2 piece swimsuit. Nakita naming papalapit na din si
Nag-aagaw na ang aking antok nang maramdaman kong nagbukas ang pinto ng aming cottage. Sa pag-aakalang si Julia at Miana na ang pumasok ay itinuloy ko nalang ang naunsiyami kong tulog. Hindi ko na cheneck dahil nakapatay ang ilaw sa aming cottage.Pasado alas onse na nang gabi at antok na antok na ako kaya nauna na akong nagpaalam kanina sa kanila. Ang naiwan ay sina Julia, Miana, Johnson, Jessica, Ronila at Ronnie. Nagulat nga kami kanina at bigla nalang sila nakisali sa aming grupo. May dala dala silang mga alak. Dahil nga hindi kami mahilig sa alak ay kumuha nalang ng juice si Jessica at iyon ang binigay sa akin.Si Julia at Miana naman ay nagiging madaldal na dahil sila ay tumikim naman ng alak dahil sa panunulsol ni Jessica at Ronila. Kahit na pinigilan na sila ni Johnson ay tawa lang sila ng tawa. Si Johnson naman ay naka ilang bote na rin ng beer pero nakokontrol pa rin niya ang kanyang sarili, hindi kagaya ni Ronnie na tahimik lang pero medyo nakalungayngay na ang kanyang ulo.
Nagtataka ako sa ikinikilos ni Ronila. Ano ang pinagsasabi niya-Biglang bumukas ang pinto ng aming cottage. Lumabas mula doon si Ronnie. Bigla etong sumigaw ng makita ako sa cottage nila Ronila.“Ronila hold that b*tch. Tinusok niya ang mata ko.” Galit na sigaw ni Ronnie. Pasuray suray na etong naglalakad papunta sa amin. Tumakbo naman si Ronila palapit sa kakambal at tinulungan eto. Hawak hawak ni Ronnie ang kanyang mata. Kanina nang lumapit ang mukha niya ay tinusok ko ang kanyang mata dahil iyon lang ang alam kong paraan para makatakas sa kanya.“R-ronnie, w-what happened? B-bakit p-parang okay naman ang pakiramdam ni Anaya? Di ba pinainom naman natin siya ng juice? H-hindi ba gumana ang g-gamot?” paulit ulit pa rin sa pagsambit ng gamot si Ronila.Ngayon ay parang unti unti ko na ring naiintindihan ang ibig sabihin ni Ronila. May gamot ang juice na ibinigay ni Jessica sa akin sa pool. May plano silang masama sa akin. Mga hayop talaga ang magkapatid na ‘to. Tama nga si Nanay Luci
Sa loob ng police station ay pinagkasundo na lang kami nina Ronila. Kinunan din sila ng police blotter report. Habang nagbibigay sila ng kanilang salaysay ay patuloy lamang ang pananangis ko sa gilid ng police station. Si Ronnie na parang nahismasan na ay hindi na makatingin sa akin. Sising sisi sa ginawa sa akin. Hindi lang eto makalapit dahil nakabantay si Ronila at pinandidilatan siya tuwing nakatingin sa akin. Napansin ko din na bahagyang namula at may konting dugo sa kaliwa niyang mata. Eto siguro ang napuruhan ko nang tinusok ko siya. Kulang pang kabayaran ang pag tusok ko sa mata niya dahil sa pananamantalang ginawa niya sa akin. Nang matapos na ang blotter report ay hinatid pa sila pabalik sa beach resort. Samantalang ako ay nakasuot ng isang itim na oversized tshirt na binigay ng police officer kaninang madaling araw at wala pang tsinelas. Awang awa ako sa sarili ko dahil ako na nga ang nadehado tapos ako pa ngayon ang lumabas na masama. Habang patuloy sa paglandas ng luha s
"Anaya!""Anaya... ""Anaya?" "Anaya...? " Bakit marami ang tumatawag ng pangalan ko sa labas. Labasin ko muna ang mga tumatawag sa akin. "Andiyan na po..." Nakita ko sa labas ng bakod si Aling Bebang at ilan naming kapitbahay. "A-naya..m-madali ka ang N-nanay Lucia at M-manang Inday mo.. n-nasagasaan ng sasakyan sa labas ng palengke. Malubha sila at nasa Santa Barbara Municipal Center sa tabi ng munisipyo ngayon." nangangatal na sabi ni Aling Bebang. Napatigil ako. Bigla ay parang nabingi ako sa narinig. Parang hindi pa pumasok sa isipan ko ang sinabi ni Aling Bebang. " ANAYA!" untag sa akin, "Ang Nanay Lucia at Manang Inday mo, nasagasaan. Halika ka na sa Center," untag ulit ni Aling Bebang sa aking kamalayan. "A-aling Be-bang.. h-hindi po t-totoo 'yan..." naglandas na ang luha ko kahit na hindi ko pa nakikita si Nanay Lucia at Manang Inday. Kung kanina ay matindi ang aking kaba, ngayon ay parang puputok na.. parang hindi na ako makahinga.Sinabihan ulit ako ni Aling Bebang