LOGINGavin POV
Hindi ko alam kung kailan ko huling naramdaman na tahimik ang sarili ko. Tahimik, hindi dahil wala akong naririnig. Tahimik, hindi dahil wala akong iniisip. Kundi iyong uri ng katahimikan na hindi mo na kailangang ipaliwanag sa kahit sino kung sino ka talaga sa likod ng pangalan mo. Sa mga mata ng iba, wala na akong kailangang patunayan. Si Gavin De La Vega. Bilyonaryo bago pa ako umabot sa trenta. CEO ng mga kumpanyang hindi na mabilang sa dami. Anak ng pamilyang itinuturing na haligi ng negosyo sa bansa. At higit sa lahat, asawa ni Helena De La Vega ang babaeng laging laman ng magazine covers, charity events, at mga social gathering na parang hindi nauubusan ng kamera. Perpekto kaming tingnan. Iyon ang sinasabi nila. Perpektong mag-asawa. Nakakatawa. Dahan-dahan kong ibinaba ang baso ng kape sa mesa ng penthouse namin. Ang Manila skyline sa labas ay kumikislap na parang laging may gustong ipangako ngunit hindi kayang tuparin. Ganoon din siguro kami ni Helena. Maganda sa malayo, magulo kapag nilapitan. Narinig ko ang mahinang yabag sa likuran ko. Alam ko na kung sino iyon kahit hindi ako lumilingon. “Gavin,” malamig niyang tawag. Helena. Hindi ko siya nilingon agad. May ilang segundo pa akong ibinigay sa sarili ko para manatiling normal ang mukha ko—kung ano man ang ibig sabihin ng normal sa akin ngayon. Paglingon ko, naroon siya. Suot niya ang simpleng silk robe, pero kahit ganoon ay parang hindi nawawala ang elegansya niya. Maayos ang buhok, maayos ang postura, maayos ang lahat. Si Helena ay laging maayos. Kahit sa mga bagay na sira na. “May meeting ka mamayang alas-dos,” sabi niya. Diretso. Walang emosyon. “Naka-remind na ako sa driver.” Tumango ako. “Salamat.” Sandaling katahimikan. Iyon na naman. Ang katahimikang hindi komportable, hindi mapayapa. Parang may nakasabit na mga salitang parehong ayaw naming bitawan. Lumapit siya sa mesa at kinuha ang isang folder. “May charity gala sa Sabado. Kailangan nating dumalo.” “Alam ko,” sagot ko. Hindi ko na kailangang tingnan ang laman ng folder. Alam ko na ang mga ganoong bagay. Pare-pareho lang naman mga mukha ng ngiti, mga kamay na nakikipagkamay para sa litrato, mga taong nagkukunwaring may malasakit. “Confirmed na rin ang donors,” dagdag niya. “Good.” Muli, katahimikan. Pero sa pagkakataong iyon, ramdam ko ang bigat sa pagitan namin. Hindi ito basta silence. Ito iyong silence na puno ng mga salitang matagal nang hindi sinasabi. Naglakad siya papunta sa may bintana, tiningnan ang lungsod na parang sinusukat kung nasaan siya sa lahat ng iyon. Parang lagi niyang ginagawa. Parang laging may hinahabol. “Hindi ka na naman natulog nang maayos,” bigla niyang sabi. Napatingin ako sa kanya, bahagyang natigilan. “Okay lang ako.” Hindi niya ako sinagot agad. Sa halip, bahagyang umigting ang panga niya. Kilala ko na ang ekspresyong iyon. Hindi ito galit. Hindi rin concern. Frustration. Sa akin. “Palagi mong sinasabi iyan,” malamig niyang tugon. Hindi ako sumagot. Ano bang sasabihin ko? Na hindi ako okay? Na matagal na akong hindi okay? Na sa kabila ng lahat ng pera, kontrol, at kapangyarihan, pakiramdam ko ay parang wala akong hawak na kahit ano? Hindi iyon bagay na tinatanggap sa mundo namin. Sa mundo ng De La Vega. “May gamot ka ba?” tanong niya muli, mas mahinahon ngayon. Tumango ako. “Oo.” “Siguraduhin mo.” Parang simpleng utos lang iyon. Wala nang iba. Tumalikod siya at nagsimulang maglakad palabas ng sala. At doon ko na naman naramdaman iyon. Ang bigat na palaging bumabalik kapag siya ang umaalis sa isang kwarto. Hindi dahil mahal ko siya. Hindi rin dahil galit ako sa kanya. Kundi dahil sa pagitan namin, matagal nang may isang bagay na hindi namin kayang pangalanan at mas lalong hindi namin kayang ayusin. Pagsara ng pinto, muling bumalik ang katahimikan. Tumayo ako at lumapit sa bintana, katulad ng ginagawa niya kanina. Mula rito, kita ang buong siyudad mga gusaling tila walang katapusan, mga ilaw na parang hindi nauubusan ng enerhiya, mga taong abala sa buhay na parang alam nila kung saan sila patungo. Samantalang ako? Parang matagal nang naligaw. Tumunog ang cellphone ko sa mesa. Isang notification meeting reminder. Sunod financial report summary. Sunod board concerns. Lahat kontrolado. Lahat predictable. Pero may isang bagay sa buhay ko na hindi ko na kayang i-manage kahit ilang meeting pa ang i-schedule ko. Ang katahimikan sa loob ng bahay na ito. Ang kasal na ito. Bandang hapon, nasa opisina na ako. Ang De La Vega Tower ay kasing lamig ng pangalan nito. Salamin, bakal, at mga taong nakasuot ng pare-parehong ekspresyon ng pagod at ambisyon. “Sir, nandito na po ang quarterly projections,” sabi ng assistant ko. Hindi ako tumingin. “Ilagay mo na lang.” “Sir, may issue rin po sa overseas—” “Later.” Isang salita lang. Tumahimik siya at lumabas. Ganoon lagi. Hindi dahil masama ako. Kundi dahil kung hahayaan kong pumasok lahat ng ingay, mawawala ako sa sarili ko. At ayokong mawala. Hindi na muli. Sa gitna ng mga papeles at reports, may isang sandaling hindi ko inaasahan. Isang pangalan. Hindi sa business report. Hindi sa email. Kundi sa isang dokumentong naiwan sa mesa ng legal department. “Elyse Valencia.” Nakatitig lang ako sa pangalan na iyon. Parang walang ibig sabihin. Parang ordinaryo. Pero may kung anong bigat na hindi ko maintindihan kung bakit naroon. “Sir?” tanong ng staff nang mapansing hindi ako gumagalaw. Kinuha ko ang folder. “Saan ito galing?” “Ah… sir, bagong consultant po sa outreach program ng foundation ni Ma’am Helena.” Helena. Syempre. Ipinatong ko ang folder sa mesa. “Iwan mo na.” “Noted, sir.” Lumabas siya. Pero hindi ko pa rin binibitawan ang pangalan sa isip ko. Elyse Valencia. Wala akong dahilan para pag-isipan siya. Wala akong dahilan para tandaan siya. Pero sa kabila noon, may maliit na bahagi ng isip ko na hindi na mapakali. Parang may bagay na biglang gumalaw sa isang lugar na matagal nang tahimik. Pag-uwi ko ng gabi, mas madilim ang bahay kaysa sa inaasahan ko. Walang ilaw sa sala. Walang boses. Walang Helena. Tahimik na naman. Pero ngayon, ibang uri ng tahimik. Yung tipong masyadong malaki ang espasyo para sa dalawang taong matagal nang hindi nagkakasabay ng paghinga. Lumakad ako papunta sa mini bar at nagsalin ng whiskey. Hindi dahil gusto ko. Kundi dahil iyon na lang ang automatic. Umupo ako sa couch. Tumingin sa kisame. At doon, sa gitna ng katahimikan, unti-unting pumasok sa isip ko ang lahat ng hindi ko pinapansin buong araw. Si Helena. Ang kasal namin. Ang mga bagay na hindi na namin binibigkas. At isang pangalan na hindi dapat mahalaga. Elyse Valencia. Pinikit ko ang mga mata ko. “Anong problema mo?” bulong ko sa sarili ko. Walang sumagot. Syempre. Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakaupo roon. Pero alam ko ang isang bagay. May mga bagay sa buhay ko na matagal ko nang kinukubli sa ilalim ng kontrol, pera, at disiplina. At minsan, kahit gaano mo kagustong panatilihing tahimik ang lahat… May darating pa ring bagay o tao na kayang guluhin ang katahimikang pinrotektahan mo sa loob ng maraming taon.Pagkaalis ni Elyse sa hallway, parang may kung anong naiwan sa hangin. Tahimik. Mabigat. At mas lalong mabigat dahil naroon si Helena. Katabi ko. Tahimik ding nakatingin sa direksyong nilakaran ni Elyse. Hindi ko alam kung ano ang nakita niya. O gaano karami. Pero kilala ko ang asawa ko. At ang katahimikan niya hindi iyon kawalan ng iniisip. Mas delikado. Iyon ang sandaling nag-iipon siya ng tanong. “Interesting employee,” sabi niya sa wakas. Napatingin ako. Neutral ang tono. Too neutral. “She’s good at her job.” Tumango siya. “So I’ve heard.” Hindi ko nagustuhan ang paraan ng pagkakasabi niya. Hindi accusatory. Mas masama. Parang sinusukat. Ilang segundo kaming walang imik. Hanggang sa siya mismo ang nagsalita. “Dinner tonight?” Napakurap ako. “Dinner?” “At home.” Bahagya siyang ngumiti. “Unless may emergency trip ulit.” Mabigat ang hangin. At sa likod ng simpleng tanong may kung anong hindi ko mabasa. Pero tumango ako. “I’ll be home.” “Good.” At pa
Gavin POV May mga araw na kahit gaano ka ka-busy, may isang bagay na paulit-ulit bumabalik sa isip mo. At buong araw si Elyse iyon. Hindi iyong alaala ng gabi sa lodge. Mas mabigat. Iyong paraan ng pagtanggi niya kanina sa hallway. Wag niyo po akong pahirapan. Simple. Pero parang may naiwan na sugat sa pagitan naming dalawa. Nakatayo ako sa loob ng opisina, nakaharap sa malaking salamin habang pinagmamasdan ang makulimlim na langit ng Maynila. Hindi ko alam kung alin ang mas nakakairita ang guilt? O ang katotohanang gusto ko pa rin siyang kausapin kahit alam kong wala akong karapatan. Tumunog ang phone ko. Ruiz. “Yes?” “Sir.” Mababa ang boses niya. Professional. Pero may kakaiba. “Update?” “About the access tracing.” Humigpit ang hawak ko sa telepono. “Talk.” “Someone has been requesting movement information.” Tahimik ako. “Media?” “Negative.” Malamig ang hangin sa office. “Then who?” May ilang segundong katahimikan. “At first, we thought internal curios
Elyse POV May mga umagang gusto mong paniwalaan na panaginip lang ang lahat. Na kapag dumilat ka mabubura ang gabing hindi mo maintindihan. Na may paraan para balikan ang isang sandaling pinagsisihan mo bago pa ito tuluyang mangyari. Pero paggising ko alam kong wala nang ganoong himala. Malamig ang hangin sa loob ng sasakyan habang pauwi kami mula sa outreach site. Tahimik. Masyadong tahimik. Nakatitig lang ako sa bintana habang mabilis na lumalampas ang mga puno at basang kalsada. Hindi ko magawang tumingin kay Gavin. Hindi dahil galit ako. Mas mahirap. Dahil natatakot ako sa sarili kong nararamdaman. At mas natatakot ako sa katotohanang kahit ilang beses kong ulitin sa isip ko na mali ang nangyari… hindi mabura ang alaala ng init ng mga yakap niya. At iyon ang pinakakinaiinisan ko. Humigpit ang hawak ko sa bag. Hindi dapat. Hindi dapat nangyari. Hindi ako ganoong babae. Hindi ako iyong madaling matangay. Matagal kong iningatan ang sarili ko. Hindi dahil mahin
Helena POV May mga umagang hindi mo kailangang tumingin sa salamin para malaman na may mali. Ramdam mo agad. Sa bigat ng dibdib. Sa sakit ng batok. Sa katahimikang parang may hinihintay na masamang balita. At iyon ang klaseng umagang bumungad sa akin. Maaga akong nagising. Madilim pa ang langit sa labas ng penthouse, nababalutan ng manipis na ambon ang salamin ng malalaking bintana. Humiga ako nang ilang segundo, nakatingin sa kisame. Tahimik. Masyadong tahimik. Paglingon ko sa kabilang bahagi ng kama walang tao. Bahagya akong napapikit. Hindi na bago. Matagal nang hindi pareho ang oras ng pagtulog namin ni Gavin. Minsan sa study siya natutulog. Minsan naman, madaling-araw na kung umakyat. Pero nakakainis aminin bawat pagkakataong wala siya sa tabi ko, may maliit na bahagi ng sarili kong napapagod nang umasa na babalik pa sa dati ang lahat. Dahan-dahan akong bumangon. Paglabas ko ng kuwarto, agad kong napansin ang ilaw sa kusina. Naroon si Gavin. Nakatayo sa har
Gavin POV Hindi ko gusto ang paraan ng pagtingin ni Helena kay Elyse. Hindi dahil may karapatan akong mainis. Kundi dahil alam ko ang asawa ko. Kapag tahimik siya, mas delikado. At habang nakaupo ako sa opisina matapos ang meeting, hindi mawala sa isip ko ang imahe nilang dalawa sa café sa ground floor. Coffee. Conversation. Simple. Pero bakit parang may kung anong humihigpit sa dibdib ko? Humigpit ang hawak ko sa ballpen bago ko ito ibinaba. Nakakainis. Dahil wala akong dahilan para maapektuhan. Wala. Tumunog ang phone ko. Ruiz. “Sir.” “Update?” “Still tracing the access issue.” “Anything useful?” “May internal routing, pero hindi pa complete.” Sumandal ako sa upuan. “Keep digging.” Pagkababa ng tawag, naiwan akong nakatingin sa bintana. Sa ibaba, makapal ang ulap. Mukhang uulan ulit. At hindi ko alam kung bakit biglang bumalik sa isip ko ang gabing nasa driveway kami. Ang ulan. Ang halik. At ang paraan ng pag-alis ni Elyse. Parang may kung anong sumikip
Helena POV May mga gabi na kahit pagod ang katawan mo, tumatanggi pa ring matulog ang isip. At iyon ang klaseng gabi na mayroon ako. Mahina ang ulan sa labas ng penthouse habang nakaupo ako sa dining area, hawak ang malamig nang tsaa na matagal ko nang hindi iniinom. Alas-onse na. Wala pa si Gavin. Hindi naman bago iyon. Pero nitong mga nakaraang linggo, napapansin kong may pagbabago sa paghihintay ko. Dati, may inis. Ngayon may kaba. Hindi dramatic. Hindi hysterical. Mas tahimik. Mas mapanganib. Iyong tipong hindi mo maipaliwanag pero ayaw kang patahimikin. Tumunog ang elevator. Napatingin ako. Ilang segundo lang lumabas si Gavin. Bahagyang basa ang buhok. N*******d na ang coat at nakasukbit sa isang braso. Pero hindi iyon ang una kong napansin. Kundi ang mukha niya. Tahimik. At may kung anong magulo sa likod ng mga mata niya. “You’re late,” sabi ko. Huminto siya. “Power issue sa foundation.” Tumango ako. Possible. Normal. At bakit parang hindi sapat ang







