Mag-log in[One, Two, Three]"MR. Crisologo, thank you for this opportunity to be part of your growing business."Tumayo na rin si Noel at nakangiting tinanggap ang inilahad na kamay ng kausap niyang kliyente. "Don't mention it. When money involves, it's always my pleasure to be present.""And I treasure people with that kind of mindset."Napangiti na lang si Noel. At matapos ang ilang minuto pa na bolahan ay nagpaalam na rin sila sa isa't isa.Hinayaan niyang mauna nang umalis ang kliyente bago siya sumunod. At patungo na sana siya sa pinaghimpilan ng sasakyan ni Arnold sa unahan lang ng nilabasan niyang restaurant sa Makati nang magkasalubong si Dave. "Oh, it's number three.""Nice to see you here.""Not the same with me," malamig niyang tugon sa sinabi ni Dave. "Seeing you in this beautiful day is a bad omen."Napangisi ito. "You never change.""I changed a lot. Hindi mo lang iyon nakikita dahil hindi naman tayo close."Mahina itong natawa. "Right, right. And we will never be.""Exactly. I do
[The Great Plan]NAPATDA si Daniella nang madatnan niya sa kanyang condo ang ina. At taliwas sa naging reaksiyon niya, ngumiti lang ito na para bang inaasahan na nito ang magiging reaksiyon niya.''What are you doing here, Ma?''Marahang inalog-alog muna ni Diana ang alak sa tangan na wine glass bago ito nanunudyong tumingin kay Daniella. ''Hindi ko ba puwedeng dalawin ang anak ko?''''How did you find my place?''''It's just a piece of cake," himig-pagyayabang nito. "Walang lugar na hindi ko puwedeng mahanap. Lalo na kung narito ang taong gusto kong makita.''''Leave!''''Bakit naman gusto mo agad akong paalisin? Kadarating ko lang. May jetlag pa ako.''Mabilis na tinungo ni Daniella ang balkonahe at dumungaw sa baba. Nasa 3rd floor lang ng 18-storey condominium ang kanyang inuupahan. Pinagala rin niya ang tingin sa paligid.''Don't worry. Masyadong malaki ang ibinayad ko para lang mahuli ako. You know very well that when money speaks, almost everyone succumbed on it."''Yes. Almost!
[Old Love]"SIR, okay lang po kayo?""What do you think?"Napatikhim na lang si Alvin sa balik-tanong dito ni Noel. Hindi na ito nagsalita pa sa pangamba na lalong umusok sa galit ang amo."I should be home at this hour and resting. Pero nandito ako ngayon dahil sa kapalpakan ninyo."Nanatili lang na nakayuko si Alvin na pinili uling itikom ang bibig."Noel?"Itinulos ang binata sa posisyon at hindi muna siya lumingon sa narinig na pagtawag ng pamilyar na tinig na kahit may saya man sa tono at pagbigkas niyon ay para namang ibinalik siya sa masakit na tagpo nang kahapon."Is that you?"Umalis na si Alvin nang makita nito ang paglapit ni Daniella na hindi na nila naulinigan na naroon na pala ito at nakalabas na ng opisina."Noel?"Saka lang siya lumingon. Pero binura muna niya ang hindi nararapat na emosyon para sa isang taong nagdulot sa kanya ng matinding sakit noon.''I'm glad you came. Akala ko matitiis mo ako na hindi puntahan dito.''Pinigil ni Noel ang mga paa na aatras sana nan
[The Fiancée]HININTAY muna ni Noel na mawala sa paningin ang mag-ina bago siya pumasok sa kanina pa naghihintay na sasakyan."Ano bang problema mo, ha?" asik agad niya kay Arnold. Bahagya pa niyang sinipa ang likuran ng kinauupuan nito sa driver's seat. "Sinira mo ang ending ng gabing ito.''''Nag-cheer naman ako kanina nang humalik ka kay Ma'am Celine.''Isa pang sipa sa upuan ang pinakawalan ni Noel. ''You sounds like teasing than cheering.''''Hindi naman po, sir. Sincere ako sa pag-cheer ko sa inyo.''''Shut up. Just drive!''''Yes, sir.'' Binuhay na ni Arnold ang makina ng sasakyan at saka pinaandar na iyon. Pinalipas muna nito ang ilang sandali bago ito nagsalita, ''Sir...''''If it's not important, huwag mo nang ibuka ang bibig mo at baka iyan pa ang maging dahilan na mawalan ka ng trabaho kasama na ang ikatlong henarasyon ng pamilya niyo.'' Pumikit siya habang nakasandal sa backrest. "Don't you dare to ruin my mood. I want to stay this happy."Napatikhim naman muna si Arnold.
[One Kiss]''DADDY...''''Uhm?''''I'm really so bigtime happy today.''"How bigtime it is?""Just as big as Jupiter!""Oh. You know the biggest planet on the solar system. Brilliant!" Nakangiting sinuklay ng mga daliri ni Noel ang buhok ni Noah. Karga niya ito habang nasa harap na sila ng inuupahan na apartment ng mag-ina. ''That's good.''''Pero malungkot na po ulit ako ngayon.''"Huh? Why?''''Hindi na naman po kasi kita makikita, Daddy."Nagpalitan ng tingin sina Noel at Celine.''Daddy, I think Mommy is not angry to you anymore. So, you can come home now.''Pasimpleng napakamot sa batok si Celine habang umiwas naman dito ng tingin si Noel. Nagkahiyaan ang dalawa dahil iba ang iniisip ng bata sa sitwasyon nila.''And we have also money. Mommy also has the power to make money.''''Really?''''Yes. She works in a big office. And Tito Troy treats her so well.''Napaubo si Celine. ''Oh, really? Kailan mo pa naging Tito ang boss niya?''''Minsan dinadala po ako nina Tita Ninang at Mom
[One Happy Family]"DADDY!"Napatda si Celine sa narinig na pagtawag ni Noah. At itinulos siya sa kinatatayuan nang makita si Noel sa harap ng isang restaurant.Ang una niyang ginawa ay hindi ang pagkaway, pagbati at pagngiti rito. Sa halip, hinanap niya sa paligid kung may kasama ito o ka-date na babae.Well, wala nang ibang pumasok sa isip niya kundi iyon dahil bihis na bihis ito. At bigla siyang nakaramdam ng selos. Pero agad niya ring sinaway ang sarili. Binitiwan na lang niya ang pagkakahawak sa kamay ng anak at saka hinayaan na lapitan nito si Noel.Habang nakamasid siya sa dalawa na masayang magkayakap ay halo-halo ang kanyang emosyon. Masaya siya. Malungkot. Umaasa. Dismayado. May galit dahil pinapaalala ng tagpong iyon ang nangyari sa kanilang nakaraan.Pero wala siyang nakakapang pagsisisi. She had Noah. Hindi man niya masabi sa mag-ama ang katotohanan, kuntento na siya na makitang magkasama at magkasundo ang mga ito. It relieves her, somehow.At kahit mayroon mang kontrata
[The Man In His Ferrari]LALONG hinigpitan ni Celine ang pagkakahawak sa bintana ng sasakyan nang tumahimik ang nakasakay roon. Madilim sa loob kaya hindi niya maaninag ang mukha nito. Kahit na maawtoridad ang boses nito, baka sakaling may puso itong maamo na makakaramdam ng awa sa kanya.''Arnold,
[His Icy Heart]''MADAM! Madam!''Mula sa pagkakatutok ng atensiyon ng tinawag na matanda sa hawak na cellphone ay natuon ang tingin nito sa katulong na hindi na kumatok pa at tuluy-tuloy nang pumasok ng silid. ''Ano ba 'yang ingay mo?''''Madam...''''Huminga ka muna nang malalim.''''Wala na pong
[Achilles Heel]''IS this how you handle matters at hand?''''Bakit? Natatakot ka ba, Mr. Crisologo?''Napangisi si Noel. Mula sa pagkakaupo, in-ekis niya ang mga hita. At saka isinandal ang likod sa backrest. Ang isa niyang braso ay nakapatong sa armrest habang ang mga daliri niya roon ay marahang
[Her Regrets]NAPASUNTOK sa hangin si Celine habang hatid-tanaw niya ang papalayong sasakyan. Mabuti na lang at bitbit niya ang kanyang handbag bago sumakay kanina. May ilang piraso rin siyang damit dito at personal na mga gamit. Pero lahat nang dokumento na gagamitin niya sa pag-aapply ng trabaho







