Helaena warmly welcomed her boyfriend, Harley Francisco.
"Hi," aniya at ikinawit ang braso sa beywang ng binata. "Mabuti naman at maaga ka ngayon. I have a surprise for you."
Umawang ang kilay ni Harley kasabay ng pagguhit ng ngiti. "Oh, wow. Ang dami mo namang pakulo. Anong meron?"
"Yup. And you'll be proud of me." Inakay niya ang kanyang boyfriend patungo sa malaking leatherette sofa at parehong naupo. Ang dalawang kamay niya ay nakakapit sa braso nito.
"I'll make a wild guess," wika ng binata na itinaas ang kamay at inakbayan ang dalaga. "Is this surprise about you finally agreeing to go out with me?" At hinapit nito ang dalaga at akmang hahagkan sa mga labi subalit agad namang iniwas ni Helaena ang sarili.
Inirapan niya ang boyfriend at bahagyang lumayo, "Ikaw talaga. Para namang hindi ako sumasama sa iyong lumabas paminsan-minsan."
"Alam mo ang ibig kong sabihin, Helaena." Si Harley at muli siyang inabot at ginawaran ng isang mariing halik sa mga labi.
Mabilis na kumawala ang dalaga.
"Harley, ano ba?! Hindi ko masasabi ang sorpresa ko kung ganyan ka nang ganyan. Napag-usapan na natin 'yan." Umatras siya nang kaunti palayo sa binata.
"O, sige na nga," ani Harley na sapilitang pumormal ng upo. "Ano ba talaga iyang sorpresang 'yan?"
Isang matamis na ngiti ang pinakawalan ni Helaena. "Simula sa lunes ay may work na ako..." deklara niya at nakatitig sa mukha ng boyfriend at naghihintay ng reaksiyon."
"Sorpresa nga 'yan," ani Harley at unti-unting sumilay ang ngiti sa mga labi. Lumitaw ang dimple sa magkabilang pisngi na lalong nagpatingkad sa gwapong mukha nito. "Pero hindi mo sinabi sa aking nag-apply ka ng trabaho, ah?"
"Talagang sinadya kong hindi sabihin sa iyo. At alam mo ba kung saan ako nag-apply at natanggap naman ako kaagad?"
Kunwaring nag-isip ang binata na halatang nagbibigay lang. "Hmmm, spill na kasi."
"Sa Hayes Company! Natanggap ako bilang secretary-cleark sa personnel," excited niyang sabi na hindi pinansin ang pagkabigla sa mukha ni Harley. Iniisip niyang nagulat ito at the same time ay excited din.
"W-what? S-sa Hayes Company?"
"Yup," patuloy ng dalaga. "Nagpa-advertise sila noong isang linggo sa peryodiko at inapkayan ko agad. And I passed the qualifying exams with flying colors pa, ha!" Puno ng excitement at kumpiyansa ang tinig ni Helaena.
"Talagang sorpresa nga 'yan, Helaena," seryosong sagot ni Harley kasabay ng pagtayo. "Daoat ay sinabi mo sa akin na balak mong mag-apply sa kompanyang pinapasukan ko. Edi sanay ay hindi kita pinayagan."
Napalis ang ngiti sa mga labi ni Helaena. Hindi maitago ni Harley ang iritasyon sa tono.
"Harley," she said patiently. "Sa totoo lang, hindi ko naman kailangan ng permission mo para makapag-trabaho ako. Hindi pa naman tayo mag-asawa pa." Iniisip niya na ang ikinagagalit marahahil ni Harley ay dahil sa mismong kompanyang pinapasukan nito siya natanggap sa trabaho.
"Hindi ba gano'n kahalaga ang pinagsamahan natin? Wala ba akong right na awatin ka sa anumang gusto mo?" tumaas ang tono nito.
"Huh? Hindi ka ba natutuwang may trabaho na agad ako?" banayad niyang tanong. Pilit itinatago ang iritasyon sa kanyang tinig. Sinusundan ng mga mata niya ang bawat galaw ng binata na nagpapalakad-lakad sa kanyang harapan.
"Kaga-graduate mo lang niting nakaraang linggo. Hindi mo kailangang madaliin magkaroon ng trabaho kaagad."
"That is precisely my point, Harley. Naka-graduate na ako at marapat lamang na maghanap na ako ng trabaho na maaari kong pang-support sa sarili ko. Hindi iyong aasa pa ako sa Tita Becca ko," pangangatwiran ng dalaga na ang itinutukoy ay ang kapatid ng bunso ng ina niya.
Mula nang mamatay sa aksidente ang mga magulang may dalawang taon na ang nakararaan ay ang Tita Becca na niya ang nagsuporta sa kanya sa pag-aaral. Ito rin ang nag payo na upang malibang at makalimot siya sa sinapit na trahedya ng mga magulang ay maghanap siya ng ibang environment. Hindi sa mismong lugar kung saan maaalala niyang lagi ang nangyaring freak vehicular accident.
Sinang-ayunan nito ang desisyon niyang sa Manila tapusin ang natitirang dalawang taon niya sa kolehiyo.
"Pero dapat ay hindi sa Hayes Company ka nag-apply," patuloy ni Harley. Nagtatagpo na ang dalawang kilay nito sa inis. "Ano na lang ang sasabihin ng mga kaibigan at mga ka-opisina ko? Na hindi pa man ako napo-promote ay nagpasok na agad ako ng girlfriend sa kompanya?"
Nagsalubong ang mga kilay ni Helaena sa pagkakatingala sa boyfriend. Si Harley ay draftsman sa Hayes Company, Inc. Isang taong mahigit na itong nagta-trabaho roon. At umaasa itong mapo-promote bilang junior architect sa kompanya.
"Bakit naman iisipin ng mga kaopisina mo ang bagay na iyan?" naguguIuhang tanong ni Helaena.''Eh, hindi mo narnan ako ipinasok. I went through the normal hiring process naman, wala naman akong kapit."
"Natural lang na ganoon ang iisipin ng mga tao dahil magkasintahan tayo," wika nito na hindi pa rin makuha ni Helaena ang logic at reasoning ng sinasabi nito.
May ilang sandaling katahimikang namagitan sa kanila bago muling nagsalita si Harley.
"Huwag kang pumasok doon, Helaena. Maghanap ka ng ibang trabaho sa ibang kompanya. Natitiyak kong tatanggapin ka dahil sa mga qualifications mo. Maganda, matalino at smart ka. Hindi ka mahihirapang makahanap kaagad ng ibang mapapasukan."
"That is ridiculous, Harley," wika ng dalaga. "Bakit ko isasakripisyo ang kauna-unahang trabahong pinaghirapan kong aplayan at pasahan ang mga qualifying exams nang dahil lang sa hindi reasonable na dahilan mo? Bukod sa excitement na magkaka-trabaho na ako, I was also offered a good starting salary," she reasoned out.
Nanatiling nakatitig sa kanya si Harley, Tila tinatantiya siya. Matagal bago ito muling nagsalita. Pagkaraan ay naupong muli sa tabi niya.
"Talaga bang hindi kita maaawat sa trabahong iyan?"
"Bigyan mo ako ng mabigat na dahilan para hindi ako pumasok sa Lunes," she said with full determination in her voice.
Isang malalim na paghinga ang isinagot ng lalaki. "O, Sige na. Sumasang-ayon na akong pumasok ka sa Hayes Company," wika nito na nilinga siya.
Umikot ng mga mata ni Helaena at gustong sabihin dito sa ikalawang pagkakataon na hindi niya hinihingi ang permiso nito sa pagpasok sa bagong trabaho. But she kept silent.
"Pero hihilingin ko sa iyo na hindi tayo sabay papasok o kahit sa pag-uwi. Gusto kong isipin ng mga taga-opisina na sa Hayes Compaany lang tayo nagkakilala at naging magkasintahan sa kalaunan," kalmante nang sabi nito.
Bagaman naguguluhan ay tumango ang dalaga. "K-kung... kung 'yan ang gusto mo," Hindi maintindihan ni Helaena ang reason ng binata pero hinayaan na niyang matapos ang topic na iyon.
Ngumiti si Harley at muli siyang inakbayan. "Puwede na siguro nating ituloy ang naudlot nating lambing session." At bago pa nakakilos si Helaaena ay muli siyang siniil ng halik ni Harley sa mga labi.
Kumawala siya mula rito. "H-harley, nasa itaas si Hanshen," sabi niyang ang tinutukoy ay ang bunsong kapatid ni Harley.
"Oh, eh ano?" kibit-balikat nitong sagot at kinabig siyang muli payakap. "Alam naman ng kapatid kong magkasintahan tayo." He murmured as he continued kissing her.
Hindi na kumibo si Helaena at nagpaubaya sa ginagawang paghalik ng kasintahan sa mukha at leeg niya. Pero ang isip ay nasa dalagitang kapatid nito sa itaas na maaaring bumaba anumang oras.
Apat ang silid sa malaki at lumang bahay na iyon na malapit sa university of Santo Tomas. Tatlo sa itaas na ang isa ay okupado na rin ng magulang ni Harley na parehong mga emplayado sa gobyerno. Ang isa ay sa dalawang kapatid nitong babae na pareho pang nagsisipag-aral. Ang isa pa ay apat silang umuukopa bilang mga boarders. At sa silid sa ibaba ay okupado ni Harley.
Walong buwan na ang nakalipas nang umalis siya sa inuupahang boarding house sa Makatiat lumipat sa boarding house ng mga magulang ni Haeley. Hindi niya gusto ang mga kasama sa dating boardinghouse dahil magugulo at maiingay ang mga ito at nawawalan na siya ng privacy.
At least, dito ay limitado sa apat lamang ang tinatanggap na boarders ng mga magulang ng kasintahan. Katamtaman ancr laki ng silid na may dalawang double deck.
Dito sila nagkakilala ni Harley at naging magkasintahan. Tinanggap niya ang pagibig nito sa dinami-dami ng nanliligaw sa kanya. At wala naman sana siyang maipipintas sa relasyon nilang dalawa maliban sa laging pangungulit ng binata na higitan pa nito ang karaniwang yakapan at halikan.
Hindi naman siya anti-sexual o di kaya ay makaluma pero hindi niya magawang sumang-ayon sa lagi nang inuungot ng kasintahan. She hated the idea of driving through motel just to have sex. At umalis na lang pagkatapos ng dalawang oras o mahigit pa.
For her it was so unromantic. Para bang kaya lang kayo nagpunta sa 'lugar' na iyon ay upang bigyang kasiyahan ang pangangailangan sa laman.
She wanted sex to come naturally... not intentionally.
At natutukso na nga siya ng mga kasamahan na hindi raw siya napapag-init ni Albert. Tinatawanan lamang niya ang mga ito.
Naputol siya sa pagmumuni-muni nang kumawala si Harley mula sa pagkakayakap sa kanya.
"Ano ka ba naman, Helaena! Talo mo pa ang statue. Ni hindi ka gumaganti ng halik. Lagi ka na lang ganyan." Iritadong sita nito sa kanya.
"Eh, kasi naman ikaw. Wala ka sa lugar. Paano kung bumaba ang kapatid mo? Kahit ba alam niyang mag-jowa tayo, nakakahiya pa ring mababaan tayo sa ganitong sitwasyon. Kinse anyos lang si Hanshen." katwiran niya na ikinangiwi rin niya nang Iihim. Kinse lang ang bunsong kapatid ni Hansehn pero ilang beses na niya itong nahuhuling nakikipag-necking sa boyfriend kung nasa opisina pa ang mga magulang at kapatid ng dalagita.
Hinawakan siya ng binata sa braso at hinila patayo. "Kung ganoon ay tara sa kwarto ko para hindi ka nag-aalalang maabutan tayo ni Hanshen."
"A-ayoko, Harley. Alam mo namang hindi pa ako handa sa premarital affairs..."
Nagsalubong ang mga kilay ni Harley. "Kailan ka ba naman magiging handa roon, Helaena? Lagi ka na lang tumatanggi at nagdadahilan. Minsan tuloy ay naiisip kong wala kang pagmamahal sa akin sa ginagawa mo."
Pomormal si Helaena. Replay na iyon ng mga nakaraang pagtatalo nila ni Harley sa bagay na iyon. At isa sa mga ikinaiirita niya. Bakit ba laging idinadahilan ng mga lalaki ang pag-ibig para makuha ang gusto?
"Hindi sex ang sukatan ng pag-ibig para sa akin, Harley. Magpakasal tayo at magagawa mo ang lahat ng gusto mong gawin sa akin." Bigla siyang nag-isip sa sinabing iyon. Handa na nga ba siya sa pag-aasawa? Pero saan ba narnan pupunta ang pagiging magkasintahan kundi pag-aaasawa?
"Bente singko pa lang ako at at bente dos ka naman," ani Harley, "Bakit hindi natin samantalahin ang ating kabataan while we still can, Helaena?"
"Meaning, basta na lang ako papayag na makipag-sex sa iyo dahil boyfriend kita at dahil sabi mo iyon ang ginagawa ng iba?"
Nagkibit-balikat si Harley bilang pagsang-ayon.
"At pag dumating sa puntong nagkagalit tayo at nag-break, sorry na lang ako, ganoon ba?" she said drily. At idinagdag "And again, I'll find myself another boyfriend and have sex with him again and so on and on... until I get pregnant nang walang asawa?"
Nairitang sumingasing ang binata. "Kung saan-saang planeta na napunta ang mga sinabi mo. At bakit naman tayo magbi-break?"
"We can never tell, Harley. Sabi mo nga ay mga bata pa tayo at aminin man natin o hindi ay may mga incompatibilities, Ngayon pa nga lang ay malimit na tayong magtalo. Anyway, wala ka bang balak na pakasalan ako at ini-insist mong mag-enjoy tayo habang mga bata pa?" Naghahamon ang tono niyang humarap dito.
"Siyempre, mayroon," naging napakaagap ng sagot nito. "Pero alam mong hindi pa ako handa roon. Magkano lang ba ang sinasahod ko sa Hayes Company." Inikot nito ang paningin sa buong kabahayan. "Gusto ko, kapag nag-asawa ako ay hindi ako rito titira. I'm sick and tired of this rotten place, Helaena. Buong buhay ko ay dito na ako. Dito ipinanganak, dito nagkaisip at dito lumaki."
Kapag nag-asawa ako... Ako? Bakit hindi 'tayo' ang ginamit na salita ni Harley? Hindi ba dapat na kasama siya sa pangarap nito?
Subalit agad ring inalis ni Helaena sa isip iyon. Sa halip ay may simpatiyang tinitigan ang kasintahan kahit na hindi niya maintindihan ang discontentment nito. Totoong hindi mayaman ang mga magulang nito ngunit hindi rin naman naghihirap.
Hindi kaila sa kanya ang ambisyon ni Harley na magkabahay at matira sa isang malaking subdivision sa Quezon City o sa alin mang lugar sa labas ng Maynila, Alam din niya ang ambisyon nitong yumaman.
Nagbuntong-hininga siya. Tumayo at mabilis na nakahakbang patungo sa hagdan bago pa siya napigilan ng binata.
"Hey, hindi pa tayo tapos mag-usap."
"Tama lang na iwasan ko ang gusto mong mangyari, my dear, Harley," nakangiting niyuko niya ito nang nasa gitna na siya ng hagdan. "Dahil kapag nabuntis mo ako ay lalo nang mauudlot ang ambisyon mong yumaman at malayo sa lugar na ito." Kinindatan niya ito bago siya nagpatuloy sa pagpanhik. Narinig pa niya ang pagmumura ng kasintahan pero hindi na niya ito pinansin.
Naging abala ang mga unang araw ni Helaena sa Hayes Company. Nakahulihan agad niya ng loob si Keith, ang executive secretary ng personnel manager Ito ang nagbigay sa kanya ng briefing sa mga gagawin niya. Sa personnel siya na-assign bilang assistant nito. "Kailan ba ang labas niyang nasa tiyan mo?" tanong niya rito. "Three months pa. Kaya nga nagpa-advertised agad si Sir Mauro para ma-train ka sa sandaling mag-leave ako," sagot ni Keith habang itinuturo ang filing system ng employees' records. "At ano ang malay mo?" patuloy nito. "Baka ma-impress mo si Sir Mauro sa trabaho at i-permanent ka kaya pagbutihin mo, Helaena. " aagad, Nilinga niya ang dalawang personnel clerk, Sina Fauna at Ashley. "Bakit hindi ang isa sa kanila ang mag-relieve sa iyo?" "May sari-sarili silang trabaho. At karaniwan na ay malimit utusan ang dalawa sa field. Pero kung talagang walang qualified na na-hire, si Fauna muna ang sekretarya ni Sir Mauro." "Sana ay hindi ka magsawang turuan ako. Alam mo na, first t
ILANG MINUTO na lang at alas-siete na at si Helaena na lang ang tao sa bahaging iyon ng building. Pero hindi iyon alintana ng dalaga at patuloy sa tahimik na pag-iyak. Hindi niya matiyak kung pride nga lang ba ang nasaktan sa kanya o pati na puso. Matagal na siyang niloloko ni Harley at wala siyang kamalay-malay. And if there was one consolation for her, ay iyong hindi niya pagpayag sa gustong mangyari nito na mag-sex sila. At kaya siya narito pa sa opisina hanggang sa mga sandaling iyon ay dahil hindi niya gustong umuwi at makipag-komprontasyon dito. At wala naman siyang mapupuntahang iba. Kanina sa restaurant nang magkasalubong ang mga tingin nilang dalawa ni Harley ay kitang-kita niya ang biglang pagkailang nito. Guilt were written all over his face. Siguro ay marahil hindi gaanong mahalata ay tinanguan pa sila ni Keith. But he couldn't have waited to get out of the place as fast as he could. Kinse minutos pagdating nila ni Keith sa opisina ay agad na tumawag si Harley sa kanya
Kitang-kita ni David ang paghahalili ng emosyon sa mukha ng dalaga. And for the life of him, he was intrigued! He never bothered himself with his employees' personal problems before, malibang direktang sangkot ang kompanya. "Ano ang problema mo?Were you harassed by your co-employees?" Mabilis na umiling ang dalaga. "H-hindi sa ganoon... it's personal." Sa wakas ay nakahagilap siya ng sasabihin. Nag-angat siya ng mukha at tiningala ang lalaki. Suddenly, nakadama siya ng panganib. Kung saan man nanggaling ang damdaming iyon ay hindi niya alam. Subalit hindi panganib na baka siya gawan ng masama nito. Natitiyak niyang hindi gagawin ng lalaki iyon. But she felt it in her bones that this man was dangerous. Kung saan ay hindi niya matukoy. Kumuha ng silya si David at naupo roon. "Care to tell me about it?" Nangunot ang noo ng dalaga. "About what?" Nagkibit ng mga balikat si David. "Kung ano man ang problema mo?" "Why should I do that?" May bahagyang iritasyon siyang nadama. She thoug
IMPOSIBLE! Naghuhumiyaw iyon sa isip ni Helaena. Kinakabahang nag-angat siya ng mukha upang tumitig sa lalaki. His eyes danced in silent amusement confirming her thoughts. "H-hindi ikaw si..." Umiling siya. "N-no..." She stammered. "You can call me David, my friends do. Mr. Samonte lang ako rito sa opisina," walang anumang wika ng lalaki. "Oh!" Clutching her bag, she closed her eyes at nanlulumong napasandal sa dingding. How could she be so stupid na ipagkamaling ordinaryong empleyado ang lalaking ito'? No one in her right mind would think so. Nothing in this man was ordinary. But then she was not in her right mind, was she? Bukod doon ay hindi pa naman talaga niya nakikita si Mr. Samonte. Kung si Harley nga minsan lang naman sila magkita, maliban kung pareho nilang bababain o aakyatin ang isa't isa'y tsansa nang magkita sila sa elevator o sa canteen o hindi kaya ay sa company parking area, ang David pa kayang ito? "Ano ang ibig sabihin ng 'oh' na iyan?" amused nitong tanong. An
"Ano ang gusto mo?" tanong ni David sa kanya. "Or you preferred that I order for you?" "Kung... ano ang gusto mo," sagot niya kasabay ng paghinga nang malalim. Gusto niyang umalma kung hindi lang siya magmumukhang gaga sa harap ng waiter. David smiled. Alam nitong nanggigigil siya sa inis pero hindi makapalag. He couldn't remember forcing any woman to join him for dinner. And he was amused by the novelty of it. Tumingala ito sa waiter. "T-bone. Medium rare sa akin, well-done for the lady. French orange juice and scotch, double." Pagkaalis ng waiter ay inikot ng dalaga ang paningin sa loob ng restaurant upang huwag lang matuon sa lalaki ang paningin niya. Sa kabila ng inis ay may iba pang damdaming sumasalit at hindi niya iyon mabigyan ng pangalan. "Relax, Lena," banayad na sabi ni David. "Kakain lang tayo at pagkatapos ay ihahatid na kita pauwi sa inyo." Isang buntong-hininga pa uli ang pinakawalan ng dalaga at sinikap na ang sarili sa kabila ng alam niyang nasa kanya nakatuon ang
NAPAAWANG ang mga labi ni helaena sa narinig. Tiniyak na hindi niya ito napakinggan nang mabuti. "I—I beg your pardon? "1 want you to be my girl" ulit ni David. "You are joking, Mr. Samonte. At hindi ako natatawa. " "Totoo sa loob ko ang sinasabi ko I want you to be my girl. And at the risk of being accused as conceited, I am a better Catch than Harley, aren't I?" She was speechless. For a few seconds she was gaping at him. "Hey, I am only asking you to be my girl. Hindi kita pinatatalon sa building ngopisina," wika ni David, an indulgent smile on his lips. "W-why would you want to do that?" Bale-walang nagkibit ng mga balikat si David. "Perhaps I have developed an instant fondness for you." His eyes held hers and he had this feeling that what he said was true. He liked her. She almost rolled her eyes in disbelief. "Pinatatalon mo ba ako sa proverbial frying pan para mapunta sa apoy?" Tumaas ang sulok ng bibig ni David. "Isang buwan ka pa lang sa opisina. At kanina lang tayo
NANUNURI ang mga matang matiim na tinitigan ni Keith si Helaena. Hindi naman malaman ng dalaga kung paano sasalubungin ang mga mata ng kaibigan. "Pinapapanhik ka sa office ni David. May alam ka ba kung bakit?" "B-bakit daw?" "I am asking you." She shook her head hoping Keith couldn't see through her. "I—I have no idea." Nakatitig pa rin si Keith sa kanya. "I find it unusual, Helaena. Hindi ka ipatatawag ni David nang ganoon lang kung hindi ka niya kilala, And you're not acting as if you were surprised that the boss wanted to see you." "Keith..." Huminga nang malalim si Keitj at iwinasiwas ang kamay. "Don't tell me another surprise, Helaena, na matagal mo nang kilala si David bago ka pa napasok sa opisinang ito." "N-no." Umiling siya at tumayo. "Saka ko na sasabihin sa iyo. In the meantime, saang banda ang office ni David, sa fifth floor ba?" "Engineering muna. Itanong mo sa mga empleyado sa itaas. Lumakad ka na" Tumango ang dalaga at lumabas ng personnel. Ginamit niya ang h
DAHAN-DAHANG lumapat sa mga labi ni Helaena ang mga labi ni David. Soft yet firm.Warm and passionate. And he was tasting each corner of her lips with wet kisses. Suckling her lower lip gently. Hindi nagmamadali. Binibigyan siya ng pagkakataong damhin din ito. Hindi tulad ni Harley na hindi niya malaman kung saan ibabaling ang mukha. "I want to kiss you properly, Lena," he murmured in her lips. "Part your mouth for me, darling." She did and David plunged his tongue inside her mouth. At may pakiramdam si Helaena na matutunaw siya anumang sandali. Tinakasan ang buong katawan niya ang lahat ng lakas. Now she knew what the line of a song meant: 'when I kiss your lips, I feel the rolling thunder on my fingertips... ' David was taking his time in exploring her mouth with expertise. His tongue searching... playing and tasting. At hindi makapaniwala si Helaena na sa kanya nanggagaling ang ungol na naririnig niya. She never moaned with Harley! Kung gaano katagal inangkin ni David ang mga la