LOGINMAKALIPAS ang apat na araw ay bumalik si Caitlyn sa ospital para sa follow up check up niya. Ayon kay Doktora Jasmine ay bumubuti ang kanyang kalagayan ngunit kailangan niya pa rin maging maingat dahil kaunting pagpapabaya lang ay posible nang magdulot ng komplikasyon.“Salamat, Dok,” ani Caitlyn. “Medyo nag-worry pa naman ako na baka may naging epekto ‘yung nangyaring aksidente sa kondisyon ko.”Ngumiti si Jasmine. “Hindi ba nabanggit sa’yo ni Dok Ezekiel na wala naman connection ang dalawang case?”Umiling si Caitlyn habang nakakunot-noo, medyo naguluhan kung bakit nito nabanggit ang binata. “H-Hindi naman po.”Tumango si Jasmine. “Basta, be mindful sa ginagawa mo’t laging inumin ang gamot. Sure akong ‘di magtatagal at gagaling ka.”“Thank you po ulit, Dok.”Makaraan ang ilang sandali at kaunting paalala ay lumabas na siya sa opisina nito. Habang naglalakad sa hallway ay tumunog ang cellphone niya, tumatawag muli si Sandro—sa katunayan ay araw-araw pa nga pero hindi niya sinasagot.
MATAPOS maghugas ng pinggan ay nagpaalam na si Caitlyn na mauuna nang pumasok sa kwarto. Tahimik niyang isinara ang pinto nang maabutan ang kaibigan sa loob, nakatalikod habang nagbibihis.Lumingon si Mika at nagtanong, “Umalis na ba si Matthew?”“Oo, hindi nga namin napansin, e. Bigla na lang nawala,” ani Caitlyn. “Maliligo lang ako,” dugtong niya, sabay lapit sa bag para kumuha ng damit nang mapansin ang cellphone na iniwan niya sa table.Naisipan niyang kunin para tingnan at ni-silent mode niya pa naman kanina. Hindi niya tiyak kung may tumawag ba o nagtext. Pagtingin ay marami siyang natanggap na text at missed calls mula sa ina at kay Sandro.Huminga siya nang malalim. Natutuksong buksan kahit isang mensahe lang galing sa ina, pero sa huli ay pinatay niya ulit ang screen at maingat na inilapag ang cellphone sa dati nitong pwesto.Pagkatapos ay pumasok na sa banyo at naligo. Ilang minuto rin siyang nagtagal sa loob, hinayaang dumaloy ang mainit na tubig sa balikat, pilit inaayos a
NAPATIIM-BAGANG si Ezekiel kasabay ng pagkuyom ng kamay. Gusto na niyang hilahin ang likod ng kwelyo nito at kaladkarin palabas pero naroon si Caitlyn.Nakaramdam naman agad si Matthew at mabilis na lumapit sa dalaga. “Hi, I’m Matthew pala, kaibigan ni Ezekiel,” pakilala niya sa sarili sabay lahad ng kamay.Tinanggap naman ni Caitlyn at tipid na ngumiti. Pinakilala ang sarili pero hindi na niya binanggit ang apelyido.“Nagkita na ba tayo dati?” ani Matthew, kunot ang noo at nag-iisip. “Oo, ‘di ba? Kasi, imposible naman na makalimutan ko ang babaeng kasing ganda mo.”Kulang na lang tumirik ang mata ni Ezekiel sa narinig. Mabilis siyang lumapit sa dalawa at hinila ang kaibigan. “Tulungan mo ‘ko ro’n.”Nagpatianod naman si Matthew pero pagtalikod ay bumulong, “Ex ‘to ni Jude, tama? Namumukhaan ko na, e. Anong ginagawa niya rito?”“Mamaya ko na ipapaliwanag,” sagot ni Ezekiel.“No! Kailangan ko nang malaman ngayon,” maarteng sabi ni Matthew, na tila ba isang babaeng nagde-demand ng explan
HUMUPA na ang iyak ni Caitlyn at nagpupunas na lamang ng luha gamit ang panyo ni Ezekiel.“Okay ka na?”Tumango-tango siya habang sumisinghot-singhot. “S-Sorry.”“Para saan?” ani Ezekiel.“Sorry, kasi sa’yo ko nabuhos ang lahat ng sama ng loob ko.”Haplos sa likod ang itinugon ni Ezekiel. “Kung okay ka na…” Sabay tingin sa suot na relo. “Palubog na ang araw, kailangan na nating umalis para ‘di tayo maipit sa traffic.”Tumango si Caitlyn, akmang tatayo nang ilahad nito ang kamay sa harap niya. “B-Bakit?”Hindi na naghintay si Ezekiel, kinuha na niya ang kamay nito at inalalayang tumayo. “Wala ka nang ibang kukunin o nakalimutan?”Lumingon sa paligid si Caitlyn, isa-isang tinitingnan ang mga gamit. “Wala na.”Pagkatapos ay sabay na silang umalis na dalawa habang hawak pa rin ni Ezekiel ang kamay niya, hindi binibitawan kahit nasa loob na sila ng elevator.Kaya naman, kinakabahan nang husto si Caitlyn. Palakas nang palakas ang kabog sa kanyang dibdib at natatakot siyang baka maramdaman n
LUMIPAS ang mahigit dalawang oras, nang matapos sa pag-aayos ang maintenance personnel sa nasirang tubo sa banyo. Ngunit pinayuhan muna si Caitlyn na huwag agad bumalik. Kailangan pang i-test ng ilang oras para masiguro na wala nang tatagas na tubig.“Babalik na lang kami mamayang alas-otso, Ma’am,” paalam ng head personnel.Pasado alas-tres na iyon ng hapon kaya tumango si Caitlyn. Pagkaalis ng mga ito ay sinara na niya ang pinto para makapaglinis. Isa-isang sinusuri ang furniture at appliances na posible pang mapakinabangan.Habang abala ay narinig niyang tumunog ang cellphone na inilapag niya saglit sa table. Kinuha niya at tiningnan, may message sa kanya si Ezekiel.Ezekiel: Anong ginagawa mo ngayon?Nakangiti niya itong nireplyan.Caitlyn: Naglilinis.Pagka-send niya ay bigla na lang itong tumawag. “Hello—”“Ba’t ka naglilinis? ‘Di mo na kailangan ‘yang gawin. Iniwan ko ang unit na malinis kaya—”Natawa si Caitlyn. “Relax, nandito ako ngayon sa condo ko. Tsinek ko lang kung naayo
NANG magmulat ng mata si Caitlyn ay siya na lamang ang mag-isa sa kama. Pagod siyang bumangon sa kama at inalis ang hot compress bag na nilagay niya sa tiyan. Pagkatapos ay tiningnan niya ang higaan, walang bahid ng kahit na anong mantsa kaya nakahinga siya nang maluwag.Pagkatapos ay pumasok siya sa banyo para maghilamos, sa sink ay may napansin siyang toothbrush na nakasilid pa sa plastic. Hula niya agad ay para sa kanya iyon, upang may magamit siya.Nang matapos magsipilyo ay humarap siya sa salamin. Maingat na inayos ang buhok at sarili para hindi naman siya magmukhang ewan sa harap ni Ezekiel.Bigla siyang natigilan matapos sumagi sa isip ang nangyari kagabi. Mariin siyang pumikit at impit na tumili. Nahihiya na naman sa pinaggagagawa, pagkatapos ay kinausap ang sarili habang nakatitig sa sariling repleksyon, “Ngayon nagsisisi ka? E, ang tapang-tapang mo kagabi?!” At nakuha pang pandilatan ang sarili.Nang mahimasmasan ay lumabas na siya at maingat na binuksan ang pinto, sumisili







