Share

Kabanata 1.2

Author: Rhea mae
last update Last Updated: 2025-10-17 14:26:33

“Hindi ko alam kung paano mo nagagawang mabuhay sa ganitong uri ng buhay. Bulag ka ba, Claire?” tanong nito sa akin. Muli kong inangat ang paningin ko para tingnan siya pero mabilis ko ring iniwas dahil hindi ko talaga siya kayang tingnan sa mga mata.

“Ano bang ibig mong sabihin? Anong ginagawa mo dito? Hindi ba at nasa France ka na?” tanong ko sa kaniya para hindi niya na pansinin ang buhay ko.

“Hindi mo pa ba alam? Akala ko ba alam mo ng nakauwi na ako noong nakaraang buwan pa.” umiling naman ako dahil hindi ko naman siya nakikita. Hindi rin naman kami close para alamin ko pa. Ngayon lang naman kami nagkausap. “Ihahatid na kita sa inyo.” Tanging wika niya. Nahihiya man ako pero hinawakan niya ako sa kamay at hinila na papasok ng sasakyan niya.

Wala pa rin ako sa sarili ko dahil sa ginawa ng asawa ko. Napapalunok ako ng maramdaman ko ang sunos-sunod na kuryente sa kamay ko dahil sa paghawak ni Tito Asher sa kamay ko. Palihim ko siyang tiningnan, ang gwapo niya talaga. Sinong babae ang hindi mahuhumaling sa kaniya pero bakit kaya hanggang ngayon hindi pa rin siya nag-aasawa? Kung sabagay, 30 pa lang naman siya.

Tahimik lang kaming dalawa habang nasa byahe. Hindi ko alam kung bakit bigla akong nilapitan ni Uncle Asher at kinausap. Kailan ba siya nagkaroon ng pakialam sa akin? Sa tuwing nakikita ko siya sa bahay nila kapag bumibisita kami ni Gabriel, tahimik lang siya at nilalampasan ako. Malamig ang presensya niya at hindi mo gugustuhin na tingnan siya sa mga mata.

Napatingin ako sa labas, napakunot ako ng noo ng makita ko ang asawa ko at si Claire.

“Ihinto mo yung sasakyan sa gilid.” Utos ko kay Uncle Asher. Sinunod niya naman ang sinabi ko. Tiningnan ko ang lugar na pinasukan ng asawa ko at ng kapatid ko. Dumiretso sila sa isang hotel. Naikuyom ko ang kamao ko. Anong gagawin nila sa hotel? Kung titingnan mo sila, parang silang dalawa ang tunay na mag-asawa.

Ito ba ang sinasabi niyang gagawin niya ngayon kaya hindi siya makakauwi? Si Mia na naman ang uunahin niya kesa sa akin? Paano naman ako? Paano naman ang birthday celebration ko? Paano ang magiging anak namin?

“Gusto mo bang magfile ng divorce? I’ll help you.” Napatingin ako kay Uncle Asher dahil sa sinabi niya. Divorced? Kahit kailan hindi yun pumasok sa isip ko. Matagal na akong may gusto kay Gabriel at nang maikasal kaming dalawa ay para bang isang nakatadhana na kami para sa isa’t isa.

“You can’t be serious, right?” wika ko sa kaniya. Ngumisi naman si Uncle Asher saka niya muling pinaandar ang sasakyan. Muli kaming natahimik. Hindi pa rin naaalis sa isip ko ang asawa ko at ang kapatid ko. Parang pinipiga ang puso ko dahil sa sakit. Hindi niya ba talaga naalala ang birthday ko ngayon?

Makalipas ang isang oras ay hindi pa rin kami nakakarating sa bahay namin ni Gabriel. Napatingin na ako sa paligid ko pero hindi ito ang daan pauwi sa amin.

“Uncle Asher, hindi ito ang daan pauwi sa amin.” Saad ko sa kaniya.

“Alam ko,” tanging sagot niya saka niya kinabig pakanan ang manubela niya. Tiningnan ko kung nasaan na kami. Napakunot ako ng noo dahil nasa isang hotel din kami.

“Anong gagawin natin dito? Hindi dahil nakita nating pumasok ng hotel ang asawa ko at ang kapatid ko ay gagawin na rin natin ang ginagawa nila.” natataranta kong wika sa kaniya pero tinawanan niya lang ako. Nang maipark niya ang sasakyan ay tiningnan niya ako. Napalunok naman ako.

“Hindi ako katulad ng asawa mo, Claire. Mukhang wala naman siyang naaalala ngayon kaya ako na ang nagdala sayo rito. Sumunod ka sa akin.” Saad niya. Nahiya naman ako sa inakto ko sa kaniya. Hindi ba yun ang iniisip niya? Nakakahiya naman kung ganun. Bakit ba kung ano-anong iniisip ko? Si Uncle Asher pa talaga ang pinag-isipan ko ng ganung bagay? Nakakahiya ka Claire.

Lumabas na ako ng sasakyan at sinundan siya. Pumasok na kami sa lobby ng hotel saka kami kami sumakay ng elevator. Tahimik lang akong nakasunod sa kaniya hanggang sa lumabas na siya. Nakayuko naman akong nakasunod sa kaniya.

“Good afternoon, ma’am, sir. Please come in and enjoy your stay.” Saad ng lalaking nasa entrance ng restaurant. Inilibot ko ang paningin ko sa paligid ko. Kahit na mayaman ang asawa ko ay hindi niya ako ipinunta rito simula nang maikasal kaming dalawa. Ano bang gagawin namin dito?

“Flower for your girlfriend sir?” nakangiting wika ng isang babaeng may hawak na magandang bouquet. Natawa naman ako dahil napagkamalan pa niya kaming may relasyon.

“Nagkakamali ka miss, wala kaming—” hindi pa man ako natatapos nang ibigay sa akin ni Uncle Asher ang bouquet.

“Flowers for you,” nakangiti niyang saad sa akin. Napalunok ako lalo na ng maramdaman ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Bakit ba siya ngumingiti sa akin ng ganiyan? Kung mag-usap kami ngayon para bang close na close kami.

Pinaupo niya na ako kaya sumunod na lang ako. Nagtataka pa rin ako kung anong gagawin namin dito. Inilapag ko na sa lamesa ang bouquet. Tiningnan ko iyun saka inisip, kailan ba ako binigyan ng asawa ko ng bulaklak? Wala akong maalala na binigyan niya ako kahit isang tangkay lang.

“Ano bang ginagawa natin dito? Kung gusto mo pa lang kumain, bakit isinama mo pa ako?” tanong ko sa kaniya. Hindi naman siya sumagot dahil dumating na kaagad ang mga pagkain. Hindi pa kami umoorder ah, tama bang sa amin nila ibinigay ang mga orders?

Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko ang isang cake, may nakasindi ng kandila dun.

[Happy Birthday, Claire.] basa ko sa nakasulat sa cake. Para sa akin ang cake na ‘to? Para sa amin ang mga orders? Tiningnan ko si Uncle Asher na nakangiti na naman sa akin. Paano niya nalaman na ngayon ang birthday ko?

“Paano mo nalamang—” mahina kong saad. Hinawakan ni Uncle Asher ang cake saka inilapit sa akin.

“Paano ko hindi malalaman ang birthday ng asawa ng pamangkin ko? Tatlong taon ka ng member ng pamiya namin.” Sagot niya sa akin. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Dapat ba akong matuwa dahil may kaisa-isang taong nakaalala ng birthday ko? Siya pa talaga na hindi ko inaasahan na maaalala niya?

Ni message o tawag ay hindi ako nakareceive mula sa mga magulang ko. Hindi ko alam kung nakalimutan lang ba talaga nila.

Ngumiti ako kay Uncle Asher. Naapreciate kong may nakaalala kahit papaano ng birthday ko.

Ipinikit ko ang mga mata ko saka nagwish sa isip ko. Nang masabi ko na ang wish ko ay saka ko pinatay ang apoy sa kandila.

“Happy Birthday, Claire.” Saad niya sa akin.

“Salamat, Uncle Asher. Mabuti ka pa naalala ang birthday ko pero ang asawa ko mukhang kinalimutan niya na.” nahihiya kong saad saka yumuko.

“Kumain ka na para may lakas ka pag-uwi mo. Huwag mo na muna silang isipin.” Tumango naman ako sa sinabi niya saka nagsimula nang kumain. Pakiramdam ko hindi ko nalalasahan ang pagkain kahit na masarap yun tingnan. Iniisip ko kung ano na bang ginagawa nilang dalawa ngayon sa hotel. Pinigilan kong hindi bumagsak ang mga luha ko. Wala naman akong sapat na ebidensya para sabihing niloloko nila ako. Gusto lang sigurong asikasuhin ni Gabriel ang pag-uwi ni Mia.

Nang maramdaman kong nakatingin sa akin si Uncle Asher ay inangat ko ang paningin ko.

“Don’t think too much, Claire. This is your day kaya huwag mong hayaang sirain lang yun ng iba.” Seryosong wika niya sa akin. Tumango naman ako saka tipid na ngumiti.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Forbidden Love With My Ex-husband's Uncle   Kabanata 29.3

    Hinihila-hila ni Naomi si Mia na para bang isa itong bata papasok ng bahay nila nang makauwi sila.“Mom, you’re hurting me.” Reklamo ni Mia pero walang pakialam si Naomi sa mga reklamo niya. Nang makapasok sila sa loob ng sala ay hinarap ni Naomi ang bunso niyang anak.“Mom, pl—” hindi pa man natatapos ang sasabihin ni Mia nang sampalin na rin siya ng kaniyang ina. Nagulat si Mia sa ginawa ng kaniyang ina sa kaniya. Galit na galit si Naomi dahil sinira na nga ni Mia ang career nito, bakit kailangan pa niyang awayin si Claire?“Bakit Mia?! Saan ako nagkulang sayo?! Binusog kita ng mga pagpapaalala pero bakit?!” naiiyak na lang si Naomi sa sobrang galit. Hindi niya matanggap na ganito ang nangyayari sa mga anak niya. Naabot na ni Mia ang pangarap niya pero bakit kung kailan nasa kalagitnaan ito ng ka

  • Forbidden Love With My Ex-husband's Uncle   Kabanata 29.2

    Tila bata naman nang umiiyak si Mia. Hindi niya na iniaangat ang ulo niya. Hindi makapaniwalang tiningnan ni Gabriel si Mia. Napalunok si Gabriel. Kagustuhan niya rin noon na ipalaglag ang pinagbubuntis ni Claire pero bakit unti-unti siyang nagagalit kay Mia?“You push her?” tanong ni Gabriel kay Mia. Mabilis namang umiling si Mia.“No, ang gusto ko lang naman ay ang kausapin siya. Please believe me, hindi ko siya itinulak. Umatras siya,” pagpapaliwanag ni Mia. Hilaw na natawa si Gabriel. Bakit naaapektuhan siya? Bakit nasasaktan siya dahil sa ginawa ni Mia kay Claire? Bakit naguguluhan siya?Ito naman ang gusto niya hindi ba? Ang gusto niya naman talaga ay ang mawala ang magiging anak nila ni Claire pero bakit? Bakit ganito ang nararamdaman niya?“Sa tingin mo ba gagawin ni Clai

  • Forbidden Love With My Ex-husband's Uncle   Kabanata 29.1

    Nang dumating ang mga magulang ni Gabriel ay tumayo na silang dalawa. Kasama na rin nila ang chairman na seryoso ang mukha. Nakayuko lang si Mia habang nilalaro ang mga daliri niya.“Ano bang pag-uusapan natin ngayon? Bakit niyo kami ipinatawag?” tanong ni Gabriel. Umaasa na sana ay ibalik ng chairman ang kalahating mana niya. Seryosong nakatingin si Elena kay Mia na nakayuko. Alam ni Elena na mukha at itsura pa lang ni Mia ay guilty na ito.Isa-isang tinitingnan ni Gabriel ang pamilya niya. Ang nakangiti niyang mga labi ay nawala dahil pansin niya ang pagiging seryoso ng mga magulang niya at ni Chairman. Napalunok si Gabriel nang tingnan siya ni Chairman. Tila ba ang tingin nito ay handa na siyang ipakain ng buhay sa mga tigre.Tiningnan ni Gabriel ang kaniyang ina na nilapitan si Mia.“Mom

  • Forbidden Love With My Ex-husband's Uncle   Kabanata 28.3

    Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Asher. Seryosong nakatingin sa kaniya si Claire. Hindi naman sila malapit ni Gabriel sa isa’t isa kaya napatango-tango sya.“Anong gusto mong gawin ko?” tanong ni Asher. Umiling naman si Claire.“Wala akong gustong gawin mo. Hindi mo ako kailangang tulungan dahil alam kong ang chairman ang makakalaban mo oras na nalaman niyang may ginawa ka sa pamangkin mo.”“I don’t care,” sagot ni Asher. Napatingin ulit sa kaniya si Claire. “I won’t tolerate what he did to you. If you want revenge, just tell me kung anong gusto mong gawin. Gusto mo bang sirain ang career nilang dalawa? Sa anong paraan mo sila sisirain?” tanong ni Asher. Napaisip naman si Claire. Ayaw niya nang minsanan lang na masaktan at masira ang dalawang taong nanloko sa ka

  • Forbidden Love With My Ex-husband's Uncle   Kabanata 28.2

    Nang magising si Claire ay nakatulala siyang nakatingin sa kisame. Pakiramdam niya ay nawalan siya ng gana. Hindi niya iniinda ang sakit na natamo niya sa ulo niya. Wala ng mas masakit para sa kaniya ang mawalan ng anak. Muling tumulo ang mga luha niya at tahimik na umiyak. Hindi niya alam kung ano bang nagawa niyang kasalanan para mangyari ang lahat ng ito sa kaniya.Niloko siya ng asawa at kapatid niya. Ngayon ang anak niya naman ang nawala sa kaniya. Anong klaseng sakit pa ba ang kailangan niyang maranasan bago siya maging masaya?Pigil ang paghikbi ni Claire dahil ayaw niyang magising ang dati niyang byenan. Nagpapasalamat siya dahil kahit hiwalay na sila ni Gabriel, nandyan pa rin para sa kaniya ang byenan niyang babae.Napahawak si Claire sa lower abdomen niya. Ramdam niyang wala na talaga ang anak niya dahil lumiit na ang tiyan niya. Pini

  • Forbidden Love With My Ex-husband's Uncle   Kabanata 28.1

    Nang may makakitang staff ng kompanya kay Claire ay itinakbo na siya ng hospital. Marami ng dugo ang dumadaloy sa pagitan ng mga binti ni Claire. Iyak naman na nang iyak si Claire dahil nag-aalala siya para sa anak niya.“Anong nangyari?” tanong ng doctor ng makita nila si Claire.“Nalaglag daw sa hagdan doc.” Sagot ng nurse. Ipinasok naman na sa loob si Claire. Nang malaman ni Elena ang nangyari kay Claire ay nagtungo ito kaagad sa hospital.“Claire Cruz, idinala siya dito kanina lang. Nasaan siya?” tanong niya sa nurse station.“Nasa loob pa ng operating room, ma’am.” Sagot ng nurse. Mabilis namang nagtungo si Elena sa operating room. Naghintay siya sa labas ng OR. Tinawagan niya kaagad ang anak niya pero hindi ito sumasagot sa mga tawag niya.

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status