Share

HIS BRIDE ON TERMS
HIS BRIDE ON TERMS
Author: AIZADUDU

Chapter 1

Author: AIZADUDU
last update Last Updated: 2025-09-16 09:44:39

"Huwag mo akong isipin, Ma. Ayos lang ako. Ang mahalaga ay ikaw. Kailangan mong gumaling." Pilit akong ngumiti, kahit na parang may nagkakamot sa lalamunan ko sa bawat salitang lumalabas. Para siyang kasinungalingang desperadong sinusubukan kong gawing totoo.

"Malaki ang sweldo ko sa bagong trabaho, may naipon na rin ako, at ma-re-resched natin ang chemo mo." Hinawakan ko nang mahigpit ang kamay niya at inayos ang postura ko. Kailangan kong maging malakas. "Gagawin ko ang lahat para lang gumaling ka at maging malakas ulit." Para sa kanya. Para sa akin. Para sa amin.

Bumuntong-hininga siya nang mahina, nanginginig, parang bitbit niya ang pagod ng maraming taon. Nagniningning ang mga mata niya sa ilalim ng ilaw ng ospital, punong-puno ng sakit at pagmamahal. "Hindi mo dapat sinasayang ang buhay mo para sa akin, Barbara... Twenty-three ka pa lang. Dapat ay nasa labas ka, nagsasaya, sumasayaw, nagmamahal, nag-eenjoy sa buhay. Hayaan mo na ako..."

"Ma, hindi. Hindi ako papayag. Hindi ko 'yan gagawin. Kung mawawala ka lang sa akin, ano pa ang silbi ng buhay ko." Inalis ko ang naliligaw na kulot sa basang noo niya at maingat na inilagay sa likod ng tainga. Yumuko ako at hinalikan siya nang marahan, na parang sa halik ko ay mababawasan ang sakit na nararamdaman niya. "Wag kang mag-alala sa kahit ano. Ako na ang bahala sa lahat. Ako ang bahala sa atin. Wala kang dapat ihingi ng tawad."

"K-Kamusta ang papa mo?" Bumaba ang boses niya, sobrang hina kaya muntik ko nang di marinig.

Agad na nagsara ang panga ko, nagkikiskisan ang mga ngipin sa pait na tila hindi kumukupas. Malamang hindi niya ako kayang tingnan sa mata nang tinanong niya 'yon. Ang walang kwenta kong ama ay hindi man lang bumisita kay Mama rito sa hospital simula nang na-diagnose siya. Kahit minsan.

"Hindi ko siya nakita simula nung Sunday," sabi ko, flat at matigas ang mga salita. "At sa totoo lang, sana ay hindi ko na talaga siya makita. Kahit huwag na siyang magpakita pa sa atin. Mas magiging tahimik pa siguro ang buhay natin na wala siya."

Bumuka ang labi niya, siguro para ipagtanggol na naman ang ama ko, tulad ng lagi niyang ginagawa, pero hindi ko 'yon hahayaan. Tumayo ako nang mabilis para putulin ang sasabihin niya. "Aalis na po ako. Kailangan ko nang pumasok sa trabaho. Babalik ako rito mamayang gabi."

"Mag-iingat ka. Salamat sa lahat, anak. Sana ay hindi na lang ako ang naging ina mo. Siguro ay hindi mo nararanasan ang mga bagay na ito."

"Kahit pipiliin pa ako kung sino ang magiging ina ko, ikaw pa rin ang pipiliin ko, Ma," matigas kong sabi, at niyakap niya nang mahigpit na ayaw ko nang bitawan. "I'm your daughter. That's all that matters. That's enough."

Umalis ako bago pa hilahin pababa ng bigat sa dibdib ko. Sa totoo lang, pagod na rin talaga ako, pero hindi ko 'yan puwedeng ipakita kay Mama. Ayaw kong makita niya ako na nahihirapan dahil sa sakit niya.

Nang makalabas na ako sa hospital ay agad akong pumara ng taxi, umupo sa likod, at hinawakan ang bag ko na parang nandoon ang buong buhay ko. And in a way, it was. Dahil sa loob, nandoon ang file.

"The file..." 'Yung file na inihagis ng boss kong si Thorian Mercier sa desk ko kagabi, parang live grenade na may timer.

You’d double-check too if you worked for a man like him. Thorian Mercier was danger wrapped in Dior, cruelty sewn into Hugo. Hindi mo gugustuhin na magalit siya sa'yo.

Siya ang tipo ng lalaki na kapag pumapasok sa isang kuwarto, parang nagshi-shift ang gravity patungo sa kanya, na parang ang universe mismo ay bumabaluktot sa direksyon niya. Malapad ang balikat, may razor-cut jaw, nakasuot ng tailored suits na mas matalas pa sa kutsilyo, at may hazel eyes na parang may kakayahang hiwain ang kaluluwa mo kapag hindi pa nauna ang mga salita niya.

Para sa lahat ng mga babae sa kumpanya, isa siyang pantasya ang definition ng power at desire. Para sa akin? Isa siyang nightmare na nakasuot ng tailored perfection.

Dalawang buwan pa lang akong nagtatrabaho sa ilalim niya, at kumbinsido akong nabubuhay siya sa pagpapahirap sa buhay ko. Mga imposibleng deadlines na ginagawang umaga ang gabi, mga trabahong kayang ilibing nang buhay ang tatlong tao, at mga malamig na tingin na kayang i-freeze ang impyerno. At kahit sa lahat ng pagtatangka niyang sirain ako, hindi niya pa rin ako tinatanggal. Dahil kahit anong ibato niya sa akin, I always deliver. Kailangan ko dahil kahit ganon ang trabaho ko sa kanya ay malaki naman ang natatanggap kong sahod.

Kung aalis ako sa puder ni Sir Thorian ay mahihirapan na akong maghanap ng bagong trabaho. Wala rin sana akong ganitong luxury. Waitress lang ako dati, sapat lang 'yung tips para sa renta, 'yung pambayad sa gamot ni Mama. Ang trabahong ito ang tanging dahilan kung bakit nasa maayos na kama si Mama sa ospital ngayon, imbes na nakahiga lang sa kumot sa sahig ng isang lumang clinic.

Yes, may degree ako. Pero hindi pambayad ng chemo ang degree. Ang mundo, walang pakialam sa potential. Ang pakialam lang nila ay sa cold, hard results.

Huminto ang taxi sa tapat ng mataas na skyscraper na gawa sa bakal at salamin na nakatayo na parang halimaw sa siyudad. Ang building na ngayon ay hindi na parang opisina, kundi parang personal na impyerno. Nagbayad ako sa driver, bumaba, inayos ang strap ng bag ko, at huminga nang malalim.

Showtime. Bagong araw, panibagong stress. Pero kakayanin.

Pagkababa ko pa lang sa office floor, isang manipis na pader lang ang layo mula sa domain ni Sir Thorian, umilaw na ang intercom sa desk ko.

"My office. Now."

Walang greeting. Walang courtesy. Ang boses lang niyang matalim, matigas, at malamig ang bumati sa akin.

"God, give me strength," bulong ko sa sarili ko, at inayos ko ang blusa bago naglakad papunta sa pinto niya.

Kumatok ako. Isa 'yon sa mga pangunahing patakaran niya. Dapat ay kumatok muna.

"Come in."

Binuksan ko ang pinto at pumasok, tumayo nang mas tuwid pa kaysa dati. "Good morning, sir. You called for me?"

Hindi siya agad tumingin. Nang tumingin siya, nag-lock sa akin 'yung matatalim niyang hazel eyes na parang sniper na tumatarget.

"Sit," utos niya, bawat pantig ay puno ng irritation.

Sumunod ako, at umupo sa upuan na nasa tapat ng napakalaki niyang desk. Bumalatay ang katahimikan. Sapat na para lumiit ang espasyo. Sapat na para magsimula akong mabalisa, nanginginig ang mga ugat ko.

At then, without warning, he spoke.

"Marry me."

Nag-flatline ang utak ko. Nagbukas ang bibig ko, pero walang salitang lumabas. Sa huli, nabulunan ako at napasinghap.

"Po?"

"Don't make me repeat myself, Secretary Barbara," sabi niya nang mahinahon, na parang hindi lang niya binago ang buong realidad ko sa tatlong salita.

And just like that, the man who had been my living nightmare, the man who made every day at work feel like a battlefield, said he wanted to make it legal.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • HIS BRIDE ON TERMS   Chapter 4

    Biglang tumunog ang alarm ko at nagising ako, napa-upo mula sa hindi kumportableng posisyon na nakatulog pala ako. Sumakit ang leeg ko, nangalay ang likod, at ang utak ko ay nag-uunahan sa pag-iisip. Sandali akong nakahiga roon, nakatingin sa kisame na may mga bitak.Pumayag ba talaga ako sa deal na ito? Paulit-ulit na umiikot sa isip ko ang tanong na iyon. Tama ba ang naging desisyon ko? Hindi ko ba pagsisisihan itong gagawin ko balang araw?Kinuskos ko ang mga mata at pinilit ang sarili kong umupo. Ginagawa ko ito para kay mama. Gagawin ko ang lahat para sa kanya. Lahat. Kaya ano man ang mangyari sa mga susunod na araw ng pekeng relasyon na papasukin ko ay dapat kong tanggapin.Para akong sleepwalker habang ginagawa ko ang mga routine sa umaga. Mabilis na pagligo, buhok na naka-messy bun lang, light makeup lang, sapat para hindi ako magmukhang umiiyak buong gabi. Isinuot ko ang simpleng puting t-shirt at ash gray na skirt, isa sa iilang disenteng outfits na kaya kong bilhin simula n

  • HIS BRIDE ON TERMS   Chapter 3

    "You won't believe kung anong sinabi niya sa mismong mukha ko. Sinabihan niya akong 'I'd fucking lost my mind' at umalis," I ranted, mahigpit na nakahawak sa baso ko na para bang iyon ang pumipigil sa akin para hindi sumabog.Si Brent, ang gago kong kaibigan, natawa lang, para bang sinabi ko ang pinakanakakatawang joke of the year."Hindi iyon nakakatawa," I growled, kahit na alam ko na medyo oo."Sa ganyang approach, ano bang ine-expect mo, gago?" tanong niya, medyo nagseryoso habang humihigop ng beer. "Ginawa mong living hell ang buhay niya these past few months, tapos out of nowhere you just waltz in and tell her to marry you? At akala mo... ano? Sasabihin niyang yes, papakasalan ka niya? Na para bang ikaw si Prince Charming niya o ano? You're fucking delusional, pare."Nanahimik ako, pero hindi ako nakipagtalo. May dahilan kung bakit si Brent ang best friend ko: hindi siya nagsugarcoat ng shit. Never. Pero hindi iyon madaling lunukin kapag dinidiretso niya sa lalamunan mo ang kato

  • HIS BRIDE ON TERMS   Chapter 2

    Para akong nag-short circuit."S-Sir... pakiulit nga?" Kumurap ako at tinulak pataas ang oversized kong salamin. Gutay-gutay na ito at naka-angkla na lang sa isang thread, parang ang composure ko. Sinundan niya ng tingin ang kilos ko, puno ng pamilyar na casual na pangmamata. Siyempre."Narinig mo ang sinabi ko. Hindi ko na uulitin pa," sabi niya, as cool at casual na parang nagtanong lang siya kung pwedeng ilipat ang meeting, hindi mag-propose ng kasal sa babaeng tinuring niya lang na parang corporate lint sa loob ng dalawang buwan. May mainit at matinding galit na umapoy sa loob ko."Sir, ano na naman ba itong bagong psychological warfare tactic mo?" Pinagkrus ko ang mga braso ko. "Kasi hindi pa sapat 'yung emotional labor na ginawa mo sa akin?""Marry me and I...""No." Ang boses ko ay matalas at buo, humati sa katahimikan ng kwarto.Kumukurap siya ng dahan-dahan. Sa isang saglit, may nakita ako sa mukha niya na hindi ko in-expect. Surprise. Para bang hindi pumasok sa isip niya ang

  • HIS BRIDE ON TERMS   Chapter 1

    "Huwag mo akong isipin, Ma. Ayos lang ako. Ang mahalaga ay ikaw. Kailangan mong gumaling." Pilit akong ngumiti, kahit na parang may nagkakamot sa lalamunan ko sa bawat salitang lumalabas. Para siyang kasinungalingang desperadong sinusubukan kong gawing totoo."Malaki ang sweldo ko sa bagong trabaho, may naipon na rin ako, at ma-re-resched natin ang chemo mo." Hinawakan ko nang mahigpit ang kamay niya at inayos ang postura ko. Kailangan kong maging malakas. "Gagawin ko ang lahat para lang gumaling ka at maging malakas ulit." Para sa kanya. Para sa akin. Para sa amin.Bumuntong-hininga siya nang mahina, nanginginig, parang bitbit niya ang pagod ng maraming taon. Nagniningning ang mga mata niya sa ilalim ng ilaw ng ospital, punong-puno ng sakit at pagmamahal. "Hindi mo dapat sinasayang ang buhay mo para sa akin, Barbara... Twenty-three ka pa lang. Dapat ay nasa labas ka, nagsasaya, sumasayaw, nagmamahal, nag-eenjoy sa buhay. Hayaan mo na ako...""Ma, hindi. Hindi ako papayag. Hindi ko 'y

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status