เข้าสู่ระบบTinitigan siya ng abogado, may alinlangan.
“Sigurado ka ba, Miss Philip? Once you sign, the document becomes legally binding.”Tumango siya, kahit hindi makita ang mga matang nanlilimahid sa luha.
“Yes. Gusto kong maging matatag… gaya ng itinuro nila sa akin.”At sa mismong sandaling iyon, inilapit ng abogado ang dokumento sa kanya.
Hinawakan ni Lorie ang pluma, pinirmahan ang papel hindi alam na iyon ang pirma ng kanyang kapahamakan.Sa gilid ng chapel, nanatiling nakamasid si Pia, nakangiti.
“Good girl,” bulong niya sa sarili. Habang si Jason, nakapamaywang, halos hindi maitago ang tagumpay sa mukha. “Soon,” sabi ni Pia, may malamig na ngiti, “magiging Curry ang lahat ng mga ari-arian ng mga Philip.” “At ako,” sagot ni Jason, “ang magiging tagapagmana ng lahat.”Ngunit hindi nila alam may mga matang nagmamasid sa dilim.
Sa malayong bahagi ng kapilya, nakatayo si Franco, dating tauhan ng ama ni Lorie.
Ang kanyang mga kamao’y nakasuntok, ang panga’y nakatensyon.Tahimik niyang pinanood si Lorie habang pumipirma.
Habang ang bulag na dalaga ay hinahatulan ng sarili niyang kabutihan, bumulong siya sa sarili:“Hindi mo alam, Miss Lorie… pero nilulubog ka nila sa kumunoy ng kasinungalingan. Pero hangga’t may hininga ako hindi ko hahayaang manalo ang mga demonyong ‘yon.”
At sa paglagda ni Lorie sa dokumento,
ang mga kampana ng simbahan ay tumunog tila paalala ng kasinungalingang nakabalot sa banal na lugar.Habang bumababa ang araw sa labas,
ang kadiliman ay dahan-dahang sumasakop sa kapilya… at sa puso ng isang babaeng hindi pa alam na siya ang magiging biktima ng isang kasal na itinahi ng kasakiman.Madilim ang langit ng Manila nang araw ng libing ng mga Philip.
Ang burol ay ginanap sa pribadong memorial park sa itaas ng burol ng Busay, kung saan tanaw ang buong lungsod. Sa gitna ng puting tolda, nakatayo si Lorie Philip, nakaitim na bestida, basang-basa ng ulan, at walang tigil sa pag-iyak. Sa kanyang harapan, dalawang kabaong — isa para kay Franco Philip, ang tinitingalang negosyante ng Philip Holdings at Philip Empire, at isa para kay Jane Philip, ang babaeng tinaguriang “reyna ng kabutihan” ng industriya.“Miss Philip… nakikiramay po kami.”
Ang tinig ay nagmula sa isang lalaking empleyado ng kompanya ng kanyang ama. Nakayuko ito, hawak pa ang payong, habang nanginginig ang boses. “Mabait sa amin si Sir Franco. Wala kaming masabi kundi puro kabutihan.”Napatango si Lorie, halos hindi makapagsalita. “Salamat… sa lahat,” mahinang tugon niya, habang pinupunasan ang mga matang namamaga na sa pag-iyak.
Isa-isa ring lumapit ang mga board members at shareholders ng Philip Holdings at Philip Empire. Lahat ay may bitbit na mga bulaklak at mga pangakong tila may kapalit.
“Iha,” sabi ng isa, isang matandang lalaking naka-itim na barong, “I’m so sorry for your loss. If you need anything, please, we’re always right here. Here’s my card. Don’t hesitate to call.” “Thank you po… thank you so much,” naiiyak na sambit ni Lorie, pilit na pinipigilan ang hikbi.Ngunit sa likod ng mga awtoridad ng negosyo, may isang presensiyang mas nangingibabaw.
Amor Curry, matalik na kaibigan ng yumaong Franco at ngayon, ang lalaking may titulong godfather ni Lorie. Nakatayo siya sa lilim ng payong, suot ang itim na coat, at may awra ng kapangyarihan at lamig sa mga mata.Lumapit ito, at marahang hinaplos ang balikat ni Lorie.
“No worries, anak,” sabi niya, malumanay ngunit may bahid ng kontrol ang tinig. “Lorie is under our care now. Bilang ninong at pinakamalapit na kaibigan ng iyong ama, wala kang dapat ikabahala. Tuturingin kitang parang sarili kong anak.”“Salamat po, Ninong Amor…” pabulong na sabi ni Lorie, bahagyang yumuko.
Ngunit sa sandaling iyon, habang nakatingin si Amor sa kabaong ng kanyang mga magulang, hindi napansin ng mg tao ang bahagyang ngiti sa sulok ng mga labi ni Amor.
Habang sumasabay sa ugong ng kulog, may boses na halos pabulong na lumabas sa kanyang bibig.“Rest in peace, pre… your daughter, your money, and your company will be taken care of… by me.”
Sa likod ng kanyang mga mata, may apoy ng kasakiman. Alam niyang sa sandaling mailibing ang mag-asawa, magsisimula ang tunay na laro ng kapangyarihan at si Lorie, ang dalagang walang muwang, ang magiging pinakamagandang pain.
Habang bumababa ang dalawang kabaong, sabay ding bumuhos ang mas malakas na ulan. “Mommy… Daddy…” nanginginig na tinig ni Lorie, halos hindi marinig sa ingay ng ulan at iyak ng mga tao. Lumuhod siya sa putik, hindi alintana ang lamig. “Why do you have to leave me? I can’t accept that you’re both gone!” Hinawakan niya ang gilid ng kabaong bago ito tuluyang tabunan ng lupa. “Mom, Dad… I love you so much. Please, don’t leave me! Huwag n’yo akong iwan!”Ang sigaw niya ay parang humati sa kalangitan.
Niyakap siya ng isang babaeng bisita, ngunit itinulak niya ito nang maramdaman niyang hindi iyon ang yakap na kailangan niya. Ang yakap ng magulang ay walang kapalit. Si Jason, tahimik ngunit halatang apektado. Pinagmamasdan niya si Lorie, at sa bawat patak ng ulan sa mukha nito ay tila may kumikirot sa puso niya kahit papano may konti siyang kunsensiya di tulad ng kanyang ama na si Amor Curry. “Hindi ko kayang makita siyang ganyan,” mahina niyang sabi sa kanyang ama. Ngunit si Amor ay seryoso. “Anak, tandaan mo ang plano. Sa ngayon, kailangan niyang maramdaman na tayo lang ang natitirang pamilya niya.”Tumingin si Jason sa ama, nagdadalawang-isip. “Plano? Hindi ito laro, Dad. Tao si Lorie.”
Ngumiti si Amor, malamig. “Tao, oo. Pero siya rin ang susi. At ikaw, Jason… ikaw ang magiging tulay para makuha natin ang Philip Holdings at Philip Empire. Gamitin mo ang utak at puso mo kung kinakailangan.”
Nang matapos ang seremonya, halos lahat ng tao ay umalis na, maliban kay Lorie. Nananatili pa rin siya sa tabi ng puntod, basang-basa ng ulan, at nanginginig.Lumapit si Jason, dahan-dahan.
“Lorie…” mahina niyang sabi, at marahang tinakpan ng payong ang ulo nito. “Wala ka nang dapat patunayan. Tara na, baka magkasakit ka.”Ngumiti si Necy, isang ngiting mapanganib.Dahan-dahan nitong hinaplos ang dibdib ni Jason, marahang pinaikot ang daliri sa balat nito na parang nanunukso.“Sigurado ka ba diyan, Jason?” aniya, mahinang tinig pero may lason. “Baka pag dumating ang oras na ‘yon… hindi mo na siya kayang iwan. Baka matutunan mong mahalin ang babae na dapat mo lang gamitin.”Mariin ang tingin ni Jason, ngunit sa likod ng kanyang mga mata ay may piraso ng pag-aalinlangan.Ngumisi siya, pilit. “Alam mo namang ikaw lang ang mahal ko, Necy.”Hinawakan niya ang baba nito, at sa isang iglap ay naglapat ang kanilang mga labi—mapusok, marahas, puno ng lihim na kasinungalingan.Sa kabilang silid, si Lorie ay nakahiga pa rin sa dilim.Ang mga luha ay patuloy na dumadaloy sa mga mata niyang hindi na nakakakita.Ang bawat hikbi niya ay parang kaluskos na ayaw pakinggan ng sinuman.Ni hindi niya alam, sa kabila
Huminga nang malalim si Jason. Sa sandaling iyon, parang gusto niyang tumakbo palayo, ngunit imbes ay hinaplos niya ang pisngi ni Necy.“Hindi ako nagsisisi,” aniya. “Pero kung sakaling mabuko tayo… alam mong lahat tayo, luluhod.”Ngumiti si Necy isang ngising demonyo sa balat ng isang anghel.“Hindi tayo mabubuko,” bulong niya. “Si Lorie? Masyadong mabait. Masyadong bulag sa literal at sa emosyon. Kaya mo siyang paikutin kahit kailan mo gusto.”Bago pa makasagot si Jason, biglang hinalikan siya ni Necy mariin, mapusok, parang lason.Ang bawat halik ay sumpa, bawat haplos ay paalala ng kasalanan.Ang kamay ni Necy ay gumapang sa kanyang dibdib, habang ang sigarilyo ay nahulog sa sahig nagliyab ng munting apoy, tulad ng apoy ng kanilang pagkasala.“Necy…” bulong ni Jason, halos mawalan ng boses.“Hmm?” sagot ni Necy, habol-hininga.“Kung malaman ni Lorie ‘to…”“Then let her,” sabi ni Necy, malamig. “Let her break. Let her feel what it’s like to be blind not just by eyes but by lov
Lumingon si Amor, hindi makapaniwala sa narinig.“So you’re both gambling the company’s future for a woman?”Matigas ang kanyang tinig, punô ng pagkadismaya.“Fine, Jason. Pero tandaan mo ‘to — once this plan fails, mawawala sa’yo lahat. Hindi lang ang mana mo, pati ang respeto ko.”Napayuko si Jason, ngunit sa ilalim ng kanyang ngiti ay may bahid ng pagmamataas.“Yes, Dad. Pero hindi ako papalpak. Trust me — I know how to play her.”Samantala, sa sala, patuloy ang mabait na usapan nina Lorie at Necy.“Ang bait mo naman, Necy,” ngiti ni Lorie, habang maingat na humihigop ng gatas na inihanda ng bagong caregiver.“Para kitang kapatid. Salamat ha, kasi kahit di mo ako kilala, inaalagaan mo ako.”Ngumiti si Necy, sabay haplos sa balikat ng dalaga.“Don’t mention it, Miss Lorie. You’re too kind. Minsan nga, naiisip ko… sayang, ang dami pa sanang matututunan sa’yo.”“Sayang?” tanong ni Lorie, inosenteng nakangiti.“Bakit mo naman nasabi ‘yan?”Umiling si Necy, ngiting mapait. “Wala, naisip
Ngunit umiling si Lorie, kahit bulag ito. Ang mga mata nito ay puno ng lungkot at pagkalito.“Jason… bakit lahat sila bigla na lang nawala?”Napasinghap ito, hinaplos ang pisngi ng dalaga. “Minsan, hindi natin alam kung bakit nangyayari ang mga ganito. Pero gusto kong malaman mo, nandito ako. Hindi ka nag-iisa.”“Salamat andiyan kayo lagi di ko ito makakayan mag-isa pinagsukluban ako ng langit at ngayon bulag na ako kahit sa huling sandali hindi ko pa makita mga magulang ko..Salamat hindi kayo umaalis sa paligid ko.”Ngunit bago pa siya makasagot, dumating si Amor.“Jason,” malamig na tawag ng ama, “oras na para umalis.”Tumayo si Lorie, bahagyang yumuko. “Salamat sa pagpunta ninyo, Ninong.”Ngumiti si Amor, ngunit malamig. “Huwag mo na kaming pasalamatan, anak. Simula ngayon, ako na ang tutulong sa’yo. Kami na ang pamilya mo.”At sa kanyang mga mata, kumislap ang isang lihim na hindi pa alam ni Lorie lihim na mag-uugnay sa pagkamatay ng kanyang mga magulang, sa yaman ng Philip, at
Tinitigan siya ng abogado, may alinlangan.“Sigurado ka ba, Miss Philip? Once you sign, the document becomes legally binding.”Tumango siya, kahit hindi makita ang mga matang nanlilimahid sa luha.“Yes. Gusto kong maging matatag… gaya ng itinuro nila sa akin.”At sa mismong sandaling iyon, inilapit ng abogado ang dokumento sa kanya.Hinawakan ni Lorie ang pluma, pinirmahan ang papel hindi alam na iyon ang pirma ng kanyang kapahamakan.Sa gilid ng chapel, nanatiling nakamasid si Pia, nakangiti.“Good girl,” bulong niya sa sarili.Habang si Jason, nakapamaywang, halos hindi maitago ang tagumpay sa mukha.“Soon,” sabi ni Pia, may malamig na ngiti, “magiging Curry ang lahat ng mga ari-arian ng mga Philip.”“At ako,” sagot ni Jason, “ang magiging tagapagmana ng lahat.”Ngunit hindi nila alam may mga matang nagmamasid sa dilim.Sa malayong bahagi ng kapilya, nakatayo si Franco, dating tauhan ng ama ni Lorie.Ang kanyang mga kamao’y nakasuntok, ang panga’y nakatensyon.Tahimik niyang pinan
Ilang oras ang lumipas.Tahimik na nakaupo si Jason sa gilid ng kama ni Lorie, marahang pinupunasan ang gilid ng labi nito matapos kumain.“Mom,” mahinang sabi niya, hindi tumitingin. “About the papers... kailan natin ipapakita sa kanya?”Nakasandal si Pia sa pader, mga braso’y nakatawid, malamig ang tinig.“Soon. Kapag medyo nakabawi na siya. Sa ngayon, we make her feel safe. Gusto kong umasa siya na kami ang pamilya niya.”Tumango si Jason, seryoso ang mukha.“Gagawin ko. Hindi ako titigil hangga’t hawak ko na siya sa palad ko.”Ngumisi si Pia, marahang lumapit at hinawakan ang pisngi ng anak.“Good. Remember, anak pag napaibig at nakuha mo si Lorie,makukuha natin ang lahat ng naiwan ng Philip. She’s the key.”Ngumiti si Jason, puno ng kumpiyansa.“The key... and soon, she’ll open every door I need.”Kinagabihan.Tahimik ang bar sa downtown. Sa madilim na sulok, naroon si Jason kasama ang isang babaeng may mapusok na ganda — si Necy, ang babaeng tunay niyang minamahal.“Jason,” mar







