Share

Wooing

Hindi napigilan ni Jarred ang pagtulo ng luha dahil sa sobrang sakit na nadarama habang nagmamaneho at hindi alam kung saan siya pupunta. Sobra siyang nasasaktan sa mga sinabi ni Jasmine, sa naging disisyon nito sa relasyon nila.

Dala ba ng pagbubuntis nito kaya ganito ito? Kung dala iyon ng pagbubuntis nito, kailangan niyang intindihin ang fiance. Huminga siya ng malalim at pinahid ang luha na dumaloy sa kaniyang pisngi.

Hindi dapat siya maging mahina! Dapat maging matatag siya para sa kaniyang magiging pamilya. Dalawang linggo lang naman ang hinihingi ni Jasmine. Siguro makakaya niya iyon para na rin sa ikapapanatag ng loob ng kasintahan.

Naisip niya si Sean, baka sakaling mapayuhan siya nito sa pinagdadaanan niya. Huminto siya sa gilid ng kalsada at kinuha ang cellphone sa bulsa. Idinial niya ang numero nito, ilang ring ang lumipas hanggang sa sagutin nito ang tawag.

"Dude! May problema ba kaya ka napatawag?" tanong nito. Napangiti siya. Kilalang-kilala talaga siya nito. Alam t
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status