Share

Kabanata 28

Hindi ko nakalimutan ang mukha niyang iyon hanggang sa pagtulog ko. Katabi ko ang anak ko at mahimbing na itong natutulog ngunit gising pa rin ako at kung saan-saan umabot ang utak ko sa kakaisip. Kung anu-anong katanungan ang nabubuo sa utak ko. Minsan paulit-ulit akong napapatanong kung totoo ba talaga iyong nakita ko o namamalikmata lang ako?

Napalunok ako at umayos ng pagkakahiga. Sinikap kong makatulog dahil maaga pa akong magbubukas ng tindahan bukas at bukas ko rin tatapusin ang trabaho na pinapagawa ni Auntie.

Kinabukasan ay abala na ulit ako sa daily routine ko. Medyo inaantok pa dahil kulang sa tulog. Maayos kong inihelira ang mga halaman. Natanaw ko ang anak kong hinahawakan ang tutubi na dumapo sa isa sa halaman ko. Hinayaan ko na lang din siya ang importante ay safety ang kinaroroonan niya ngayon. Ilang saglit ay napansin ko ang tatlong sasakyan na pumarada sa labas ng pwesto ko. Pamilyar ang mga iyon. Agad kong iniwan ang trabaho upang agad puntahan ang entrada. Nagbaba
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status