تسجيل الدخولLumipas na ang isang oras at ganoon pa rin sila. Todo pilit si Isabella, habang ang isa naman ay todo tanggi. Halos lahat na ng pwedeng i-offer sa kanya ng babae ay nasabi na, kaso niyayabangan lang sya ni Riel, at sinasabing kaya naman nito triplehin ang offer.Ilang beses ng tinanggihan pero mukhang wala talagang plano na magpatalo si Isabella. Siguro, para sa kanya, tanging si Riel ang makakagawa ng gusto nitong mangyari.Hindi ko lang talaga ma-gets dahil ilang beses ng ipinaliwanag ni Riel na hindi nito kayang pumatay at lalong hindi nya kayang mag-utos na pumatay ng tao, pero itong si Isabella, nagpupumilit pa rin.Imbes na mainis ako, mas naaawa pa ako sa kanya."Why are you so eager for that to happen?" si Riel.Mukhang naubusan na ata ng pasensya ang isang 'to. Tiningnan ko si Isabella at nakitang tumahimik ito. Ang kaninang napabitaw kong kamay kay Riel ay muling napakapit sa kanya.Hindi ko alam pero mas lalo akong naawa sa itsura ni Isabella sa pagtahimik nya ngayon. Nakat
Para kasing sobrang natural lang sa kanila. Para bang matagal na silang magkakilala tapos ito ang paraan nila para insultuhin ang isa't isa, pero dahil sanay sila, hindi nila bini-big deal lahat.Sa tingin ko pa lang sa kanila, masasabi ko talagang malapit sila sa isa't isa, pero hindi 'yung tipo na ikababahala ko.There was no tension, no underlying history that made the air heavy.Just... familiarity.Pumasok na kami sa loob makalipas ang ilang minutong pananatili sa labas. Kung hindi pa nagpumilit si Isabella ay wala atang plano ang halimaw na papasukin ito dito.Riel sat beside me, his presence so steady, so controlled, like nothing could shake him. But I was definitely rattled. I couldn't help but feel like I was a part of some strange play I didn't audition for.Nasa harapan namin si Isabella, at ang lamesa ni Riel dito ang tanging pumapagitna sa aming tatlo."They really need to vanish. As in vanish. Ayaw ko nang makarinig pa ng kahit ano tungkol sa kanila."Isabella started sp
Sumasabay sya amin sa paglalakad. Magkatabi kami ni Riel, magkahawak-kamay pa rin. Si Aira naman ay nasa gilid lang din ni Riel. May sinasabi sya kay Riel tungkol sa trabaho ni mokong, na halos lahat ay hindi ko maintindihan.I tuned most of it out, only catching bits and pieces. Something about land acquisition and a school project. Apparently, Riel had her overseeing a property for development.So, ganito pala ang mundo ng isang ito? Properties over properties. Tunog expensive, oo. Hindi maka-relate ang tulad kong kung hindi lang nya naging asawa for convenience ay baka naging palaboy na sa kung saan-saan.Tumigil kami sa harap ng pintuan ng office ni Riel. Nagpasalamat na rin sya kay Aira dahil sa binigay nitong report. Bubuksan na sana ni Riel ang kanyang pintuan nang marespeto syang pigilan ni Aira."Sir," she began, her tone measured, "There's someone waiting for you... inside."Tumingin pa 'yan sya sa akin saglit bago tuluyang tapusin ang sasabihin. Kung ako ay parang wala lang
"Ano?" he teased, throwing me a smirk before focusing back on the road. "Wala ka namang matinong dahilan, 'di ba?"Sabi ko nga, dapat nakontento na ako sa nonchalant nyang reaksyon kanina. Tss. Iba pala ang dating ng pang-aasar nya kapag naka-translate na sa Tagalog. Nakakapikon."Hmph." I crossed my arms and turned to the window, pretending I wasn't sulking."Ano ba talaga?" he asked, voice laced with amusement.I huffed. "Wala lang. Gusto ko lang makita kung may chismis din sa opisina mo tungkol sa'kin. Baka kasi may kumakalat doon na kinasal tayo dahil ginayuma kita."Tumawa sya. Gets ko naman kasi nakakatawa na pinagsasabi ko."Hindi nga ba?"Aba!Nilingon ko sya para tapunan ng napakasamang tingin."Swerte mo, ha. Ang ganda ko kasing witch!""Right," at sumang-ayon pa! "Maybe this is the perfect chance for everyone in my company to meet their real boss."I froze. Literal na natigilan ako."Boss? Boss saan?"Kunot ang noo kong nagtanong sa kanya, kahit may ideya na ako kung ano an
Mag-aalas dos na ng umaga pero ito pa rin ako. Gising na gising ang diwa. Sa kisame ang tingin ko, pilit hinahanap ang tuluyan nang naligaw at ayaw magpahanap kong antok.Gumalaw ako para mag-iba ng posisyon, pero natigilan ako nang paglingon ko sa katabi ay naabutan ko syang gising na gising din."Gising ka pala?"Hindi sya sumagot. Instead, nakatitig lang sya sa akin. Akala ko nananaginip ng gising kasi talagang hindi kumukurap ang mokong. Pero nang winagayway ko naman ang kamay ko sa harap nya ay napakurap sya."Kanina ka pa gising?"No answer again.Tatalikuran ko na sana sya ngunit hinuli nya ang aking siko, dahilan ng pagbaling ko sa kanya ulit.Without saying a word, he gently moved closer and wrapped me in a warm embrace."You okay?" I asked, my voice barely above a whisper.Hindi ulit sya sumagot. Binaon na lang nya ang kanyang mukha sa aking leeg. Ako nama'y mas lalong nagising ang diwa dahil sa kakaibang kinikilos nya.I wasn't not used to him being like this. It's just...
Kunware akong galit na suminghap, kahit ang totoo niyan ay huminga lang ako ng matiwasay. Hindi ko na matandaan ang huling pagkakailang ko sa kanya, pero oo, ngayon ay naiilang ako."Of course you don't. But I was mad at you-""For what?" he cut in smoothly.Nandoon pa rin ang nanunuya nyang boses, pero ramdam pa rin ang nakapaloob doong kuryosidad."For..." I opened my mouth, but nothing came out.Right. What exactly was I mad about again?"See?" ngumisi sya ulit, tila nagtagumpay sa kung anong gustong kamitin. "No fight happened. Just you being jealous of nothing."Marahas akong napalingon sa kanya. Gusto ko syang supalpalin pero mas pinili kong ikutan sya ng mata. Bago pa ako makapagtaray ng lubusan ay tumayo na sya ng tuwid.Naguguluhan pa ako nang bigla syang nag-inat out of nowhere. Iyon naman pala ay nag-ipon ng lakas para walang paalam akong buhatin papunta sa kanyang balikat, na parang sako ng bigas."Riel!" impit kong tili.Paano, e, pinalo pa ako sa puwet habang tumatawang
Ang ganda mo… Natigilan ako sa huling sinabi niya. Medyo napaawang ang labi ko dahil hindi ko inaasahan ang ganoong klaseng banat sa unang araw ko pa lang. Sanay naman ako sa mga biro nina Mia, pati na ’yung mga banat sa akin ng mga kaklase naming lalaki at ng iba pang lalaki sa campus, pero iba k
Lunes. Alas-sais pa lang ng umaga ay gising na ako. Hindi ko alam kung dahil ba ito sa kaba o sa sobrang excitement, pero kahit puyat ako kagabi ay maaga akong bumangon para maghanda. Pinili ko ang pinaka-presentableng outfit na mayroon ako, isang beige na slacks at itim na turtleneck. "O, umino
Inisip ko pa kung dapat ko bang bawiin ang email. Halos limang minuto akong nakatitig sa screen ng laptop ko, hinihintay kung matagumpay maise-send iyon o magkakaroon ng error. Pero nang lumitaw ang notification na pumasok na ito sa outbox ko, isinara ko na ang laptop. Bahala na. Kung hindi siya ma
Nakasandal lang ako sa bintana ng bus habang pinapanood ang mabilis na pagdaan ng mga sasakyan sa EDSA. Hawak ko ang cellphone ko, binubuksan ang contacts, tinititigan ang pangalan niya, tapos papatayin ko rin ang screen sa huli. Paulit-ulit. Para akong timang.Ano bang dapat kong i-text sa kaniya?







